Vice President Leni Robredo at the Comelec PiliPinas Presidential Debates 2022: The Turning Point Part 3
[START]
LUCHI CRUZ-VALDES: Narito ang tanong, maraming lugar katulad ng China at Hong Kong ang nakararanas ngayon ng panibagong COVID surge. Ang tanong, sa tingin mo sa puntong ito ang Pilipinas ba ay handa na sa isa na namang COVID surge? Kung hindi, paano mong palalakasin ang ating pagtugon kung nakaupo ka na sa puwesto?
LUCHI CRUZ-VALDES: VP Leni, Ma'am, ano po ang inyong tugon?
VP LENI: Hindi po malayo na pumasok ulit dito sa atin 'yung another surge. Dapat natuto na tayo sa lessons na nakuha natin in the past two years saka lessons na pinagdaanan ng ibang bansa. Halimbawa po kapag tinignan natin 'yung Hong Kong ngayon, 'yung Hong Kong ngayon napakataas ng cases dahil 'yung vaccination rate nila napakababa lalo na sa seniors. So, dapat po ang una nating tutukan talagang mapaigting natin 'yung vaccination dito sa atin. Kapag tiningnan natin ngayon 'yung datos: 58% pa lang 'yung tapos na sa first and second shot, 16% pa lang ang tapos na sa booster. Ang initial target po natin 77 million na Filipinos ang dapat vaccinated kulang pa tayo ng 13 million para maabot natin 'yung target na 'yun.
So, 'yung una kong gagawin sisiguraduhin ko na maabot natin 'yung targets natin and malampasan pa. Tapos dapat huwag na nating hintayin 'yung another surge para i-beef up natin 'yung ating testing, tracing saka treatment. Halimbawa 'yung testing, alam natin kung ano 'yung naging problema in the past: accessibility saka napakamahal. 'Yung tracing alam din natin kung anong naging problema natin. Huwag na natin hintayin 'yung susunod na surge. Dapat ngayon 'yung napakaraming mga apps i-centralize na natin sa isang nationwide na app na gagamitin ng lahat na isa lang 'yung database. 'Yung treatment marami tayong kailangang gawin.
Number one, kailangan tutukan na natin 'yung roll-out ng ating universal healthcare tapos 'yung pag-asikaso ng hospital capacity saka healthcare personnel kailangan tutukan na din natin.
[END OF PART 3]