This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at Agri 2022 Online Forum

    Vice President Leni Robredo at Agri 2022 Online Forum

    Quezon City Reception House

    VP LENI: Good morning, Sec. Ernie. Good morning, everyone. Noong naging abogado po kasi ako ang una kong naging trabaho PAO. Pero after PAO, nagtrabaho ako sa SALIGAN and nakikita ko sa Zoom si Tony Salvador. Nagkasama kami sa SALIGAN. Sa SALIGAN po kasi it’s an NGO of lawyers na ang tinutulungan namin empowerment talaga of the basic sectors, na ang pinaka-idea we teach the basic sectors their rights under the law with the belief that if people know of their rights under the law, they will be in a better position to fight for their rights. So ang sectors pong tinutulungan namin, mga basehan talaga—farmers, fisherfolk, IPs, labor, women and children, urban poor. Iyong area ko po Bicol kasi nandoon ako sa Bicol branch. So marami kaming iniikutan, lahat na mahihirap na mga lugar sa Bicol. Ang nangyayari po noon, iyong mga batas patungkol sa basehang sektor sinasalin namin—sinasalin namin into the dialect para mas naiintindihan. Pero mas ano kami, organizing, training them to be paralegals. Hindi maiiwasan kasi usually kapag bumababa kami on the ground, nandoon kami three, four days. So kapag nandoon kami sa farming communities, kadalasan nakikitulog kami sa bahay ng mga farmers. Pero may mga lugar na wala talagang lugar sa—wala talagang mga bahay that can accommodate us. Natutulog kami alam niyo roon sa mga pahingahan. Iyong mga pahingahan sa gitna ng mga palayan. Iyong may bubong pero walang dingding. Sa fishing communities ganoon din. Most of the time, sa mga bahay naman ng fisherfolk. Kung may mare-rent na bahay doon sa community, doon kami. Pero kung wala talaga, gaya noong buntis ako sa bunso kong anak—six months yata iyong tiyan ko—wala talagang tulugan. So iyong mga mangingisdang tine-train namin, inayos nila. Inayos nila iyong isang bangka. Pinatong-patong iyong mga fishing nets para malambot. Doon ako natutulog. Ang biro namin Off [Lotion] lang iyong katapat. Dahil kung wala kaming Off, ay talagang papapakin ka ng lamok.

    Pero iyong experiences na iyon, doon ko naramdaman na mas malalim talaga iyong issues na kinakaharap. Ang naramdaman ko lang doon, kulang ng empathy iyong maraming policies na ginagawa natin. Hindi lang iyong kung papaano pinapasa iyong batas pero kung papaano din siya ini-implement at saka ino-operationalize. So halimbawa. noong nasa Congress ako, nakikita ko na while iyong agencies natin masisipag naman, may programa, pero iyong inability niya talaga na bumaba sa pinakamahihirap, iyon iyong pinaka-problema niya. Gusto kong sabihin, kung organized ka, mas may access ka. Pero iyong mga farm laborers, mas mahirap siyang maka-access sa mga programa. Same sa mga fisherfolk. Iyong mga nakikita namin on the ground, iyong mga pinakamaliliit, iyon iyong hindi organized. At hindi nila masyadong nakikita iyong value ng—siguro either hindi nila nakikita iyong value na dapat organisado sila o wala silang capacity talaga na mag-self-organize. So noong nasa Congress ako, ang tinutukan ko talaga iyong smallest—iyong smallest farmers. Ang ginagawa namin, kami iyong nag-o-organize sa kanila, kami iyong naglalakad para ma-accredit sila, sa kanila nakatutok iyong mga programa namin. Nadala ko iyon noong nag-VP na ako. So noong nag-VP na ako, marami kaming programs with farmers pero tinututukan talaga namin iyong mga pinakamaliliit.

    ERNESTO ORDOÑEZ: Napakahumble mo kasi nabalitaan ko, pinaalis ka pa sa bangka kasi kailangan na iyong bangka para mangisda sila. Kaya wala ka pang tulog pero iyong effort to help people, you do all of that, ano. [laughs] Okay, alam po niyo, we’ll already go to the message pero before we do that, we want to say this, ano. Your personal life, they say, when you pick a president, you don’t look only at what he says. Ang ginawa niya sa nakaraang buhay niya, ‘di ba. Hindi lang iyong programs but also the character. On that note, we are sure that you really care for the people. Ngayon po, can we go ahead with your message to us, Madam Vice President?

    VP LENI: Ako, first of all, thank you for—

    ERNESTO ORDOÑEZ: Alam niyo Taglish ito kasi ang recommendation namin medyo English-Tagalog. Can we go to your message, Madam Vice President?

    VP LENI: Ako po, first of all, thank you for giving me this time this morning. For me to be able to, number one, listen to your programs and respond to them. And number two, also share my thoughts and my platform as far as agriculture is concerned. Gaya po ng sabi ninyo, ngayon, kapag eleksyon kasi lahat kami maglalahad what we think are the best programs, what we think are the best platforms. Pero over the years, we have realized na iyong platform is just a small portion of the entire program. Iyong mas mahalaga talaga iyong operationalization and ang pinaka-problema sa operationalization, hindi siya puwedeng detached—hindi puwedeng detached iyong leader sa pag-implement ng mga polisiya. Kailangan talaga tutok. And dito pumapasok iyong importance ng empathy. Dito pumapasok iyong importance ng lalim ng understanding ng plight ng tinutulungan. Kasi implementing programs is one thing, pero making sure that you hit your targets is another. Ang pangalawa po, and I have always been very vocal about this, na malakas iyong aking advocacy na dapat palitan natin iyong ating—the way we set our parameters for accomplishment. Para sa akin, kailangan sana na iyong benchmarks natin kung papaano bumubuti iyong buhay ng magsasaka.

    For a very long time kasi nakikita natin, “ganito karami iyong pondong nilagay, ganito karami iyong agricultural equipment na binigay, ganito karami iyong programa para sa mga magsasaka…” Pero parati kasing iyong question, ano ba iyong impact noon sa buhay ng mga tinutulungan natin? If we look at the data, over the years ang increase lang sa farmers’ income natin is 6%, hanggang 2019 ito. Napakababa niya. Sa fisherfolk I think it’s 5.6%. Ito lang iyong improvement sa, ano ito, sa income niya considering na nagbubuhos tayo ng maraming pera dito. So para sa akin, mahalaga iyong datos. Mahalaga na iyong may inventory tayo ng mga magsasaka natin na real-time. Kasi halimbawa, mayroon tayong RSBSA pero ang experience ko, hindi updated iyong data. Hindi updated iyong data so napakahirap for government agencies to help farmers. Kasi halimbawa, I have gone through this so many times already. Iyong lugar namin bagyuhin. Pero kapag binabagyo, mag-a-avail ng crop insurance. Pero ang datos na pagbabasehan RSBSA pero hindi naman updated iyong data. Maraming mga magsasaka na nandoon sa listahan na hindi na nagsasaka ngayon. And maraming mga, there are a lot of farmers who have incurred a lot of damages from the typhoons who cannot even access crop insurance kasi wala pa sila sa listahan. So I talk to many different groups of farmers on a very regular basis. And in fact, just the other day mayroong group of farmers na nandito sa opisina namin. They were presenting to me iyong proposed na platform of governance that they were also suggesting. So ang sinabi ko sa kanila, “iyong pinaglalaban natin 20 years ago, ito na rin iyong hinihingi natin, eh. Ano ba iyong bago na hindi naman puwede na after 20 years ito pa rin? So puwede ba na laliman natin iyong hinihingi natin? Bigyan natin ng detalye at sabay-sabay natin itong i-accomplish.” Para sa akin, kailangan bigyan ng mas maraming boses. Kailangan bigyan ng mas maraming boses iyong mga magsasaka natin. Kasi I think the best policies will be, not just crafted but also implemented if we give more space, if we give more seats at the table sa ating mga farmers kasi sila naman iyong directly affected, eh. So it’s many different things and I am so looking forward to the discussion after this.

     

    ERNESTO ORDOÑEZ: Thank you, Vice President. We allotted 7 minutes per speaker. We will not be able to cover all recommendations but we’ll cover the important ones. We’d like to say this: sabi nga ni Leonie sa akin, “alam mo, Pare, bago ito.” Sabi ko, “bakit?” Sabi ko, “sobra ka naman. Ma-drama ka.” Historic—never have the agri-business and the farmers and the [inaudible] have come together for the first time. These are what we’re going to give you. In other words, we’re giving you the recommendations that are the result of non-action that we talk about, ano. If you do that… [inaudible] being the budget. So mag-umpisa na tayo, ano. The first speaker is the head of Federation of Free Farmers, one of the best organizations, Leonie Montemayor. Leonie, take it over, please.

     

    LEONIE MONTEMAYOR: Good morning, Vice President. Madam Vice President, I think you’re already aware, or perhaps for the listening audience I can just state a few facts, iyong sektor po natin sa agriculture at saka sa pangisdaan, we constitute about 11 million individuals, ano po—farmers, fishermen, agricultural workers, lumads, etc. And that’s 1/4 of the labor force. At saka in terms naman po sa contribution sa ating gross domestic product, 10% direct contribution pero if you include agri-processing and related industries, the price is 35% of the entire GDP. So ang laki po ng sektor na involved dito. Unfortunately, we also know this is where poverty is greatest. And in terms of the budget, kumbaga kulang kasi po 2% lang po ang share ng agriculture sa total government budget, compare that to Vietnam, it’s 6%. That’s why their agriculture is really flourishing. And Thailand is 4%. So Madam Vice President, kung sakaling maupo po kayo bilang pangulo ng ating bansa, ano po iyong plano niyo with respect sa budget po ng ating agriculutral and fisheries sector?

     

    VP LENI: Ako, actually, Sir, mabait ka pa nga, eh. Sabi mo 2%. Actually, 1.7% lang—1.7% lang of the national budget iyong agriculture. So sa akin, iyong commitment ko: first year, gawin na natin doble—3.4%. So iyong 1.7% is about P58 billion. So iyong commitment ko, iyong first budget na gagawin, gagawin na siya at least P116 billion. Hindi lang iyong total budget pero pati rin iyong distribution noon. Kasi kapag tiningnan natin iyong distribution ng budget—P58 billion na iyon. Iyong P15.5 [billion] yata if I’m not mistaken, P15.5 billion doon rice. Pero iyong susunod sa rice, fisheries, nasa P3 billion something na lang. Tapos all the others, nasa P1 billion plus na lang. So kailangan tingnan natin hindi lang iyong buo pero tingnan din natin kung makatarungan ba iyong distribution ng buong budget. Kasi kapag sinabi nating makatarungan ba, nasaan ba iyong opportunities? Alin ba iyong most resilient na sub-sector ng agriculture? Kasi kung nasaan iyong opportunities, dapat bigyan natin ng mas maraming budget. So iyong halimbawa, iyong fisheries natin actually mas malaki iyong dagat natin kaysa sa lupa. Pero iyong budget natin nasa 3 point—hindi ko alam iyong eksakto—P3.6 ba o P3.8 billion? Na kapag tiningnan natin, iyong fisherfolk natin among the poorest! Among the poorest iyong fisherfolk. So para sa akin, hindi puwede na ganito. Hindi puwede na ganito. Ang sunod din, hindi natin nabibigyan ng maraming focus iyong pag-budget sa mas climate-resilient na mga crops as far as agriculture is concerned. Kasi lagi kasi dapat tine-take into consideration natin on a per province basis ano ba iyong climate conditions doon? Ano ba iyong klase ng lupa doon? And dapat, iyong budget tinitingnan iyon kasi kapag masyadong centralized iyong pag-budget, mahihirapan talaga tayo. Mahihirapan tayo in the sense na kapag pinagpatuloy lang natin iyong status quo, talagang 20 years after, ganoon pa rin iyong problema natin.

     

    LEONIE MONTEMAYOR: Thank you for that, Vice, na hindi lang lalakihan in terms of quantity iyong budget, kundi magiging mas fair ang allocation among different commodities.

     

    VP LENI: Yes, yes.

     

    LEONIE MONTEMAYOR: Ang follow-up question ko lang, Vice, okay, so we have a much bigger budget. We’ll at least double it in one year. Pero would you say that it’s still ultimately the farmers themselves, the fisherfolk who must take full advantage of this? Because in the end, they will be the ones who will plant. So kumbaga, nandiyan iyong gobyerno natin but we have to rely totally on the participation of our citizenry, especially farmers and fisherfolk.

     

    VP LENI: Ako, agree 100%. Agree 100% dahil kapag tinitingnan kasi natin parang masyadong trickle down iyong policy-making, masyadong trickle-down iyong pag-roll out ng mga programa natin. So ako, hindi talaga ako fan ng—hindi ako fan ng trickle-down. So ako, lagi kong bina-bat iyong more participation noong ating farmers sa pagplano. Kasi kapag ang nagpa-plano hindi sila, hindi masyadong naisasaalang-alang. We don’t give a lot of focus on their plight. So I remember when I was in Congress, I passed a bill—ang title po ng bill ay Empowerment Bill. And naglalayon talaga iyon na bigyan ng mas malawak na partisipasyon. Actually, mina-mandate ng bill na sa mga LGUs at saka sa lahat na mga government agencies, magkaroon ng People’s Council. Iyong People’s Council, ito iyong mechanism for the stakeholders to have a voice na hindi siya dependent sa kung ang presidente ba, ano ito, may empathy sa kanila o hindi pero nasa batas na talaga. Tingin ko mahalaga na mayroong mechanism na ganito. Mahalaga na may mechanism na iyong may people participation in all levels of governance—from planning to policy-making to execution to operationalization to evaulation to monitoring. Tingin ko, napakahalaga niya. Para kung ano iyong kailangan, iyon iyong napopondohan.

     

    LEONIE MONTEMAYOR: Thank you again, Madam Vice President, sa inyong mensahe na hindi niyo lang po lalakihan iyong ayuda, iyong budget ng pamahalaan natin, kundi lalakihan din ninyo iyong partisipasyon mismo ng taumbayan.

     

    VP LENI: Tingin ko po, as important siya. As important kasi siya iyong magiging game-changer. Magiging game-changer na pinapakinggan sila.

     

    LEONIE MONTEMAYOR: Thank you so much, Madam Vice President.

     

    ERNESTO ORDOÑEZ: Madam Vice, we will have a second round because this is so valuable. Just to let you know, we got three recommendations already: the budget allocation, the empowerment that Sec. Montemayor is—so we go to the next one. The next one will be Danny Fausto. He’s the president of the Agri-Business—Philippine Chamber of Agriculture and Food. Danny, please go ahead.

     

    DANNY FAUSTO: Maraming salamat, Ernie. Magandang umaga po, Madam VP. Dalawa po iyong assignment ko sa kuwentuhan na ito. Una po iyong sa crops, ano. Eighty five percent noong ating total agricultural land, apat na produkto lang po ang nakatanim—rice, corn, coconut, banana. Eh ngayon po, kahit anong best farming practice ang gawin natin, iyon pong pamilya na lima, hindi kayang buhayin ang isang—kasi iyon po ang average ano, eh. Mayroon naman po tayong mga export potentials, like iyong luya, calamansi, ube. Mayroon tayong mangga, pineapple na puwede tayong mag-diversify. Iyon pa namang coconut, 8 to 10 meters naman po ang layo, puwede tayong mag-intercropping ng papaya, kape, cacao. Katumbas na rin po noon iyong irigasyon. Sixty percent ng ating irigasyon lang po ng atin ay lahat po nasa rice. Iyong atin pong mga vegetables, iyong mga fruits, wala pong patubig. Baka kailangan po mayroon tayong mga small irrigation to supplement the big irrigation. Tapos iyon pong ating NIA nasa Office of the President. Wala po sa control ng ating agrikultura. Papaano po kayo magtatanim kung wala kayong control sa tubig, ganoon po, ano. Ano po ba ang masasabi niyo rito?

     

    VP LENI: Number one, ako, ina-advocate ko talaga na dapat ang NIA under DA. Para iyong function talaga ng irrigation ay agriculture—iyon iyong number one. Ang number two, marami po kaming programang ginagawa ngayon na training farmers to be entrepreneurs. Kasi kapag tiningnan mo iyong, iyon nga, sabi ko ‘di ba, 6% lang iyong increase over the years ng income ng mga farmers pero ang traders ang lalaki. Ang lalaki ng kanilang kita, considering na iyong mga magsasaka, sila iyong nagpapagod para magkaroon tayo ng crops.

     

    Having said that, may sinimulan po kaming programa ngayon na VP na po ako, sa Camarines Sur. Ang pangalan nito Omasenso sa Kabuhayan. Ang tinarget namin dito iyong smallest of farmers. Itong smallest of farmers na ito, karamihan sa kanila rice farmers dati. Pero ang ginawa namin, nag-partner kami with the Metro Naga Chamber of Commerce and Industry. Kasi ang hinahanap namin na iyong mga magsasaka, magkaroon sila ng institutional buyers tapos i-train sila to be entrepreneurs para they don’t have a need for traders anymore. Nahirapan po kami sa umpisa. Ako, ishe-share ko ito kasi iyong pinaka-unang exercise po namin, may dalawa kaming groups. Iyong isang grupo ng mga negosyante, iyong mga negosyante po ito iyong mga restaurant owners, hotel owners, hospital administrators, groceries, ito iyong mga parating bumibili ng mga crops. Iyong isang grupo naman, ito iyong mga small farmers. Nagkaroon kami ng survey—sabay—nagkaroon kami ng survey: ano iyong top 10 na binibili niyo? Doon sa grupo ng mga negosyante. Dito naman sa mga nagtatanim, ano iyong mga top 10 na tinatanim ninyo? Ang presentation po namin sabay, one event. Wala pong nagtugma. Walang nagtugma.

     

    Ano iyong mga na-find out namin doon at saka ano iyong lessons? Ang unang na-find out namin iyong mga small farmers, subsistence sila, eh. Iyong maliit nilang lugar, ang benchmark nila for success iyong number of crops na nandoon. Hindi naman sila—hindi sila tinrain na mag-specialize sa particular crop na mayroong market kasi sila… Alam niyo iyong pinakbet o chopsuey? Kapag kumpleto iyong pinakbet o chopsuey doon sa small farm nila, happy sila. Pero okay lang kasi iyon kapag subsistence. Ang gustong sabihin sa subsistence, iyong pangkain lang ng pamilya. Pang-benta-benta, retail-retail. Pero kapag retail kasi, lugi ‘di ba. Lugi. Iyong mga negosyante naman, mayroon silang—ako, ito iyong naalala ko. Number one na pinaka maraming binibili nila calamansi. Number two nilang binibili luya. Number three nilang binibili, sili. Number four nilang binibili ay lettuce tapos ang number five, pipino. So ang tanong ko sa kanila, “saan kayo bumibili?” Ang sabi nila sa Sariaya po—nasa Bicol kami, eh—sa Sariaya kasi parang may bagsakan center doon. “Iyong hindi namin nabibili sa Sariaya, sa Baguio. Iyong mga prutas namin sa Davao pa.” So ang tanong ko, “Bakit hindi kayo bumibili sa kanila?” Marami silang dahilan. Number one, mahal. Number two, pangit ang quality. Bakit mahal? Kasi number one, hindi naman sila trained sa costing. Tapos dahil paunti-unti, talagang mahal iyong production cost. So ang tinanong namin, “kung kaya namin mag-provide nung presyo na binibili niyo sa iba at saka iyong quality, puwede bang mag-MOA tayo? Sa kanila na kayo bibili?” Pumayag sila! Five crops lang. Five crops. So wala na kaming problema sa negosyante. Ang problema namin iyong mga magsasaka kasi iyong mga nagtatanim, parang mayroon silang, ano ito, mayroon silang resistance magpalit ng crops. Number one na pinaka usong itanim sa amin ay talong. Pero wala masyadong market. Talong. Tapos sabi namin, “mag-kalamansi na kayo. Bibigyan namin kayo ng financial grant. Bibigyan namin kayo ng pantanim.” Maraming ayaw kasi matagal daw. Parang sanay sila iyong cash crops lang, ano lang, tanim, after a while harvest, benta. Pero mayroong kaunti na nangahas. Mayroong kaunti na nangahas. Iyong kaunti na nangahas, very successful na ngayon. Nag-start kami 2018. Mayroon isang restaurant chain sa amin, ang pangalan niya Bigg’s. Siya iyong pinaka-una naming kakontrata. Pero iyong kailangan ng Bigg’s everyday, hindi kayang i-supply ng aming farmers. Pero noong nakikita na noong ibang farmers na iyong nangahas ay gumaganda na iyong kanilang kita, marami nang naengganyo. Tapos ngayon, ang dami na naming kontrata. Natuto na sila. Nag-training kami. Partner namin—ang ginawa namin parang naging platform iyong OVP. On board lahat, DTI, DA, DAR, DOST. Kami iyong nagsasabi na, “ito iyong kailangan namin sa inyo. Ito iyong kailangan namin sa iyo.” Pati iyong mga agencies, happy sila. Happy sila kasi nakikita nila iyong patutunguhan ng programa. Ngayon, mayroon na silang delivery trucks. Ano, starting pa lang pero ang layo na ng kita nila. Mayroong isang grocery sa amin na sa kanila bumibili. Nag-provide sa kanila ng taniman, iyong LCC. Iyong LCC na mall sa amin, nag-provide sa kanila ng tataniman. Mayroon silang kontrata ngayon. Tapos iyong pinaka-head nila, si Robert, iyong aming farmer-leader, mayroon siyang thread with LCC na every Monday ite-text niya: “Ito iyong mga kailangan namin this week. “ Tapos mayroon din siyang thread with the farmers, “O ito iyong mga kailangan natin.” Tapos iyong mga farmers, magte-text na doon sa thread. “Sa akin,” halimbawa sasabihin niya, “Sa akin 100 kilos nito.”

     

    So ang gusto ko lang sabihin, totoong mahirap na mag-shift pero kapag napakita natin iyong benefit sa kanila, possible. Halimbawa kami nagbigay kami ng financial grants. Iyong financial grants, pinagawa nila ng greenhouses. Tapos halimbawa, iyong lettuce mas maigi siya na may greenhouses. Ang iba pinagawa nila ng drip irrigation para sa kanilang vegetable farms. Pero ang layo ng kita nila compared noong nagra-rice sila. So sa akin, ano lang, eh, kailangan lang iyong mas tutok. Kailangan lang mas tutok. Iyong DA naman nagpo-provide naman ng technical assistance, eh. So iyong usapan namin, iyong mga hawak namin na ARBs, DAR ang nagaasikaso sa kanila. Iyong mga hindi ARBs, DA ang nagaasikaso sa kanila. Tapos iyong nag-training for them to be entrepreneurs, DTI iyon. Tapos alam mo ngayon, iyong hindi sa kanila nabibili, halimbawa hindi kasya, hindi tama iyong size, hindi bibilhin ng mall, iyong DTI nagbigay din ng shared service facilities for them. So mayroon kaming nine farmer groups—nince municipalities ngayon na inaasikaso. Iyong nine municipalities na iyon, binigyan ng shared service facilities ng DTI. Tapos halimbawa, mayroon silang mga equipment na kailangan para sa value adding ng kanilang mga produkto, DOST tumutulong. So alam mo iyon, kung ang mga agencies lang hindi magwo-work in silos, hindi nagdo-doble iyong programa tapos natututukan iyong mga gaps, nafi-fill in iyong gaps. So sa akin, Sir, ang dami nating puwedeng gawin, eh. Ang dami nating puwedeng gawin. Ngayon, sabi ko sa kanila, “mag-specialize na lang tayo sa mga produkto. Iyong may market, iyon iyong itanim natin. Huwag na nating ipilit iyong mga wala naman masyadong market.” So ito, gradual iyong pag-graduate from subsistence farming. So nangyari, parang mga block farms siya. Maliliit lang kasi maliliit na ano, eh, maliliit na magtatanim. Pero block farms, parang, nag-uusap na. Halimbawa sa amin, iyong munisipyong ito kalamansi kami. Iyong sunod naman na munisipyo, sa munisipyong ito, sili kami. So, ito may specialization tapos nape-perfect nila. Nape-perfect nila.

     

    Mayroon din kaming another program sa Bukidnon. Iyong program namin sa Sumilao, we partnered with Shell—Pilipinas Shell Foundation. Ito naman, iyong Sumilao Farmers kliyente kasi namin iyon sa SALIGAN. Pinanalo nila iyong kaso nila. Grabe, sobrang inspiring ng kanilang kuwento kasi iyong kooperatiba nila mayaman na ngayon. Tapos iyong programang binaba namin through Pilipinas Shell Foundation, tinuruan din sila kung papaano i-maximize—kung papaano i-maximize iyong lupa nila. Kasi dati mais—mais lang iyong tinatanim pero ngayon, pati livestock mayroon na sila. So, tinuturuan sila papaano mo ba i-mix iyong mga crops na puwede. Papaano mo—iyong parang yield ng per hectare ng land, nadodoble, natitriple mo dahil nagagamit mo siya in a manner na nama-maximize mo iyong potential niya.

     

    DANNY FAUSTO: Salamat po! Napaka—nakakataba po ng puso kung iyan ay magawa natin nationwide, iyong ginawa niyo sa Bicol, eh talagang uunlad iyong ating mga magsasaka. Ikalawa pong tanong, dito po sa ating bansa, less than 5% lang po ang investment ng gobyerno sa total agricultural output ng Pilipinas. More than 95% po ay private sector. We need to create an environment na iyong private sector ay mag-invest. Hindi iyong mag-i-invest ka pagkatapos, malulugi ka naman. Magbababuyan ka, mag-i-import ka ng baboy, papatayin iyong presyo o kaya gagawa ka ng—sa manok ganoon din po. Eh, kailangan po natin siguro ng level playing field. Okay lang po mag-import. Iyong kailangang import pero iyon namang level playing field. Mayroon po kasi tayong batas, iyong Safeguard Measure Act na pagka sobrang iyong import puwede mong i-impose iyong batas na iyon, na mataas ka ng taripa. Ganoon din po iyong counter bailing duty, na pagka iyong iniimport mo eh subsidized nung bansa na iyon, puwede kang tumaas ng taripa para level playing field. Mayroon din po tayong anti-dumping, hindi po lahat ini-implement yan. Ngayon po sa isang investor din po, naghahanap kami ng datos. iyong APMA Law mga more than 20 years ago dapat nagtayo ang gobyerno ng National Data Information Data System para alam naming iyong export and import, demand and supply eh wala po tayo niyan. Kamukha po nung sinabi n’yong RSBSA…

     

    VP LENI: Hindi updated.

     

    DANNY FAUSTO: Hindi po maliwanag, eh, wala pong data. Kung ako po ay isang negosyante, paano ako magpaplano? So ano po ba ang masasabi ninyo doon?

     

    VP LENI: Ako po number one po talaga iyong datos eh. Kasi marami tayong hindi nagagawang tama dahil wala tayong datos. iyon iyong number one. Number two, nung nagkaroon tayo ng Rice Tariffication marami iyong promises nito eh. Di ba, iyong promises nito kaya tayo magra-rice tariffication kasi para bumaba iyong presyo ng bigas, pero in-implement kasi natin ito nang hindi tayo handa. Gusto kong sabihin, hindi nakaka-compete iyong farmers natin, sa baba ng presyo ng galing sa Vietnam, galing sa Thailand, kasi in the first place hindi na nga level iyong playing field. Iyong subsidies na binibigay sa farmers nila, allows them to, di ba, allows them to bring the prices down, dahil iyong cost production nila mababa. Sa atin hindi natin mababa iyong presyo natin, dahil ang taas-taas ng ating cost of production. So doon pa lang, hindi na talaga level iyong playing field. Number two, kahit walang—kahit walang shortage, nag-i-import tayo. Contentious ito kasi ang sinasabi nag-i-import tayo para mababaan iyong presyo ng bigas, and magbe-benefit, hindi lang iyong farmers pero iyong mas maraming tao. Pero tingnan natin iyong datos. Since in=implement natin ito, ilan ba iyong binaba nung presyo ng bigas? Piso lang. Di ba iyong, halimbawa iyong well-milled rice from P42.70 ba? P42.70 per kilo, P41 lang ngayon eh. Ilan iyong losses sa farmers? P56 billion. ‘Di ba iyong losses sa farmers P56 billion. Tapos tingnan natin, over the years, iyong sinasabi ko kanina na 6% lang iyong dinagdag ng income ng farmers. Ngayon nalugi sila, 6,000 ang lugi nila per harvest season. So, ang daming—clearly hindi siya nag-work for the benefit of the people. Kasi ano ngayon eh8, hirap na hirap iyong mga farmers. Iyong presyo ng abono ang taas. Iyong presyo ng imputs ang taas. Tapos dapat—dapat sana iyong nakukuha natin na taripa doon sa ating batas, dapat sana napupunta sa kanila. Pero ang tanong ngayon, napunta ba sa kanila? Natulungan ba natin sila? Dapat sana, iyong pera sana doon iyon na iyong nakababa sa presyo ng mga inputs kung tinulong natin sa kanila, So, clearly hindi talaga siya, hindi talaga siya nag-work for the benefit of the farmers. M8araming mga argumento, mayroon kasi tayong mga commitments sa WTO, pero kapag tiningnan natin iyong WTO, marami pa tayong hindi ginagawa eh. ‘Di ba iyong WTO marami doong, maraming component na hindi pa natin nako-comply, as far as helping the farmers is concerned. So, kapag ganitong nang ganito iyong ating policy, kawawa talaga iyong farmers natin. Kasi hindi talaga sila makakapag-compete. Hindi sila makakapag-compete, kasi ang cost of production natin ang taas. So, ang puwedeng itulong sa kanila. So papaano natin mapapababa iyong cost of production. Anong klaseng subsidies ang ibibigay sa kanila, marami. Tulungan natin sila i-modernize. I-modernize iyong kanilang mga farms, farm-to-market roads, mga storage at post-harvest facilities, na ang daming puwedeng itulong na makakatulong sana sa kanila. Kasi kung wala itong mga components na ito—halimbawa, galing pala akong, I think two weeks ago sa Cabanatuan. Kasi marami doon calamansi farmers eh. Ang sabi nila, ang taas ng abono. Okay sana itong kalamansi kasi grabe iyong kaniyang promise, pero kapag sabay-sabay iyong pag-harvest paminsan hindi na nga naming pinipitas, kasi lugi na. So, ang daming puwedeng gawin eh. Ang daming puwedeng gawin, puwede silang i-capacitate [inaudible] sa schedule nila, ‘di ba? Marami tayong hindi nagagawa for them.

     

    DANNY FAUSTO: Ang sarap pakinggan. Napakasarap pakinggan. Iyon lang po at susunod naman.

     

    ERNESTO ORDONEZ: Thank you, Danny. Napakahalaga noon, that fits to our recommendation, iyong kanyang paliwanag no. The next one is Emil Javier. Siya po ay President and Chairman ng isang grupong Los Baños Coalition for Agriculture Modernization in the Philippines, mga agri at science. At siya po ay magtatanong ngayon. Emil Javier, please.

     

    EMIL JAVIER: Magandang umaga, Vice President Leni.

     

    VP LENI: Magandang umaga po.

     

    EMIL JAVIER: Malugod na pagbati sa maalamat na lalawigan ng Laguna. Maganda itong talakayan natin, kasi iyong mga assignment ko, sinagot mo na eh.

     

    VP LENI: Sorry po, pasensya na po… [laughs]

     

    EMIL JAVIER: Iyong sa fisheries and so on. Pero tama iyong obserbasyon mo, Vice President. Sa karamihan eh lampas na tayo sa batas, sa policy, nasa program planning and execution na tayo. So, magandang pagkakataon na ito na approved na iyong Coco Levy funds. At mga farmers na, mga magniniyog natin e dapat makinabang sa malaking pondo na yan, at nabanggit niyo na iyong supply value chain. Ang magniniyog ay kasali lang sa paggawa ng kopra. Pero ang kita sa agriculture, kayo naman ay graduate business sa Diliman, puwede ba ninyong liwanagin, na sa supply-value chain, kawawa iyong mga farmers. Kasi nandoon lang sa, sa left side sila, pero ang kita nandoon sa kabila. Ngayon iyong malaking pera, ang pondo ng Coco Levy funds, ano specifically nasa isip niyo, na para magamit nang husto iyong Coco Levy funds, para sa maliit nating magniniyog?

     

    VP LENI: Ako po kasi, ako noong nasa 16th congress pa po ako, isa ako sa mga authors—isa po ako sa mga authors ng Coco Levy Bill. Pero iyong nakalabas po kasi na pinirmahan na version hindi ako masyadong sang-ayon doon. Ang pinaka-concern ko po doon iyong representation. Ang pinaka-concern ko doon iyong representation ng ating coconut farmers. Ang aking pagtingin ay di siya sapat. Bakit mahalaga iyong sapat na representation sa PCA, hindi lang ito sa PCA, pati na rin sa iba pang mga sector ng agrikultura. Dapat iyong lahat ng mga policy-making bodies, dapat iyong representation ng mga farmers ay pareho ng representation nung pamahalaan. Iyon iyong number one.

     

    Number two, kaya very important iyong representation kasi dapat iyong boses nila iyong papakinggan kung saan mapupunta iyong pondo. Iyong pondo dapat hindi siya nasasayang sa admin costs. Dapat iyong pondo napupunta talaga siya as direct subsidies sa mga coconut farmers. Pangatlo, tama po kayo na karamihan sa ating mga coconut farmers ay nandoon sa kopra na pinakamaliit iyong kita. Marami na tayong nakitang examples ng mga coconut planters na nag-venture. Kinapacitate iyong mga farmers nila. Nag-venture sa iba pang mga pagkakakitaan. Pinaka-example po nito nabinisita ko sa Alabat, Quezon. Sa Alabat, Quezon, iyong naging mayor po si Mayor Mesa, sinubukan nila iyong coco sugar. Sinubukan nila iyong coco sugar, ang kuwento po ni Mayor Mesa, ayaw po ng mga tao, kasi matrabaho. ‘Di ba iyong traditional kasing coconut farming, hindi masyadong alagain. Pero nag-coco sugar sila, parang 3 times or 4 times a day, kailangan mong umakyat. Kailangan mong umakyat kasi kinukuha mo iyong sap eh. Tapos ayaw nung tao. So nag-isip silang nang nag-isip kung paano i-incentivize iyong tao na mag-venture into coco sugar, huwag na masyadong magtiyaga sa kopra. Nahirapan silang grabe at first. Pero ang ginawa ni Mayor Mesa, hinire niya iyong mga tao, hinire niya sa munisipyo. Hinire niya na parang, job order yata or whatever, hindi ko alam kung anong arrangement. Pero nung nakita nung tao na mas malaki ang kita sa coco sugar ay marami nang nag-shift. Marami nang nag-shift, hindi na lang coco sugar, nag-diversify pa sila sa iba pang mga produkto. In fact, nabisita din naming iyong kanilang shared services facility din doon, na ang increase in income, hindi lang doble, hindi lang triple, talagang napakamalaki.

     

    So, the reason why I’m telling you this is kailangan lang silang i-capacitate eh. Kailangan pakitaan sila ng mga halimbawa. Kailangan sila pakitaan ng halimbawa, saka kaalaman, na mayroong pagkakakitaan outside of kopra. Kasi ang problema sa kopra, lugi din iyong ating mga coconut farmers. Kasi iyong tumutubo talaga iyong bumibili ng kopra, tapos binebenta ito sa mga oil mill. Ang lumalaki talaga iyong mga oil millers, hindi naman iyong growers talaga ng coconut.

     

    So ito po, Sir, hindi lang po ito sa coconut, pati din sa corn. Pati din sa corn kasi mayroong kinasanayan na iyong mga farmers natin, na dahil kinasanayan nila ito, ang iba sa kanila kontento na. kontento na na ganito na lang. Halimbawa, iyong corn na binebenta as feeds, uhm, sobrang liit ng kita ng iba. Sobrang liit ng kita ng iba, lalo na iyong walang capacity-ng dumiretso. Lalo na iyong mga ibebenta muna sa trader, tapos iyong trader iyong magbebenta sa mga kumpanyang malalaki. Talagang kawawang-kawawa. So, para po sa akin kailangan sana mas focused. Kailangan mas focused iyong programa na, again, ang benchmark hindi lang iyong programang na-rollout, pero iyong benchmark magkano pa iyong increase sa income nung farmers. Tapos dito ulit papasok iyong datos. Kaya mahalaga iyong datos, kasi halimbawa, let us say, for example, mayroong 10,000 coconut farmers na nasa registry. Dapat iyong baseline mo doon sa 10,000 ilan ba doon iyong hirap na hirap. So dapat iyong sunod na targets mo, iyong hirap na hirap dapat by after 3 years, sabihin natin e dapat wala na sila doon sa hirap na hirap na stage. So, sa akin din, for the entire agri sector, dapat iyong mga benchmarks ng mga ahensya ay iyong income nung mga farmers natin, saka iyong productivity.

     

    EMIL JAVIER: Tama po yon, Madame Pres… Vice President. Isa pang tanong, bilang graduate ka naman ng business eh, alam mo naman na kailangang-kailangan ng puhunan, ng credit, affordable and easily accessible credit. Sa habang ng panahon eh we have so many institutions and programs, pero maliwanag na hindi pa sapat ang ating nagawa na, para magkaroon ng affordable and easily accessible credit ang mga magsasaka at mga mangingisda. Ano palagay ang mga dapat na dagdag na reporma o dagdag na pamamaraan, para talagang mapasakamay ng mga maliliit iyong kinakailangan nilang puhunan.

     

    VP LENI: Ako kasi, Sir, alam naman natin na mayroon na tayong batas, ‘di ba? Mayroon tayong batas na dapat iyong portion ng ilo-loan mong amount ay dapat iyong mga maliliit, para ito sa maliliit na farmers. Pero maraming bangko ang gusto nila magbayad ng penalty kaysa sundin nila iyong provision na iyon ng batas.

     

    EMIL JAVIER: Iyong Agri-Agra Law.

    VP LENI: Yeah iyong Agri-Agra Law, sundin na lang iyong, ay hindi. Magbabayad na lang sila ng penalty kesa sundin nila iyong provision nung Agri-Agra Law, kasi mas grabe iyong, ano ito, mas grabe iyong risk. Mas grabe iyong risk para sa kanila. Mali ito. Saka ito, ang pinapakita natin hindi na-o-operationalize iyong provision na ito. So, maraming puwedeng gawin. Unang-una dapat taasan iyong penalties. Dapat taasan iyong penalties, iyon iyong number one. Number two, puwede tayong gumawa na parang Landbank para sa maliliit na mga magsasaka.

     

    EMIL JAVIER: Subsidiary ng Landbank.

     

    VP LENI: Subsidiary ng Landbank na ang kanyang mandato lang ay para sa mga maliliit. Ang sad reality kasi sir, talagang iyong mga maliliit sila talaga iyong halos hindi pinapansin. Iyong mga maliliit sila iyong wala masyadong access. Halimbawa, maraming mga government programs na napupunta lagi doon sa mga dati nang nakakatanggap. Ako, nakita ko ito with my own eyes, na masipag naman iyong ahensiya, matulungin naman iyong ahensiya, pero mas pine-prefer niyang tulungan iyong medyo dati nang established, kasi mas siguradong mas napupunta sa tama iyong tulong niya. Tingin ko mali ito eh, tingin ko mali ito at ginagawa niya siguro ito dahil iyong kanilang targets iba. Dapat iyong targets na lalabas sa accomplishment reports, dapat maalis na iyong smallest eh, dapat maalis na iyong smallest sa pagiging smallest. Maalis na iyong smallest farmer sa pagiging poorest, kasi kung ang targets natin laging output, hindi outcome, laging ganito gagawin natin. Pero kung ang targets natin iyong outcomes ng ginagawa natin, meaning to say dapat iyong outcome—kaya mahalaga ang data eh, kaya mahalaga iyong data kasi hindi natin ngayon ma-pinpoint kasi hind inga niya… siguro nga hindi kasama sa inventory iyong pinakamaliliit na farmers, so hindi sila natutulungan. Ito iyong shine-share ko, Sir, kanina na noong Congresswoman ako, sila iyong tinutukan namin. Kami iyong nag-oorganize sa kanila kasi unorganized sila. Kapag tinatanong mo, “bakit kayo hindi nag-organize?” Kasi wala na silang panahon doon eh. Wala silang panahon doon, kasi ito iyong mga isang kahig, isang tuka lang. Wala naman silang pang-maintain—iyong mga membership dues, instead na ibabayad nila sa membership dues, ipapakain na lang nila sa pamilya nila eh. So dapat talaga, dapat iyong gobyerno, ang kaniyang pinakaginagawa, ipantay niya iyong hindi pagkakapantay. Talagang iyong social inequalities very stark eh. So dapat ang ginagawa niya, iyong mga nasa baba, iyon iyong dapat tinataas niya. So sa akin, iyon iyong aking gustong tutukan na baguhin talaga. Baguhin iyong benchmarks, baguhin iyong papaano natin sinusukat iyong mga accomplishments ng mga agencies, kasi that will spell the difference.

     

    EMIL JAVIER: Huling hirit na, Vice President. Huling hirit. Puwede pa ba, Ernie?

     

    ERNESTO ORDOÑEZ: Second round ka na lang, second round, to be fair with others. Lahat sila the same.

     

    The next one po siguro ay pinakamahalaga hindi lang dahil siya ay babae, kasi naman babae ay often better than the men. But she is the only one na nakita ko sa buong YCOT, matanda na ako, na naorganize niya po ay 350 organizations with 99 signee document. Ang pangalan po niya ay Hazel Tanchuling, siyang organization just done this year, the rest of us more than 90 years pero ang ganda ng ginawa niya. So Hazel, the floor is yours.

     

    HAZEL TANCHULING: Okay, magandang umaga, VP. Tatlong questions pero nasagot n’yo na po iyong isa. So uunahin ko iyong sa women. BIilang babae, alam n’yo naman na women still don’t get the same opportunities as men, despite women being equal… parang the same actors in agriculture. So ano po kaya ang maaasahan ng mga babaeng magsasaka kung sakali mang kayo ay palarin… sama ko na rin iyong ibang underserved sectors like IP community, etc.

     

    And next, itanong ko na rin, the next President will be overseeing the implementation of the Mandanas. Ano po sa tingin n’yo ang mga important capacities and essentials na dapat mabigay ng national government in order to ensure iyong performance outcomes ng local governments, lalo na iyong sa pag-achieve ng food security, rural development, sustainable livelihoods?

     

    VP LENI: Ma’am, mahaba iyong sagot ko doon [laughs]. Hindi, iyong una muna, iyong una muna sa women. Kapag tinignan natin iyong datos, iyong mga nakatanggap ng CLOA, iyong mga nakatanggap ng mga EPs, sobrang kaunting percentage iyong babae. So ang tanong natin, bakit ganoon? Hindi ko din alam kung bakit ganoon, maraming dahilan kung bakit ganoon—number one talagang may pagkiling tayo sa mga lalaki. Number two, baka talaga ina-award ito sa mga head of families. Pero dapat malaman natin. Malalaman natin ito kung parati tayong mindful, parating tayong mindful na nabibigyan ba ng—hindi lang kakabaihan, Ma’am—nabibigyan ba natin ng parehong access o parehong opportunities iyong mga maliliit na sektor. Kapag tinignan naman natin iyong batas, ano naman siya e, kapag tinignan natin iyong batas—halimbawa sa CARP law, iyong Section 37 doon, ano naman siya—sinasabi niya dapat inaasikaso iyong mga special needs ng mga kababaihan, dapat binibigyan siya ng opportunities. Pero sa akin, kadalasan kasi, sobrang babaw ng programa natin for them. Parang karamihan, compliance—compliance na basta dapat mabigyan. Pero ang dami kasing opportunities. Halimbawa, iyong DA mayroon siyang Rural Improvement Club, na iyong Rural Improvement Club dapat maging mechanism siya para iyong mga greater participation ng women sa agriculture sector. Number two, iyong bawat LGU, mayroon siyang gender and development fund. Dahil mayroon siyang gender and development fund, dapat ginagastos niya ito sa mas empowering na mga programa. Ako kasi, Ma’am, ang dami kong sad stories about this kasi hindi pa ako politiko, nasa SALIGAN pa ako, iyong women iyong isa sa madalas na tinutulungan namin, and madalas kaming maimbitahan para magbigay ng mga gender sensitivity trainings. Ang parati kong sense, compliance. Kapag tinignan mo saan ba ginagastos iyong GAD, paminsan wina-one-time na event, o minsan gagastusin nila magpapagawa ng mga t-shirt para sa women’s month. Dapat sana hindi ito ina-allow eh, dapat ayusin iyong parameters para sa paggastos ng gender and development fund na mayroon siyang—iyong kaniyang target ay mas empowerment ng kababaihan. Noong mayor pa iyong asawa ko at ako ay nasa SALIGAN, tinutukan namin ito. Nag-create kami ng NCCW—Naga City Council of Women—na parang tripartite siya na gobyerno, mga agencies, saka mga kababaihan. Pero iyong pinaka-idea niya, again bigyan ng boses. Ano ito, maraming sektor na nandoon, ang isa doon agriculture sector. iyong agriculture sector ng NCCW, iyon iyong tinap namin para kami iyong maging pilot for—hindi ko alam kung narinig n’yo na ito, iyong Partnerships Against Poverty and Hunger—pinilot ito, ginaya ito sa isang programa from Brazil, pinilot siya sa distrito ko. Ang partner namin dito, DAR saka DSWD. Ang pinaka-idea nito is, ‘di ba may feeding programs ang DSWD—iyong feeding programs ng DSWD, imbis na binibli niya sa mga mas established na mga negosyante, ita-tap niya iyong rural women para siya na iyong mag-supply. So noong nasimulan ito, iyong Partnerships Against Hunger and Poverty, nag-open up siya ng pag-file ko ng mga bills—iyong Food Security Bill, mayroon pa ako iyong Sustainable Procurement Bill, na iyong Sustainable Procurement Bill na dapat hindi lang presyo iyong tinitingnan doon sa procurement laws ng bansa natin. Dapat tinitingnan iyong social impact, dapat tinitingnan din iyong environmental impact, para nakaka-compete iyong mga maliliit. Maraming mga pagkakataon—dapat maipasa na natin iyong National Food Security Act, kasi doon sa National Food Security Act, mayroong commitment iyong gobyerno na siya iyong bibili ng large portion of what our farmers are producing. Ang government naman, siya iyong biggest customer eh. So kapag naaayos niya lang—ang gusto kong sabihin, iyong pag-ayos ng supply and demand chain—makikinabang talaga iyong mga maliliit eh. So sa akin, ang daming puwedeng ipasa, ang daming puwedeng gawin, pero may mga models na tayo. Na gaya noong sinasabi ko, iyong PHHP ay until now ay tuloy-tuloy iyon—hindi ko lang alam ngayon na nagpandemic kasi hindi nagpupunta iyong mga bata sa schools kung papaano ginawa. Pero very encouraging iyong results. Ang pinakapoint ko lang, mayroon nang models, puwedeng gawin iyong models, kailangan lang talaga iyong tutok eh.

     

    ERNESTO ORDOÑEZ: I’d have to say this ‘no, kasi sabi ng staff niyo, you have to go at 9:45, ginagalang po namin iyong sched ninyo. We have three minutes to go. Besides si Hazel iyong pinakamagaling, but she had her seven minutes. Like Montemayor had seven minutes, the other went a little bit over. So we have three minutes to go. So in three minutes we want to honor you. We’d like to say a short statement in closing and we’d end it on time so you can go to your next schedule.

     

    VP LENI: Sorry po kasi may covenant signing din kami with the labor sector after this.

     

    ERNESTO ORDOÑEZ: Oo nga, ganoon. Sinabi sa akin we have to be strict about time. We have two minutes left ‘no, so give me my 30 seconds.

     

    Alam po ninyo it’s not gonna be the program—it’s the character, it’s the experience. We have given our own assessment of what has happened here, we judge on our own. And I want to say Leonie and Hazel, thank you very much, you had seven minutes, the others went a little bit over. But we cannot extend it anymore, she has to go. But my closing statement is this: It’s not only the program, it’s also character. In terms of the program, she answered most of our recommendations, all positive, some not yet. The chatbox is there, we are going to answer the chat box, we’ll give it to her office, don’t worry. The chatbox is important. And finally, we want to thank you Vice President Robredo because you not only showed us your direction, you showed us the detail in the direction because of your actual experience with poor farmers and fisherfolk. And on that note, we like your character, we like the programs, and think that you, like other presidentiables, are blessing to our country.

     

    So on that note, thank you very much and we want you to have time, so we want you to have one or two minutes so you can be on time—what are your closing remarks, are we on the right track, and what should we do, Ms. President—Ms. Vice President—I made a mistake, what would be your closing remarks?

     

    VP LENI: Ako, Sir, siguro obvious naman with the discussion that I’m really really passionate about agriculture because this is one sector na I feel that the opportunity is there. Nakita naman natin ito eh, nakita natin ito during the pandemic. Last year in second and third quarter, iyong growth lang natin, in agriculture. And yet even if the opportunity is there, it is one of the most resilient, we’re not giving it the attention it deserves. Gaya ng sabi ni Sec. kanina, iyong unemployment ngayon, grabe iyong unemployment natin, and agriculture is the number one employment opportunity giver kapag inasikaso lang natin. Kaya sa akin, I think I’ve said this in many of my pronouncements already, na halimbawa with infrastructure, dapat iyong infrastructure geared towards rural development. Kasi ang pakiramdam ko, masyadong centric sa urban areas, na ang ating pag-asa talaga agriculture, kasi iyon talaga iyong pinagkukunan ng kabuhayan ng marami. Kung tututukan lang natin, maraming mga Pilipino iyong maaalis sa poverty level. So ako, parati akong excited to talk about this. I don’t know everything about agriculture, I have a lot to learn, pero I have immersed myself with the sector in over a period of time already na, iyong sa akin iyong puso ko ay nandoon talaga sa—mas halo siya, halo siya ng sayang saka excitement. Sayang because I think we have a lot of missed opportunities already, pero excitement also because we can do so much more. We can do so much for them. Pero hindi kasi lang puwede dito iyong cosmetic na basta lang ako umoo sa ganito. Pareho noong sinabi ko with the group that I spoke to this week na, baguhin naman natin iyong mga ask natin ngayon. iyong mga asks natin, siguraduhin natin na ‘pag nag-ask ulit tayo, hindi pareho sa ask natin dati. Ang gusto kong sabihin, let us not allow na year in and year out, pareho iyong problema natin. Dapat iyong problema natin, nagpo-progress. Kung hindi siya nagpo-progress, ibig sabihin hindi tayo naaasikaso. So sa akin, iyon iyong aking dreams for the sector. And ang chance ng agriculture is not lodged on one person alone. Hindi po ito kaya ng Presidente lang, pero dapat iyong  lider ay nagbibigay ng puwang para—nagbibigay ng mechanism, nagbibigay ng platform, para iyong mga directly involved sa agriculture ay kabahagi sa governance. I think iyon iyong pinakasusi for us to move forward as far as the sector is concerned.

     

    ERNESTO ORDOÑEZ: Well, you sure know a lot and you sure care, I believe. It is now 8:46 a.m., one minute overtime, but we’d like you to know Vice President Leni that we appreciate the time you’ve spent with us, and God speed. On this note, the forum is closed, we will continue in an informal basis when the Vice President leaves and there are press questions to be asked. Thank you very much. On behalf of the five organizers, maraming salamat po, VP Leni Robredo. Thank you.

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 29, 2021