This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Relaxed na weekend para kay VP Leni at mga anak bago ang simula ng kampanya

    Relaxed na weekend para kay VP Leni at mga anak bago ang simula ng kampanya

    Tahimik ang Sabado ng gabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang bahay sa Camarines Sur kasama ang kanyang mga anak, tatlong araw bago ang opisyal na simula ng kampanya. Nitong Linggo, nagpagupit si Robredo sa kanyang suking hairstylist.

    Ito ay isang pahinga mula sa punong-puno na iskedyul na nakasanayan ng pambato sa pagka-Pangulo, gaya ng nakikita sa kanyang mga post sa Facebook.

    Nitong Sabado, inikot ni Robredo ang Dinagat Islands, Sipalay, at Cauayan sa Negros Occidental, mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette, para tumulong sa rehabilitasyon ng mga pamayanan.

    Nagbahagi si Robredo ng mga video niya at ang kanyang pangalawang anak na si Tricia at ang bunsong si Jillian na nagja-jamming, kung saan siya ay kumakanta at si Jillian naman ang tumutugtog ng pink na gitara. Ang panganay niyang si Aika ay hindi nakasama sa jamming dahil maaga itong natulog, ayon kay Robredo.

    “Excited kong ipinakita sa kanila yung gitara na niregalo sa akin ng supporters sa Guagua, Pampanga noong Huwebes. Sinubukan na agad ni Jillian itugtog at maganda nga yung tunog,” sabi ng Bise Presidente. "Kilalang kilala ang bayan ng Guagua sa ganda ng mga gitara na ginagawa nila. Pagbalik ko sa Maynila, ipapakita ko din yung iba pang mga bigay nila na tunay naman nakaka proud talaga. “

    Kumanta ng ilang sikat na kantang OPM ang mag-iina. Kinanta ni Robredo ang sikat na kantang "With a Smile" ng Eraserheads kasama si Jillian.

    Noong Setyembre, pumutok sa media ang tweet ni Ely Buendia, dating lead vocalist ng Eraserheads, na nagsasabing maaring magsama muli ang banda para sa isang reunion concert kung tumakbo si Robredo bilang Pangulo. Hindi pa nagpapasya si Robredo noong panahon na yon.

    Pagkaraan ng dalawang buwan, matapos maghayag ng kanyang pagtakbo si Robredo, dumalaw si Buendia sa Office of the Vice President (OVP) para regaluhan si Robredo ng isang limited vinyl edition ng 25th Anniversary Album ng banda.

    Nitong Linggo ng hapon, nakahanap ng kaunting oras si Robredo para magpagupit sa kanyang stylist.


    “Another downtime here in CamSur with my favorite local manggugupit, Nanz Mapa Robles, who has been doing our hair for so long already,” sabi ni Robredo.

    Opisyal na sisimulan ni Robredo sa Martes, ika-8 ng Pebrero, ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng isang grand rally sa Naga City, kanyang kinagisnang bayan, kasama ang kanyang katambalan na si Senator Kiko Pangilinan at ang kanilang buong senatorial lineup. [End]

    Posted in Press Releases on Feb 06, 2022