This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Roxas City mayor tungkol kay VP Leni: ‘Kumakalinga siya sa atin’

    Roxas City mayor tungkol kay VP Leni: ‘Kumakalinga siya sa atin’

    Naging mala-red carpet treatment ang pagtanggap kay Vice President Leni Robredo nang dumalaw sa Roxas City ngayong Martes, ika-15 ng Pebrero, sa unang araw ng pag-iikot niya sa Panay Island.

    Walang patid ang hiyawan ng mga taga-Roxas na matiyagang inabangan ang motorcade ni Robredo mula sa airport hanggang sa Archbishop’s Palace, kung saan nakipagkita ang presidential aspirant kay Diocesan Administrator Monsignor Cyril Villareal. Pagkatapos nito, pinuntahan ng Bise Presidente ang Robredo People’s Council (RPC), na mula sa iba’t-ibang bahagi ng Capiz, sa Dinggoy Roxas Civic Center.

    “Sang 2016 siya ang guinsuportahan sang kapin 50,558 ka pumoluyo sang Roxas City kag nangin madinalag-on nga Bise-Presidente. Sa sulod sang anum ka tuig niya nga serbisyo, matinlo ang record. Wala bahid sang korapsyon. garantisado nga masaligan kag nagaulingag gid sa aton,” sabi ni Roxas City Mayor Ronnie Dadivas nang ipakilala si Robredo.

    [Noong 2016, higit sa 50,558 na mga residente ng Roxas City ang sumuporta sa kaniya at nanalo siya bilang Bise Presidente. Sa loob ng anim na taong pagseserbisyo, malinis ang kaniyang record. Wala ni isang bahid ng korapsyon. Tiyak na siya ay mapagkakatiwalaan at kumakalinga sa atin.]

    Sa kaniyang mensahe sa RPC volunteers, inalala ni Robredo ang suportang natanggap niya mula sa Roxas City noong 2016 at ang tulong na ipinaabot ng kaniyang tanggapan sa lungsod at sa probinsya.

    “Parati pong masayang-masaya ako pag nakakabalik ako dito sa Roxas City saka sa Capiz. Maraming magagandang alaala. ‘Yung pinakauna ko pong bisita po dito noong kumakandidato ako bilang Pangalawang Pangulo. ‘Yun po ay pagpunta ko ay hindi niyo pa ako kilala. Nagpapakilala pa lang ako pero napakalaki ng tulong na ibinigay niyo sa akin sa eleksyon,” aniya.

    Nagbalik-tanaw ang Pangalawang Pangulo sa kaniyang programang Angat Buhay para sa probinsya ng Capiz, kabilang ang pagbibigay ng mga kagamitan para sa mga magsasaka sa Panitan at tulong-pangkabuhayan para sa mga mangingisda sa Roxas City, at relief operations na isinagawa ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga nasalanta ng bagyong Ursula noong 2019.

    Binanggit din ni Robredo ang dalawang community learning hubs na itinayo ng OVP, at mga PPE at medical supplies na kaniyang ipinadala bilang bahagi ng COVID-19 pandemic response.

    Kinumpirma naman ni Dadivas ang suportang natanggap niya mula sa OVP at sinabing, “Sya isa ka babayi nga sa tion sang krisis nangin mabakud nga sandigan. Halin sa madasig nga pagresponde sa mga bagyo tubtob sa epektibo nga COVID-19 response.”

    [Siya ay isang babae, na sa panahon ng krisis, ay maaasahan at masasandalan natin, mula sa kaniyang mabilis na pagtugon sa mga dumaang bagyo hanggang sa epektibong COVID-19 response.]

    Samantala, pinaalala ni Robredo sa mga Capizeños kung ano ang nakataya sa darating na halalan at ang anong klase ng gobyerno ang kaniyang hinahangad.

    “Meron po akong paniniwala, dahil alam niyo na 'yung eleksyon na ito hindi siya pareho noong nakaraan na contest lang ng mga kandidato. Pero ang eleksyon na ito, ang dedesisyunan natin, anong klaseng pamahalaan ang gusto natin para sa bansa natin sa susunod na anim na taon? Ayaw na natin na sobrang politika. Ang gusto natin, pagkatapos ng eleksyon, tapos na 'yung politika, magtrabaho na at manilbihan na, hindi na titingin sa ibang kulay o Partido,” sabi ni Robredo. [End]


    Statement of Mayor Dadivas, as delivered in Ilonggo:

    Isa ka honor sa akon nga ipakilala sa inyo ang aton bisita subong.

    Sang 2016 siya ang guinsuportahan sang kapin 50,558 ka pumoluyo sang Roxas City kag nangin madinalag-on nga Bise-Presidente .

    Sa sulod sang anum ka tuig niya nga serbisyo, matinlo ang record. Wala bahid sang korapsyon. Garantisado nga masaligan kag nagaulingag gid sa aton.

    Sya isa ka babayi nga sa tion sang krisis nangin mabakud nga sandigan. Halin sa madasig nga pagresponde sa mga bagyo tubtob sa epektibo nga COVID - 19 response.

    Mga kasimanwa, updi niyo ako kag aton ipabatyag ang mainit nga pagpalangga sang Roxas City kag Capiz sa aton Bise Presidente..... Vice President Leni Robredo. [End]

    Mensahe mula sa tanggapan ng Alkalde:

    Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang ating panauhin ngayong araw.

    Noong 2016, higit sa 50,558 na mga residente ng Roxas City ang sumuporta sa kaniya, at nanalo siya bilang Bise Presidente ng Pilipinas.

    Sa loob ng anim ng taon ng kaniyang panunungkulan, malinis ang kaniyang record. Wala itong ni isang bahid ng korapsyon. Tiyak na siya ay mapagkakatiwalaan at kumakalinga sa atin.

    Siya ay isang babae, na sa panahon ng krisis, ay maaasahan at masasandalan natin, mula sa kaniyang mabilis na pagtugon sa mga dumaang bagyo hanggang sa epektibong COVID-19 response.

    Mga kaibigan, samahan niyo ako at iparamdam natin sa kaniya ang mainit na pagmamahal ng Roxas City at Capiz para sa bise presidente, si Vice President Leni Robredo. [End]

    Posted in Press Releases on Feb 15, 2022