This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech of John Arcilla at Araw Na10 'To!: The People's Rally

    Speech of John Arcilla at Araw Na10 'To!: The People's Rally
    Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City


    JOHN ARCILLA: Korap o tapat? Kurakot o lingkod? Umiiwas o humaharap? Sumusugod o umaatras? Masipag o tamad? Trapo o tropa? Bayan pumili ka!

    Damang dama ko ang ating pag-ibig sa isa't isa ngayong gabi. Palakpakan natin ang ating paninindigan. Ito ang tunay na pag-ibig sa bayan. Dahil ayaw natin ng korapsyon, dahil ayaw natin ng lahat ng uri ng inhustisya. Dahil ang dalawang ito ang dahilan kung bakit maraming naghihirap sa ating mga kababayan at naghihirap ang ating bansa. Nandito tayo dahil mahal natin ang Pilipinas.

    Hindi tayo mga Yellowtards. Hindi tayo mga Pinklawan. Hindi tayo mga bayaran! At lalong-lalong hindi tayo mga komunista! Lahat ng kulay ay nandito. Asul, Dilaw, Pula, Berde, Rosas at Kayumanggi! Tayo ang sambayanang Pilipino. Mahal natin ang ating bayan, iniibig natin ang ating bandila at may takot tayo sa Diyos.

    Bukod sa kaarawan ni Leni Robredo, bakit tayo nandito?

    Hindi natin sinasamba si Leni Robredo. Hindi po namin sinasamba si Leni Robredo. Siya po ay aming sinasamahan sapagkat sinasamahan niya ang sambayanang Pilipino.

    Hindi natin sinasanto o sinasanta si Leni Robredo. Hindi po namin sinasanto o sinasanta si Leni Robredo. Siya po ay aming sinisinta dahil iniibig niya ang ating bayan. Dahil siya ay totoong tao, sumasakay ng bus at umaangkas sa motorsiklo.

    Si Leni Robredo po ay hindi natatakot na bantayan natin ang kanyang paninindigan at kanyang mga pangako dahil kilala niya ang kanyang sarili at alam niya kung ano ang kaya niyang gawin para sa ating lahat.

    Hindi po siya natatakot na punahin. Nais po niyang tawagan natin ang kanyang atensyon sapagkat alam niya na ang pag-puna ay pagmamahal sa bayan. Ang pag-puna, ay ating tungkulin bilang nagbabayad ng buwis. Ang pagpuna sa gobyerno ay hindi pagrerebelde o hindi pagrereklamo.

    Ang pagpuna sa gobyerno ay pagmamahal at bahagi ng ating karapatan bilang mamamayang Pilipino.

    At alam na alam po 'yun ni Leni Robredo.

    Kaya't iyon po ang simula ng isang malusog na relasyon ng gobyerno at ng mamamayan. Kung nagkakaintindihan ang pamahalaan at ang kanyang taumbayan, nagdadaop-palad, nakaka-unawaan at sabay-sabay na magtutulungan upang umangat tayong lahat. Upang masumpungan natin ang pag-rosas ng bukas.

    Tayo po, tayong lahat po ang pinaka makapangyarihan sa darating na eleksyon sa Mayo. Tayo po ang pinaka makapangyarihan sapagkat tayo ang maglalagay ng taong maglilingkod sa atin.

    Pero, hindi pa po tapos ang ating tungkulin bilang Pilipino. Kailangan po natin siyang bantayan upang ang ating mga pangarap at ang kanyang pangako ay matupad.

    Kaya 'wag natin siyang iiwanan na mag-isa sa upuan. Kailangan natin si Kiko. Kailangan natin si Baguilat. Kailangan natin si Matula. Kailangan natin si Lacson. Kailangan natin si Chel. Kailangan natin si Hontiveros. Kailangan natin si De Lima. Kailangan natin si Trillanes.

    Marami po akong mga kakilala, marami akong mga kaibigan. Sabi nila, "Iboboto ko si Leni bilang Presidente pero ang gusto kong bise ito. Ang gusto kong si– senator ay ito, ito. Gusto ko, gusto ko, gusto ko."

    Alam ko 'yan dahil gusto nating maramdaman ang ating kalayaan sa pagpili. Ito na ang ating pagkakataon. Lagi na lamang sila ang tama. Lagi na lang 'yung boyfriend ko ang tama. Lagi na lang 'yung girlfriend ko ang tama. Lagi na lang sila ang tama. Ito na ang pagkakataon ko kaya ilalagay kung sino ang gusto ko.

    Pero hindi po lahat ng gusto natin ay makakabuti sa atin. Dahil ang eleksyon po ay tungkol sa ating bayan at hindi tungkol sa ating sarili. Radikal ang pagmamahal.

    Alam po ninyo, ako ay isang anak. Mahal ko po ang aking mga magulang kaya nauunawaan ko si Bongbong bilang isang anak. Subalit hindi kwalipikasyon sa pagka-presidente ang nauunawaan ko ang isang tao.

    Gusto ko si Sara kasi maganda ang kaniyang mukha. Mukha siyang mabait. Subalit hindi kwalipikasyon sa pagka-pangulo ang mukhang mabait.

    Kilala ko si Isko subalit hindi po kwalipikasyon sa pagka-presidente ang kilala ko lang ang isang tao.

    Sapagkat ang tatlong pamantayan po na iyan ay maaari ko ring gamitin kay Leni Robredo. Siya ay namatayan ng asawa, ako ay namatayan ng mahal sa buhay. Damang-dama ko at unawang-unawa ko ang kaniyang damdamin. Siya ay mukhang approachable at mabait. Siya ay kilala ko.

    Kinampanya ko siya noong bise siya pero hindi 'yun ang dahilan kung bakit ko siya pinili. Pinili ko siya dahil sa kaniyang mga ginawa, sa kaniyang mga nagawa, at sa kaniyang mga gagawin pa.

    Siya lamang po ang nakita kong kandidato na pumupunta sa lahat ng malalayong lugar na hindi pa napupuntahan ng sinumang opisyal at natutulungan niya ang mga kababayan nating mga mahihirap. Natutulungan niya ang mga nasasalanta sa lahat ng bahagi ng Pilipinas na hindi niya binabawasan ang kaban ng bayan.

    Ni hindi niya kinukuha at nababawasan man lamang ang buwis ng bayan. Ang dami na niyang natulungan subalit ang pinanggagalingan ng pera at ng pondo ay mula sa mga iba't-ibang organisasyon at iba't-ibang kumpanya na may tiwala sa kaniya.

    Sino pa ang gumawa noon? Siya lamang po ang kilala ko. At nagagawa niya 'yun dahil siya ay isang abogada. Siya ay isang ekonomista. Siya ay isang guro.

    At hindi siya nakatira sa palasyo. Nakatira lamang siya sa isang two-bedroom at nakikitira sa kaniyang– sa magulang ng kaniyang asawa.

    Isang totoong tao. At 'yun ang mga dahilan kung bakit siya ang pinipili natin.

    At higit sa lahat, ginagawa ito ni Leni Robredo hindi para sa kaniyang sarili kung hindi para sa bayan. Lagi nating tinatanong bakit ba bayan na lamang ang mauuna? Bakit hindi ang aking pamilya?

    Pag pinili mo ang bayan, kasama na roon ang iyong pamilya, kasama na roon ang iyong sarili sapagkat pag ang bayan natin ay umunlad, uunlad tayong lahat. Pag ang bayan natin ay bumagsak, babagsak tayong lahat!

    Kaya tayo nandito, kaya tayo nandito sa panig na ito sapagkat alam natin na ito ang ating tungkulin. At gagawin natin ito araw-araw. Babantayan natin ito hindi tuwing eleksyon lamang. Hahanap tayo lagi ng tao at papanig tayo sa tao na kakandidato para sa ating bayan. Hindi ngayon lamang sa mga darating pang panahon sapagkat ito ang tungkulin natin bilang Pilipino.

    Tayong mga Pilipino ay hindi perpekto at hindi mga santo, subalit alam natin kung papaano maging kagalang-galang na Pilipino. Tayong mga PIlipino ay hindi mga perpekto at hindi mga santo, pero alam natin kung papaano tumindig na may dangal.

    Mabuhay tayong lahat. Mabuhay tayong lahat. Mabuhay tayong lahat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino na pipili ng tama ngayong darating na Mayo. Mabuhay tayong lahat. Mabuhay tayong lahat. Maraming maraming salamat po. Bayan, pumili ka.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 23, 2022