This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    SWAB CAB IN TANAY, RIZAL

    SWAB CAB IN TANAY, RIZAL
    Tanay Gym, Brgy. Katipunan Bayani, Tanay, Rizal


    REPORTERS: Hi, ma’am!

    VP LENI: Hi!

    REPORTER: Hi, Ma’am! Kumusta po ‘yung– ano po ‘yung bagong launch natin na Ayudahan E-Konsulta? Paki-ano naman po sa’min.

    VP LENI: Ano ito actually, ‘yung Ayudahan E-Konsulta, project siya ng Zamboanga City local government unit in partnership with the medical associations doon. ‘Yung pinakauna nilang partner ‘yung Doctors for Leni sa Zamboanga. Ito entirely a project of the city government. ‘Yung role lang namin doon, binigyan namin sila ng initial na 500 na COVID Care Kits saka kami ‘yung nag-train sa kanila how to roll out the system. Tingin naman kasi namin kayang-kaya ng local na gawin ‘yung Bayanihan E-Konsulta. So before noong launch yesterday, marami nang parang trainings between our Bayanihan E-Konsulta team saka sa kanila. Maganda nga ito kasi mas maraming programs ‘yung magagawa natin all over the Philippines na sabay-sabay, kasi ang pinaka problema namin kulang kami sa tao. So mabuti kasi ‘yung Zamboanga City nag-express ng interest.

    REPORTER: Ma’am, ire-replicate ba ito sa ibang mga lugar, Ma’am?

    VP LENI: Ngayon, ire-replicate na siya sa province of Iloilo. In fact, nandoon ‘yung team natin ngayon. Same din, same na tini-training din natin ‘yung kanilang team, entirely din run by the provincial government of Iloilo. Bibigyan lang natin sila ng initial na COVID Care Kits, parang ‘yun ‘yung ire-replicate nila.

    REPORTER: Ma’am, kumusta po ‘yung request natin doon sa kung pwedeng ipagpatuloy ‘yung COVID-19 response ng OVP during the election period?

    VP LENI: Actually, may hearing kami bukas. May hearing tomorrow morning, hopefully matuloy kasi ‘yung need talaga nandiyan. ‘Yung hiningi lang naman naming exemptions ‘yung palagay naming kailangan na kailangan ngayon. So ito ‘yung Bayanihan E-Konsulta, ‘yung Vaccine Express, saka ‘yung Swab cab.

    REPORTER: Ma'am okay lang bang follow-up sa Boy Abunda interview?

    VP LENI: Sige lang, sige lang.

    REPORTER: Okay lang Maam?

    VP LENI: Okay lang.

    REPORTER: Ma’am, nag-react na po si Senator Ping Lacson saka ‘yung kampo ni dating Senador Bongbong Marcos. Sabi po ng kampo ni Marcos ay hindi daw po sila mag e-engage sa anila ay hateful and negative campaigning. Sabi naman po ng kampo– well, actually si Senator Ping mismo po ang nagsabi, sinabi niya ay baka hindi daw po nakikita ‘yung gawa dahil hindi naman daw po siya ma-epal. Ano po bang masasabi niyo po dito?

    VP LENI: Ako ayoko nang dagdagan pa, ayoko nang dagdagan pa ‘yung conversation. Alam ko na may mga mara-ruffle ako na feathers pero tinatanong kasi ako eh. Ayoko naman na sumagot na parang umiiwas, sa akin lang ‘yung tanong, sinagot ko. In my honest opinion, ‘yun talaga ‘yung palagay ko na kailangan ko isagot. Ready naman ako, ready ako pero para mag-react pa sa mga reaction nila, tingin ko hindi naman necessary na.

    REPORTER: Ma’am, in the coming days may mga debate ba or interviews ba kayong pupuntahan?

    VP LENI: Actually sobrang dami pa. Ang pinaka challenge lang talaga sa amin ‘yung oras, kasi marami ‘yung naka lineup na mga activities. Halimbawa, ‘yung DZRH interview, mabuti nagpapasalamat din tayo na binigyan tayo ng consideration na gawin siya beyond doon sa period na nakalaan sana kasi talagang ‘yung this week namin punong-puno. Kadadating ko lang last night from Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi. Tapos ngayon nga, meron tayong Swab Cab, saka mamaya marami– kanina guest speaker ako 9:00 sa– ‘yung semiconductors industry. Tonight, meron ako, guest speaker din ako sa IT-BPO industry, tapos tomorrow merong Comelec hearing. So maraming naka-set. Gusto nating pagbigyan– gusto natin i-accept lahat ng invitations. Pero challenge lang talaga paghanap ng time.

    So, halimbawa ‘yung DZBB, nagpapasalamat din tayo kasi tapos na din ‘yung period na in-allot nila pero naging considerate sila dahil hindi kami available. Binigyan kami ng schedule next week. So ako, ang expectation ko marami pa. ‘Yung paniniwala ko, nakakabuti siya kasi opportunity din siya para masabi namin ‘yung mga plano namin, masabi namin ‘yung platform, masagot namin ‘yung mga tanong na matagal na sigurong gustong itanong sa amin.

    REPORTER: Ma’am, sorry, last na. Siyempre ma’am, magka-campaign period na po tayo. Wala pa naman po talagang actual guidelines na binibigay doon sa physical campaigning. Ano po, ma’am, yung mga preparations niyo po para po dito?

    VP LENI: Challenge siya para sa amin. Challenge siya para sa amin kasi halimbawa ‘yung pinaka problema namin ‘yung nagpaplano talaga ng activities on the ground, volunteers. Hindi sa amin centralized ‘yung planning kasi hindi talaga ito conventional campaign. So ‘yung mga volunteers, humihingi, nire-request namin na kung pwede i-present sa amin ‘yung plano. Kasi gusto lang sana natin siguruhin na nagko-comply tayo with the protocols. Ang problema lang natin kasi, every so often, siyempre nagpapalit ‘yung protocols para din mag-adapt sa current situations. So parati namin sinasabi na mag plan A, mag plan B, mag plan C. Para lang hindi makulong sa… para hindi maputol ‘yung plano just in case magpalit ng protocols.

    REPORTER: Ma’am, sorry last na. Kasi in 2016, ang naging talagang advantage ninyo kaya po kayo nanalo is marami talaga kayong napuntahan, marami kayong kasuluk-sulukan na talagang dinayo. Ngayon po ba with the current situation paano niyo po nakikita ‘yun?

    VP LENI: Sobrang hirap. Sobrang hirap kasi we have to deal with a lot of restrictions. Halimbawa, ‘yung pagpunta namin ngayon sa Zambasulta, kailangan naming siguruhin– every province iba ‘yung protocols, ‘yung testing, ‘yung pagsisiguro na ‘yung lahat na kasama namin doon na team, ligtas para hindi naman kami magdala ng sakit. Ano siya, nali-limit talaga– nali-limit ‘yung opportunity, hindi gaya ng dati na pag naisipan mo, pwede mo na kaagad gawin. Ngayon hindi eh. Actually, ‘yung schedule namin from the second half of December until whole of January, nasira, na tingin ko okay lang naman kasi siyempre kailangang i-prioritize ‘yung trabaho ko as VP. So ‘yung second half of December, kinancel namin ‘yung lahat na plano para palitan ng Typhoon Odette relief operations. Tapos ngayon naman, whole month of January, pinalitan din namin ‘yung lahat ng schedule para ma-prioritize ‘yung COVID surge. Meron lang kaming mga nira-rush ngayon kasi marami kaming pending projects sa OVP na kailangan naming i-turnover. Kailangan namin ‘yun i-turnover before the official campaign period and that was partly the reason why nag-Zambasulta kami, kasi marami kaming mga projects sa– halimbawa sa Basilan, sa Sulu, na hindi pa namin nate-turnover. So hinahabol talaga namin ‘yun before February 8.

    REPORTERS: Thank you. [End]

    Posted in Transcripts on Jan 27, 2022