StatementĀ of Vice President Leni Robredo on the Jolo plane crash
Nakikiramay ako sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 aircraft kaninang tanghali sa Jolo, Sulu. Nagpapasalamat ako sa balitang naligtas na ang ilan sa mga pasahero, at ipinagdarasal ko ang kaligtasan ng mga hindi pa natatagpuan.
Buo ang aking tiwala sa AFP at iba pang ahensiya na kasalukuyang nagsasagawa ng search and retrieval operations. Handang tumulong ang aming tanggapan sa anumang paraan kung kinakailangan.
Hinihikayat ko ang lahat ng ating kababayan na isama sa kanilang mga panalangin ang lahat ng pasahero ng eroplanong bumagsak, ang kanilang mga pamilya, at ang mga patuloy na kumikilos para sa search and retrieval operations.