16 November 2016
Old Balara Elementary School, Quezon City
Maraming salamat po, maupo po tayong lahat. Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga sa ating mga 8-9 year old grade 3 students. Iyong tanong ko sa inyo, nagbabasa ba kayo? Ano ang binabasa ninyo? Baka text book lang?
Pero alam ninyo ngayon kasi, ngayon na may mga computer at Internet, baka mas madalas tayong naglalaro kaysa nagbabasa. Mas madalas ba tayong maglaro kaysa magbasa?
Naku binobola ninyo ata ako. Pero alam niyo kung bakit ko kayo tinatanong kasi ako isa rin akong nanay. Mayroon akong tatlong anak na babae. Ngayon, malalaki na sila.
Pero noong maliliit pa sila, mula noong sanggol pa sila, di pa nagsasalita, araw-araw ko na sila binabasahan. Pati iyong papa nila palit palit kami, binabasahan namin sila parati. Dahil binabasahan namin sila parati, lumaki sila na mahilig na din magbasa.
At iyon ang programa natin sa araw ng pag-asa, araw ng pagbasa. Ang tatay nito si Cong. Bolet Banal. Sinimulan niya ito noong 2008 at ngayong siya ay naging congressman na naging batas na iyong Nov. 27 na bidthday ni Ninoy Aquino, iyon na ang araw ng pagbasa.
At sinasabi nito na kahit cinecelebrate natin iyon ng November 27, pagpapaalala lang sa atin, kahit na hindi November 27, dapat tayong nagbabasa. Pero iyog pinakabuod nitong lahat, dapat tayong mga magulang, binabasahan natin parati ang ating mga anak kasi doon nagsisimula ang love for reading.
Hindi natin ma-iimpose sa ating mga anak ang love for reading kung hinid nila tayong nakikitang nagbabasa. Kaya ito pagpapaalala hindi lang sa mga bata, pagpapaalala lalong lalo na sa mga magulang na bigyang panahon ang pagbabasa araw araw.
Ako lumaki ako na binabasahan ng mga magulang kaya nahilig akong magbasa. Iyong mga anak ko ganoon din dahil sinimulan ko noong maliit pa sila, hanggang ngayon mahilig silang magbasa, mahuhusay sumulat.
Walang mahusay sumulat na hindi mahilig magbasa. Kaya ngayong umaga, magpapasalamat tayo sa National Bookstore, palakpakan natin ang National Bookstore.
Nagpapasalamat tayo sa Kaya Natin, palakpakan natin ang Kaya Natin.
Nagpapasalamat din tayo sa opisina ni Congressman Bolet Banal, nandito sila mga naka-yellow ngayon.
Palakpakan din natin ang principal at mga guro at ang ating kapitan sa paghohost nito.
Hindi ko alam kung alam ng National Bookstore na noong ako ay Congresswoman ng 3rd District, ka-partner ko ang National sa lugar namin. Nagbibigay siya ng maraming school supply sa mga mahihirap na bata at ka-patner ko din ang Kaya Natin Foundation at Ahon Foundation, naglalagay kami ng libraries sa bawat paaralan sa distrito namin.
Importante ang library dahil hindi natin mapapabasa ang mga bata kung wala naman babasahin. Kaya tingnan niyo mga bata nandoon ang mga libro galing sa National Bookstore ang gaganda. Sana hindi lang siya nakadisplay.
Sana kapag nandiyan na siya sa library natin, babasahin natin.
Babasa ba tayo? Iyan ha.
Pag sunod kong balik dito, tatanungin ko kayo kung ano na nabasa iyo.
Ngayong umaga po nagpapasalamat tayo sa inyong lahat.
Salamat sa Old Balara Elementary School at salamat din sa iba pa nating mga partners.
Magandang umaga sa inyong lahat.