Office of the Vice President
12 July 2017
Q: Bakit ka bumisita sa Lanao del Norte at Lanao del Sur?
TRICIA: Well, alam niyo po, ever since pumutok iyong nangyari nga sa atin ngayon, gusto ko rin naman makita iyong nangyayari on the ground. And opportunity rin to meet the residents. So yesterday and today, nag-ikot po kami sa evacuation centers sa Balo’i, sa Saguiaran, at sa Iligan. Tiningnan namin kung ano iyong mga pangangailangan, at siyempre nakausap namin iyong mga evacuees.
Q: Ano iyong nakita mong pangangailangan nila primarily?
TRICIA: Well, primarily, iyong sinasabi talaga nila… Kasi ang rami palang nanganak din sa evacuation centers, so kailangan daw nila ng gatas, mga diapers. Also, sinasabi nila na iyong mga pagkain nila, paulit-ulit nang sardinas tapos rice. Although thankful sila na mayroong dumarating na mga tulong, parang when you think about it, iyong nutrients na nakukuha nila, nagkukulang na rin. Sabi nila— May nakausap kaming isang evacuee doon na ang sabi, hindi naman sa pinapabayaan, pero iyong katawan talaga nila hindi na kinakaya iyong hirap sa evacuation centers.
Sunod po, mga shelter. Nahihirapan iyong iba, sa sahig lang talaga sila natutulog. Kaya ayun, maraming kailangang tugunan talaga.
Q: Ano iyong nakikita mong solutions for that? Mayroon bang mga puwedeng powers iyong Office of the Vice President na puwede nilang i-extend to address some of these concerns?
TRICIA: Well, noong nag-iikot tayo, nakita ko po iyong ginagawa ng staff natin. Kinakausap nila… Halimbawa, kahapon, mayroon silang kausap na mga nanay. Iyong mga nanay po na evacuees natin, nawala iyong mga tailoring job nila sa Marawi. So iyon, nag-iisip ng livelihood programs iyong Office of the Vice President, ano iyong mga puwede nilang maitulong—sewing machines o kung ano pa man na puwede—para hindi lang puro relief iyong ibigay, pero matulungan din silang i-build up iyong puwedeng mangyari sa rehabilitation process na rin. Para matulungan silang mag-recover, mabalik iyong dati nilang ginagawa, para mas mapabilis na iyong pag-adjust kapag natapos na ito.
Q: Can you tell us lang, what we have here today? Kasi we have here a mobile kitchen, and I heard partners niyo din sila, so anong nangyayari today?
TRICIA: To be honest, I’m not really sure kung anong ginagawa nila. Pero nagpapasalamat tayo kasi umakyat tayo sa truck nila. Mayroon silang champorado saka lugaw na ang daming sahog, so nakakatuwa din makita. Tapos iyong mga nandito po, nakikita natin… Kausap ko iyong mga bata kahapon. Basta may bumibisita lang daw sa kanila, masaya na daw sila. So what more na may dala sila.
Kanina po, iyong OVP with the help of their partners, namigay ng school kits kasi sinasabi po makakatulong sa mga nag-aaral. Tapos iyong iba po kasi nabalitaan ko, tumigil din sa pag-aaral. So habang naghihintay ng oras, panglibang, puwedeng gamitin iyon.
Tapos iyong Our Lady of Triumph Institute of Technology po yata, may pa-feeding. Tapos tutulungan din sila sa shelter.
Q: Isa sa mga promise ng mom mo dito talaga, ni VP, is iyong kabuhayan, especially doon sa dressmakers. Actually, kahapon nandito kami. A lot of the ladies were asking, “Baka puwede mong i-follow up kay VP iyong promise niya sa amin sa kabuhayan, sa dressmaking.” Iyon daw talaga iyong kanilang inaasahan. Sa tingin mo, itong pagbibigay sa kanila ng kabuhayan can be a good start to get back on their feet?
TRICIA: Siyempre po. Katunayan po, kahapon kausap rin namin sila. Ang kailangan na lang pong gawin ngayon, i-profile iyong mga mommies natin kasi mayroon daw po silang cutters, mayroon silang sewers. Kailangan talaga malaman kung ano iyong nararapat na matanggap nila, or iyong bagay sa ginagawa nila dati, para may match po tayo sa ibibigay sa mga kakayahan nila. Kasi mahirap naman na magkaiba iyong ibigay natin. Para sa akin po, iyon iyong kinasanayan nilang matagal na. Nakakatulong talaga na mabigyan natin sila ng medium, ng means, para mapatuloy iyong ginagawa nila. Ngayon wala silang tela, wala silang pangtahi, kaya makakatulong talaga siguro iyong livelihood programs para sa kanila.
Q: Thank you, Tricia!
– 30 –