This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo Usapang Turismo Kasama Si Leni

    Q&A with Vice President Leni Robredo
    Usapang Turismo Kasama Si Leni

    [START 00:00]

    DONDI OCAMPO: VP, Maraming salamat. Parang napakasarap makipagkwentuhan sa inyo. puwede ho bang isang araw ‘yung sa turismo po?

    VP LENI: [laughs]

    DONDI OCAMPO: [laughs] Pero nabubuhayan po ‘yung loob namin na kitang-kita namin na kilalang-kilala niyo somehow ‘yung industriya, na dahil siguro sa pagtakbo niyo sa Odette, nadalaw niyo ‘yung mga destination. Ako po, bilang ano lang, pagpapakilala, travel agency owner po ako. Tapos, meron din po kaming specific na parang ramdam namin eh kung ano ‘yung nawala din po sa’min sa negosyo. Pero iintroduce ko na po ‘tong mga speakers, ang mga questions natin, pero sana madaplisan po natin ‘yung mga iba pang sektor. Na-encompass niyo po lahat. Napakaganda, VP. Gustung-gusto namin na alam niyo ‘yung mga safety and all, ‘yung pag-aalaga ng mga ibebenta namin, ‘yung pagpapaunlad ng serbisyo.

    Ihahanda ko na po si Ma’am Lourdes Sultan. Baka nakilala niyo po ito kasi sa Bohol kayo unang tumakbo after Odette. Taga-Bohol po si Ma’am. Isa siya sa owners ng mga boat, floating restaurant operators doon. Kasama po siya sa SMC practitioners sa Bohol. Travel agency operator din po siya. Travel agency owner po si Ma’am Sultan. Siya po ‘yung takbuhan namin ‘pag may pangangailangan kami. Ma’am Lourdes, ano po ‘yung itatanong natin kay VP? Samantalahin po natin kasi napakaganda noong background na binigay niya. Marami tayong maaasahan.

    LOURDES SULTAN: Magandang tanghali po, VP Leni.

    VP LENI: Magandang tanghali, Ma’am.

    LOURDES SULTAN: This is a great pleasure na mapasama dito sa balitaktakang ito. While two years in the pandemic and severely battered by Typhoon Odette, among the many other tourism destinations and institution, Bohol can be a microcosm of a situation of the need for an institutionalized, institutionalized crisis management plan for the tourism sector. Are there any plans that we can lay down, including the preparatory, during crisis and post-crisis that is in the long term? And on the short term, how can we speed up recovery? We are– what are your complete plans to support the people in the tourism industry, which is one of the hardest hit by the pandemic in the light of being labeled as “non-essential”, yet providing for 2% of total employment in the country, making it one of our main economic driver? Actually, I heard, I was happy, kumbaga, natutuwa akong narinig from Senator Bam kanina na amongst… There was a time that tourism was recognized as among the three major economic drivers of the country. Maraming salamat po.

    VP LENI: Ako, ma’am, number one, hindi ako naniniwalang non-essential ‘yung tourism. Hindi ako naniniwalang non-essential ‘yung tourism kasi, lalo na sa context ng Pilipinas. Sa context ng Pilipinas, hindi non-essential ‘yung tourism kasi ang daming communities na dependent on it. So hindi, hindi dapat siya tiniti– parang depende kasi siya sa lens na tinitingnan.

    Siguro– siguro ano siya, non-essential siya as kung ang lens na titingnan mo doon lang sa mga nagbabakasyon. Pero doon sa industries na tinutulungan nito, essential siya. Alam natin na noong nahinto ‘yung lahat ng mga flights, ‘yung– ‘yung nagkaroon ng mga lockdowns, ilang buhay ba ‘yung huminto? Ilang buhay ‘yung huminto dahil nawalan ng, nawalan ng pang araw-araw na kita? And I’m not even talking about hotel owners, I’m not talking about siguro mga travel agencies. Kasi karamihan sa mga hotel owners, meron pa siyang pangtustos. Ang gusto ko sabihin, kahit grabe ‘yung epekto sa kaniya, mabubuhay pa siya.

    Pero ‘yung a lot of, halimbawa, sa– sa Bohol, ‘yung mga boat man, ‘di ba? ‘Yung mga tour guides, ‘yung mga drivers, ‘yung mga nagtitinda ng mga pagkain, na– na araw-araw, parang ‘yung kinikita nila sa isang araw ‘yun din ‘yung pinapangkain nila sa isang araw, grabe ‘yun.

    So, so ‘yung dini-discuss ko, Ma’am, kanina na wage subsidy, ‘yung dini-discuss kong unemployment insurance, ako, institutionalized sana ‘yun. ‘Yung tinutulungan noon, hindi lang ‘yung makaka-receive ng unemployment insurance, pero ‘yung tinutulungan din noon, pati ‘yung mga, pati ‘yung mga business owners, na alam natin na ‘yung mga business owners, kahit walang-wala na sila, sinuswelduhan pa din nila karamihan nilang mga tao just to make them live. So, so para sa’kin ‘yun ‘yung number one. T’as ‘yung number two na na-mention ko din kanina, ‘yung tulong sa mga maliliit. Tulong sa mga maliliit, saka siguro kahit sa mga malalaki na bigyan ng access, bigyan ng mas ma–easy access sa tulong.

    Halimbawa, ‘yung kinekwento ko, Ma’am, kanina na ‘yung proposal ko 100 billion na stimulus package for MSMEs, ang laking tulong noon sa tourism industry kasi alam natin na sa mga, lalo na sa mga localities na nandoon, yung mga– halimbawa, let’s talk about Bohol. Halimbawa, sa Panglao. Let’s talk about Siargao. Let’s talk about Palawan. Ang daming mga maliliit na negosyo na nakabase siya sa turismo. And ‘pag tinulungan sila, binigyan sila ng stimulus package, ano kasi ito eh, ‘yung– ‘yung effect niya hindi lang doon sa tinulungan, pero ‘yung effect niya, ‘di ba, ang daming makikinabang because of that.

    Pero having said that, ‘yung una mo, Ma’am, na part– ‘yung unang part ng tanong, ako, agree ako with you na ‘yung isang crisis management team should be institutionalized, and in fact, it should be embedded in the entire tourism plan. Hindi lang ‘yung parang ‘pag nagkaroon ng krisis bubuhayin natin siya. Pero mas– ano ‘to eh, mas dapat mas forward-looking, na ‘pag nagkaroon ng krisis, anong gagawin natin? ‘Yun, Ma’am ‘yung– ‘yun ‘yung general, pero ‘yung specifics noon, tingnan natin.

    Halimbawa, Bohol. Twice na po ako bumalik sa Bohol. I was there the day after the typhoon, noong December 17, and I went back December 28. ‘Yung– ‘yung pakikipag-usap ko po sa maraming mga, mga iba-ibang grupo doon, even in Tagbilaran, hindi pa hundred percent energized, ‘di ba? Tagbilaran, ay, ano na ‘yun, ano ‘to, oo, Tagbilaran na ‘yun. How much more ‘yung mas mga malalayong lugar? And, and syempre ‘yung tourism nasa peripheries pa rin kadalasan eh. Nasa peripheries kadalasan.

    ‘Pag– ‘pag tinignan mo bakit ma– bakit mabagal ‘yung pag-energize, maraming dahilan. Ang isang dahilan kasi kahit binuhay na noong national grid ‘yung kuryente, ‘yung mga dadaluyan niya ay hindi pa maayos, ‘yung mga poste ay tumba pa, ‘yung mga– ‘yung mga dadaluyan ng mga wires ay hindi pa maayos, so delikado pang buksan ‘yung kuryente. So I think I– I mentioned this already, Ma’am, earlier, na bakit hindi natin tingnan? Although marami nitong nagsasabi na imposible natin ‘to magagawa because it is very costly. Pero sinasabi ko na, bakit hindi na natin tingnan ‘yung underground, underground cable para sa electricity? Totoong very costly siya, pero hindi ba, baka in the long run mas mura pa siya? Baka in the long run mas mura pa siya kasi ‘yung– ‘yung ginagastos natin, which is every time may typhoon, grabe.

    Halimbawa, kami, Ma’am, sa Bicol ako. Sa Bicol, there is not a year that passes na wala kaming strong typhoon. So parang year in and year out, ito na ‘yung, ito na ‘yung ano ‘to, pinoproblema natin. Halimbawa, ‘yung problema sa tubig. ‘Di ba–

    LOURDES SULTAN: Kabit kabit ‘yun.

    VP LENI: Oo, marami, Ma’am, mga lugar na, pati sa inyo. Pagbalik ko noong 28, nagulat ako, Ma’am, kasi ‘yung mga dinaanan kong mga lugar, grabe pa din ‘yung pila sa gasolinahan. Grabe pa yung pila sa bilihan ng…

    LOURDES SULTAN: Tubig.

    VP LENI: Oo, tubig. So– so, sa’kin lang, baka wake-up call sa’tin itong Odette. Baka wake-up call sa’tin ‘yung Odette, na ‘pag gumagawa tayo ng mga local tourism plans, kahit national, ‘yung national na– na tourism policy natin, na framework, lagi nang taking into consideration ano ang mangyayari ‘pag may– ‘pag may sakuna. Kasi, ngayon kasi, mas reactive tayo eh. Mas reactive tayo and ano talaga siya, dahil mas reactive tayo, maraming mga– maraming mga problema ang out of our reach, ‘di ba.

    Halimbawa, Ma’am, sa Bohol. Pagpunta ko sa Bohol, kausap ko ‘yung ibang mga local officials. Ang sinasabi nila ngayon na lang nga, na parang nag-uumpisa sana muli. Nag-uumpisa sana muli ‘yung– ‘yung tourism tapos nangyari pa ito.

    LOURDES SULTAN: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Ang– ang sa’kin, pag-aralan dapat ng crisis management, parang ‘yung crisis management plan for the sector. Ano ‘yung mga kailangan nating gawin? Ano ‘yung mga– ano ‘yung mga safety nets ng sektor na kung mangyari ito, ganito ‘yung gagawin? So ito nga, babalik ako doon sa– sa sinabi ko kanina na kailangan talaga ‘yung national government should work with local– local tourism council, local government units to ensure na ‘yung capacity– capacity for planning for events like this or crises like this napapaghandaan before it happens.

    LOURDES SULTAN: Thank you po. So sana po maasahan namin na– well, by the time you will be President na meron talagang like specific body or office na tututok dito and including tourism in this planning. Kasi, of course, sa lahat ng sectors sa buong Pilipinas, I think we need a– a really efficient parang crisis management plan, kasi nga because of our, you know, where we are located. Kasi like ‘yung sinabi mong tungkol sa power problem, after a– pagkatapos ng isang sakuna, pangalawa na namin ito Ma’am. Noong Yolanda sa Leyte, although hindi kami tinamaan ng bagyo mismo, pero ganoon na rin ‘yung napagdaanan namin because of, oo, kasi nga we’re getting power from Leyte, di ba. So nasira sila, so of course walang makakarating dito. Tinamaan din ‘yung turismo, hindi nga lang siguro as in sa mga buildings and mga bahay na nawalan ng bubong, but ‘yun, more than one month din kaming walang regular power so kumuha sa– from Cebu and Negros. And then ngayon talagang double whammy kasi ‘yun nga, infrastructure, lumipad pa ‘yung bahay and then from latest update, April pa yata mano-normalize ‘yung power supply to Bohol.

    DONDI OCAMPO: Naku, ang hirap ng sitwasyon niyo diyan. Ma’am Lou, buti na lang naiparating na natin kay President – ike-claim ko na – ’yung ating concern.

    VP LENI: Pero ito lang– dagdag ko lang ito Dondi habang andito si– kasi, pwera doon sa mga na-mention natin, Malou, halimbawa kami noong nagre-relief operations kami, meron kaming team na nasa Bohol, ‘yung team namin na nasa Bohol has been there since December 17, pero sobrang nahihirapan kami to transport– to transport, ano ‘to, ‘yung tulong. Halimbawa, I was in Tubigon– I was in Tubigon December 28, may isa doon na coastal community na wiped out. Wala talaga ‘yung– nawala ‘yung mga bahay. Nakapag-solicit ako ng mga yero na pang patulong sa kanila, na-solicit ko ‘yun the day after I left Tubigon, pero sobrang nahihirapan kami mag-transport dahil ‘yung pila sa mga ports, ang haba. ‘Yung–’yung ano talaga, ‘yung mga pagkain na kailangang makarating na as soon as possible doon sa mga lugar na dapat maratingan ay sobrang baba, so parang napilay talaga tayo. Napilay tayo dahil din siguro sa lawak noong lugar na affected. So it should be part of the crisis management– management plan na if something happens, ano ‘yung dapat gawin?

    DONDI OCAMPO: Tama. Institutionalize. Maraming salamat, Ma’am Lou. Sana mapasyalan na namin kayo sa Bohol as soon as possible. VP Leni, isusunod ko lang po itong ating sunod na paborito ninyong sektor. Ito ‘yung tinatawag naming laylayan, ito po ‘yung talagang nangungunang gumalaw sa aming mga programa. Grupo po ito ng mga tour guides, mga ano, go ahead. Ito po ‘yung tanong ni Manu del Rosario, DOT-licensed tour guide po siya, saka national trainer po siya ng mga tour guides. Go ahead.

    MARTIN AGUILAR: Okay, Sir Dondi. By the way, this is Martin Aguilar. I’m currently speaking for Mr. Manu del Rosario who unfortunately cannot join us because he’s sick. So I’m just going to be asking the question. By the way, I just wanted to mention, I’m also representing the Filipino Hoteliers Worldwide ‘no, we’re a group of 250,000-strong supporters of VP Leni. So I just wanted to ask of course, for D– sa ating DOT-licensed tour guide na si Manu del Rosario, “Sa hanay po ng mga tour guides, boatmen, bus drivers, souvenir vendors, masseurs, at iba pang mga tourism workers, ano po ang puwede naming maasahan na tulong sa nawala naming kabuhayan at ano po ang mga recovery programs ng aming magiging Pangulo?” Marami pong salamat.

    DONDI OCAMPO: Thank you.

    VP LENI: Salamat, Martin. At pasabi kay Manu na na-mention ko kanina ‘yung iba doon, and ‘yung na-mention ko ‘yung pagkakaroon ng wage subsidy saka unemployment insurance na ‘yung pinaka konsepto ng unemployment insurance na ‘yung tinitingnan natin na for the first three months, habang naghahanap ng panibagong source of livelihood ay makukuha mo ‘yung 80 percent– 80 percent ng kung ano ‘yung sweldo mong nakukuha before kung ang dahilan ng pagkawala mo ng trabaho ay– pagkawala mo ng trabaho ay hindi dahil sa fault mo. So ‘yun ‘yung pinaka-konsepto noon. ‘Yun ‘yung number one.

    ‘Yung number two doon na mas– mas ano ‘to, mas long-term, kailangan mas active tayo sa pag-upskill, saka pag– pag-retool saka pagbigay ng skills sa ating mga, ‘yung sinasabi ni Dondi mga nasa laylayan. Kasi ‘yung opportunity talaga malaki. ‘Yung opportunity malaki pero ‘yung iba nagse-settle sa ibang klaseng– sa trabaho na kaya naman sana nilang mag-earn more. Gusto kong sabihin, halimbawa marami ‘yung hindi pa accredited, marami ‘yung nagsasarili lang without the benefit ng training na kinakailangan nila. So– so para sa akin, kailangan mas active nito ‘yung pamahalaan. Mas active siya na ino-organize niya, halimbawa ‘yung mga boatman, mas active na ino-organize niya ano ba ‘yung mga kailangan niyo, ano ba ‘yung mga skills na kailangan niyong matutunan? Para– para alam mo ‘yun, ‘yung level na– ’yung level na kaya nilang gawin ay magagawa nila dahil merong available na tutulong sa pag-upskill sa kanila.

    Bibigyan lang kita ng example nito, Martin, kasi hindi– hindi ito directly related to tourism pero ito ‘yung parang– parang, ano ‘to, parang puwede natin i-correlate. Na-mention ko na ito in one of the interviews, I think two, three days ago sa akin. Na halimbawa, ang isang opportunity natin, ang dami nating seafarers, di ba? Ang dami nating seafarers na mga Pilipino. Pero ‘yung mga seafarers natin kadalasan sa kanila parang very, very small percentage lang sa kanila ang mga opisyal. Small percentage ‘yung opisyal kasi sila lang ‘yung nakapag-training, sila lang ‘yung nagkaroon ng pagkakataon na mag-undergo ng mga requirements na kailangan for officership.

    Pero ‘yung sweldo nila sobrang layo sa sweldo ng ordinaryong seaman. Pero ang sa ‘kin lang, hindi naman sa hindi kaya noong ordinaryong seaman na mag-officer, pero wala sa kanila– wala silang access eh. Wala silang access either because hindi nila alam kung papaano mag-access o pangalawa, wala silang– wala sila sigurong resources para makapag-undergo ng training. Pero with a little help from government na ma-upskill sila, imagine di ba, what– what you can do to the families of these seamen na nagkaroon ng pagkakataon na maging officer dahil tinulungan siya ng pamahalaan.

    So– so sa ‘kin, it’s the same thing for itong mga boatmen, mga tour guides, not that we’re looking down on what they’re doing kasi essential talaga ‘yung ginagawa nila, pero with– with a little help from government, ang dami nilang puwedeng ma– ma-maximize sa what they already have now. Saka pag nama-maximize– pag ma-maximize nila ‘yung kakayahan nila, ang magbe-benefit din naman hindi lang ‘yung pamilya nila, pero pati community natin di ba? Kasi we are able to provide the kind of service na at par with international standards dahil lang nabigyan sila ng pagkakataon i-train. So– so ‘yun ‘yung sa akin, Martin.

    DONDI OCAMPO: Martin, maraming salamat for reading that for Manu. Madam Vice President, napakaganda po ‘yun, na ‘yung mga insurances on that, and the training skills. Isusunod ko na po, karamihan po sa audience, Vice President, ay travel agency owners, actually. Karamihan sa amin mga SMC practitioners, mga nasa maliliit na lugar, Quezon City, Rizal, Angono, [inaudible
    19:38], Cavite, Pampanga. Itong susunod na tanong po, galing po ito sa Tourism Congress of the Philippines. Pasok na natin, ‘yan, magandang umaga. Hi, Orly. Go.

    ORLY BALLESTEROS: Magandang umaga po, President Leni Robredo, ike-claim na natin.

    VP LENI: Hi, Orly.

    ORLY BALLESTEROS: At marami pong event kami na madalas namin kayong hina-handle. Ang tanong po ay nanggaling sa Tourism Congress of the Philippines. Isa po ako sa board of directors ng Tourism Congress at ng iba pang association po, ako ay officer, lalo na po ng MICE industry. Sana po– i-rehistro ko lang po ‘yung word na MICE, baka makalimutan ko kasi. Kami ay isang niche na industriya, pero ang pinapapasok namin dito ay mga negosyante, mga foreigners, mga conferences po. Kaya sana po pag kayo’y nasa– formally na-announce na presidente, huwag nyo pong kalimutan ‘yung MICE. Malaking tulong po sa ekonomiya ito.

    Ang tanong po ay ganito: dahil po sa pinansyal aspeto po ng industriya, dahil sadsad nga po ang industriya, mayroon naman pong ginawa ang ating gobyerno ngayon. Pero sa datos ng Tourism Congress of the Philippines at ng DOT, konti po ang nag-aavail sa tourism industry noong funding or financial assistance kasi po napakabigat po ng rekisitos.

    Alam naman po natin, gaya ng sinasabi kanina ni Dondi, ‘yung mga iba nating mga ka-industriya ay hindi kayang tugunan ‘yung mga rekisitos. Natatakot silang mangutang kasi nga baon na sila, tapos mangungutang pa sila, syempre mahalaga sa kanila ‘yung reputasyon. So, meron– sa hinaharap po ba meron po ba tayong mga nakalaang mga programa para magbigay ng insentibo o financial assistance, or mababang rekisitos para ma-avail ng mas maraming stakeholders po ng turismo ‘yung inaalok ng gobyerno? Ngayon po, sinasabi ko meron pero takot po ang marami. ‘Yung in-allot po sa Bayanihan, hindi po halos nagagalaw, konti lang ang naka-avail dahil nga po takot sa utang at napakabigat ng rekisitos po.

    VP LENI: Ako Orly, naiintindihan ko yan kasi I think hindi lang sa tourism industry yan nangyayari. Meron ding ibang mga sektor na may in-offer na ganito. Pero ang nakaka– ‘yung dalawang dahilan: ‘yung una, mahirap i-comply yung mga requirements. ‘Yung pangalawa, ‘yung takot nga kung papaano makakabayad. Pero– sa akin kasi Orly, kailangan ‘pag crisis situations, ‘yung in-ooffer na tulong ay socialized din. Meaning to say, para sa kin, ‘pag ganito katindi ‘yung pinagdadaanan dun sa pinakamaliit na natatakot nang umutang dahil hindi sigurado ‘yung pambayad, baka better na i-incentivize sila by providing for stimulus packages. Meaning to say, grant ‘yung ibibigay, grant ‘yung ibibigay pero may mga kailangan silang i-comply.

    Halimbawa, ano ba ‘yung mga puwedeng kailangan nilang i-comply? Halimbawa, ‘pag nag– pag nag-commit sila na wala silang employee na tatanggalin basta mabuhay lang ‘yung negosyo, bibigyan sila ng grant. Kasi makakatulong ito sa unemployment, yun ‘yung one. ‘Yung pangalawa, puwedeng hindi grant, utang pa din pero either no interest na utang o low interest na utang para hindi maging problema– para hindi maging problema ‘yung sinasabi mo na siya na yung considerations ngayon.

    Doon sa mas nakakaluwag-luwag, puwedeng mas mataas din yung requirements, mas malaking grant ‘yung ibibigay pero mas malaki rin ‘yung commitment. So, para sa kin, kailangan sinu-suit siya sa pangangailangan saka sa capacity na magbayad. Yung sa kin, napapagdaanan din namin yan, Orly, sa ibang mga programa ng opisina namin. Halimbawa, meron kaming medical assistance program na nung before the pandemic may mga requirements talaga siya na indigency– proof of indigency, kung anu-anong requirements. Pero nung nag-pandemic, na alam natin na sobrang hirap maglakad ng mga requirements, nasa opisina naman ‘yun para i-ease ‘yung requirements. Ang gusto kong sabihin, nasa– nasa opisina naman ‘yung pag-adjust ng mga kailangan depende sa sitwasyon on hand.

    Ito din ‘yung same na problema noong, kung familiar ka, doon sa mga jeepney drivers. Di ba may attempt ngayon to shift to e-jeeps, ‘yung e-jeepneys? Maraming controversy noon, sinasabi ng iba na may resistance, pero nakakausap namin ‘yung mga jeepney drivers. Actually, ang resistance lang nila, hindi sa ayaw nilang mag comply pero sobrang bigat ng terms. So, alam mo ‘yun, lampas 2 million ‘yung cost ng e-jeep tapos ‘yung terms ay hindi talaga nila kaya sa buwan-buwan lalo pa kasi kulang ‘yung kita ngayon.

    Pero ang makaka-solve kasi nito, Orly, ‘yung mga ganyan, ako talaga number one advocate ako ng pagkakaroon ng mga council sa bawat opisina na well-represented ang mga stakeholders. Kasi ‘pag well-represented ang stakeholders, merong nagdadala ng boses nila. So, pag gagawa ng policy ang pamahalaan, parating taken into consideration how– di ba, how exorbitant, halimbawa yung requirements, or how difficult it is to comply with the requirements. Pero ‘pag may boses kasi kayo, sa first instance pa lang bago pa i-roll out ito, nasabi niyo na. “Ah, yan hindi yan kakayanin so dapat ganito.”

    So ako hindi pa naman huli. Ako ang suggestion ko, sasabihin ko rin ito with my friends na nasa department, pero ako ang suggestion ko na– kayo mismo na grupo to make representation– to make representation tutal nandiyan ‘yung pera. Kayo ‘yung mag propose. Ako, I am confident na papakinggan naman kayo. Pero kayo ang magpropose na eto sana ‘yung proposal namin na mga requirements para naman mas accessible for us. Kasi kailangan na kailangan talaga. So sayang. Sayang na merong pera, may nangangailangan pero hindi nagmi-meet halfway.

    DONDI OCAMPO: Tama. Ganda. VP Leni, napakaganda po ng sinabi niyong ‘yun, ‘yung bandang huli na nandoon ‘yung pondo pero hindi magsalubong doon sa nangangailangan. Orly, palagay ko maganda ‘yung sinabi ni VP na tamang merong representation lang, ‘yung dapat makaupo tayo sa council na sinasabi niya at tayo ‘yung pakinggan kasi mas alam nila ‘yung pangangailangan natin. Thank you, Sir Orly.

    ORLY BALLESTEROS: Dondi, bago ako umalis [inaudible 27:17-27:18]. Actually, ‘yung Tourism Congress of the Philippines po, siya po ‘yung crinreate na batas para magkaroon ng representasyon sa Department of Tourism. So lahat po ng mga association na kasali, under po siya ng Tourism Congress. Meron naman po kaming representasyon at nakikipag-usap. Ang nais lang po sana namin na, again, nakikinig naman po sila, [inaudible 27:39-27:41]. Syempre po sa negosasyon minsan hindi nasusunod ‘yung mga gusto namin. Hindi naman po namin sinasabing lahat pero sana po [inaudible 27:47]. ‘Yun lang po, pero totoo po kayo meron po tayong crineate na batas under Senator Gordon noon pa ‘yung Tourism Congress [inaudible 27:58].

    VP LENIi: Ako, I think, ganun naman. Not all the time talaga mapapagbigyan ‘yung gusto natin. Pero i think mas magiging bukas naman sila, mas magiging– dahil nandiyan ‘yung pera, ‘yung intent niya makatulong. So, siguro– siguro assurance lang siguro from the sector na ‘yung compliance din sa pagbayad ay [crosstalk 28:25]

    ORLY BALLESTEROS: Sana po pag presidente na kayo mas maluwag po. Marami pong salamat President Leni.

    DONDI OCAMPO: Thanks Orly! Thanks VP! Maganda po ‘yun. Dapat talaga mailapit ‘yun kasi malaking pangangailangan po ‘yun ngayon. Isusunod ko na po ‘tong pang-apat, second to the last. Siya po ay galing sa Prime Travel, isa ho siya sa mga kagaya namin: mga small players na travel agency. From Tourism Forward din po siya. Siya ‘yung magta-tackle ng isang problemang nahaharap po ng mga travel agencies na karamihan nandito ngayon, siya po si Ms. Ellen Cobarrubias, Ms. Ellen, please advise our president, our travel agency owners’ concern.

    VP LENI: Hi Ma’am Ellen!

    ELLEN COBARRUBIAS: Magandang tanghali po. Okay, dahil nga po siguro sa kagustuhan madinig ang boses naming mga nasa turismo, various private initiatives came up during the pandemic at isa po rito ang tourismforward.ph. Salamat po sa pagkakataong ito na binigay ninyo. Hindi naman po lingid sa ating kaalaman na karamihan sa mga travel agencies, kung hindi po lahat, ay pansamantalang tumigil sa kanilang operasyon, being the hardest hit by the pandemic. At sa iba na kayang ituloy ang kanilang negosyo, nagbawas naman po sa kanilang manpower. At dahil karamihan na rin po sa amin ay mga SMEs, hindi naman magkakaila that most travel agencies are cash-strapped as of the moment. Panahon na naman po ng pag-aapply para sa business permit renewals. Just to maintain our legitimate operations kailangan po naming magbayad ng mga license fees, taxes, at hindi pa po kasamang obligasyon namin sa aming mga empleyado na ituloy ang SSS at saka PhilHealth, gayong wala naman po kaming kita o transaksyon sa nakaraang 22 buwan ng pandemic. Other countries have adapted by extending the validity of the travel agency’s business permits rather than paying annually. Do you think, Ma’am, that this is something we can do in the Philippines, at least, hanggang po sa panahong kami ay makabawi sa aming negosyo? Salamat po.

    VP LENI: Ma’am, puwedeng-puwede. Puwedeng-puwede po itong gawin. Gaya ng sinabi ko kanina kay Orly, paminsan mayroon po tayong nilalatag na mga requirements na kinakailangan siyang i-park muna, o kailangan siyang i-tweak, o kailangan siyang isantabing pansamantala dahil merong krisis. And, itong– itong nangyari sa sektor ng turismo, isang krisis ito na hindi natin inaasahan na ganito siya kagrabe, ‘di ba?

    So, ak– ako hin– hindi ko alam kung na-nadaanan niyo na. May nilatag kami– aside doon sa Kalayaan sa COVID Plan, ‘yung pangalawa naming nilatag ‘yung Hanapbuhay Para sa Lahat. And ‘yung isang sina-suggest namin doon ay sana i-reestablish ‘yung National Competitiveness Council— na ‘yung National Competitiveness Council, ito ang dapat tumutugon sa ganitong mga isyu dahil trabaho ng council na siguruhing competitive tayo lagi para nakaka-attract tayo ng foreign at domestic investors.

    Isa sa una nilang gagawin ay ang magrekomenda ng mga polisiya para padaliin ang pagnenegosyo dito sa atin. And ‘yung– yung kinuwento niyo po sa atin kanina, pag– pagpapahirap ‘yon. Pagpapahirap ‘yon sa pagnenegosyo dahil noong okay pa naman, willing naman kayo na sundin ito; pero ngayong sobrang hirap, naghi– humihingi kayo ng parang konting reprieve. Konting reprieve, dahil nga ang daming– ang daming burdens na kailangang– kailangang dinadala. So– so, tayo ma’am, kung ang tanong, “Puwede ba nating gawin ‘yung ginawa sa ibang bansa?” Puwede, dahil pagtugon ito sa krisis.

    Pangalawa, ‘yung ina-advocate nga po natin na buhayin ulit ‘yung National Competitiveness Council. Kasi, hindi lang dahil gagawa ito ng mga policies na mas competitive tayo, pero tinitignan kasi nito ‘yung best practices sa labas. Tinitignan niya ‘yung best practices sa labas para, number one, natututo tayo from them. Tapos ‘yung- ‘yung number two ay nakakasiguro tayong nakakasabay tayo.

    So– so, ‘yon po ‘yung aking mga suggestions na puwede. Puwedeng isantabi muna ‘yung buwis, ‘yung contributions, ‘yung business license. Kasi, ewan ko ma’am kung naririnig niyo, sa ibang– halimbawa, sa mga– sa mga mall. Halimbawa, sa mga mall, ‘yung kanilang mga tenants ay binigyan muna nila ng holiday, na mayroong mga bond na hindi muna sila magbabayad. So, puwede po ‘yan.

    DONDI OCAMPO: ‘Yun! Miss Ellen!

    ELLEN COBARRUBIAS: In fact– in fact, Ma’am, ang dami pong LGUs— iba-iba lang po ang sistema nila, na hindi nagiging malinaw ang pagpapasatupad ng pagtulong. So, if we can add more teeth, naku, lalo na po sa inyo, kami po’y umaasa. Salamat po!

    VP LENI: Agree po ako–

    DONDI OCAMPO: Thank you, sis. Thank you, sis Ellen!

    VP LENI: Agree po ako na, sabi ko po kanina na not all LGUs kasi are similarly situated.

    DONDI OCAMPO: Korek.

    VP LENI: May mga LGUs pong mas mabilis umaksyon. May mga LGUs din na medyo nahuhuli. So, pag meron po sanang parang– ito, ‘yung kinukuwento ni Malou kanina na parang crisis– parang central crisis management committee, mas– mas mayroong central body na nakakatugon dito.

    DONDI OCAMPO: Tama. Thank you, Miss Ellen! Ayan! Magiging five years na ang license natin. [laughter] Pero i-work out po natin ‘yon. Thanks, Miss Ellen, for bringing that out.

    VP President! Isusunod ko na po ‘yung mga taga-akademiya. ‘Yung mga youth sector tsaka mga teachers po natin. Miss Lourdes Mendoza po is president of the Union of Filipino Tourism Educators. Siya po ‘yung nagre-represent ng mga estudyante natin at mga nagtuturo. Go ahead, Ma’am Lou!

    LOURDES MENDOZA: Magandang hapon po VP Leni, at sa atin pong lahat. Katulad nga po ng sinabi ni Sir Dondi, I’m from the Union of Filipino Tourism Educators, and ako po ang nagre-represent ng mga teachers, sa ating tourism students.

    We also have a lot here po dito sa ating miting, VP, na mga tourism students natin. So, actually po ang question ko is not really for– for us, faculty, but for them as well. So, alam po natin ‘yung play– ‘yung role na ginagampanan ng mga academe, ng mga faculty, para maka-mold tayo ng mga future na mga professionals sa ating turismo. We are equipping them, we are motivating, and we are training them, ‘no? Not only giving them knowledge, skills, pero pati po ‘yung attitude towards work– kung paano nila best na pagsisilbihan at bibigyan ng magandang serbisyo ang ating mga travelers and tourists.

    So, many of us educators are actually having difficulty, Ma’am, on how we best inspire them– kung paano namin sila imo-motivate to just stay put sa kanilang pag-aaral; just wait, because tourism will revenge, ‘no? Darating ‘yung panahon na tayo ay babalik sa ating– sa ating posisyon dito sa ating industriya. And napakahirap po kasi na magkaroon ng gap. ‘Yung tinuturo namin doon sa tama, sa kanilang madadatnan doon sa industriya.

    So, with the help of the curriculum na aming sinusunod from CHED, nahihirapan po kami talaga sa panahon na ito ng pandemya na tulungan ang ating mga tourism students. Now, ang akin pong question ay, beloved VP, is: Since we cannot predict po when the pandemic will end and open world borders for tourism to flourish again, how can we best inspire our present batch of tourism students– many of whom are questioning their future as tourism professionals? ‘Yun po, VP Leni.

    VP LENI: Ako, Ma’am, I feel for you, dahil this is– this is not the best time to be a Tourism student. So ako po, naiintindihan ko na baka ‘yung iba nating mga estudyante are left uninspired. Pero sa akin, Ma’am, marami kasi tayong puwedeng gawin. Unang-una, on the part of government, kailangang palakasin ‘yung ugnayan ng industriya at ng academe para– para tugma ‘yung mga laman ng kurso sa mga pangangailangan ng sektor. ‘Yun ‘yung number one. Na-mention ko na ito kanina.

    ‘Yung– ‘yung second, ‘yung recognition how difficult at how challenging the times are para sa mga– para sa mga nasa tourism industry. But to make them understand that this is something very temporary, siguro, ma’am, ‘yung– ‘yung pag– pagpakita sa kanila kung ano nangyayari sa ibang bansa. Before this surge, marami pong mga bansa ay back to normal na. Maraming mga bansa ang back to normal na.

    And ang– ako– ako, ma’am, parang– parang top of mind na to– to help them envision na this is just temporary. Siguro involve them in more planning workshops na pag nagbukas na– halimbawa– I don’t know, ma’am, kung taga-saan po kayo, pero halimbawa kanina, kay– kay Malou– taga-saan po kayo, ma’am?

    DONDI OCAMPO: Naka-mute ka, Miss–

    MALOU: Yes po. I’m– I’m actually a– I’m working for the CIT or the College of International Tourism po sa University of Perpetual Help System - Las Piñas Campus, Ma’am.

    VP LENI: Opo. Kasi mag-eexample lang po ako, ma’am. Halimbawa ‘yung kay Ma’am Malou kanina sa Bohol. Halimbawa, kung– kung siguro– kung ako– kung, halimbawa, Tourism student ako, bakit hindi natin sila i-involve na parang ito ‘yung pinaghahandaan nila. Parang meron silang case study. Meron na silang case study about a particular place. It can be Bohol, it can be Cebu, it can be Siargao. Tapos i-involve sila sa research kung ano ang mga nangyari and how to help– how to help itong mga lugar na ito get back on its feet. Alam mo ang tingin ko ma’am, pag involved sila sa pagplano, mas may nilu-look forward to sila, rather than parang “limbo.” ‘Di ba?

    Ako, ma’am, naiintindihan ko kasi, syempre, nandito kayo sa Metro Manila, ‘di ba? Nasa NCR kayo. So siguro ‘yung– ‘yung feeling of detachment ng iba nandoon. Pero siguro, ma’am, ano, baka– baka gawin natin, ano, ayun nga, pagawin sila ng case study rather than purely academic ‘yung kanilang ginagawa. Parang pagawin sila ng case study of a particular place, pag-aaralan nila ‘yun, tapos sila ‘yung magsa-suggest. And you can even– you can even, ano ito, link– link your course– ay, your school to– 'yung the different– eh andito, andaming– andami namin– andami natin ngayon na mga participants na 'yung output ninyo ay ipre-present ninyo sa kanila. So I think [inaudible 40:16 to 40:17] parang ano– alam mo 'yun, parang– parang pag nag-promise ka sa isang bata, di ba, pagka nag-promise ka sa isang bata, pag napi-picture niya in– in her mind kung ano 'yung mangyayari sa resulta ng ginagawa natin, baka mas nilu-look forward niya rather than nade-depress siya na hindi ko na alam kung ano 'yung– papun– papunta saan 'yung sektor.

    So, siguro ma'am, 'yun, na mas– mas hopeful dapat 'yung ineevoke natin na– I know it can be difficult dahil tayo nga mismo, hindi natin alam kung kailan ito matatapos di ba? Pero siguro kung may ginagawa sila na particular na project, baka mas– mas ano, mas– baka mas maging excited sila and hopeful. Na very interesting naman 'yung tourism eh.

    DONDI OCAMPO: It is, it is.

    VP LENI: Di ba, very interesting 'yung tourism. So kahit nga ma'am hindi siya tourist area pero may potential– halimbawa ang isa doon, halimbawa, Northern Samar. Hindi pa siya masyadong developed pero sobrang ganda. O Eastern Samar. puwedeng– puwedeng i-adopt nila 'yun, na ‘yun 'yung kanilang case study tapos gawan nila ng plano. I think that can help.

    DONDI OCAMPO: Naku. Ma'am Lourdes, narinig niyo? Puwede nating i-invite ang VP na magsalita sa mga ano natin. Actually, he goes around sa schools, eh. Alam kong maraming nag-imbita sa kanya na mag-graduation and all. Mai-inspire po natin sila.

    And having said that, actually si Ma'am Lourdes po from the academe, VP, 'yung huli nating katanungan. Pero sa dami po ng gusto pa naming itanong, alam namin na hindi ito 'yung una at huli. Alam namin napagbigyan niyo kami na initially. Kaya ho kami ngayon, ha, sa mga narinig namin, pupunta po kami doon sa susunod. 'Yun pong inilatag namin, kino-commit din namin na sana maile– madala namin kayo kung saan, para doon kami mas mangatok ng tama. Para pag naging presidente na po kayo ay makakabalik kami sa inyo at sabihin namin kung ano 'yung pangangailangan.

    So ano po, VP, meron hong magbabasa ng isang manifesto ng suporta namin sa inyo. Nandito po ang buong tourism industry para itaguyod po 'yung ating plano na sana magkaroon ng mas magandang pag– adhikain itong aming industriya. So habang binabasa po ‘yon, at bibigyan po namin kayo ng pagkakataon mamaya na sana isara niyo po sa amin 'yung– 'yung inyong pangako. At meantime, kami po 'yung nangangako muna ngayon. At magkakaroon po ng pictorial habang binabasa po namin 'yung manifesto namin ng suporta sa inyo.

    'Yan. Ito po 'yung manifest, nasa aming screen. Meantime, mukhang– baka hindi ho naka-on 'yung aming magbabasa. Ito po 'yung aming ng manifesto ng suporta. Opo.

    ANNE: Dondi, I am ready.

    DONDI OCAMPO: Oh, there you go! [laughter]

    ANNE: Okay. Manifesto of Support for Leni Robredo. Tourism is one of the industries with the broadest effects on the Philippine economy. In 2019, the industry contributed 12.8% to the gross domestic product, while employing 5.7 million Filipinos and earning 3.1 trillion in domestic expenditures, with 600 billion brought in by 8.3 million foreign tourists.

    We find pride in our country's abundance of natural resources, with over 7,000 tropical islands, stunning white sand beaches, rich– rich biodiversity, and the warmth of Filipino hospitality.

    We yearn for a government that will endeavor to rebound as quickly as possible from the impact of COVID-19. We need a lead– leader who will champion sustainability strategies for the conservation of our natural resources and infrastructure at local and national levels.

    We need a leader who will implement job creation and fiscal stimulus interventions, and promote economic development and political stability in the pursuit of public health, peace, and order.

    Leni Robredo is a servant leader. She serves first. She empowers, listens, and nurtures. She is authentic and uses her talents to make a positive difference. To her, each person is unique and important, and she believes that we begin from a space of shared experiences to engage as many people as deeply as possible with as much warmth as we can muster; to hold real conversations; to hear real stories; to build real connections; to recognize the worth of every individual; to listen first, and listen for real.

    We will vote for Leni Robredo for President because she inspires. Ang goal natin ay maalala ng lahat na iisang bansa tayo, na may isang– isang adhikain, I'm sorry. Thank you.

    People and places, two key components in a robust tourism. The Philippines ranks among the lowest in English proficiency, reading, mathematics, and science. We face environmental challenges, human-induced climate change, degrading biodiversity, lack of clean water, and rising air pollution levels, the absence of natural resource management, protection of heritage sites and culture. The root of all these is corruption and poverty.

    We will vote for Leni Robredo for President because she will earnestly strive to be a model for good and effective governance, and strengthen institutions by professionalizing the bureaucracy in the spirit of accountability, transparency, and people empowerment.

    Number three: we need to urgently surpass the 70% vaccinated population to plan for a post-pandemic future. We will vote for Leni Robredo for President as she will give personal power to foster a whole of government approach, and create well-designed recovery policies focusing on collective aspirations in the spirit of bayanihan. Her collaborative leadership will trigger investment, and inspire behavioral changes of fairness, kindness, and inclusivity. This, in turn, will generate and expand opportunities for the most vulnerable in society.

    We are in a movement of change. We believe it is necessary to create positive change for our country, our people, and the environment for our collective future. We begin the journey by engaging in constant conversation with our families and households, our colleagues in tourism, and our barangay, our basic unit of government, to foster accountability, integrity, and reliability.

    We begin now, today. Over time, we will learn and share with those who have been there, so we may flourish to become communities of counsel. We must grow collectively and thrive in partnerships with government and private sectors involved in tourism by supporting a platform of mentoring and education.

    We do all this because it is meaningful to us, to our fellow citizens, and to the guests we serve.

    DONDI OCAMPO: Ayan. Nakita niyo naman, naka-commit po ang industriya ng turismo, Vice President, para po sana mas mabigyan talaga ng taming pansin 'yung aming sektor. And having said that, sana po bigyan niyo kami ng masigabong paalam na mensahe para mabitbit po namin sa amin, VP?

    VP LENI: Ako– ako lang, unang una, Anne, maraming salamat. Maraming salamat for delivering the beautiful manifesto. Sobra akong honored by the support that you have committed para sa akin. Siguro, isa lang 'yung commitment ko sa sektor ninyo: na– na, pag ako binigyan ng pagkakataon to lead this nation, I will consider the tourism sector as a very essential sector.

    'Yung contribution niyo, not just to the GDP, pero 'yung contribution niyo to national development, is invaluable. Hindi lang siya nasusukat kung ilan 'yung contribution natin, pero 'yung kaakibat na– kaakibat na– ano ito, na reverberation ng mga tinutulong niyo ay hindi kayang sukatin.

    So, having said that, sa akin, committed 'yung magiging pamahalaan pag ako pinalad na– aasikasuhin 'yung sektor ninyo hanggang sa pinakamaliit. Hanggang sa pinakamaliit na miyembro ng sektor. 'Yung aking commitment ay una, malinis na pamamahala. Malinis at tapat na pamamahala. 'Yun 'yung number one.

    Number two, sisiguraduhin na 'yung boses niyo ay laging pinapakinggan. Ako– ako 'yung klase ng– ako 'yung klase ng public– public servant na wala akong claim ng monopoly ng husay at kaalaman sa kung ano 'yung pinakamabuting programa. Ako 'yung klase ng public servant na naniniwala na 'yung pinakamahusay na mga programa para sa sektor ay manggagaling sa sektor mismo.

    At 'yung pamahalaan ay kailangan lang kinocommit 'yung sarili niya, na kung ano 'yung tingin ng sektor na makakbuti sa kanila ay sinusuportahan. So– so 'yung sa akin, nandoon 'yung aking commitment.

    Ako naman hindi naman siguro empty 'yung aking promises. Pag nag-promise ako ng– ng malinis at tapat na pamamahala, pinakita ko 'yan in all the years that I was VP, in all the years that I– I was in Congress, in all the years that I was a development worker.

    So– so, para sa akin, ang– ang hindi ko ngayon tinitignan na parang magiging beneficiary ng pamahaalan, pero tinitignan ko kayo na magiging active na collaborator saka partners ng susunod na pamahalaan pag tayo ay binigyan ng pagkakataon.

    So– so, 'yung commitment ko nandiyan. Sisiguraduhin natin na natutulungan hindi lang 'yung malalaki, pero lalo na 'yung pinakamaliliit na bahagi ng sektor ninyo.

    Maraming salamat for the support, I hope to spend time with you again.

    DONDI OCAMPO: Maraming salamat VP, maraming salamat po, and it's really really so refreshing na kami nabigyan ng isang magandang pagkakataon na makanaig po kayo ngayong hapon. Thank you very much, Vice President.

    VP LENI: [inaudible 51:50 to 52:51] Maraming salamat. Ingat kayo.

    DONDI OCAMPO: Maraming salamat po.

    [END 52:00]

     

    Posted in Transcripts on Jan 10, 2022