Vice Governor Edgar Denosta Welcomes Vice President Leni Robredo
New Antique Provincial Capitol Bldg., San Jose de Buenavista, Antique
[START 00:00:00]
HOST: Vice Governor, Edgar Denosta!
EDGAR DENOSTA: Hello! Dito na ako para makita ninyo sa harap. Magandang hapon po sa ating lahat. Good afternoon. Isang karangalan sa ating mga Antiqueño na tayo po ay binisita ng ating isang mabait, matalino, matulungin, at masipag na Bise Presidente ng Pilipinas. Dahil ang ating Governor Rhodora Cadiao ay nasa official business sa Manila, kasama ng ating Congresswoman Deputy Speaker Inday Loren Legarda, at ako po ay bilang acting Governor ng pinakamamahal anting probinsya ng Antique, kasama ng ating mga government officials at mga Antiqueño na nagmamahal sa ating bayan ay taos pusong tinatanggap at nagpapasalamat na tayo po ay binisita ng ating Vice President Leni Robredo kasama itong mga senatorial candidates including ang Vice Presidential candidate.
Actually, ika-walong araw pa lang ngayon at binigyan tayo ng opportunity na marinig 'yung mga plataporma de gobyerno nila para tayo naman po ay guided kung anong magiging desisyon natin sa darating na halalan. So, ang pagpunta niya dito ay nagpapatunay na mahal na mahal niya ang ating probinsya. Dagdag ko pa din po na si Vice President Leni Robredo, maraming kamag-anak dito sa Antique. Ang Gerona clan, nasaan ba? Oh, maraming kamag-anak dito si ma'am at marami rin ang nagmamahal, nagsusuporta sa kanya. Isang masigabong na palakpak!
Kaya po, hindi niya tayo pinapabayaan. Sa katunayan, pagkatapos ng panalasa ng bagyong Odette, si Vice President Leni ay nagpadala agad ng isang libong sako ng bigas para sa ating mga kabayan na tinamaan ng bagyo at 'yan po ay tinulungan ng inyong lingkod, Vice Governor Ed Denosta, pati ng mga Mayors at Vice Mayors na maihatid sa mga affected families na sa mabilis na paraan.
At sa pagkilala natin, pagkakilala ng mga karamihan na ang ating Vice President Leni, kahit na maliit 'yung pondo ng kanyang opisina, ito po ay kaniyang nagawan ng paraan. Tama po ba? Ang pagtulong sa nangangailangan, lalo na sa panahon ng pandemya at kalamidad.
Kaya sa mga minamahal kong kababayan, patuloy tayong manalangin sa ating Panginoong Diyos na tayo po ay maging safe palagi. Si VP Leni, siya po ay isang abogado, siya po ay former Congressman at naniwala na ang serbisyong tapat, angat buhay lahat.
Ladies and gentlemen, please join me in welcoming our Vice President of the Republic of the Philippines, Honourable Leni Gerona Robredo.
[END 00:04:17]