This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Sa ika-63 na Ramon Magsaysay Awards, nanawagan si VP Leni para sa “radikal na pagkakaisa”

    Sa ika-63 na Ramon Magsaysay Awards, nanawagan si VP Leni para sa “radikal na pagkakaisa”

    Una, radikal na pagmamahal; sumunod ay radikal na pagkakaisa.

    Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Martes, ika-30 ng Nobyembre, na tinuro ng pandemya sa mga tao at mga gobyerno na itulak ang “radikal na pagkakaisa” sa pagsisimula ng pagbangon at paghahangad ng isang mas mainam na normal matapos mabulabog ng pandemya ang mundo.

    Sa kanyang talumpati sa ika-63 na Ramon Magsaysay Awards, kumuha ng inspirasyon si Robredo mula sa buhay at gawa ng limang naparangalan sa isang virtual ceremony, ang unang pagkakataon na ginawa ito online ng pinakapremyadong parangal sa buong Asya.

    Ang mga pinarangalan ngayon taon ay ang mangingisda at community environmentalist na si Robert “Ka Dodoy” Ballon mula sa Pilipinas; humanitarian at peacebuilder na si Steven Muncy para sa Southeast Asia; kampeon ng abot-kayang gamot na si Firdausi Qadri ng Bangladesh; poverty alleviation visionary na si Muhammad Amjad Saqib ng Pakistan; at media truth crusader na si Watchdoc ng Indonesia.

    Ang pandemya, ayon sa Bise Presidente, ay nagturo sa mundo na magtayo ng isang “future of true and radical solidarity”.

    “When poverty strips people of their ability to take hold of their own destiny; when disease threatens those who have already lost so much to prejudice and inequality; when conflict tears people from their homes, their culture, their hope and memory; when silence and lies shrink the space for important stories to be told; when even the seas cry out for reprieve from the insatiable drive to extract and consume—we look to people such as the 2021 Ramon Magsaysay awardees and their fellows from across the decades as examples of how humanity ought to respond,” sabi ni Robredo.

    Nang nilantad ng pandemya ang mga matagal nang nakatanim na kawalang ng katarungan sa mga lipunan, sinabi ni Robredo na kailangang suriin ng mga tao kung papaano nila tinatrato ang isa’t isa. Ayon sa kanya, ang mga pamahalaan naman ay dapat magtayo ng mga sistema na dumaramay sa mga taong pinagsisilbihan nila.

    “For too long, service has been treated as taglines at worst, and as acts of charity at best. When people are in dire need, it is supposed to be the structures of society that address these needs—and not some benevolent leader handing down projects and programs as a lord of the manor does to his servants,” sabi niya.

    “Inclusiveness should not be a matter of charity. It is the very rationale of governance. And this revelation can only be put into practice if those who govern truly understand the meaning of solidarity—walking in the slippers of the people not for show but for real, feeling their despair, carrying their burdens as their own,” ayon sa Bise Presidente.

    Dagdag nya: “Only then can the structures blurred by patronage be seen with moral clarity—and be reformed, reoriented, or even dismantled to give way to a society animated by radical solidarity.”

    Hinubog ni Robredo ang kanyang kampanya para pagka- Pangulo sa ideya ng “radical love” bilang tugon sa galit na humati sa mga Pilipino dahil sa kanilang iba’t ibang pananaw sa politika. Ipinagmamalaki din niya ang “people’s campaign” na inisyatiba ng kanyang mga taga-suporta para sa kanya at kanyang katambal na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan, para mahalal sila bilang Pangulo ang Pangalawang Pangulo pagdating ng Mayo 2022.

    Sa virtual ceremony, nagbigay pugay din si Robredo sa katatagan ng sangkatauhan.

    “We resume this annual tradition not necessarily in triumph over a darkness that still lurks, but in recognition of the human spirit that cannot be dimmed despite that darkness—that persists despite adversity; that, in the face of suffering or desolation, does not turn away or shrink, but rather expands with courage and compassionate resolve,” sabi ni Robredo.

    Sinabi ng Bise Presidente na ang mga pinarangalan ngayong taon ang kumakatawan sa diwa na ito sa kanyang pagpapakilala sa bawat isa sa kanila sa kaniyang talumpati:

    • Noong nakita niya na lumiliit na ang huli sa kanyang probinsya sa Zamboanga Sibugay dahil sa pagkasira ng mga tahanan ng mga isda, pinangunahan ni Ballon ang pagtatanim ng daan-daang ektarya ng bakawan para muling mabuhay ang dagat at magbigay yaman. Sumunod sa inisyatibang ito ang mga katabing-bayan. Nakasama na ni Robredo si Ballon sa pagpapakilala ng pagtatanim ng bakawan sa iba pang mga mangingisda.
    • Kasama ang ilang kaibigan, sinumulan ni Saqib ang Akhuwat, isang micro-finance program para lunasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pautang na walang interes sa mga Pakistani noong 2003. Ito ay na-inspire ng tradisyon sa Islam na Mawakhat, isang ideya na nagsasabi na kung may tinapay ang isang tao, kalahati nito ay dapat maibigay sa isa na wala. Sa ngayon, tatlong milyong pamilya na ang natulungan ng Akhuwat, na nagtayo ng tiwala at komunal na pananagutan sa mga humiram sa kanila.
    • Si Qadri, isang biochemist, ay naging mahalaga sa paggawa ng isang mas abot-kayang oral cholera vaccine at typhoid conjugate vaccine. Bago ang pandemya, siya at ang kanyang grupo ay tumulong sa pagpigil ng isang malakihang outbreak ng cholera nang nagdala sila ng bakuna sa mga Rohingya in Bangladesh, ang pinakamalaking refugee camp sa mundo.
    • Si Muncy at ang kanyang mga kasama sa Community and Family Services International ay 40 taon nang tumutulong sa mga refugee na naapektuhan ng persekusyon, digmaan, sakuna, at iba pang mga lubos na napakahirap na sitwasyon sa Southeast Asia, kasama na ang Marawi.
    • Ang WATCHDOC ay isang media company sa Indonesia na unang organisasyon na makakatanggap ng Ramon Magsaysay Award for Emergent Leadership, na madalas ay binibigay sa mga indibidwal. Simula nung 2011, nakatutok ang WATCHDOC sa mga isyung di nauulat at paggawa ng mga dokumentaryo sa karapatang pantao, social justice, at sa kalikasan na mapapanood sa Youtube.

    Ipinagpaliban ng RMAF ang parangal noong isang taon dahil sa pandemya.

    Ang seremonya ngayong taon ay ni-livestream sa Facebook at Youtube nitong Martes ng hapon.

    Ito ang ika-anim na pagkakataon na nagbigay ng keynote address ang Bise Presidente sa Ramon Magsaysay Awards, na pinarangalan ang kanyang asawa, ang yumaong Interior Secretary Jesse Robredo, noong 2000 sa kategorya ng Government Service, para sa kanyang mga nagawa bilang mayor ng Naga City.  (end)

     

     

     

    Posted in Press Releases on Nov 30, 2021