This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Ambush Interview at Malay, Aklan

    Vice President Leni Robredo
    Ambush Interview at Malay, Aklan

    [START 00:00:00]

    REPORTER 1: 'Yung isyu ng BIDA, gaano kahalaga ba sa inyo na ngayong campaign nagpunta kayo dito sa Boracay considering hindi naman ganoon kalaking voting population, gaano kahalaga 'yung issue ng BIDA sa inyo?

    VP LENI: Sa akin kasi, pag issue na na hindi pinapakinggan 'yung mga tao, hindi naman nagma-matter kung ilan sila, o marami sila. Ito more than– beyond ito sa issue ng kampanya kasi ito 'yung issue na kinakaharap noong mga lahat ng stakeholders dito.

    Nagkakaisa sila, nagkakaisa sila sa pagkontra. The least na pwedeng gawin natin, pakinggan sila. So, nakikiusap tayo sa Congress na magbigay ng paraan para 'yung mga opposition ng mga taga dito ay mapakinggan. 'Yun naman 'yung wino-worry ng lahat eh, na maipasa 'yung batas na hindi sila pinakinggan. Marami silang mga dahilan kung bakit sila nago-oppose. Sila naman 'yung nakakaalam kung ano 'yung kailangan nila dito, sila 'yung nakakaalam ng mga problema dito. So, tama lang naman na pakinggan sila. Alam naman natin na pare-pareho ‘yung intensyon ng lahat. Ang intensyon lahat, maayos, maayos ‘yung Boracay, masolusyunan 'yung mga problema dito. Pero 'yung hindi kasi tama na hindi sila binibigyan ng boses.

    REPORTER 1: So, mas napagtibay 'yung desisyon niyo na sabi niyo sa KBP Debate na hindi niyo pipirmahan?

    VP LENI: Hindi talaga. Anything na– any program. Any program or policy na walang maayos na konsultasyon, hindi natin pipirmahan kung tayo ang pangulo dahil napakahalaga sa proseso na nabibbigyan ng boses 'yung lahat nA maaapektuhan ng kahit anong desisyon.

    REPORTER 2: Ma'am follow up ko lang po, kasi nabanggit niyo po na hindi sila napapakinggan. ano pa ba 'yung feedback na nakuha niyo doon sa mga nago-oppose? Paano nila nasabi na hindi po sila napapakinggan?

    VP LENI: Para sa kanila, hindi– 'yung mga punto na nire-raise nila, hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na i-propound 'yun. Halimbawa, ang sinasabi nila, 'yung BIDA in itself, wala naman akong– wala naman kaming oposisyon, pero ayaw kasi namin na in the nature of a GOCC ito, mas gusto namin na mas regulatory. Pino-point out nila na kontra ito sa tenets ng decentralization under sa Local Government Code, na dapat 'yung local government units 'yung may say sa pag-areglo ng lahat ng mga issues dito.

    Marmai silang punto. Halimbawa, 'yung pag-manage ng– pag-manage ng hindi lang ng policies pero halimbawa, taxation. Papano ba 'yun– papano ba sila mabibigyan ng mekanismo? 'Yung pagpasok ng mga casino, ano 'yun eh, isa sa mga malalaking isyu na sinabi nila na halimbawa, ‘yung mga casino, ayaw namin ito. Di wala na pala kaming boses para sabihin na ayaw na namin ito kasi meron nang isang body na sila 'yung magdedesisyon.

    'Yung isa pa nilang pinoint-out doon, meron yatang proposal na meron itong approbation na, if I am not mistaken, 1 billion a year. So sinasabi nila, imbes na– imbes na gastusin 'yung pera na 'yun para sa operations noong regulatory body, eh gamitin na lang sa mas importanteng mga problema ng Boracay.

    So sa akin, mas alam nila 'yun. Hindi tayo 'yung nakakaalam noon, pero ang importante lang, na binibigyan ng linaw saka binibigyan sila ng boses para masabi nila 'yung kanilang oposisyon

    REPORTER 3: Pero ma'am sa inyo, personally, ano ba 'yung danger noon 'yung GOCC, mga casino, ano sa tingin po ninyo 'yung danger?

    VP LENI: Ito kasi, kung ano kasi 'yung ilalagay saka ibabawal dito, ang unang maaapektuhan, 'yung mga taga dito. So kaya sa akin, mahihi– kaya sa akin napakahamahalaga noong binibgyan sila ng boses kasi dapat, meron silang boses magsabi na ayaw namin ito, gusto namin ito. Pero kung inaalisan sila ng boses in the name of progress, kasi 'yun naman 'yung pinakasadya noong Bill–at wala tayong kontra doon, hindi tayo kumukontra doon–ang sinasabi lang natin na sana kung sino 'yung maaapektuhan ay pinapakinggan.

    MODERATOR: Okay, last question po Sir Jun Aguirre po.

    REPORTER 5: Ma'am, ano po 'yung stand niyo po sa climate change? Kasi parang hindi pa po kayo nakakapagbigay ng statement?

    VP LENI: Actually, marami na akong statement sa climate change. 'Yung pinakauna ko lang 'yung oras natin ngayon. Pero 'yung pinakauna, 'yung climate change kasi hindi lang ito responding to disasters, pero 'yung climate change dapat deeply embedded siya sa mga plano ng, hindi lang ng National Government, pero ng mga Local Governments. Kailangan mas ano tayo, mas pro-active, mas preventive. 'Yung climate change hindi ito pwede na nagse-set aside ka lang ng pondo for relief operations kasi 'yun ay sobrang short term.

    Halimbawa, dito sa Boracay, kailangan nating asikasuhin 'yung sewerage systems, kailangan natin asikasuhin 'yung proper waste disposal. Kailangan natin asikasuhin 'yung tubig, 'yung threats sa mga bagyo. Meron bang enough protection 'yung mga tao dito just in case magkaroon ng mga storm surge?

    So, 'yung climate change, 'yun 'yun eh. Kasi umiiba na talaga 'yung panahon. Umiiba na 'yung panahon, at dapat 'yung mga polisiya natin, hindi dapat static, dapat sumasabay siya. Sumasabay siya sa pangangailangan ng panahon and 'yung mga plano dapat kina-capacitate 'yung mga local government units para 'yung mga plano niya nakakapagrespond siya sa mga threats sa ating environment. Okay?

    [END 00:05:49]

     

    Posted in Transcripts on Feb 16, 2022