This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Quezon City, buo ang suporta para kay presidential candidate Leni Robredo

    Quezon City, buo ang suporta para kay presidential candidate Leni Robredo:

    Tila naging dagat ng kulay rosas ang Quezon Memorial Circle habang inilalahad ni VP Leni ang mga plano para sa trabaho, kalusugan

    Nagmistulang dagat ng kulay rosas ang Quezon Memorial Circle dahil sa mahigit na 20,000 tagasuporta mula sa buong Metro Manila na nagising ng maaga at dumalo para sa proclamation rally ni Vice President Leni Robredo nitong Linggo ng umaga, ika-13 ng Pebrero.

    Sa nakalipas na limang araw, sunod-sunod ang pag-iikot ni Robredo sa Luzon, simula sa kanyang sariling rehiyon na Bicol, pagkatapos ay sa Batangas, Laguna, Olongapo, Bataan, at Zambales.

    Kasama ng mga lokal na opisyal mula Quezon City, dumating si Robredo sa Quezon Memorial Circle sakay ng kulay rosas na mini truck. Sinabi ng presidential aspirant na ito ang pinakamahabang biyahe na kanyang nilakbay mula sa City Hall hanggang sa Quezon Circle – inabot ng isang oras, na karaniwang tumatagal ng ilang minuto - dahil sa dagat ng mga tao na pumila sa mga lansangan upang salubungin siya.

    “Para po sa inyo, talagang sinisipagan namin. Alam po natin na marami tayong kailangang trabahuin, pero yung pinapakita niyong pagmamahal, yun ang nagbibigay sa amin ng lakas. Para araw-araw, gigising ng maaga, more than 18 hours magtatrabaho,” sinabi ni Robredo, kahit paos na ang boses nito dahil sa araw-araw na pangangampanya.

    “Ang pinapangako po namin, isang leadership na matino at mahusay, isang pamahalaan na matapat, masipag, malinis, dahil ito lang yung paraan para umangat yung mga nasa laylayan,” mensahe ni Robredo sa kanyang mga tagasuporta habang winawagayway ang mga pink na flaglets. Karamihan sa kanila ay nasa Quezin Circle na kahit madaling-araw pa lang, at naghihintay sa programa na nagsimula ng alas sais ng umaga.

    Sunod na inilahad ni Robredo ang bahagi ng kanyang plano para sa trabaho, kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng unemployment insurance na katumbas ng 80 percent ng buwanang suweldo ng isang empleyado sa loob ng tatlong buwan, pagkatapos nito ay tutulong na ang gobyerno para makahanap na ng trabaho ang empleyado.

    “Ano pong [ibig sabihin] ng aangat ang lahat? Pag nawalan po ng hanapbuhay, ang kailangan ng pamahalaang gawin, saluhin yung mga nawalan ng hanapbuhay,” sabi ni Robredo.

    “Papano po sasaluhin? Halimbawa na lang, 'yung aming pong programa dito, kailangan sa unang tatlong buwan pagkatapos siyang mawalan ng hanapbuhay, kailangan siyang bigyan ng unemployment insurance ng 80 percent ng kaniyang sweldo. Pag tapos na 'yung pangatlong buwan na wala pa din siyang nahahanap na bagong trabaho, dapat ang gobyerno ang maghahanap ng kaniyang trabaho.”

    Inihayag din ni Robredo ang bahagi ng kanyang planong pangkalusugan, na magbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga nangangailangan.

    "Pag siya po ay nagkasakit, hindi 'yung babangga siya kung kani-kanino para naghahanap ng makakatulong, ganoon 'yung ginagawa ng karamihan. Hindi nakakapag-dialysis, kahit kailangang uminom ng maintenance medicine, walang mainom na gamot; kahit kailangan ng doktor, walang pupuntahan na doktor kasi hindi nila alam kung papano sila makakahanap ng libreng doktor,” ayon kay Robredo.

    Dagdag pa nito, “Sa isang gobyernong matapat, hindi na kailangan bumunggo sa kung saan, pero ang pamahalaan ang magsisiguro na ang kaniyang kahirapan ay hindi magiging hadlang para makuha niya 'yung serbisyong medikal na kinakailangan niya."

    Kasama ni Robredo ang kanyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan at ang kanilang mga senatorial candidates sa proclamation rally na inorganisa ng volunteer group, Kyusi4Leni, at ng Robredo People’s Council (RPC). [End]

    Posted in Press Releases on Feb 13, 2022