This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with VP Leni Robredo at the “Mabuting Pamamahala: Mga Hakbang Tungo sa Tunay at Makabuluhang Pagbabago” by Presentation of the Child Jesus Parish Pastoral Council for Responsible Voting

    Q&A with Vice President Leni Robredo at the “Mabuting Pamamahala: Mga Hakbang Tungo sa Tunay at Makabuluhang Pagbabago” by Presentation of the Child Jesus Parish Pastoral Council for Responsible Voting

    Host: Dada Santiago

     

    DADA SANTIAGO: So tutuloy na po tayo kaagad sa ating question and answer portion. Ang ilan pong mga katanungan ay pinadala po sa amin ng mga kasapi natin dito sa parokya.

    So, marami ho kayong sinabi tungkol sa kung ano ang magandang ginagawa ng Simbahan. Pero papaano niyo ido-draw iyong line between iyong sinasabing pakikipakialam, ano, ng mga pari, let’s say sa paggamit ng pulpito at kung ano iyong dapat nilang ipahayag sa kanilang social responsibility.

    VP LENI: Ako kasi, Ma’am Dada, controversial iyong saan ba iyong boundaries ng pakikialam? Pero iyong sa akin, babalikan lang natin iyong ating mga why. Iyong ating mga bakit. So iyong unang tanong siguro, bawal ba iyong Simbahan—bawal ba siyang mag-engage sa community para siguruhin na iyong kaniyang flock—iyong values ng kaniyang flock—ay nape-preserve niya? O bawal ba siyang mag-engage o bawal ba siyang mag-intervene kapag nakikita niya na maraming kasamaan na nangyayari? Kung ako iyong tatanungin mo, ang sagot ko roon hindi. Ang sagot ko roon hindi iyon bawal kasi in fact, sobrang aligned iyon sa mission ng church. Sobrang aligned iyong pagpapa—pag-i-influence na iyong ating government officials maging matino at mahusay. At kung sila ay hindi nagiging matino at mahusay, bahagi ng misyon ng Simbahan na i-call iyong kaniyang attention at i-encourage iyong flock na maging empowered to call them out. Kasi alam natin na kapag naging empowered iyong constituency, iyan iyong nagiging dahilan para iyong abuses hindi naki-keep in check. Kapag marami nang pang-aabuso and yet iyong ating stance ay ayaw kong makialam, ultimately nagiging enabler tayo. So sa akin, wala akong nakikitang… wala akong nakikitang contrast kasi pareho naman iyong—pareho iyong gusto nating ma-achieve. Ang gusto nating ma-achieve, siguruhin na iyong ating society ay hindi nawawala sa landas iyong mga taong nagre-represent sa atin.

    And sinabi ko ito, Ma’am Dada, sa aking earlier message na in fact, nagawa namin iyan sa Naga. Iyong nagawa namin sa Naga iyong Simbahan naging very, very able partner ng city government sa pag-ipon ng lahat na sektor ng community para sila ay mag-engage sa gobyerno at sila iyong parang nagpe-perform ng check and balance function ng gobyerno. At over the years ay napakita na napakahusay. Napakahusay ng city government, not because of the officials but because of the relations of the officials with their constituency. So, iyong sa akin, ang laking—hindi dapat tinitingnan na kapag iyong Simbahan nagko-call out, hindi dapat ito tinitingnan na nagiging political sila.

    DADA SANTIAGO: Ano po, Ma’am, ang masasabi niyo sa mga namumuno sa ating pamahalaan na hindi po malalim ang pananampalataya nila sa Panginoon?

    VP LENI: Alam mo, Ma’am Dada, ako, ayaw ko namang mag-make ng judgments. Ayaw ko namang mag-make ng judgments kasi in the first place, hindi ko rin—wala naman ako sa posisyon para sabihin na masama sila, hindi sila masama. Pero iyong sa akin lang, siguro ang mas mare-relate ko lang dito from experience, iyong mga public officials na malalim iyong pananampalataya, sila iyong mga public officials na naaasahan as far as keeping the values in check. Halimbawa, karamihan naman ng nag-uumpisa sa gobyerno, lalo na kapag elective position, they only have the very best of intentions. Pumapasok sa politika kasi gustong manilbihan. Pero somewhere along the way, nagkakaroon ng parang tapestry iyong obligasyon, iyong privileges, iyong power, iyong temptations, na kahit iyong mga best intentioned na mga tao nama-muddle iyong pagtingin sa mga bagay. Mahirap ito. Kahit ito sinasabi ko na hindi siya madali kasi human nature, eh. Human nature—gusto mo madali, gusto mo hindi ka pumipili, gusto mo hindi ka nahihirapan. So iyong lure ng privileges ang laki. And sa akin sa experience ko, iyong pananampalataya talaga iyong nagbibigay ng lakas. Iyong pananampalataya iyong nagbibigay ng lakas para makita na. “obligasyon ito. Hindi ito iyong buhay ko.” Na kapag nagtatrabaho ka mas naiisip mo how to perform your obligation to the best of your ability. Na ang iniisip mo lagi legacy-building. Hindi mo iniisip na, “habambuhay na ako rito.” Kasi kapag pumasok na iyong, “habambuhay na ako rito”  o “habambuhay na iyong pamilya ko rito,” umiiba, eh. Umiiba iyong parameters.

    Pero halimbawa, halimbawa ako, noong naging VP ako, buhos na buhos ako kasi alam ko six years lang ako rito, eh. Alam ko na six years lang ako rito. Alam ko na huhusgahan ako ng kasaysayan kung ano iyong ginawa ko noong six years na iyon. And maraming lure iyong privileges pero iyong pananampalataya ko iyong lagi sa aking nagre-remind na lahat ito temporary at “iyong trabahong ginagawa mo ngayon ay pahiram lang. Obligasyon itong tinake on mo sa shoulders mo na kailangan mong paghusayan.” So sa akin, ang role sa akin, actually, ng pananampalataya, ang role niya ito iyong nagbibigay ng lakas para ma-resist mo—para ma-resist mo iyong lure ng power, ng privileges, ng pera. Siya iyong nagshe-shape ng values system mo. Kapag wala kasi ito, Ma’am Dada, madali ka talagang mawala sa… madali kang mawala sa daan na tinatahak mo.

    DADA SANTIAGO: Nakikita po natin, Ma’am Leni, na malaki ang tinutulong ng Simbahan sa—ano nga ba iyon—sa community pantry. Community pantry, ‘di po ba. Walo na iyong malaking organisasyon ng Tanging Yaman Foundation at kahit dito po sa aming parokya sa PCJ ay mayroon din po kaming mga community pantries at dumadaan din po ito sa parokya. Pero sa palagay niyo ay masu-sustain po ito? At saka may mga nagsasabi na bakit kailangan ang private citizen o ang Simbahan ang kailangang pumasok sa ganiyan? Hindi ba kaya ng gobyerno?

    VP LENI: Ako, Ma’am, maraming bagay. Number one, totoo na obligasyon siya ng gobyerno. Pero iyong faith natin nagsasabi rin sa atin na tayo iyong mag-aalaga. Tayo iyong mag-aalaga sa mga nakikita nating nangangailangan ng tulong na hindi tayo nagkukuwenta. Hindi tayo nagsasabi na, “nako, ang dami ko nang nilabas. Tama na iyon.” Kasi tayo naman nagbibigay tayo hanggang nasasaktan na tayo, ‘di ba. Iyon naman iyong—iyong faith natin ganoon naman iyong tinuturo sa atin. So iyon, isa iyon.

    Iyong pangalawa, iyong community pantries parang ano lang siya, eh, representation lang siya ng kabutihang loob ng napakaraming mga Pilipino na pinapakita niya na sa oras ng kahirapan, ang pinapakita niya iyong kabutihan niya. Na kahit naghihirap din siya, nakikita niya na dahil kailangan siya, nagbibigay pa rin siya. So sa akin, ang kagandahan ng community pantries ito. Iyong spirit of bayanihan—iyon iyong pangalawa.

    Pero iyong pangatlo, puwede siyang maging sustainable depende sa mga strategies na gagawin. Pero para sa akin, iyong dapat na role ng Church hindi lang para i-sustain siya. Hindi lang para i-sustain siya pero gawan ng programa na magiging inclusive at empowering. Ang gusto kong sabihin, kahit ano kasing bagay—parang sa politika rin, I am sure you have been exposed to a lot of campaigns, to a lot of elections. Kami sa probinsya iba rin iyong nakikita namin during elections. Napaka-normal na maraming binibigay na kahit ano kapag kampanya. Hindi lang food packs, pati pera, scholarships, kung ano-ano binibigay during the campaign. Pero after the campaign, mayroong mga programang nagse-stay. Pero iyong mga programang nagse-stay, karamihan kasi sa kaniya hindi empowering. Parang ang laging treatment sa tumatanggap, beneficiary siya. Iyong sa akin, hindi ako naniniwala na iyon iyong tamang ruta. Kasi while very appreciative ako sa tumutulong sa iba, ang tingin ko kulang. Ang tingin ko dapat sana iyong treatment sa nagtatanggap ng tulong, partner in development. Gustong sabihin, sinisiguro mo na dahil sa tulong mo, darating iyong panahon na kakayanin na niya. Para iyong klase ng tulong na binibigay sa atin—ay, binibigay natin, ito iyong mas pang-matagalan na tulong. Halimbawa, kung tutulungan natin iyong mga magsasaka na naghihirap, ang gagawin natin bibili tayo ng products nila or bibigyan din natin sila ng food packs dahil halimbawa bumagyo, nawalan sila ng crops, bibigyan natin ng food packs. Marami tayong puwedeng ibigay. Pero para sa akin, ang mas sustainable sanang tulong, tinutulungan natin, ini-influence natin sila kung ano iyong crops na itatanim nila na bagay sa lugar, bagay sa climate, bagay sa needs ng community at nili-link natin sila—binibigyan natin sila ng kaalaman—nili-link natin sila to markets that are sustainable para kahit wala na tayong pambigay—o puwedeng iyong ibibigay natin sa iba naman—kaya na nila.

    So kami, very, very conscious kami niyan. Very conscious kami sa Office of the Vice President sa ganiyan na mga proyekto. Na while nagbibigay kami ng parang immediate help, iyong mga walang kinakain, kakain. Pero hindi rin kami humihinto doon. Sinisiguro namin na iyong tulong namin—halimbawa iyong mga nawalan ng trabaho, ano iyong puwedeng tulong sa kanila? Iyong puwedeng tulong sa kanila, turuan mo ng kaalaman. Mag-undergo ng trainig, turuan mo ng kaalaman para maka-shift siya ng trabaho na may opportunity so mabigyan siya ng trabaho later on. O tulungan mo siya ng negosyo, bibigyan mo siya ng grant para makapag-umpisa ng negosyo pero aalalayan mo siya, hindi natatapos ang pagbigay ng grant—iyong tulong mo—pero aalalayan mo siya hangga’t kaya na niya.

    So iyong sa akin, ang daming puwedeng gawin. Ang kailangan i-change iyong mindset. I-change iyong mindset ng tumutulong na parating… Itong palagi ko itong inuulit sa office na, “kapag nagsa-submit kayo sa akin ng accomplishment report, huwag ninyo akong lilistahan ng ginawa niyo. Pero ang i-submit ninyo sa akin na accomplishment report, ano iyong resulta ng ginawa ninyo.” So kapag dine-direct kasi natin iyong changing of mindsets, nai-influence din iyong policy. Iyong pagre-remind sa kanila na iyong activity is just a means to attaining the end. Kahit may activity ka, kung hindi mo na-achieve iyong end, failure pa rin iyong activity mo. Halimbawa, example lang, noong naging congresswoman ako, hinanap ko iyong matataas iyong malnutrition rate. Noong nahanap ko iyong mga barangay na matataas iyong malnutrition rate, isa iyong na-find out ko: mayroong existing na feeding program, pero saan iyong pagkukulang ng feeding program? Ang pagkukulang ng feeding program kasi iyong accomplishment nila, number of children fed, number of meals na binigay. Pero hindi naman sinusukat kung ano ba iyong nangyari doon sa mga malnourished na mga bata. So iyong mga ganoon. Iyong sa akin, iyong pag-change talaga ng—pag-change ng aspirations, pag-change ng mindset, na ang tulong natin, ano ba iyong purpose nito? So kung ang purpose nito mayroon lang silang makain today, okay iyon. Pero kung ang purpose mo matulungan sila maka-ahon sa kahirapan, it has to be something far greater than what we are already doing now.

    DADA SANTIAGO: At mukhang malaki rin po ang maitutulong ng Simbahan, ano? Dahil this entails values formation at mayroon pong mga BECs, ano, Basic Ecclesial Communities, na ginagawa iyan—values formation. So i-focus po natin iyong ating tema ngayon, iyong mabuting pamamahala. Ano po, Ma’am Leni—sabihin nating tatlong areas ng concern na dapat bigyan ng prayoridad ng papasok na administrasyon?

    VP LENI: Ako, number one kasi, kailangan natin intindihin na pagpasok ng bagong administrasyon, nasa pandemic pa din tayo. Dahil nasa pandemic tayo, ang kailangan talagang tutukan iyong ating healthcare system. Number one, kailangan na talagang maampat iyong virus. So ang tanong lagi, “What are we doing wrong?” Kasi one and a half years na tayo dito, parang roller coaster iyong ating numbers—bubuti, sasama, bubuti, sasama. Kapag tiningnan natin iyong sarili natin against many other countries, hanapin natin iyong mga countries na nag-succeed. So ang tanong natin, “Anong ginawa nila na hindi natin ginagawa?” So iyong sa akin, iyon ang dapat tutukan—stop the transmission kasi hindi tayo makaka-move on hanggang marami pang nagkakasakit. Pero having said that, we should learn to live with the virus. Kasi nandito na talaga siya. Kapag sinabi kong learn to live, hindi naman sa papabayaan natin, eh. Pero gusto kong sabihin, dapat willing tayo to shift to a new normal na may recognition na ganito kahirap iyong pinagdaanan natin, papaano tayo magsi-shift?

    For example, iyong digital infrastructure. All of a sudden, naging very, very important siya. Hindi siya ganoon ka-urgent before, pero because of the pandemic, naging very, very urgent siya. Iyong mga nawalan ng trabaho. Parati ko itong inuulit, Ma’am Dada, na it is time to declare an education crisis already. Sinasabi ko ito last year pa. Kasi even before the pandemic, ang sama na ng standing natin. Last tayo sa Reading, second to the last tayo sa Math compared to many other countries. And para kasi sa akin, kaya nag-aalala ako, kasi kapag napabayaan natin ito, magiging inter-generational iyong effect. So para sa akin dapat asikasuhin na ito. Healthcare system, iyong education, and poverty alleviation kasi ang daming bumalik sa hirap. Ang daming naka-ahon na sana nang kaunti, bumalik na naman sa hirap. Pero kapag sinabi natin na “poverty alleviation,” hindi lang sila bibigyan ng pagkain. Hindi iyon, eh. Pero magke-create ng opportunities for them para maging maayos iyong kanilang kabuhayan. And iyong pag-create ng more opportunities, Ma’am Dada, multi-faceted iyon, eh. Gusto kong sabihin, ang dami nating kailangang asikasuhin. Halimbawa, papaano sa atin papasok iyong mga bagong negosyo, ang baba ng ating foreign direct investments? Papaano papasok sa atin iyong negosyo kung grabe iyong record natin as far as corruption is concerned? Kapag tiningnan natin iyong corruption index, talagang ano— Talagang nag-worsen iyong situation sa atin.

    So ang dami talagang—ang daming kailangan asikasuhin, na ito hindi na siya puwede na—hindi na puwede dito iyong dati lang na ginagawa. Very systemic. Very systemic iyong ills na napagdaanan natin. Kaya hindi na puwede na iyong business as usual. Kailangan talaga mas dramatic iyong gagawin na mga paghalughog ng sistema para makasagot siya sa mga pinagdadaanan natin. Halimbawa, nakikita natin ngayon sa Senate hearings, iyong corruption, grabe. Iyong corruption grabe, pero at the same time kulang iyong mga ospital natin, wala tayong healthcare workers kasi nag-aalisan. Hindi tayo maka-declare ng mas maayos na sistema kasi wala na tayong pang-bigay ng ayuda. Hindi—sa mga provinces hirap ang vaccines. Sa mga provinces, hirap iyong RT-PCR tests. Ang daming kailangang asikasuhin pero it all boils down to good governance, eh. It all boils down to good governance. Iyon iyong pinaka-trigger point para maasikaso mo iyong all the other concerns.

    DADA SANTIAGO: Kung titingnan po natin ang approval rating ng kasalukuyang pamahalaan, mukhang hindi po yata mahalaga sa mga tao itong sinasabi nga ninyong good governance, ano? Papaano mo papaliwanagan ang mga mamamayan na hindi pagiging celebrity o kaya iyong fear factor ang mahalaga?

    VP LENI: Sa atin kasi, naging increasingly difficult. Naging increasingly difficult na maipaabot iyong mensahe ng katotohanan dahil sa social media. Hindi na siya pareho dati na iyong talakayan, mainstream media. Mainstream siya na iyong traditional media kasi, mayroong accountabilities, eh. Mayroong accountabilities iyong broadcasters, may accountabilities iyong nagbabasa ng news. Ngayon kasi, kahit anonymous, na-che-change niya iyong narrative, eh. So sa akin, sobrang hirap ngayon. Halimbawa, example lang, ang dami-daming ginagawa sa OVP. Hindi kami nagpahinga. Talagang— Talagang kami, hindi sa pagmamayabang, pero kahit kaunti iyong resources namin, kami iyong nagfi-fill in ng gaps one gap after another. Pero kapag tinanong mo iyong tao—kapag tinanong mo ng impression about me—sasabihin niya, “Wala naman siyang ginagawa.” So gusto kong sabihin, iyong mensahe hindi nakakarating. Kasi iyong social media, na-saturate niya talaga ng propaganda. Na hindi natin completely mabe-blame iyong tao for believing kasi iyong iyong available, eh. Iyon iyong available na information sa kanila. Kaya kanina, before we started, iyong kinukuwento ko sa inyo, ngayong 2022, if we really want change, kailangan na ito maging crusade levels, eh. Kailangan na siya maging crusade levels kasi kailangan ng tulong ng taumbayan para lang maiparating iyong correct information. Kasi ngayon, ang nangyayari ngayon sa social media, while lahat may access sa social media, iyong channels na nagsa-saturate ng fake news at iyong nakaka-saturate ng fake news, iyong may pera. So ngayon, kung may pera ka, puwede mong ma-manipulate iyong mga tao. And sino ba iyong kawawa doon? Hindi naman iyong kalaban mo sa pulitika. Pero iyong kawawa, iyong taong napapapaniwala.

    So iyon talaga ang fear ko, na we have to take action. Kapag sinabi mong we have to take action, hindi iaasa sa pulitiko iyong pag-bring ng change. Kasi hindi kaya. Hindi kaya. Ang kailagnan talaga, pagtulungan ng lahat. Kailangan pagtulungan lahat na kapag may fake news, ide-debunk. Dapat siguraduhin na iyong real information, iyong truth, iyon iyong makakarating sa tao. And hindi ito kaya ng isang tao. Makakaya lang ito ng isang citizenry na who will take it upon themselves na, “Enough is enough, lalabanan na namin ito.” Kasi kung magpapabaya lang, iyong ganitong klaseng governance, iyong ganitong klaseng—iyong ganitong klaseng vileness, iyong polarity, iyong divisiveness, magpapatuloy lang siya, eh. So sa akin, ang 2022 elections is a very big opportunity na basagin iyong kasamaan na nangyayari.

    DADA SANTIAGO: Ma’am Leni, malinaw po iyong sinabi ninyo na ang nais ninyong gawin ay magkaroon ng united opposition na inyong pamumunuan. Sa nangyayari po ngayon ay maaari pa bang mangyari iyon?

    VP LENI: Ako, hindi ako puwedeng mawalan ng pag-asa. Hindi ako puwedeng mawalan ng pag-asa hanggang may panahon pa. Mayroon pa tayong two weeks from today. Iyong communication channels naman—not with all candidates pero with some candidates—are still open. Bakit… bakit ba sobrang gigil ako na magkaroon ng unity ticket? Kasi aware ako kung gaano kahirap iyong mga kalaban. Alam ko kung ano iyong resources ng kalaban. Alam ko kung ano iyong kaya nilang gawin. And magiging mas mahirap kung hiwa-hiwalay. Pero having said that, wala naman kasi akong control sa desisyon ng ibang tao. Wala akong control. I have been trying my best to make all the contenders understand na iyong laban na ito, hindi na sa amin personal ito, eh. Pero iyong laban na ito, to—‘di ba, para mabawi natin iyong soul of our nation. So, sa akin, siyempre, marami kasing considerations. Halimbawa, lahat kami, mayroon kaming supporters. Siyempre, kapag magpapaubaya kami, magagalit iyong supporters namin. So ang pag-explain namin sa mga kausap, ganoon, na “lahat tayo similarly situated dito, pero isipin natin iyong bayan natin.” Pero again, while I’m not losing hope yet, ano naman ako, bukas iyong mata ko sa realidad na baka hindi iyon mangyari.

    DADA SANTIAGO: Okay. Ma’am, alam niyo naman ang mata at tainga ng mga tao, ngayong mga panahon na ito, ngayong mga araw na ito, ay talgang nakatuon sa inyo. Alam niyo naman kung ano ang gusto nilang malaman. So anong parting words po ninyo?

    VP LENI: Sa akin, Ma’am Dada, ina-assure ko iyong supporters. Una, iyong supporters ina-assure ko na naririnig ko sila. Kasi maraming, maraming—sa labas ng opisina namin, ang daming nakapaskil ngayon urging me to run. Ang dami kong nakukuhang e-mails, ang daming mga snail mails na dumarating, ang daming text mesages—nababasa ko po iyon lahat. And ako, I take them very, very seriously. Pero ito kasi… ito kasi ano, eh, kailangan lawakan iyong pag-intindi. Kasi may bigger fight na nakasalang. Parati ko naman ito, Ma’am Dada, sinasabi, na ready naman akont tumakbo. Ready ako tumakbo kung sa assessment ay makakatulong iyon sa misyon natin. Pero ready naman akong hindi tumakbo kung sa tingin ko lalong makakaharang iyon. Lalong makakaharang sa pag-ayos natin ng bansa natin.

    So iyong sa akin, sinurrender ko na talaga sa Diyos kasi sa hirap ng… sa hirap ng negotiations, dumadating iyong mga panahon na hindi ko na talaga alam kung ano iyong sunod na gagawin. So iyong sa akin, makakatulong na magdasal tayo sabay-sabay. Makakatulong na magdasal tayo sabay-sabay kasi Diyos lang naman ang makakaalam kung ano iyong mabuti—magiging mabuting desisyon para sa bansa natin. Ito, ako, while I’m still exerting a lot of effort, sa akin, total surrender na. Ang parati ko nga lang dasal, Ma’am Dada, na sana iyong mensahe ng Panginoon maging very clear para hindi rin tayo magkamali sa ating desisyon.

    DADA SANTIAGO: Okay. Kasama po namin kayo sa inyong panalangin. At kasama po ninyo kami sa inyong mga panalangin. Maraming, maraming salamat po, VP Leni.

    VP LENI: Thank you very much din.

    DADA SANTIAGO: Opo, dito sa pagsagot ninyo sa mga katanungan. Marami pa po sana ang gusto magtanong kaya lang po alam namin mayroon po kayong susunod na schedule.

    VP LENI: May 8 o’clock po kasi ako.

    DADA SANTIAGO: Opo, so we have to go. So ipapdala na lang po namin sa staff ninyo iyong aming mga questions, ano.

    VP LENI: Yes po. Thank you.

    DADA SANTIAGO: Magandang gabi po, Ma’am Leni.

    VP LENI: Magadang gabi din ulit at salamat po for having me tonight.

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 27, 2021