This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    QC News Today with Atty. Barry Gutierrez, VPLR spokesperson “Odette” Relief Operations Center/Leni-Kiko Volunteer Center

    QC News Today with Atty. Barry Gutierrez, VPLR spokesperson
    “Odette” Relief Operations Center/Leni-Kiko Volunteer Center
    Katipunan Ave., Quezon City


    QC NEWS TODAY: Magandang pagkakataon po ito, kasi may panawagan po kanina si Senador Manny Pacquiao na–sa kanyang mga kapwa presidential aspirants na magtulong-tulong, magkaisa para tulungan po itong mga nabiktima po ng bagyong Odette.

    ATTY. BARRY: Una, natutuwa kami dun sa naging panawagan ni Senator Manny na ito. Sumagot na kaagad si VP Leni dyan, at sumang-ayon siya at silang dalawa, 'yung sinimulan nilang ito na panawagan sa lahat ng mga tumatakbo ngayong eleksyon na ito na isantabi muna natin 'yung pangangampanya, isantabi muna natin 'yung pamumulitika para magkaisa at tiyakin na matulungan natin 'yung mga kapatid nating tinamaan ng Odette eh maganda yan. At kaya nga kita niyo, si VP Leni na mismo inannounce niya na starting today, this morning, itong aming campaign center dito sa Katipunan, Quezon City, imbes na kampanya ang tututukan, relief operations. So donasyon at mga volunteers, puwedeng padala dito.

    QC NEWS TODAY: At napakaganda po ng naging reaksyon nito sapagkat dito makikita 'yung damdaming Pilipino po natin na sa panahon po ng kalamidad, pagtulong sa kapwa, nagkakaisa ho tayo ano man ang ating pulitikang ginagalawan, ika nga.

    ATTY. BARRY: Tama 'yan, at sabi nga ni VP Leni kanina dun sa kanyang mensahe, 'di ba sa panahon ng krisis, bayanihan ang ating magiging tugon at bayanihan ang makakatiyak na tayo ay makakalagpas sa anumang krisis at anumang hamon.

    QC NEWS TODAY: Tulad ng nabanggit namin kanina, ang mga pangangailangan po ay–na puwedeng dalhin dito 'yung mga relief goods like inuming tubig, mga toiletries, mga kumot. Ano pa pong mga puwede nating idagdag?

    ATTY. BARRY: Hygiene kits, 'yung mga kakailanganin sa mga centers kung magkakaroon ng relocation, 'yung pagkain, huwag sana 'yung luto na kundi 'yung madaling lutuin at hindi perishable. Binanggit niya kanina mga instant halimbawa na mga pagkain, mga canned goods, ganyan. Meron namang listahan actually na nilagay tayo dun sa ating soc card on social media at bahagi din 'to binanggit niya isa-isa dun sa kanyang mensahe kanina. So kung ano mang tulong, ano mang donasyon ang puwede nating gawin, sana magawa natin dahil wala eh, panahon talaga ito na kailangan magtulungan para dun sa mga tinamaan ng Odette.

    QC NEWS TODAY: At siguro nais nating samantalahin na 'yung panawagan po ni Manny Pacquiao, ni VP Leni, eh ma-echo natin dun po sa iba pang mga presidential aspirants, mga political party, na magtulong-tulong po at puwedeng dito dalhin mismo ang relief goods, Sir Barry.

    ATTY. BARRY: Well, umaasa tayo na 'yun sana ang mangyari kasi siyempre panahon nga ng–panahon ng sakuna, panahon ng kalamidad, kailangan talaga magkaisa. Kailangang magtulungan. Kung hindi man dito dadalhin, I'm sure madaming ibang relief center na naitatayo. Basta ang importante tumulong tayo, mag-ambag tayo sa kung saan mang paraan na puwede. Pero kung sa panawagan ni VP Leni, bukas ang Katipunan headquarters na tumanggap ng ano mang donasyon, kung gusto nating mag-volunteer para magrepack o tumulong sa ano mang paraan, puwede ring magpunta dito.

    QC NEWS TODAY: Speaking of volunteer, may pangangailangan pa ho ba tayo? Mga gaano ho karami ang puwedeng pumunta dito para...?

    ATTY. BARRY: Tuluy-tuloy lang, naku. Ang experience namin dito kapag meron talagang krisis tulad nito, hindi kakapusin 'yung trabaho. Ang kinukulang minsan 'yung tao. So basta willing na tumulong, handang magbigay ng oras at ng panahon, sige lang. Sigurado kami mahahanapan namin kayo ng ano, ng trabahong gagawin para makatulong sa ating mga kababayan.

    QC NEWS TODAY: So live po tayo ngayon sa QC News Today, at marami ho tayong mga kababayan na gustong pumunta dito, magdala po ng mga relief goods. Kahit ho yata truck o mga bus eh puwedeng pumasok dito, napakaluwag po. Nasa inyo po ang pagkakataon, Sir Barry para manawagan po sa ating mga kababayan.

    ATTY. BARRY: Well uulitin ko lang 'yung panawagan ni VP Leni kanina na sa panahon ng pagsusubok tulad nitong nangyari sa Odette, isantabi muna natin ang pagkaka–ang ating mga pagkakaiba, 'yung iba't-ibang kampo na ating kinabibilangan at magkaisa tayo para matulungan ang ating mga kababayan. Bukas ang Quezon City Katipunan headquarters ng Leni-Kiko campaign sa pagtanggap ng mga donasyon, sa pagtanggap ng mga volunteers na gustong tumulong mula ngayong araw hanggang sa mga darating na araw, hangga't kailangan nating gawin itong relief operations.

    QC NEWS TODAY: Siya nga po pala, mahalaga ho siyempre, bukod ho sa relief opera–relief goods na darating dito, 'yung pagdadala doon. Ano ho ang kasiguruhan na ito pong mga relief goods na ito ay maidedeliver doon, may mga pakikipag-ugnayan po ba tayo sa ating Armed Forces of the Philippines at iba pang mga ahensya ng ating gobyerno?

    ATTY. BARRY: Kaninang umaga, binanggit na rin ni VP Leni na nag-operational meeting na kami at bahagi dito 'yung pakikipagcoordinate na sa ating mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng ating bansa, AFP at PNP. Kasi ang isang challenge dito madaming lugar ang hirap puntahan 'di ba, medyo 'yung mga commercial flights ay hindi muna matutuloy dahil na sa bagyo so ginagawa na natin 'yan. At bukod dito, mula pa kahapon 'yung mga volunteer groups natin dun sa mga lugar na apektado, nagsimula na ring magprepare sa kani-kanilang lugar, on the ground na pagkakaroon ng preparations para sa relief operations. So kumbaga magsasalubong 'yan, 'yung ating manggagaling na mga relief goods dito sa tulong ng ating AFP at 'yung on the ground na pagkilos ng ating mga volunteers. So hopefully, magagawan ng paraan 'yan sa darating na mga araw.

    QC NEWS TODAY: And gusto na rin po naming samantalahin sapagkat sa mga binabagyong lugar, bagsak po ang komunikasyon, bagsak ang kuryente, baka may mga private company ho tayo dyan sa telcos na puwede pang tumulong, Sir Barry.

    ATTY. BARRY: Kung willing, kung merong willing na mag-donate halimbawa mga satt phone o kaya mga radyo o kung ano mang paraan para makapag-ensure ng communication sa mga lugar na bagsak 'yung signal dahil nga sa bagyo, puwedeng ano–puwede silang magbigay at 'di hamak siguradong mapapakinabangan 'yan.

    QC NEWS TODAY: Yeah, okay. Thank you very much, Sir Barry.

    ATTY. BARRY: Thank you, Sir David.

    QC NEWS TODAY: 'Yan, inyo pong napakinggan ang pahayag po ni Sir Barry Gutierrez, ang tagapagsalita po ni Vice President Leni Robredo.

    [END]

     

     

     

    Posted in Transcripts on Dec 17, 2021