This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at the CNN Presidential Debate Third Part

    Vice President Leni Robredo at the CNN Presidential Debate Third Part
    University of Santo Tomas, Sampaloc, Manila

    [START]

    PIA HONTIVEROS:Russia is one of the largest oil-producing nations and international sanctions against the country is expected– are expected to disrupt supplies. Question is: if you were President today, how will you prepare our country for the expected increase in the prices of basic goods and commodities? 'Yan po kasi ang unang impact ng conflict na 'yan sa ating bansa, ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Senator Ping, we'd like to hear from you first.

    PIA HONTIVEROS: VP Leni Robredo, ma'am.

    VP LENI: Ito kailangan ng Presidente talagang yung vigilance saka foresight nasa kanya para na-aanticipate niya kung ano 'yung mga darating na problema kahit hindi pa siya dumadating. Unang una, 'yung supply ng oil siguradong maaapektuhan tayo nito. Gaya ng sinabi ni Senator Ping kanina, meron tayong fuel subsidy, meron tayong automatic– kailangan mag-automatic suspension ng excise tax kasi 'yung mababawas nito sa presyo ay mga 10 pesos per liter. Pag nagkaroon ng automatic suspension, 'yung sources of power kailangan bantayan natin. Ngayon, kahit hindi pa kulang na kulang 'yung power natin, napakataas na ng presyo ng kuryente. Papaano ba natin mapapababa ito? Kailangan tutukan na natin ngayon. Unang-una 'yung implementation ng VAT, kailangan tingnan natin para 'yung mga hindi dapat kinakarga sa'tin, wag kargahin. 'Yung systems loss, 'yung distribution charges, kailangan ma-subsidize ito ng pamahalaan para 'yung kwenta natin halos mga 600 pesos ang mababawas sa bawat pamilyang panggastos. 'Yung ating supply ng kuryente, kailangan asikasuhin na natin. Alam natin na by 2024, 'yung Malampaya talagang paubos na 'yung ating source of energy. Ito kailangan nating tutukan na. Maraming pending na service contracts ngayon, kailangan asikasuhin na natin 'yung ating paghanap ng mas maraming indigenous sources of electricity, kailangan asikasuhin natin kasi kailangan pag-antabayanan na natin 'yung kakulangan.

    PINKY WEBB: Okay, maraming salamat po sa inyo. Our Defense chief Delfin Lorenzana said on February 25th, “Wala naman tayong pakialam sa Europe kung anong ginagawa nila doon. Hindi naman tayo katabi ng Ukraine.” ‘Yung mga bansang karatig nagpahayag na ng suporta sa Ukraine. Tayo, neutral muna tayo ngayon. So, show of hands, candidates. Agree po ba kayo sa stand ni Sec. Delfin Lorenzana na neutral muna tayo ngayon? Show hands please. Agree po ba kayo sa stand ni Sec. Lorenzana na neutral muna tayo ngayon?

    VP LENI: [DOES NOT RAISE HER HAND]

    PINKY WEBB: Okay, speaking of incursions, Chinese incursions in the West Philippines Sea are still happening. China has continued to disregard the international tribunal’s ruling six years ago in favor of the Philippines.

    PIA HONTIVEROS: Candidates, narinig na namin po ang inyong mga plano tungkol sa ating ongoing maritime and territorial dispute with China, but even the best laid out plans can fail. Mayor Isko, increased military buildup ang paraan po ninyo. Ang tanong namin sa inyo: If this plan fails, what is your Plan B? 90 seconds, Mayor.

    PIA HONTIVEROS: VP Leni, ang sabi po ninyo, multilateral talks. What if these talks don’t work? What is your Plan B?

    VP LENI: Day 1 ng aking presidency, ang konsepto ng instrument of national power ang ating susundin. Ano ito? Number one, diplomatic. Papalakasin natin ‘yung pakikipag-ugnayan natin sa ating mga allies, mga ibang bansa na pareho ‘yung paniniwala sa atin, para meron tayong kakampi, just in case merong aggression. Pangalawa, ‘yung informational. Sisiguraduhin natin na ‘yung pamahalaan natin ‘yung nangunguna para i-push ‘yung isang national consensus. ‘Yung narrative natin ay kailangang magkaisa ‘yung mga Pilipino behind it. Pangatlo, ‘yung military. Sisiguraduhin natin na popondohan natin ‘yung ating Armed Forces of the Philippines para makapag-put up tayo ng credible defense against sa ating mga aggressors. Hindi man natin mapantayan ‘yung lakas ng ibang bansa, at least meron tayong ilalaban sa kanila, pareho ng pinapakita ngayon ng Ukraine. ‘Yung economic, sisiguraduhin natin magiging resilient ang ating ekonomiya para hindi tayo naiipit ng mga predatory practices ng ibang mga foreign powers.

    PINKY WEBB: We're going to flash a number on the screen behind us. That is 11.7 trillion. What is the significance of 11.7 trillion? Pag-uusapan po natin ito–

    PIA HONTIVEROS: Candidates please. What is this figure? What does this figure mean to you? Pakisulat lang po sa inyong whiteboard.

    PINKY WEBB: Ano 'yung significance nito?

    PIA HONTIVEROS: And paki– please show it to us.

    VP LENI: [Shows “Foreign Debt”]

    PIA HONTIVEROS: Pa-explain lang po natin ano, Pink? Alright. Let's begin with VP Leni.

    VP LENI: 'Yung foreign debt hindi naman siya masama per se. Pero sisiguraduhin natin na kung ano 'yung inutang natin, mapupunta siya sa mga bagay na pinakakinakailangan natin. Sisiguraduhin natin na 'yung returns sa ating utang ay mas marami pa kaysa sa inutang natin. Naiintindihan natin na during the pandemic talagang malaki 'yung ating kinakailangan na pera pero ito ay hindi magiging makatarungan kung 'yung ating inutang ay napunta pa sa korupsyon. Kaya ito sinisiguro natin na pag tayo naupo bilang Pangulo, titingnan natin kung saan ito ginastos at sisiguraduhin natin na babayaran natin 'yung utang, sisiguraduhin na mapupunta siya sa dapat mapuntahan, kasi luging-lugi ang taumbayan kung nagbabayad siya ng utang na iba naman 'yung nakinabang.

    PINKY WEBB: Now, we have again a show of hands. Candidates, which one of you believe that public servants should make public their SALN.

    PIA HONTIVEROS: Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

    PINKY WEBB: Show of hands.

    PIA HONTIVEROS: You're watching CNN Philippines Special Presentation Presidential Debates 2022. Thank you UST for hosting us, sabi nga nila, go USTe, salamat. On May 9, we, Filipinos, will be given a choice and a fair opportunity to elect our leaders. One of them, President of the Philippines.

    PINKY WEBB: Kasama natin ngayon, nine out of 10 candidates were seeking the highest office of the land. We want to focus on the LGBTQI+ community. The Philippines is ranked as one of the most gay-friendly nations in the world but, we don't have a law that recognizes their rights.

    Our question is what's the future of civil union under your administration that is meant to protect the legal rights of LGBTQ+ Filipinos?

    VP LENI: Noong member po ako ng 16th Congress, I was one of the co-authors of the Anti-Discrimination Law. Naniniwala po ako na lahat dapat binibigyan ng pagkakataon na ma-enjoy 'yung mga karapatan na ne-enjoy ng iba. I am all for civil unions, pareho po ako ng paniniwala ni Pope Francis na may karapatang lumigaya kahit sino. Hindi dapat sila pinaparusahan because of the choices they make. Para po sa akin, obligasyon ng pamahalaan na sisiguruhin na hindi sila nadi-discriminate upon. Lahat ng opportunities na available sa iba, dapat available din para sa kanila.

    PIA HONTIVEROS: The Philippines is only one of two countries in the world that still prohibits divorce. Ang sabi ng ating mga pro-divorce advocates, pangmayaman lang ang annulment. Candidates, you have different views when it comes to divorce, show of hands po tayo ulit. Which of you candidates are in favor of divorce in the Philippines?

    PINK WEBB: Ulitin natin 'yung tanong, which candidates are in favor of divorce in the Philippines?

    VP LENI: [Did not raise her hand]

    PINKY WEBB: So, VP Leni and Senator Pacquiao, kayo po opposed po kayo sa divorce, hindi po ba? Our question to you is this, how will you help underprivileged spouses, spouses po 'yan ha, those who can't afford to go through annulment but want to end their marriage?

    VP LENI: Bago po ako naging politiko, matagal ako nag-abogado sa isang NGO na ang pangalan, SALIGAN. Matagal po na ang aking mga kasong hinahawakan, majority noon ay violence against women and children. Marami po akong mga kliyente na binubugbog ng asawa, biktima ng domestic abuse, biktima ng sexual harassment. At tayo po ay merong mga batas, na-mention kanina na meron tayong batas na annulment of marriage, meron po tayong declaration of nullity of marriage, at agree ako na itong batas na ito while nandiyan siya ay hindi siya accessible sa mga mahihirap dahil sa requirements nito. Halimbawa, 'yung article 36 ng ating Family Code, nagre-require siya ng psychological examination na sobrang mahal.

    Napakamahal nito, hindi siya accessible para sa mga mahihirap kaya nagiging accessible lang siya sa mayayaman. Pero meron nang bagong supreme court decision na ito ay mababago na 'yung mukha nito, magiging accessible na siya, 'yun 'yung una. 'Yung pangalawa, bahagi din ako ng Bantay Familia, isang napakalaking organisasyon na pinoprotektahan 'yung mga karapatan ng mga kababaihan na nabibiktima ng pang-aabuso. Bago pa naipasa 'yung Republic Act 9262, Anti-Violence Against Women and Children Act, isa ako sa mga lobbyist nito. Pero para maprotektahan sila, kailangan tulungan natin ang mga kababaihan through economic empowerment. Ito 'yung magbibigay sa kanilang lakas para hindi i-tolerate 'yung abuses na nasa-suffer nila.
    PIA HONTIVEROS: Another topic we want to ask you about religious groups endorsing candidates. Show of hands, do you favor religious groups endorsing candidates?

    PINKY WEB: Show of hands. Again, do you favor religious groups endorsing candidates?

    VP LENI: [raises hand]

    PIA HONTIVEROS: This is the very same stage in 2016 where we asked six Vice Presidential candidates if they have plans to run for president in 2022. Every single one of them said no. Six years later, dalawa sa kanila ang tumatakbong presidente: Senator Bongbong Marcos, who is not with us tonight, and VP Leni. Vice President Robredo, our question to you: What has changed, Ma'am? Ano po 'yung nangyari? Ano po 'yung dahilan?

    VP LENI: Napakarami. Noong nandito ako in 2016, talagang wala akong balak tumakbo. In fact, promise ko ito sa mga anak ko na 'yun na 'yung 2016, 'yun na 'yung pinakahuling eleksyon para sa pamilya namin. Pero 'yung 2016 until 2021, nakita natin kung papano niyurakan ng fake news, ng disinformation ang propaganda 'yung mga paniniwala, mga mindsets ng napakaraming Pilipino. At dahil disinformation propaganda 'yung namayani, talagang 'yung threat na 'yung pagbabalik ng klase ng politika na puno ng korupsyon, 'yung klase ng politika na nagdala sa atin ng plunder in the past, 'yung klase ng politika na talagang madumi, ito 'yung klase ng politika na nagdala ng napakaraming paghihirap para sa ating lahat, 'yun 'yung nagpalit.

    Ang aking sinubukang gawin na because of the threat na itong klaseng politika babalik kung magkaroon ng pagkakaisa 'yung mga contenders ay hindi ko na kailangang tumakbo. Sinubukan ko na kausapin 'yung halos lahat. Sinubukan ko na ayain 'yung halos lahat na i-set aside 'yung aming mga hindi pagkakaintindihan o pagkakaiba ng plano para mag-usap-usap pero hindi ako naging matagumpay kaya kumandidato ako.

    PINKY WEBB: Candidates, meron pa tayong isa pang general question para sa inyong lahat. If you become the 17th President of the Philippines, gaano po kabilis mararamdaman ng Pilipino ang impact ng inyong leadership o pamumuno? Sabi po kasi dati ng ating Presidente in 2016, three to six months, he was going to wipe out drugs as well as end corruption. So kayo po?

    PIA HONTIVEROS: VP Leni Robredo, ma'am?

    VP LENI: Ang ating pong parating sinisigaw, "gobyernong tapat, angat buhay lahat." Ano ba 'yung ating mga pangako? Unang-una, marangal na trabaho, maayos na trabaho para sa lahat. Pangalawa, hindi magiging hadlang ang kahirapan para 'yung ating mga anak ay makakuha ng de-kalidad na edukasyon. Pangatlo, pag tayo ay nagkakasakit, ang gobyerno nandiyan para saluhin tayo. Pero ito pong mga pangakong ito, hindi natin ito mabibigay pag ang gobyerno hindi matapat.

    Sa unang araw po ng aking panunungkulan bilang Pangulo, ang akin pong executive order na ipapasa ay full disclosure. Meaning to say, ang lahat na government offices and instrumentalities, ire-require po natin to make public lahat ng public transactions. Hindi po ito enough, pero important first step ito para iparamdam natin sa ating mga kababayan na seryoso tayong lilinisin at aayusin natin ang pamamahala.

    Ang pangalawa, sisiguraduhin po natin na dahil maayos 'yung ating pamamahala, 'yung ating mga ia-appoint na mga public servants, mga matitino at mahuhusay. Pag nakita po 'yung tao na seryoso tayo sa ating pangako, ang tao magiging inspired, makakamtan po natin 'yung lahat na pangarap natin pag katuwang natin 'yung ating mga kababayan sa pagpanday ng magandang bukas para sa ating lahat.

    PIA HONTIVEROS: Today's debate gives us a chance to see our candidates to publicly commit to fair, honest, and peaceful elections on May 9. A show of hands, please, candidates, so the rest of the country will see which one of you can publicly commit to fair, honest, and peaceful elections on May 9th. Show of hands.

    [ALL CANDIDATES RAISE THEIR HANDS, INCLUDING VP LENI]

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Feb 27, 2022