This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo and Introduction of Mayor Camalodin Dadayan at the Dialogue with Bamboo Landers Multisectoral Rural Workers Association

    Vice President Leni Robredo and Introduction of Mayor Camalodin Dadayan at the Dialogue with Bamboo Landers Multisectoral Rural Workers Association, Buadiposo-Buntong, Lanao del Sur


    [START]

    CAMALODIN DADAYAN: Thank you very much, welcome na welcome. Siguro, ito na 'yung oras na hinihintay niyo na marinig ninyo ang ating minamahal na Vice President ng Republika ng Pilipinas. 39 days to go, siya na magiging president ng Republic of the Philippines. [inaudible] Walang iba kung hindi ang ating minamahal na si Leni Robredo. Mahal ng laylayan, mahal ng sambayan.

    VP LENI: Ayan, Maraming salamat mayor. Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po sa ating minamahal na mayor, Mayor Dadayan. Sa ating vice mayor, Vice Mayor Macarampat. Sa ating Barangay Captain, si Incoming Vice Mayor, si Kapitana Lantua. Sa lahat pong councilors na nandito, lahat na barangay officials, lahat na mga miyembro ng Bamboo Landers Multisectoral Rural Workers Association– ayan, mahaba kasi 'yung pangalan niyo. Maraming maraming salamat.

    Masaya po akong nakabisita ako dito sa Buadiposo-Buntong. Alam niyo naman, lagi akong nandito. Lagi po akong andito sa Lanao del Sur. Kanina po, ka-breakfast namin ni Senator Kiko si Former Governor Soraya, sinasabi ko sa kanya na sa lahat ng lugar ng Pilipinas, pinakamadalas ako dito. Binibilang po namin sa loob ng– wala pa 'yun ha? Kasi nabawasan pa dahil sa dalawang taon na pandemic pero sa loob ng apat na taon, sampung beses ako dito bumalik. Sampung beses dahil marami po tayo ditong project.

    Noong 2016, nanalo ako dito. Kung naalala niyo, kinasuhan pa po ako na kinikuwestyon 'yung resulta dito sa Lanao del Sur kasi nandaya daw ako dito. Kayo 'yung makakapagsabi [crowd cheers], kayo 'yung makakapagsabi na walang nandaya dito. 'Yung mga nakakakilala po sa akin gaya ninyo na mga supporters, sinasabi na kaya ka dito maraming botong nakuha kasi ikaw lang naman 'yung vice presidential candidate na pumunta dito. [applause] Nagpapasalamat po ako sa suporta pero sabi ko po ngayon, kumakandidato ako bilang presidente na. Kung tinulungan niyo ako noong 2016 na wala pa akong napapakita sa inyo, baka naman tutulungan niyo ulit ako ngayong 2022 [crowd cheers] na napakita ko sa inyo kung gaano ko kamahal 'yung Lanao del Sur.

    Ito pong project natin dito, actually, isa lang ito sa maraming projects natin dito sa lalawigan ninyo. Hihingi nga ako ng paumanhin Mayor, kasi medyo nahuli 'yung Buadiposo, marami na po tayong project. In fact, 'yung pinakauna natin na project, 'yung mga weavers sa loob ng Marawi, 'yung Barangay Dayawan. Bago pa nag-siege, bago pa po nagkaroon ng gulo dito, nandito na ako kasi meron na tayong projects sa Barangay Dayawan. Actually, nagbisita ako doon ng March 2017, tapos nagkaroon ng gulo ng May 2017, pero habang nagsi-siege, nandito po 'yung aming opisina– gumagawa ng relief operations. Pagkatapos ng siege, doon na natin ginawa 'yung lahat na rehabilitation efforts. Alam niyo naman siguro 'yung pabahay na ginawa natin sa Barangay Sagonsongan, 'yung– kakaunti lang naman po 'yung pera ng opisina namin pero 'yung pabahay po na ginawa sa Sagonsongan, actually donasyon po 'yun para sa akin. Noong kinasuhan po ako, noong kinasuhan ako noong eleksyon na nagsabing nandaya daw ako, kinakailangan ko pong mag-deposit sa Supreme Court ng 15 million pesos. Wala naman akong ganoon na pera, nagkautang-utang ako, pero 'yung inutang ko, kulang pa, kulang pa ng seven and a half million pesos.

    Meron pong isang grupo ng mga kababaihan na nag-raise sila ng pera, merong isang grupo ng kababaihan– papaayos ko na lang po mamaya. Meron po isang grupo ng kababaihan na nagbigay sila ng pera– baka ma-cover na 'yung aking buong mukha, okay na? Ayan. 'Yung kinukuwento ko, merong nag-raise ng seven and a half million pesos para pantulong nila sa akin pero, hindi ko po 'yun puwedeng tanggapin kasi bilang public official, bawal akong magtanggap ng donasyon.

    Kinausap ko 'yung mga nagbuo noong pera kung pwedeng i-donate na lang natin dito sa Marawi rehabilitation, pumayag sila. [applause] Kaya nakapagpatayo po tayo ng isang village. Papunta po tayo doon ngayon. Nakapagpatayo tayo ng isang viIIage sa Barangay Sagongsongan, nagpapakita na pag may tiwala sa atin 'yung tao, marami tayong puwedeng gawin. 'Yun po 'yung gustong sabihin natin ng gobyernong tapat, angat buhay lahat: Na pag ang gobyerno matapat, 'yung konting pera, napupunta sa mabuti. So, ay pasok po kayo– ah Barangay Chairman. Ano pong barangay? Lumbatan. Ayan palakpakan po natin si Kap. Barangay Chairman ng Lumbatan.

    So, ito pong mga livelihood projects natin hindi lang po dito sa Buadiposo. Meron po tayo sa Balindong, meron tayo sa Piagapo, meron tayo sa Saguiaran, marami pang iba. Hindi ko na po memorized pero marami tayong– Marantao. Doon tayo nagkita-kita. Doon tayo nagkita-kita noong huli. In fact, noong birthday ko noong 2019 ba 'yun? 2019 nandito ako. Dito ako nag-celebrate ng birthday. Nandoon ba kayo noon? Kaya 'yung Lanao del Sur parang pangalawang bahay ko na ito. [applause] Dahil dito ako pinakamadalas. Tapos 'yung mga tao dito hindi na iba sa akin. Ilang beses ko nang nakasama, ilang beses ko nang kasama sa laban. At ang laban na 'yun, laban sa kahirapan. Ito po 'yung dahilan kung bakit may Angat Buhay tayo.

    Kaya 'yung sa akin po, una, natutuwa ako sa mga kuwento ninyo. Na nagsasabi kayo na– saka maraming salamat sa mga suot ko na gawa ninyo. Ayan, salamat. Maraming salamat sa suot ko. Maraming salamat sa mga kuwento niyo na natutulungan 'yung mga kababaihan na dati walang hanapbuhay, biglang nagkahanapbuhay. Sana mapalaki pa natin at sana manalo tayo sa eleksyon para– [applause]

    Kagabi po– oo nga po eh. Kagabi po marami akong kasamang mga mayors ng Lanao del Sur sa Iligan. Sa Iligan po kami nagkita-kita. Ang pangako ko sa kanila Mayor, na pag nanalo ako, lahat na bayan sa Lanao del Sur pupuntahan ko. [crowd cheers] Kasi marami na akong napuntahan, pero 'yung napuntahan ko ito lang lahat na malalapit sa Marawi.

    LOCAL: Kami po ang magiging pangatlong bahay mo Madam. [applause]

    VP LENI: 'Yung nandito sa may baba hindi ko pa napupuntahan. Kaya 'yun po 'yung aking pangarap. Bakit importanteng mapuntahan? Kasi pag Pangulo ka at pinuntahan mo 'yung isang lugar, nabibigyan siya ng atensyon, naaasikaso ng pamahalaan dahil siya mismo 'yung tumingin ng sitwasyon. So, 'yun 'yung pangako ko sa inyo. Pero 'yung paghingi ko po ng tulong– alam kong mahal niyo ako dito kasi pinaparamdam niyo parati. Pero ang hinihingi ko po ng tulong, magagawa ko lang po 'yung lahat na puwede kong gawin kung si Senator Kiko 'yung aking Vice President. [crowd cheers]

    Kaya po kung tutulungan niyo po ako, siguraduhin po nating matulungan natin si Senator Kiko saka po 'yung ating mga Senador. Kasi mahalaga po na pagupo pa lang, imbes na hindi nagkakaintindihan, trabaho na kaagad 'yung aasikasuhin, di ba? So, hindi na po ako magtatagal kasi hinihintay tayo doon sa Sagongsongan. Magpi-picture taking tayo, ayusin lang po natin para– siguro isang picture-taking– ah sa labas na lang para buwelo? Ah dito na lang sige. Dito na lang. Siguro po gawan lang natin ng order. Siguro 'yung mga babae muna tapos 'yung mga farmers natin, di ba? Tapos 'yung barangay officials para maayos po 'yung ating– ikaw na Pres. Ikaw na 'yung mag-arrange. Maraming salamat po.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 01, 2022