This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo DZBB Interview Ikaw na Ba: The Presidential Interview

    Vice President Leni Robredo DZBB Interview
    Ikaw na Ba: The Presidential Interview

    [ads and technical difficulties 00:00:00 to 16:59]

    [Start: 16:59]

    MELO DEL PRADO: Ang ating pong makakasama ngayon, kanina po'y nagpakita na– nagpasilip na eh.

    KATHY SAN GABRIEL: Oo. Ipagpapatuloy natin ngayon, Melo.

    MELO DEL PRADO: Ipagpapatuloy natin. Si Vice President Leni Robredo. Madame Vice President, magandang umaga po muli sa inyo, madame Vice President. Hello?

    VP LENI: Magandang umaga. Magandang umaga sa inyo, magandang umaga po sa lahat ng nanonood saka nakikinig.

    MELO DEL PRADO: Sige po okay. Madame Vice President ito po 'yung ating tanong ngayon na naudlot kanina kasi hindi niyo masyadong narinig siguro ano po ha.

    Sinabi niyo po na ayaw niyo lang makabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos kaya kayo tumatakbo. Binanggit niyo po 'yun eh, bilang Pangulo. Meron pa po ba kayong ibang dahilan, maliban diyan, Madame Vice President?

    VP LENI: Ito kasi 'yung dahilan kung bakit sinabi ko ‘to: everything that they represent. Alam natin 'yung pinanggalingan natin during the dictatorship. Alam natin 'yung sobrang corruption. Alam natin 'yung sobrang misgovernance. Alam natin 'yung klase ng politika na inumpisahan.

    Pag nakabalik sila sa posisyon, ganoon ulit 'yung maaasahan natin. So, ang pinakatanong ko, gusto ba natin 'yun? Kasi klaro naman 'yung lines ngayon eh. Ano ba 'yung nire-represent namin? Para sa akin, 'yung issue na to, hindi na lang tungkol ito sa who is better candidate, pero what do we represent? Anong klaseng pamamahala, anong klaseng politika. Kasi ito 'yung magde-determine ng next six years para sa ating bansa.

    So, 'yun 'yung paniniwala ko na pag bumoboto tayo sa isang tao, hindi lang 'yun kung sa akin o kay Marcos pero ano bang klase ng politika saka pamamahala na ino-offer nila sa taumbayan.

    KATHY SAN GABRIEL: VP Leni sa pinakahuling survey po ay kayo ang pumapangalawa. Ano pa sa tingin niyo ang kailangan para kayo ang maging number one?

    VP LENI: Marami pa actually ang kailangan. Ang pinakaproblema ko kasi hindi kami nakapaghanda ng mas maaga kasi hindi ko naman plinano talagang kumandidato. Alam natin na halimbawa 'yung Marcos, sobrang tagal nang naghahanda lalo pa ngayon kasi 'yung social media talaga nagagamit talaga siya sa disinformation.

    So, ang kailangan naming gawin, siguraduhin na 'yung katotohanan 'yung lumalabas. Mahirap ito dahil alam natin na 'yung social media works on algorithms. Maraming mga kababayan natin ang hindi natin ma-blame kung naniniwala kasi 'yung source of news nila nabu-blur na talaga 'yung mga kasinungalingan saka katotohanan.

    So, 'yung pinaka-challenge talaga ngayon, papaano mag-reach out sa mga kababayan natin at maipahayag kung ano talaga 'yung totoo. 'Yun 'yung aming pinaka-target, 'yun 'yung aming pinaka-target in the next few months: papaano mapaparating sa ordinaryong mamamayan kung ano 'yung totoo at ano 'yung hindi.

    KATHY SAN GABRIEL: Ito po ba 'yung dahilan kung bakit kayo po 'yung nag-numero uno doon sa pagdating sa Facebook ads sa mga kandidato?

    VP LENI: Ang Facebook ads kasi, ano yan eh, above the table. Ang gusto kong sabihin, hindi mo 'yan puwedeng itapon. Pag nag-Facebook ads ka, madali ‘yang [inaudible 20:07], madali siyang ma-track kasi ito ay lahat above the table. Ang hindi po talaga nata-track, 'yung mga bayad sa trolls. 'Yung mga ginagawa ng mga gumagamit ng mga influencers para magpakalat ng fake news. 'Yun hindi 'yun above the table so hindi 'yung nako-compute.

    Kaya ito talaga, mahirap itong sabayan kasi 'yung infrastructure nandiyan na. Nakikita naman natin. Nakikita natin kung papaano nila ginagawa 'yung pagpakalat ng fake news. In fact, meron itong pag-aaral na ginawa 'yung Vera Files na ang sinasabi na 'yung number one talagang biktima o number one na pinakatinitira ng mga disinformation ng mga tao diyan sa social media, ako. Ako 'yung number one na nasa receiving end ng napakaraming mga trolling. Pag tiningnan mo, sino ba 'yung number one na nakikinabang? Marcos.

    So, para sa akin ito talaga 'yung dapat nating tingnan papaano ba natin ma-aaccount 'yung gastos? Paano natin ma-aaccount 'yung mga means na ginagamit kung hindi ito above the table? Kaya ako 'yung pinakamaraming gastos lumalabas, kasi 'yung mga volunteers natin talagang ang ginagawa kung ano 'yung mas transparent na paraan pag nagbu-boost sila ng mga posts, 'yung talagang nakukuwenta. Madali 'yun ma-track ng tao pero pag may gumamit ng ibang paraan 'yun 'yung mahirap.

    MELO DEL PRADO: Madame Vice President, kayo po ang kulay niyo ngayon kulay pink na po eh. Hindi na po dilaw eh. Bakit hindi na po dilaw ito Madame Vice President?

    VP LENI: Ako actually panibagong panahon na ‘to. Hindi talaga pink 'yung aming plano. Ang plano talaga namin blue. Kung naaalala niyo 'yung October 7 announcement ko naka-blue ako dahil 'yun 'yung gusto kong kulay, 'yun 'yung sinasabi nilang suwerte natin na kulay pero nung mag-aannounce ako ng aking desisyon to run, ang daming mga volunteers na nagpakita sa amin sa OVP na naka-pink sila. Ang daming mga volunteers na naglagay ng mga pink ribbons, 'yung kanilang mga status sa Facebook, 'yung kanilang mga profile picture ay pink na lahat.

    So, kami sumunod, kami 'yung sumunod sa kagustuhan ng tao kasi 'yung nire-represent ng kulay parang pagkakaisa. 'Yung ating volunteers ay hindi ito 'yung mga dati na naming nakasama noong 2016 pero nanggaling ito sa iba't ibang hanay. Hindi lang galing sa isa lang na partido pero nanggaling siya sa iba't ibang mga paniniwala, nanggaling siya sa iba't ibang grupo at marami nga sa kanila first time na na-involve sa kampanya.

    MELO DEL PRADO: Okay. Ano naman ang tugon niyo sa mga kumekwestyon sa inyong kakayahan para maging Pangulo, Madame Vice President? Kasi sabi din ni Presidente, may isa daw Presidential aspirant na walang kakayahan, kulang sa kakayahan, sa tingin niyo ba kayo po 'yung tinutukoy doon?

    VP LENI: Maaari. Maaari na ako 'yung tinutukoy kasi hindi lang hindi 'yun first time na sinabi. Actually may mga sinabi siya na pinangalanan talaga ako na "Okay naman sana siya pero mahina." Pero sa kin kasi, unang-una, ang kakayahan hindi nade-determine ng kasarian. Ang kakayahan ang magpapakita kung kaya natin o hindi 'yung trabahong pinapakita natin. Hindi ito one-time na kung mahusay ka sa debate o mahusay ka magsalita, 'yun 'yung pagpapakita na kaya mo maging Presidente. Hindi ito palakasan ng boses. Hindi ito brashness o aggression pero 'yung kakayahan pinapakita sa gawa.

    Hindi lang 'yung one-time na gawa pero 'yung consistency ng ginagawa. Ako, over the years, naipakita namin ito hindi lang during my time as Vice President pero kahit noong nasa Kongreso ako, kahit 'yung wala pa ko sa Kongreso, ipinakita ko kung asan 'yung puso ko, pinakita ko kung ano 'yung kaya kong gawin.

    MELO DEL PRADO: Madame Vice President, meron ding sinabi si Presidente na meron daw Presidential aspirant na may bisyo. 'Yung isa pag nalalasing, nagwawala. 'Yung isa naman ay gumagamit daw ng cocaine. Ano pong masasabi niyo ba at tingin niyo ba'y kayo'y napatutungkulan tungkol diyan. Meron po ba kayong bisyo, Madame Vice President?

    VP LENI: ‘Yung bisyo ko mag-linis ng bahay [laughs]. Hindi naman yata ako ‘yung pinatutungkulan pero ako kasi ayokong pumatol kasi wala namang akong pruweba. Ayokong nagsa-sabi ng mga bagay na paratang pero wala namang akong pruweba kung ito ay katotohanan o may basehan.

    VP LENI: Kaya mas mabuti ako ‘wag na ko mag-comment ‘dun pero sigurado akong hindi ako ‘yun. Kasi unang-una hindi naman ako nagla-lasing. Pangalawa, hindi naman ako nagbi-bisyo ng droga.

    KATHY SAN GABRIEL: VP Leni ano po ang tugon ninyo sa inyong mga kritiko na sinasabi na kung saka-sakaling kayo po ‘yung magiging susunod na Pangulo ay tiyak daw na maibabalik sa puwesto ‘yung mga tinatawag nilang “dilawan.”

    VP LENI: Ang parati kong tanong kapag tinatanong sa akin niyan, “Sinong mga “dilawan?” Dahil alam natin na after 2016, napakaraming kasama namin 2016 ang lumipat na ng partido. Marami ‘yung mga dating Liberal Party, na wala na sa Liberal Party ngayon. In fact, kakaunti nalang ‘yung mga natirang pulitiko sa Liberal Party, such that nag-desisyon nga ‘yung partido na i-bukas na sa ordinaryong mamamayan, i-bukas na sa society, i-bukas sa mga advocacy groups, i-bukas sa mga interest groups ‘yung membership ng partido. So ‘pag sinasabi na “kasama mo ang mga dilawan,” sino ‘yung tinutukoy ninyo?

    KATHY SAN GABRIEL: Okay. Bago po ‘yung filing ng Certificates of Candidacy ‘yung mga nais kumandidato ay nagkaroon po ng pag-uusap ‘yung ilang personalidad – at kasama na po kayo diyan – sa posibleng pag-iisa ng oposisyon. Sa tingin niyo po madam Vice President sa puntong ito, may pag-asa pa po ba iyang usapin ng pag-iisa ng oposisyon.

    VP LENI: Lagi namang may pag-asa. Pero mas mahirap na ngayon kaysa bago ng filing. At sinabi ko sa kanila ito nung sinusubukan palang namin, kasi mayroong mga panukala na mag-usap usap na lang tayo down the road. Pero para sa akin, mas mahirap ito kapag naka-file na kasi invested na kaming lahat. Meron na kaming mga volunteers, nakaset-up na ng campaign team, marami na ‘yung nagawa. Mas mahihirapan na mag-give way sa ibang mga kandidato dahil dito. So kaya ako before the filing, ito talaga ‘yung pinag-laanan ko ng panahon. ‘Yung possibility sana na magkaisa, magkaroon lang ng isang unity ticket para sa mga hindi kaalyado ng administrasyon. Pero ngayon naka-file na hindi naman tayo nawawalan ng pag-asa, pero admittedly mas mahirap itong gawin.

    KATHY SAN GABRIEL: Ano po ‘yung naging dahilan nung failure ng pagka-kaisa?

    VP LENI: Marami kasing considerations. Kanya-kanyang kandidato mayroong kanya-kanyang considerations. Ako naman bago ko ginawa ‘yun, bukas ‘yung mata ko na mahirap talaga. Mahirap na iba-iba ‘yung pinanggalingan, iba-iba ‘yung mga paniniwala sa iba’t ibang mga bagay. Ako, nung inumpisahan ko ‘yung pagsu-sugo. Ang aking wish ay kahit iba-iba ‘yung aming pinanggalingan ay sana makahanap kami ng points na common sa amin, para maging way ‘yun ng lahat na i-set aside ‘yung mga differences, saka magsama-sama para sa aming mga common influences. Pero, mahirap talaga. Mahirap nga kasi, iba-iba ‘yung konsiderasyon at bawat kandidato iba-iba ‘yung konsiderasyon at ginagalang natin ‘yun.

    KATHY SAN GABRIEL: Isa po kayong biyuda madam Vice President, isang solo parent din sa tatlong anak. At ngayon po ay nagha-handa rin po kayo bilang Pangulo, ano po. Paano niyo po binabalanse ‘yung inyong trabaho, at bukas po ba kayo na magkaroon muli ng isang katuwang sa buhay.

    VP LENI: Unang una, ‘yung magkaroon ulit ng katuwang sa buhay sigurado akong hindi ‘yan mangyayari. Sigurado akong hindi ‘yun mangyayari, sigurado akong hindi ako mag-aasawa, sigurado akong hindi na ako papasok sa isang relationship, romantic relationship. ‘Yung pag-balanse, masuwerte ako na ‘yung mga anak ko malalaki na ngayon. Kung siguro pa sila, magiging mahirap para sa akin kasi nung growing-up palang sila ay tutok na tutok ako sa kanila. So most probably kung maliliit pa sila, hindi talaga ako papasok sa politika.

    Pero ngayon na malalaki na sila, mas madali for me dahil: Una, naiintindihan nila; Pangalawa, yung mga anak ko naman pinanganak sila lahat, Mayor na ‘yung tatay nila. So sanay sila na kabahagi na ‘yung public service sa buhay namin. And tumutulong sila kung ano ‘yung makakagaan sa akin, especially during the campaign, tumutulong sila. ‘Pag walang kampanya, nandoon sila sa kani-kanilang mga inaasikasong mga karera, pag-aaral. Pero during the campaign, lahat, all hands on deck kami.

    KATHY SAN GABRIEL: Tumutulong po sila sa inyo madam Vice President. Kung kasaka-sakali pong may isa sa kanila na mag-nais na pumasok sa politika, payag po ba kayo?

    VP LENI: Pinag-usapan na namin ito. Pinag-usapan na namin, sabi ko sa kanila hindi naman siguro malayo na, again down the road, ang isa sa kanila ay magka-interest dahil all their lives exposed talaga sila sa politika. Pinagdadasal ko na wala. Pero just in case ito lang yung mga kondisyon ko.

    ‘Yung number one, hindi kami puwedeng magsabay-sabay. Meaning to say, habang humahawak pa ako ng posisyon, wala sa kanila ang puwedeng kumandidato; Pangalawa, hindi puwedeng ipapamana ko sa kanila ‘yung puwesto. Sinasabi ko na kung mag-plano kayong kumandidato sa isang posisyon, siguraduhin niyong pagta-trabahuhan niyo ‘yun. Hindi dahil ‘anak ko sila’, hindi dahil ‘anak sila ng tatay nila’, mayroon na silang entitlement sa posisyon. So ‘yun ‘yung mga consideration ko. Number one, na hindi nila mamanahin sa akin, hindi kami magsasabay. Number two, pagtrabahuhan nila.

    MELO DEL PRADO: Ayun, okay. Madam Vice President, ibig sabihin ay patungkol sa Political Dynasty na iyan eh no?

    KATHY SAN GABRIEL: Hindi payag si VP.

    MELO DEL PRADO: Pero mamaya may separate tanong tayo diyan. Okay. Madame Vice President mayroon ba kayong sama ng loob kay Presidente? Magka-iba po kayo ng pinanggalingang partido po eh, pagkatapos naluklok kayo, in-appoint kayo bilang miyembro ng gabinete, tapos nawala kayo, at talagang pinanindigan niyo na na kayo’y nasa oposisyon. Mayroon po ba kayong sama ng loob kay Pangulong Rodrigo Duterte Madame Vice President?

    VP LENI: Wala wala ako. Siguro kung may nararamdaman man ako ngayon, mas sayang. Mas sayang na kahit sana iba ‘yung pinanggalingan namin, kahit sana iba ‘yung mga paniniwala namin sa napakaraming bagay, from the very start ‘yung paniniwala ko talaga, meron naman kaming puwedeng pagka-sunduan.

    And ako admittedly noong member ako ng cabinet, ‘yun ‘yung aking hope, na ‘yung naging HUDC chair ako, napakarami kong plano para sa housing sector and sinabi ko ito sa kanya na happy naman ako na hindi nagiging sagabal ‘yung aming pagkakaiba ng aming paniniwala sa maraming bagay, na nabibigyan kami ng pagkakataon together, so sa akin mas sayang.

    KATHY SAN GABRIEL: Marami pa tayong mga tatanungin sa ating panauhin ngayon na si Vice President Leni Robredo sa ating pagbabalik. Ang paninindigan ni VP Leni sa maiinit na issue sa bansa at kanyang mga plano sakaling maging Pangulo. ‘Wag po kayong bibitiw mga kapuso, sama-sama tayo dito lamang sa, “Ikaw na Ba? The Presidentiable Interview Live.”

    [COMMERCIAL 33:34 – 38:40]

    MELO DEL PRADO: Tayo po ay sabayang napa-pakinggan sa DYSS Super Radyo Cebu, DXGM Super Radyo Davao, DYSI Super Radyo Iloilo, DYSP Super Radyo Palawan, Barangay FM Super Radyo General Santos, at Brgy. RU Super Radyo, Kalibo at ganun din sa DZBB relay station sa Bacolod, Dagupan, Zamboanga at saka sa Illigan.

    KATHY SAN GABRIEL: Naka-live rin po tayo sa Youtube at Facebook ng GMA News. Gayun din sa Facebook page ng GMA Public Affairs at Super Radyo DZWB at sa mga kapuso po natin sa ibang bansa, ay mapapanood niyo po kami sa pamamagitan ng GMA News TV International.

    MELO DEL PRADO: Ang oras po natin, ay alas otso i-treinta’s dos na po ng umaga. Balikan natin, dito na tayo sa mga isyung pambansa. Kathy ano ‘a.

    KATHY SAN GABRIEL: Iisa-isahin natin ‘yan.

    MELO DEL PRADO: Isa-isahin na natin at maraming problema ang ating bansa. Madam Vice President, nandyan pa ho ba kayo? Hello? Madam Vice President? Hello?

    VP LENI: Yes, nandito ako.

    MELO DEL PRADO: Opo, opo, ito po tanong natin–

    VP LENI: Andito ako, nandito ako.

    MELO DEL PRADO: Opo. Kung kayo po ang pangulo ngayong tayo’y nasa gitna po ng pandemya, ano po ang inyong gagawin? Marami po tayong problema, marami pong trabaho nawala, maraming mga kababayan natin ang huminto sa pagtatrabaho, bumagal ang ekonomiya. Madam Vice President, ano pong plano niyo tungkol dito sa mga problemang ito?

    VP LENI: Noong November, nilabas namin ‘yung Kalayaan sa COVID plan, actually nandoon siya sa website namin pero siguro isa-summarize ko lang. Hinati namin sa tatlo ‘yung plano para sa COVID, ‘yung Kalayaan sa COVID. ‘Yung number one, ‘yung Kalayaan mula sa Pangambang Magkasakit, so mas healthy to. Mahusay at matinong pinuno na nakatutok sa COVID response. ‘Yung pangalawa ‘yung pag-aalaga natin sa ating mga frontliners. Alaga para sa mga nag-aalaga, sapat na sahod, serbisyo, sapat na suporta sa mga ospital. ‘Yung pangatlo, ‘yung libre at accessible na healthcare. Malawakang e-konsulta system. Ginagawa namin iyan ngayon sa OVP pero–

    [call gets cut 0:40:46]

    MELO DEL PRADO: Hello? Naputol nanaman. Sinasagot niya ‘yung tungkol doon sa mga ginagawa na nila.

    KATHY SAN GABRIEL: Kung ano ‘yung plano niya kung siya na nga ba ang magiging pangulo natin, dahil hindi pa rin naman tapos ‘yung pandemya sa panahong iyon.

    MELO DEL PRADO: Hindi pa natin alam kung hanggang kailan ito. Pabago-bago, merong mga bagong variant na sumusulpot.

    KATHY SAN GABRIEL: Habang may variant na bago ay talagang hindi pa matatapos pap ‘yung pandemya. At alam natin na lubog po ang ating ekonomiya sa ngayon, so mahalaga na marinig po natin mga kapuso kung ano ‘yung dapat gawin ng susunod na pangulo, kung anong plano niya para sa atin.

    MELO DEL PRADO: Kasi hindi madali ‘yan eh. Marami tayong problema, at saka ‘yung ano, Kathy, saan tayo kukuha ng pantustos pa? Ang laki na ng utang natin no?

    KATHY SAN GABRIEL: Eh, anlaki na ng utang natin na halos labindalawang trilyong piso. Oh diba?

    MELO DEL PRADO: Oo. So ekonomiya pa lang ‘yan. Eh ‘yung healthcare pa? Bakuna, baka hindi lang tatlong beses kang babakunahan, di natin alam ‘yan.

    KATHY SAN GABRIEL: ‘Yung healthcare pa. Saka tatlo, eh ewan natin kung magkaka-apat pa, diba?

    MELO DEL PRADO: ‘Yung trabaho pa, di ba? Ang dami ‘yung mga nagsipagsara, lalo na ‘yung mga maliliit na mga kumpanya.

    KATHY SAN GABRIEL: Oo, yung mga MSMEs. Sila po ang mahigit 90% na bumubuo sa ating mga negosyante dito sa ating bansa.

    MELO DEL PRADO: Marami pa bang mga work from home ngayon?

    KATHY SAN GABRIEL: Marami pa rin, marami pa rin. ‘Yung mga pwedeng mag work from home nagwo-work from home. Pero katulad natin, eh dito na lang tayo muna.

    MELO DEL PRADO: Ngayon nga pinagbibigyan nga ‘yung mga hindi bakunado dahil alert level 2 na tayo simula bukas, diba? Para lang makatrabaho tayo ‘noh? Pero maganda raw ang nakikita ng NEDA ah, at kahit paano eh baka raw bumalik tayo sa kalagitnaan ng taon na ito doon sa pre-pandemic level ng ating ekonomiya.

    KATHY SAN GABRIEL: Kaya babalikan po natin ‘yung sagot ni Vice President Leni Robredo tungkol diyan sa magiging tugon niya kung siya ang magiging sunod na Pangulo ng ating bansa.

    MELO DEL PRADO: Madam Vice President, hello? Hello? Madame Vice President. Opo, naputol po kayo. Madame Vice President, naputol po kayo. Ano po ‘yung sinasabi niyo tunkgol sa plano?

    VP LENI: Oo pasensya na.

    MELO DEL PRADO: Opo, sige po, go ahead po.

    VP LENI: ‘Yung sinasabi ko kanina mayroon kaming Kalayaan sa COVID plan na pinalabas noong November. Bale tatlong bahagi ito, ‘yung pinakauna, Kalayaan sa Pangambang Magkasakit. Essentially, aasikasuhin ‘yung buong healthcare system. ‘Yung leadership, leadership sa COVID response kailangan matino at mahusay na pinuno. ‘Yung mga frontliners, sapat na sahod, benepisyo, sapat na suporta sa mga ospital, tapos libre at accessible na healthcare. Ngayon meron na kami maraming na kaming ginagawa sa E-Konsulta system, gusto natin i-expand ito, gusto natin maging community-based ‘yung health support services. Yung mga barangay health centers, dapat kumpleto ng gamit, dapat may nurse bawat barangay, dapat may sapat na kagamitan. ‘Yung capacity building para sa PHW, sisiguraduhin natin na matigil ‘yung korapsyon sa PhilHealth, bakuna para sa lahat.

    ‘Yung pangalawa dito ‘yung Kalayaan sa Gutom. ‘Yung Kalayaan sa Gutom essentially para doon sa mga nawalan ng trabaho, para doon sa mga nalockdown na kailangan ng ayuda. Ito ‘yung protektado na trabaho, ilang beses ko na ito sinabi. Financial aid para sa mga maliliit na negosyo kasi ito ‘yung karamihan na nagsara. ‘Yung unemployment insurance [inaudible 44:04 - 44:06] ng panibagong trabaho.

    Tapos ‘yung pinaigting na cash for work program para ‘yung mga nawalan ng trabaho ay meron pa rin silang kita sa pang araw-araw patungo sa mga essential services. ’Yung pagpapalalakas ng agrikultura na nakita natin na during pandemic, na isa siya sa mga sektor na kahit bagsak ‘yung ibang sektor, ito ‘yung may growth.

    So sisiguraduhin natin na [inaudible 00:44:30] na ‘yung mga bata wala sa eskwelahan, kaya ‘yung ating pinaka– eto mas urgent ito– ang ating pinaka tinutulak ngayon na ‘yung mga low risk areas, dapat balik eskwela na. Siguraduhin lang na nabakunahan na ‘yung mga teachers ‘saka ‘yung mga estudyanteng pwede nang bakunahan. Siguraduhin na ‘yung sapat na access sa testing, ‘yung sapat na protocols ay inaasikaso. Sa high-risk areas naman, siguraduhin na bawat estudyante ay may gadget, bawat lugar may internet services. Ise-scale up ‘yung community learning hubs gaya ng ginawa namin ngayon. Ngayon we have about 130 already. Sobrang useful siya ngayong walang school na bukas kasi may mga tutors, may mga pwedeng pumunta ‘yung mga bata sa community. ‘Yan ‘yung tatlong areas na gusto nating tutukan.

    MELO DEL PRADO: Okay, Madame Vice President, ano po ah, kanina pa tayo nahihirapan sa signal eh. Nabanggit niyo ‘yung tungkol dito sa internet. Ano pong gagawin ninyo tungkol dito sa paputol putol at palya-palya na internet connection Madam Vice President?

    VP LENI: Kailangan kasi mag-incentivize ang pamahalaan na ‘yung mga telcos natin talagang mas aggressive na ‘yung pagpasok sa mga communities. Pero ngayon hindi sila nagiging aggressive kasi maraming mga hindrances. Halimbawa ‘yung number one na hindrance, considered kasi siya na public utility na kailangan siyang humingi ng Congressional franchise. Para sa akin, kailangan nating i-amend na ‘yung public service para siguraduhin natin na hindi na kailangan ng Congressional franchise ‘yung mga telcos para tuloy tuloy na, wala nang balakid sa kanilang pagpasok.

    Asikasuhin lang, asikasuhin lang na sisiguraduhin ‘yung accountability nila ay nandiyan pa rin, ‘yung transparency sa pagproseso ay nandiyan pa din. Pag nakita natin ngayon, bawat telco may kanya-kanyang tower na sini-set up. Dapat sana hindi na ganito, dapat sana mayroon nang common tower para sa kanila. At kailangan nito ng government intervention. Kailangan ng government intervention nito kasi gobyerno ‘yung makakaareglo na isa na lang, parang lahat ng telcos working together.

    Ito male-level natin ‘yung investments na binubuhos hindi lang siya nag-iinvest doon sa mga areas na meron siyang returns sa tinatarget niya. Pero pag tumulong na kasi ang gobyerno, mai-incentivize siya pumasok kahit doon sa mga areas na tinatawag natin na mga hardship areas. ‘Yun ‘yung mga areas na malalayo, ito ‘yung mga areas na kaunti lang ‘yung mga subscribers.

    So napakahalaga talaga ng government intervention dito kasi kung hanggang ‘yung mga pinakasulok-sulukan hirap na hirap pa din ‘yung signal. Ito nga, nasa Metro Manila lang tayo pero hirap ‘yung signal. So kailangan talaga na mas maayos na government intervention para mas maraming investments, mas maraming incentives na binibigay para mas maraming telcos ang mag-interest na mag-invest dito.

    KATHY SAN GABRIEL: Mula sa isyu ng telekomunikasyon magtungo naman tayo sa isyu ng korapsyon. VP Leni, kung kayo na ba ang maging susunod na pangulo, ano ang solusyon niyong nakikita para sa korapsyon sa gobyerno?

    VP LENI: Maraming nagsasabi na ang korapsyon daw isantabi kasi mas mahalaga ‘yung trabaho, kabuhayan, presyo ng mga bilihin, sweldo, kalusugan o edukasyon. Pero ang solusyon sa lahat ng hirap natin, magsisimula ‘yan sa gobyernong matapat. Sa gobyernong mapagkakatiwalaan, na alam mong hindi ka nanakawan. Kapag nakita kasi ng tao na maayos ang pamahalaan, mas inspired sila makibahagi sa pagpapabuti ng lipunan. Hanggat hindi tayo kumikilos para pigilan ang korapsyon, mag-iiba iba lang ito ng pangalan. Meron tayong Pharmally, meron tayong kung anu-ano pa.

    So number one talaga, pinakamahalaga, maglagay tayo ng matino at mahusay na mga opisyal sa pamahalaan, at itong eleksyon, opportunity para ‘yung mga matitino at mahuhusay, ‘yun ‘yung ilagay natin sa pamahalaan.

    Number two, parati ko itong inuulit na hindi sapat na ‘yung mga public officials, matino. Kailangan ang sistema, pinipilit sila na maging matino. Noong nasa congress ako, nagfile ako ng mga anti-corruption bills. Ang number one dito ay ‘yung full disclosure bill na naglalayon na ‘yung lahat ng transaksyon, lahat ng binibili at lahat ng procurement ng pamahalaan ay dapat publicly available even without need of requests. ‘Yung number two dito ay yung FOI, Freedom of Information na kung meron kang mga pangangailangan na information sa public, obligasyon ng pamahalaan na i-release ito sa iyo.

    Pangatlo, ‘yung SALN. Napaka-kontrobersyal ng SALN ngayon. Merong debate kung ipapakita ba o hindi, o ipa-publicly available ba ito o hindi. Pero nasa batas natin na dapat ‘yung public access sa SALN nandiyan. ‘Yung people empowerment dapat i-institutionalize. Very big ako on this. In fact, noong nasa congress ako nagfile ako ng people empowerment bill na ang sinasabi dito dapat lahat ng mga local government units, lahat ng government instrumentalities may mekanismo para ‘yung stakeholders directly nakikipag-participate in governance. Para sa akin, ‘yung people empowerment napakahalaga, kasi pag ‘yung tao, ‘yung stakeholders, kabahagi sa governance, ito ‘yung isang sistema na nagpipilit na ‘yung mga government officials natin ‘saka opisina, napipilitan silang maging malinis.

    ‘Yung term ko as VP, nag-exert tayo talaga ng maraming effort para ipakita ‘yung transparency, ‘yung accountability ‘saka ‘yung partnerships natin with the private sector. Nag-ISO certification tayo in my first year of office. ‘Yung paglabas ng SALN, nilalabas natin ito. For three consecutive years, ‘yung highest audit rating mula sa COA. Pinofressionalize natin ‘yung hiring process sa opisina. Ito, recently, nabibigyan pa lang kami ng award na Excellence in Human Resources na pinapakita na pati sa hiring process pati sa promotion [inaudible 51:11]. Ito ay mga indikasyon na talagang ‘yung laban sa korapsyon hindi lang siya lip service, pero yung laban sa [inaudible 51:22 to 51:24] pinapakita kung papano gagawin.

    KATHY SAN GABRIEL: VP Leni, kayo po iyon, ano. Gusto niyo pong i-disclose ‘yung inyong SALN, bukas po kayo diyan. Ire-required ninyo rin po ba ang ibang public servants na idisclose din ang kanilang SALN?

    VP LENI: Oo naman. Unang una, may batas tayo dito. Pangalawa, balikan natin. Bakit ba my batas tayo tungkol sa disclosure ng SALN? Kasi as public officials, obligasyon namin na maging transparent hindi lang sa trabaho namin pati rin sa aming public life. Pag dinisclose ang SALN, magkakaroon ang tao ng idea kung tumataas ba ‘yung aming asstes o hindi. Kung tumaas man, meron bang valid justification kung bakit tumaas.

    At isa pa, ‘yung mga lifestyle check, kailangan din gawin kasabay ng SALN, kasi ‘yung SALN baka hindi niya din na-rereflect ‘yung kalagayan ng kayamanan ng isang public official, pero ‘yung SALN ang pagpa-publish nito is an important first step.

    MELO DEL PRADO: Madam Vice President, nabanggit niyo iyan tungkol sa katiwalian, Punta tayo doon sa kriminalidad. Anong posisyon niyo sa death penalty, Madame Vice President?

    VP LENI: Ako ever since tutol ako. Tutol ako sa reimposition ng death penalty dahil malinaw ang datos. Malinaw ang datos at marami nang pag-aaral dito hindi lang sa bansa natin pero pati rin sa iba pang bansa, na na ‘yung imposition ng death penalty hindi talaga siya [inaudible 53:11] dito sa ating bansa, Nakita natin iyan. Kahit noong panahon na naka-impose ‘yung death penalty, hindi naman siya naging deterrent.

    Ang nagiging deterrent talaga– and hindi lang ito lip service again, pero maraming pag-aaral tungkol dito– ‘yung mabilisan at sigurado na pagpataw ng parusa sa lahat ng lumalabag sa batas. So ang paniniwala ko, kailangan ‘yung law reinforcement palakasin natin para ‘yung pag-crack down natin sa criminality [inaudible 53:43] para maging successful.

    Ano ang kailangan nating gawin? Una, palakasin natin. Palakasin natin ‘yung capacity ng PNP to investigate. ‘Yung PNP ngayon meron silang Patrol Plan, susuportahan natin ‘yan 100% kasi kabahagi nito ‘yung professionalization ng ranks, pagsusulong ng maraming reforms sa loob ng PNP.

    ‘Yung pangalawa, gawing mas mabilis and corruption-free ang ating justice system. Ang pangatlo ‘yung enforcement. Papaano natin ipapakita na seryoso tayo? Siguraduhin natin na lahat ng lumalabag ng batas ay mahuhuli, marami tayong mga hindi magagandang examples kung mahirap, iba ‘yung treatment sa kanya kung mayaman, iba ‘yung treatment sa kanya.

    VP LENI: Kailangan na ipakita natin na mayaman ka o mahirap, may katungkulan ka man o wala, pare-pareho ‘yung treatment sayo ng batas.

    MELO DEL PRADO: Madam Vice President kanina may binanggit kayo- sistema, o para maging maganda at mawala ‘yung corruption, mauna tayo sa sistema ng pamamahala o gobyerno. Para ‘yung mga tiwali, eh hindi na magtangka na magsamantala sa kaban ng bayan ng ating bansa, ano po? Bukas ba kayo na galawin natin o amyendahan ang Saligang Batas, Madame Vice President, palitan po sistema ng gobyerno? Kung oo, ano pong uri po o porma ng gobyerno ang ipapanukala niyo, Madame Vice President?

    VP LENI: Kapag tinignan kasi natin ngayon, ano ba ‘yung klase ng gobyerno na meron tayo? Presidential pero multi-party system tayo. Eto medyo may disconnectito ng konti kasi bihira ‘yung presidential na multi-party system. Kung meron man, mas exception to the rule siya, so tayo mas exception to the rule. So kung titignan natin ‘yung any changes or amendment sa constitution on the form of government, para sa akin ito ‘yung tignan natin: talaga bang nararapat para sa atin ‘yung multi-party system considering na presidential tayo? Maraming mga diskusyon, merong mga advocates ng federal federal form of government.

    Ang mga advocate ng federal form of government para sa akin pwede itong pag-usapan ng masinsinan. Pero kung ako ‘yung tatanungin niyo, hindi pa tayo handa. Hindi pa tayo handa kasi kapag tinignan natin ‘yung lahat ng regions all over the Philippines, grabe ‘yung imbalance sa kakayahan ng mga regions. Sa income na lang, kapag tinignan natin ‘yung NCR, ano pa ba, Region 4A, saka Region 3, ito ‘yung mga napakalalaking mga income.

    Pero ‘yung ibang mga regions ay malayo na. Halimbawa sa Visayas, ‘yung pinakamaatas ‘yung income ay Region 7. ‘Yung Region 7 hindi ito kasing taas noon, o malapit sa Metro Manila. Kapag tinignan natin ‘yung Mindanao, ganoon din. Merong mga regions na sobrang layo ng income. So, kung papunta tayo doon sa federal form of government, a—ang important first step muna ‘yung kakayahan ng mga regions, ‘yung capacity nila para sa isang sistemang ganito. Kapag pinag-usapan naman ‘yung Parliamentary, kapag [inaudible 0:57:28 - 0:57:30] natin, marami na ding pag-aaral na ginawa tungkol dito. At ang isa sa mga findings, ang Pilipino talaga gusto niya, siya ‘yung directly bumoboto sa pagkapangulo. Marami nang pag-aaral na mga napagdaanan natin, medyo hindi ko alam kung magiging— magwowork sa atin ‘yung parliamentary form of government. Kasi sa parliamentary di ba ‘yung— ‘yung pinaka pinuno ay pinagbobotohan ng parliament. Sa akin, puwedeng pag-aralan pero kapag pinag-aralan mo, kailangan talaga ‘yung mga debate ay masusi, pag-aralan ‘yung lahat ng mga anggulo.

    KATHY SAN GABRIEL: Okay, VP Leni, kunin naman natin ang mga katanungan mula sa ating mga Super Radyo stations nationwide at sa Regional TV. Unahin po natin ang katanungan mula sa Super Radyo Palawan. Naroon ang ating kapusong si Lily Mae Uy, Lily Mae.

    LILY MAE UY: Magandang umaga po, Madam Vice President. Maaari bang malaman kung papaano niyo matugunan ang mga reklamo ng mga magbababoy, magsasaka, at mangingisda na puro importasyon umano ang ginagawa ng Department of Agriculture sa halip na tulungan sila para sa mas matatag na food security sa bansa? Tulad ng planong pag-aangkat ng galunggong na dito lang din naman sa amin sa Palawan nahuhuli ng mangingisda.

    MELO DEL PRADO: Nakuha niyo po, VP Leni, ‘yung anong niya?

    VP LENI: Kapag pinakinggan natin ‘yung mga sinasabi ng mama—ano ‘yun?

    MELO DEL PRADO: Go ahead. Go ahead po. Pakisagot na po.

    VP LENI: Kapag pinakinggan natin ‘yung reklamo ng mga mangingisda—ano ‘yun?

    MELO DEL PRADO: Go ahead po, Madam Vice President.

    VP LENI: Okay, naririnig ako?

    MELO DEL PRADO: Opo, opo.

    VP LENI: Ito pag pakinggan natin ‘yung mga reklamo ng mga mangingisda–meron yatang statement ‘yung Alliance of Philippine Fishing Federations tungkol dito–sinasabi nila wala namang shortage ng galunggong. Bakit pa tayo mag-aangkat, cinertify ng DA, bakit tayo mag-aangkat considering na wala namang shortage? I think ‘yung sinabi nila tungkol dito meron pang mga impotation na padating. Meron ding, marami pa, parang more than 20,000 na metric tons ang nasa cold storage. So, sinasabi na bakit mag-iimport na ang dami-dami na ‘yung importation, kung gagawin ito ang maaapektuhan more than 370,000 people na mga mangingisda, ‘yung mga involve sa canning, ‘yung mga involve sa processing, saka ‘yung mga iba-iba pang related na livelihood industries na konektado sa fishing industry.

    So ang ating proposal ganito: number one, kailangan pabilisin na. Pabilisin ‘yung rehabilitation, kasi maraming question dito doon sa mga areas na affected by Typhoon Odette. Pabilisin ‘yung rehabilitation, merong nang naka in-mark for rehabilitation ng agriculture, at isama na ito para makasama na ‘yung kailangan mai-rehabilitate, i-rehabilitate na at the soonest possible time.

    Number two, at parati na natin itong inuulit-ulit, kailangan talaga nating i-strengthen ‘yung domestic production. Kasi, dapat nag-iimport lang tayo kung merong shortage, pero kung wala namang shortage, dapat hindi natin mindset ‘yung importation. Pero papaano ba natin matutulungan na ma-strengthen ‘yung domestic production? Ano ba ‘yung mga reklamo ngayon ng mga mangingisda? Ang unang-unang reklamo, galing pa lang ako sa Basilan noong Wednesday, ang unang-una nilang reklamo parang 80% yata ng ginagastos nila sa pangingisda ay nasa crude oil. 80% ng kanilang gastos ay nasa crude oil. So para sa akin, kailangan na nating mag-create ng program na meron tayong fuel subsidies para sa kanila.

    KATHY SAN GABRIEL: Okay.

    VP LENI: Pangalawa, ‘yung— ‘yung [technical? 1:01:59] smart interventions kailangan gawin natin. ‘Yung dapat ‘yung sturdier ‘yung kanilang fishing boats. Tapos ‘yung pag-improve ng access sa kapital.

    KATHY SAN GABRIEL: Okay, VP, ito naman po tanong naman mula sa RGMA Calibo mula sa ating Kapusong si Butz Maquinto, Butz?

    BUTZ MAQUINTO: Okay, Madam Vice President, meron pong kontrobersyal na usapin dito sa amin sa lalawigan ng Aklan. ‘Yung tungkol po dito sa Boracay Island Development Authority or BIDA for short, na pumasa na sa third reading ng House of Representatives na gagawing mistulang parang SBMA. Pero sakop nito ang tatlong barangay ng Boracay, ang Brgy. Caticlan sa Balay, saka Brgy. Union sa Nabas. Madami po kasing tutol dito sa aming lalawigan ng Aklan, ang dalawang congressman, ang aming governor, mga mayors, at saka ‘yung mga barangay officials dahil this will cause daw ng dismemberment ng aming lalawigan. Ano pong palagay niyo dito sa sinasabing creation ng Boracay Island Development Authority?

    VP LENI: Okay, naririnig ako?

    MELO DEL PRADO: Opo, naririnig ka po namin. Pakisagot niyo po, Madam Vice President.

    VP LENI: Okay. ‘Yung BIDA kapag tinignan natin ‘yung Boracay Island Development Act, parang sinasabi niya na magiging directly under the Office of the President lang, di ba ‘yung mga areas na sinabi mo. Ang tanong ko doon bakit? Naniniwala kasi ako na mas makakabuti sana na ‘yung LGUs tutok pa rin sila sa pagregulate saka sa development dahil sila ‘yung andon. At sila ‘yung pwedeng puntahan ng mga mamamayan kung merong problema.

    Kapag ito ay directly under the Office of the President na, dapat ito mismo ay such that meron pa ding boses not just the LGUs pero ‘yung mga stakeholders. Gaya ngayon, ‘yung question talaga halimbawa, ‘yung pagtatayo ng casinos. Hindi pwedeng iilan lang ‘yung magdedesisyon nito, dapat pinakamahalagang magdedesisyon nito ‘yung mga taong pinaka-apektado. At sino ‘yung mga pinaka-apektado? ‘Yung mga nandoon. Kaya ako ang paniniwala ko, kailangan talagang bahagi ng kahit anong batas ‘yung mekanismo para siguruhin na ‘yung mga stakeholders na directly ma-aaffect, meron silang boses. Na kung hindi nila ito— kung palagay nila hindi ito makakabuti para sa kanila, kailangan pakinggan sila.

    MELO DEL PRADO: Salamat po, Madam Vice President sa sagot niyo. Ito si Sara naman meron—wala na okay, okay. Itong tanong namin sa inyo, Madam Vice President, tungkol po dito sa West Philippine Sea. Ano po ba ang isip niyong hakbang o paraan para protektahan po ang ating teritoryo, Madam Vice President?

    VP LENI: Ito lagi na rin nating inuulit na number one, kailangan maleverage natin ‘yung ating Arbitral Ruling. Dapat maleverage nating ‘yung Arbitral Ruling para makakuha tayo ng mga alyansa sa ibang mga bansa para tulungan tayo sa pag-protect ng West Philippine Sea dahil kabuhayan ito para sa ating mga mangingisda, pamuhatan ito ng ating mga likas na yaman para sa ating pag-unlad, at ito ay seguridad para sa bansa natin. Seguridad laban sa panghihimasok, pang-aangkin ng ibang bansa na hindi dapat pinapalampas o pinapayagan.

    Pero having said that, dahil sinasabi natin na kabuhayan ito para sa ating mangingisda, siguraduhin natin, siguraduhin natin na malayang nakakapangisda ang ating mangingisda doon. Papaano ‘yun mangyayari? ‘Yung number one bigyan, tulungan natin sila ng mga kagamitan: maayos na mga fishing boats para makapaglayag sila sa malayo.

    Pangalawa siguraduhin natin na naka-capacitate natin ‘yung Coast Guard natin: tamang gamit, tamang training, ‘yung lahat ng pangangailangan nila para ‘yung mga mangingisda natin ay hindi sila natatakot. Hindi sila natatakot na kapag sila ay binully doon sa gitna ng dagat ay wala silang kalaban-laban. Pag ang Coast Guard ay nandoon para protektahan sila ay mas kampante sila.

    Pangatlo, ‘yung pagsiguro din, ‘yung pagmodernize natin saka pagkumpleto gamit ng ating Philippine Navy para kapag kinakailangan ng Coast Guard ng saklolo, ay matutulungan ng Philippine Navy.

    KATHY SAN GABRIEL: Okay, VP, huling tanong na po.

    MELO DEL PRADO: Ito na, dito na tayo sa huling yugto ng ating programa. Ito na po ang tanong namin, ikaw na ba ang nararapat na sumunod na Presidente ng Pilipinas, Madam Vice President?

    VP LENI: Ano ‘yon? Ano ‘yon, sorry? Parang humihinto-hinto.

    MELO DEL PRADO: Ito po ‘yung huling tanong namin, Madam Vice President. Ikaw na ba ang nararapat na sumunod na Pangulo ng Pilipinas?

    VP LENI: Ako na. Ako na ‘yung dapat maging sunod na Pangulo ng Pilipinas. Ito sa panahon ng eleksyon, lahat kami na mga kandidato maghahain ng mga pangako, maghahain ng pinakamagagandang plataporma. Pero ang tunay na sukatan hindi sa pangako, hindi sa pagandahan ng plataporma pero sa paggawa. Paggawa ng tama, mabuti, mahusay, may eleksyon man o wala. Ang leader naman parati siyang sinusukat hindi sa salita, hindi lang sa husay ng pananalita kundi sa consistency ng ginagawa, may eleksyon o wala ganito ‘yung kanyang ginagawa. Na kahit [inaudible 1:08:03], may presence all the time, ‘yung track record mahalaga ito. Hindi sapat na pag-usapan lang kung sino sa mga kandidato ‘yung mahusay sa entablado. Mas mahalagang pagtuunan ng pansin ano ba ‘yung aming nire-represent? Gaya ng sinabi ko kanina sa umpisa ng programa: anong klaseng pamamahala ‘yung aming nire-represent? Anong klaseng politika ‘yung aming nire-represent? Anong klaseng gobyerno ‘yung aasahan ng tao sa atin? So ano din ‘yung patunay natin na tutuparin natin ‘yung ating mga pinapangako? Para sa akin ‘yung tunay na leadership talagang nag-step up pag kinakailangan, sa mga mahihirap na sitwasyon nandyan para ma-assure ‘yung tao na nandyan siya, maasahan siya ng kanyang mga constituents.

    MELO DEL PRADO: Salamat po [overlapping]

    KATHY SAN GABRIEL: Maraming salamat po

    MELO DEL PRADO: Vice President, opo at nasa inyo po ang huling pagkakataon, medyo maikli na po ang ating oras. Pasalamatan niyo po ‘yung kung gusto—kung sino po ang gusto niyo pasalamatan pero kami po ay nagbibigay po ng aming pasasalamat sa inyo

    KATHY SAN GABRIEL: Opo, at sumainyo na po ang Ikaw na ba: The Presidential Interview bukas po, araw ng Martes ay makakasama po natin si House Deputy Speaker Lito Atienza para sa ating Ikaw Na Ba: The Vice-Presidential Interview, live pa rin po ‘yan, mga Kapuso. At tandaan po ninyo–

    MELO DE PRADO: Tandaan po ninyo, mga Kapuso, dapat–

    BOTH HOSTS: Totoo.

    [END 1:09:45]

    Posted in Transcripts on Jan 31, 2022