This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Seguridad sa pagkain sa Iloilo, makakamit kasama nina Leni at Kiko “Wala nang mas importante pa kaysa bigas at ulam,” ani Gov. Toto Defensor

    Seguridad sa pagkain sa Iloilo, makakamit kasama nina Leni at Kiko “Wala nang mas importante pa kaysa bigas at ulam,” ani Gov. Toto Defensor

    Pinangako ni Iloilo Governor Arthur “Toto” Defensor, Jr., na makikipag-tulungan siya kasama ng presidential candidate na si Leni Robredo at ang kanyang kasama sa pagtakbo na si Francis “Kiko” Pangilinan para siguraduhin ang food security para sa bansa, matapos ng kanyang pag-deklara ng suporta para sa kanilang kandidatura sa eleksyon sa May 2022.

    “Number one, sa MoRe ProGRes ILOILO (Movement for a Resurgent, Progressive, Globally Competitive and Resilient Iloilo) vision namin, ang objective – na sa ngayon hindi pa nga napapag-usapan, we want to pursue this with her – ang food security. Wala nang mas importante pa kaysa bigas at ulam,” ayon kay Defensor.

    Idineklara ni Defensor ang kanyang pagsuporta sa tambalang Leni-Kiko noong Oktubre 28, at isa siya sa mga dumaraming mga lokal na pinunong naniniwala na sa administrasyong Robredo-Pangilinan, tiyak ang kaunlaran, pag-uunlad, at pagbibigay-lunas sa mga problemang dulot ng pandemiya.

    Pokus ng Iloilo ang siguraduhan food security lalo na sa pagkakaroon ng sapat na pagkain,   economic and physical access sa pagkain, at food utilization and stability.

    Inilunsad ni Robredo ang Partnership Against Hunger and Poverty sa Camarines Sur, isang programa sa pagpapakain noong siya’y kongresista ng Third District ng lalawigan. Ito ang nagging basehan para sa National Food Security Bill.

    Bilang Bise Presidente, inilunsad din niya ang Angat Buhay, isang programang tumutugon sa kahirapan, at ang isa sa mga adbokasiya nito ay ang food security at nutrisyon.

    Sinusuportahan ni Defensor sina Robredo at Pangilinan dahil nainiwala siya sa kanilang pakikitungo sa trabaho at sinseridad. Nakita na niya kung paano magtrabaho si Robredo noong sila’y magkahanay sa Kongreso, at dinala niya ito sa pagka-bise presidente. 

    “Nakita naman natin kung ano ang kanyang trabaho bilang Vice President at kung ano ang pinagdaanan nya sa serbisyo at sa gobyerno, lalo noong panahon pa na nandoon sya sa Camarines at Naga,” ani Defensor.

    “Naniniwala tayo na magaling sya at may sinseridad. Importante sa atin yan eh. Nakikita mo sa mata ng tao yung sinseridad na she will deliver, together with Sen. Kiko, for the whole country,” dagdag ng goberandor.

    Sinabi ng gobernador, na tumatakbo para re-election sa 2022, na ang isang administrasyong pinangungunahan nina Robredo at Pangilinan ay makakapagbigay ng maliwanag, epektibo, at mapagkakatiwalaang serbisyong administratibo.

    Isa si Robredo sa mga pangunahing akda ng Freedom of Information Law na nagnanais pabutihin ang transparency ng pamahalaan.

    “[Sa] pagkakilala natin kay VP Leni, naniniwala ako na halos ganitong direksyon din ang magiging direksyon ng Pilipinas kung siya ang tutulungan natin,” sabi ni Defensor. (end) 

     

     

    Posted in Press Releases on Nov 06, 2021