This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at the DZRV 846 Catholic E-Forum

    Vice President Leni Robredo at the DZRV 846 Catholic E-Forum

    ANGELIQUE LAZO: Alright at nagbabalik po tayo mga ka-panalig sa ating Catholic E-Forum at ang atin pong Obispo ay ipakilala muna natin. Siya po ay mula po sa Diocese ng San Carlos sa Negros Occidental. Si Bishop Gerardo Alminaza, Magandang umaga po sa inyo Bishop.

    BISHOP GERARDO ALMINAZA: Magandang umaga po sa inyong lahat. VP Leni, Angelique and Father Jonathan– Jerome.

    ANGELIQUE LAZO: Yes po. Okay, ito na po ang atin pong panauhin ngayon. Tayo po ay mapalad na nabigyan niya tayo ng kanyang oras sa umagang ito. Siya nga po ay ang ika-labing apat na Vice President po ng Pilipinas. Naglingkod bilang isang human rights lawyer, at kanya pong inalay ang kanya pong buhay sa public service o serbisyo publiko para mabigyan po ng boses at mabigyan ng katawan ang mga wala pong pagkakataon na madipensahan ang kanilang sarili.

    Makalipas po ang biglaang pagpanaw ng kanya pong asawa na dating Secretary Jesse Robredo noong 2012, hinikayat po siya ng kanyang mga kababayan sa Third District of Camarines Sur na tumakbo bilang representante sa House of Representatives, at siya po ay nanalo ng Congressional seat noong 2013 via landslide at naglingkod sa loob ng isang termino.

    Noong 2016 tumakbo naman po bilang bise presidente at nanalo nga po. At pagdating po sa educational background, Father Jerome, siya po ay merong Bachelor of Arts in Economics sa University of the Philippines sa Diliman. Sa graduate school naman po, Bachelor of Laws, University of Nueva Caceres. May Masters Degree sa Business Administration sa San Beda College, at may mga honorary degrees din po. Doctor of Public Administration, Polytechnic University of the Philippines; Doctor of Law, University of the Cordilleras; and Doctor of Humanities, University of St. Anthony.

    At sa kanya pong government experience and political experience ay mahaba-haba din po. So, para ho maipagpatuloy na natin ito dahil marami nga po siyang credentials and work experience, mga kapanalig let us all welcome, presidential candidate, our Vice President, Leni Gerona Robredo. Good morning and welcome po VP Leni.

    VP LENI: Good morning. Good morning Angelique, good morning Bishop Jerry, Good morning po Father Jerome. It is nice to be with all of you this morning. Thank you po for giving me this opportunity.

    ANGELIQUE LAZO: Okay. So, Father Jerome, as in our past days dito sa Catholic E-Forum. Tayo po ngayon ay magbibigay ng walong minuto para ilahad ni VP Leni ang kanya pong plataporma de gobyerno. Bakit nga ba siya– bakit po ba kayo tumatakbo bilang pangulo ng Pilipinas? Your timer starts now.

    VP LENI: Sa paglilingkod, malinaw ang vision natin: Kapag ang gobyerno ay tapat, aangat ang buhay ng lahat. At dito nakaangkla 'yung mga kongkretong plano natin at plataporma para sa ating bansa. 'Yung number one, Angat Buhay sa Hanapbuhay. Para magawa natin ito, ibabalik natin ang tiwala sa gobyerno. Kapag may kumpiyansa sa sistema ang tao, papasok ang puhunan, lalago ang negosyo, at dadami ‘yung trabaho.

    Sa administrasyon natin, aangat ang industriyang Pilipino. Nag-identify tayo ng ilang mga industries na merong opportunity 'yung Pilipinas mula maritime at shipbuilding, modernong agrikultura at pangingisda, manufacturing at climate industries, at higher value tech industries.

    Poprotektahan din natin ang maliliit na negosyo at bibigyan sila ng access sa kapital. Tatanggalin natin 'yung diskriminasyon: Na kahit may edad ka na, anuman ang natapos mo, basta handa kang magbanat ng buto, karapatan mong magtrabaho. 'Yung pagtulong sa maliliit na negosyo, kailangan na kailangan urgent ito kasi more than 70,000 ng mga maliliit na negosyo ay nag-sara dahil sa pandemya. Meron na din tayo nakahiwalay na plano for them

    Pang-apat, magtatatag tayo ng isang Public Employment Program at Unemployment Insurance Program kung saan gobyerno mismo ang magbibigay ng trabaho sa ‘yo at sasaluhin ka sa oras na kailangan mo. 'Yung Unemployment Insurance Program, tatlong buwan na 80 percent ng basic salary mo 'yung ibibigay sa'yo to give you time to look for another job. Pero ayun nga, kung hindi ka nakahanap after three months ay 'yung gobyerno na 'yung mag-proprovide sa iyo ng trabaho.

    'Yung pangalawa, 'yung Angat Buhay sa Pagkain. Pagtutuunan natin ng pansin ang first 1000 days ng bawat bata para pigilan ang stunting. Ang goal natin: Abot-kaya ang masustansyang pagkain para matugunan ang malnutrition. Iuugnay din natin ang nutrisyon sa mga outcomes-- educational outcomes. I-institutionalize natin ang mga feeding program sa mga paaralan at palalawakin ang Pantawid Pamilyang Pilipino program. Bubuoin natin ang pinakamalaking Public-Private Partnership kontra gutom: Mga food banks kada barangay na suportado ng mga simbahan at ng private sector lalo na doon sa mga blighted areas. Dito mangongolekta ng pagkaing ipapamahagi sa mga community kitchen para lahat may access sa sapat na pagkain.

    Meron na tayong plano nito since I was in Congress at ready na tayong i-roll out ito. Kaugnay nito, papalakasin natin ang Agrikultura lalo na ang local production para tuloy tuloy ang kita ng mga magsasaka at mangingisda at sigurado ang Food Security.

    'Yung pangatlo, Angat Buhay sa Seguridad. Isusulong natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea. Tutugunan natin ang pangangailangan ng mga komunidad laban sa insurgency. I-ooperationalize natin ang lahat ng rekomendasyon na inihain natin noong tayo ay naging ICAD bilang co-chair para mabisa at hollistic pagsugpo natin sa iligal na droga. At papalalakasin natin ang ating national defense at ipagpapatuloy ang AFP modernization.

    'Yung pang-apat na programa 'yung Angat Buhay sa Kalusugan. Dahil buhay at kalusugan ng Pilipino ang nakataya, itataas natin ang budget para dito. 'Yung ating mga goals bawat region merong tertiary hospital, bawat probinsya at bawat highly urbanized city dapat at least may level two hospital para hindi na bibiyahe nang malayo 'yung mga pasyente para magpa-check up.

    Pupunan natin ang kakulangan sa mga hospital beds sa bansa at ilalapit ito sa bed-to-population ratio ng mga karatig-bansa gaya ng Singapore at Vietnam. Right now ang ating hospital bed-to-population ratio 1.2 is to 1000 people. 'Yung ating targets by 2024, magiging 2.9 to 1,000 ito. And by the end of my term as president, nandoon na tayo sa level ng Singapore at Vietnam between 3 to 4 hospital beds every 1000 population.

    Susuportahan at ika-capacitate natin ang LGUs para may kakayahan itong tumugon agad sa mga pangangailangang pangkalusugan ng komunidad. Community based health approach. Bawat Barangay Health Unit, may sapat na gamit, may nurse na may contact sa lisensiyadong doktor, may ambulansya, at iba pa.

    Aalagaan din natin ang mga nag-aalaga sa atin: Malawakang suporta at benepisyo para sa mga frontliners, scholarships para mas dumami pa ang healthcare professionals kasi napaka kaunti ngayon, at karagdagang suporta para sa mga Barangay Health Workers.

    Tututukan din natin ang rollout ng Universal Health Care. Ibabalik natin ang tiwala sa PhilHealth, at palalakasin ang community-based healthcare sa mga barangay.

    'Yung panlima, Angat Buhay sa Edukasyon. Kapag world class ang training sa guro, world class ang facilities sa paaralan at world class ang suporta sa edukasyon, tiyak na world class din ang estudyanteng Pilipino. Para maitaas ang kalidad ng edukasyon, itataas din natin ang budget para dito: Right now, parang nasa 3% lang 'yung budget– 3% of GDP lang ang budget ng Edukasyon Itataas natin to 6% kasi ito 'yung recommended na maging budget para magkaroon tayo ng decent na educational system

    Sa mga international learning assessments, panahon nang ipakita na handang makipagsabayan sa ibang bansa ang mga Pilipino sa anumang larangan. Itataas natin ang mga test scores at performance ng mga mag-aaral, lalo na sa science, reading, at math kasi ngayon sobrang kulelat tayo.

    Kailangan ring punan ang mga existing gaps na lalong lumitaw ngayong pandemya: Bawat guro, dapat may sapat na training at sinusuportahan ng makatarungang sahod. Sa mga lugar naman na high risk, bawat bata, dapat may gadget at internet para patuloy na makapag-aral kahit may pandemya.

    Pang-anim, Angat Buhay sa Pabahay. Ire-relocate natin ang mga nakatira sa danger zones para hindi na ulit sila malalagay sa panganib tuwing may sakuna. Ipapasa natin ang matagal nang nakabinbin na On-site, In-city, Near-city Bill. Anumang relokasyon, dapat nasa lungsod o malapit dito, para accessible sa trabaho at mga serbisyo. Ipapatupad natin nang husto ang mga People's Plan para kasama sa pagpaplano ang komunidad bago magsagawa ng anumang proyekto. Sa mga resettlement sites at mga proyektong pabahay sa ilalim nito, lilikha tayo ng mga pang-ekonomiyang gawain at negosyo para makalikha ng sapat na kabuhayan.

    'Yung pampito, Angat Buhay sa Kalikasan. Babawasan natin ang greenhouse gas emissions, alinsunod sa commitment natin sa COP26. By 2050, dapat carbon neutral na ang Pilipinas. Itataas rin natin ang ambag ng renewables sa ating energy mix.

    Dahil madalas tayong tamaan ng mga bagyo, gagawin nating mas disaster-resilient ang mga komunidad: Paiigtingin natin ang climate mitigation sa national investment plans, at tutulungan ang LGUs na bumuo ng climate-resilient systems gaya ng climate-smart agriculture, mangrove expansion, environmental conservation. Katuwang ang ating mga komunidad ng katutubo, bubuo tayo ng isang komprehensibong reforestation program.

    Itutulak din natin ang pagpasa ng mga batas para higit na mabantayan ang kalikasan: 'yung Alternative Mineral Management Act, 'yung Sustainable Forest Management Law, at ang National Land Use Act. Na ito co-author pa ako sa 16th Congress. Mag-iissue tayo ng Executive Order sa pagmimina—dapat may maayos na konsultasyon, ginagalang ang karapatan ng mga katutubo, at mismong mga komunidad ang makikinabang. Kasama sa EO na ito ang pagdeklara ng mga no-mining zones.

    At pinaka huli, Angat Buhay sa Imprastraktura at Teknolohiya. Magpapatayo tayo ng imprastrakturang magbibigay ng access sa maayos na supply ng malinis na tubig, pipigil sa pagbaha, at ilalayo tayo sa panganib na dulot ng climate change.

    Sa public transport, ang mindset ng ating infrastructure agenda: We should be moving people, rather than just cars. Maliban pa dito, bubuo rin tayo ng mga imprastrakturang tututok sa pag-angat ng mga rural areas at may direktang impact sa mga nasa laylayan– hindi lang sa Kamaynilaan.

    Pinalinaw din ng mga nagdaang bagyo: Kailangan ng mas climate-resilient na imprastraktura. We will focus on entrenching climate resilience at adaptation sa pagpaplano lang ng mga proyekto.

    Sa teknolohiya: Ipapatupad natin ang digitalization ng buong gobyerno, para accessible ang mga serbisyo online at maiwasan ‘yung person to person contact, makatulong sa ating anti-corruption drive. Itutulak din natin ang Open Access in Data Transmission Bill para dumami ang broadband facilities at gawing mas reliable ang internet para sa publiko, lalo na sa mga kanayunan.

    So, ito po 'yung, ito po 'yung mga plataporma natin na inihahain sa ating mga kababayan.

    FR JEROME SECILLANO: Okay. Okay, so very extensive VP ano. At maya-maya din po 'yung mga detalye po niyan saka 'yung mga hindi pa po ninyo nabanggit ay tatanungin din po namin ano para matapos po ninyo. Pero maraming maraming salamat at napakinggan po ng taumbayan, lalong lalo na 'yung mga taga-subaybay ng Radyo Veritas ang very extensive po ninyo na programa para sa Pilipinas at para sa mga Pilipino. At ngayon naman po, dadako tayo doon po sa mga specific questions ano, base po doon sa inyong nilahad, at meron po kayo ditong three minutes ano, para sagutin po 'yung mga question. Unahan ko na muna Angelique ha.

    Okay. Ito po ay binanggit po ninyo tungkol doon sa mga, well, komunidad na talamak po 'yung insurgency. Okay, at maganda 'yung sinabi po ninyo na tutulungan po ninyo 'yung mga tao dito, i-aangat ninyo ang kanilang mga kabuhayan. Kumbaga hindi ninyo sila pababayaan. But of course, merong insurgency. So, ano po 'yung gagawin ninyo doon mismo sa mga insurgents. We talk about, for example, NPAs, communist insurgency and then of course, ito naman sa Mindanao, meron din pong mga threats iyan to national security.

    While we want to defend people, uphold their rights, but what are you going to do to deal with this people?

    VP LENi: Ako kasi father 'yung insurgency hindi dapat militaristic ang approach. Dapat– hindi natin ito mapipigilan hanggang 'yung reason kung bakit may insurgency hindi natin naaayos. So, 'yung number one sa akin kailangang, kailangang tignan natin, ano ba 'yung pinaka root cause ng insurgency? Kasi kung titignan natin ngayon sa bansa natin, iba-iba 'yung dahilan.

    Halimbawa 'yung insurgency sa Negros ay iba naman 'yung dahilan. Ang insurgency sa Bukidnon ay iba 'yung dahilan. Ang insurgency sa Muslim Mindanao areas, iba ang dahilan. So, para sa akin father 'yung number one, tutukan 'yung root cause ng insurgency at iyon 'yung i-resolve. Number two, kailangan whole of nation approach coupled with a people-centered approach. Ano 'yung gusto nitong sabihin? Sa pagsugpo ng insurgency, pag alam na natin 'yung root cause dapat buhusan ng programa at tulong ng pamahalaan ‘yung mga communities na merong mga problema dito. Lahat ng mga government agencies na merong matutulong doon sa community para ayusin– 'yun nga, 'yung whole of nation approach saka people centered approach, kailangan– parang naka volt-in lahat, all hands-on deck aasikasuhin. Meron na ngayong mga programa diyan father, meron na ngayong mga programa kung naririnig natin 'yung NTF-ELCAC. Ang pinaka– maganda 'yung, maganda 'yung aim niya na pagbuhos ng social development project para natututukan 'yung pinaka root cause ng insurgency. Ang hindi lang tayo agree sa implementation nito ay 'yung red tagging. Tingin natin masyadong nalagay sa panganib 'yung mga tao na nare-red tag na wala namang basehan na maayos. Ako mismo, I am at the receiving end of red tagging, na para sa akin kaya siya hindi nakakatulong kasi 'yung programa para sa insurgency kailangan may buy-in 'yung community, na pag ang community ang tingin niya kalaban 'yung pamahalaan lalong lalala 'yung problema.

    So, para sa akin, 'yun nga, 'yung number one, focus on the root cause of the problem. Number two, hindi militaristic ang approach, kabahagi 'yung military sa pagbuo ng pinaka programa pero dapat whole of nation at people centered. Pangatlo, 'yung talagang involvement ng lahat, hindi lang ng agencies, hindi lang ng local government units, hindi lang ng AFP saka PNP, pero pati 'yung civil society saka religious kailangang represented dito para maramdaman ng lahat na kabahagi sila sa paghanap ng solusyon sa mga programa.

    FR JEROME SECILLANO: Okay. Thank you, VP. Follow up lang din po dito, while the government, for example, or your government is going is going to really reach out to all the sectors and then talagang ipakita 'yung pangangalaga niyo sa community addressing the cause of it, pero ang ilang pumipigil po diyan, on the ground mismo, ay 'yung mga insurgents din. Because they don't want ano, they don't want people to– well na parang umunlad kaya sila mismo pumipigil kaya 'yung threat nila nananatili. So, meron doong harassment din na nangyayari, hindi lang sa military kung hindi mismo doon sa mga insurgents. So now, 'yung militaristic approach natin dito balansehin natin. But of course it is an existing issue, it is an existing problem, that even these insurgents are the ones causing talagang harm and then of course talagang really threatening the community. Meron tayo pong anti-terror law, maraming nagrereklamo diyan. Kayo po ba magkakaroon ng kamay na bakal, if these insurgents are actually doing existential harm to the people?

    VP LENI: Ako kasi Father, ang paniniwala ko hindi magtatagumpay 'yung insurgency kung wala naman siyang support ng community. So, sa akin, 'yung mga insurgents na hindi after sa solusyon, kung ang mga insurgents talagang ang pinaka– 'yun nga sinasabi niyo Father kanina na, ang pinaka sadya na lang talaga manggulo, ito 'yung militaristic approach. Pero 'yung sa akin I think 'yung bigger community ng insurgency is dapat hindi siya makakuha ng support ng community and 'yung support ng community, makukuha niya 'yun pag hindi natin inasikaso 'yung pangangailangan niya, pag hindi naitn inasikaso 'yung root cause ng insurgency. So, kaya ko sinasabi na kailangan siyang whole of nation approach, kailangan siyang people-centered approach para hindi makakuha ng support. Meaning to say, nawawalan sila ng dahilan mag suporta sa insurgents pag inaasikaso na ng pamahalaan 'yung kanilang mga pangangailangan.

    So 'yung sa akin, doon 'yun, 'yung matitira doon– kasi my experience naman pag naaasikaso, bumababa talaga 'yung numbers. At nakita natin ito in the past na lumalaki talaga 'yung numbers ng insurgency pag maraming discontent. So, para sa akin magiging military lang 'yung approach pag 'yung natitira ang pinaka sadya na lang talaga manggulo.

    FR. JEROME SECILLANO: Okay. Ghie ito na lang Ghie bago ko ipasa sa'yo ano. Maganda po VP 'yung binanggit po ninyo na ibalik ang tiwala sa pamahalaan kasi kapag may tiwala ang taumbayan, naku talagang tayo uunlad, mga investors darating. Well, I think, isa po sa mga dapat na tanggalin na practice sa pamahalaan para maibalik ang tiwala ng taumbayan, korapsyon. Lahat po yata ng nagdaang pangulo, ito po 'yung mga sinabi, iwi-weed out nila corruption, 'yung mga ahensya ng matinding korapsyon ay talagang tututukan nila, maglalagay kami dito ng mga tao na incorruptible di umano. But then it turned out, wala eh nag fizzle out din po ano. Vice President, I don't want to sound defeatist, but then Bureau of Customs, Bureau of Immigration, BIR, halos po talamak pa rin naman eh, DPWH, binanggit ko na ang mga ahensyang ito. What strategy are you going to do that is totally different from all the past Presidents who tried to weed out corruption but then failed.

    VP LENI: Ako number one kasi sa akin Father Jerome, kailangan 'yung drive– 'yung anti corruption drive, magsisimula sa akin as President. Meaning to say, kailangan meron akong moral ascendancy para siguruhin na 'yung anti corruption drive magiging seryoso at malalim. Pero having said that, 'yung mga una kong gagawin syempre ang mga ia-appoint ko to head the most sensitive offices, dapat sobrang linis para meron din silang moral ascendancy. By experience, hindi enough na 'yung nagli-lead ay malinis, kailangan 'yung nagli-lead na malinis, siguruhin niya na maglagay siya ng mga sistema na magpipilit sa mga nakaupo na maging malinis.

    And sa akin Father, tatlo 'yun. 'Yung number one, 'yung transparency. Kailangan 'yung sistema ng transparency ay institutionalized para hindi lang siya anecdotal Father. Ginawa na ito ng asawa ko sa Naga when he was Mayor, naghain ng mga transparency measures, halimbawa 'yung full disclosure policy, lahat ng kontrata, lahat na procurement, lahat 'yan in public. Tapos 'yung accountability, 'yung sa amin 'yung pinaka kontrata ng accountability nasa isang citizen's charter na kung saan 'yung mga tao alam niya kung ano 'yung serbisyong makukuha niya sa gobyerno, sino 'yung mga accountable officers, ano 'yung proseso, tapos ito at the end of it may feedback mechanism. Para pag may hindi gumagawa ng trabaho, merong mekanismo para 'yung tao nakakapag reklamo.

    'Yung number three, at ito 'yung tingin ko isa sa pinaka importante na pinaka mahirap gawin, 'yung people empowerment. Sa amin po, Father Jerome, with the help of the Archdiocese of Casares, in the early 1990s, we were able to set up a Naga City People's Council, na ito ay multisectoral na representation of non-politicians who are given a platform to have a direct hand in governance. Ito, 'yung direct hand in governance nakakatulong siya mapilitan 'yung mga public officials to be good dahil every step of the way meron sa kanyang nanonood. Merong representation in all the executive and legislative committees 'yung People's Council, hindi lang siya audience pero meron siyang voting rights. 'Yung budget hindi naipapasa na hindi niya ina-approve. So sa akin, itong mechanisms na ito kailangan in place. If I am elected President, the very first executive order that I will pass is a full disclosure order na i-make public 'yung lahat na transaction, lahat na purchases ng gobyerno para maiiwasan 'yung overpricing, naiiwasan 'yung under the table, saka maglatag ng isang feedback mechanism na ang tao hindi natatakot mag sumbong.

    FR. JEROME SECILLANO: Opo. Sa akin pong pagkakaalam ano, 'yung nakaraan pong administrasyon bago nito, si PNoy parang gumawa din po nitong EO na ito ano, pero it was met by naku opposition from all fronts. So much so that parang hindi nag ano eh, parang hindi po na-sustain. But I'm very sure that people will also opposed that, especially if we're talking about people in the government, so andidiyan din yan, Congress, I don't know kung andiyan ang Senate, Executive Branch, naku. So how would you prepare to deal with these people who may not [crosstalk 8:42 - 8:47]

    ANGELIQUE LAZO: Bigyan natin ng chance is VP Leni to pause muna tayo, pause po muna tayo for a few minutes.

    VP LENI: Ah sige sige. Pero nakuha ko na Father Jerome 'yung question.

    ANGELIQUE LAZO: Pabaon na po muna 'yan dahil talagang very contentious ito because ang mga tao nga po ay sanay na sa mga kung minsan maling gawi ano. And anything that will rock the boat lalo na po it will hit them in the pocket, kung may epekto ito sa kanilang kabuhayan at epekto rin po ng kanilang mga pamilya ay talagang it will be met with resistance. So tayo po'y magbabalik sa ilang saglit dito po sa Catholic E-forum.

    [COMM GAP 00:36:42 to 00:36:58]

    ANGELIQUE LAZO: Nagbabalik po tayo with VP Leni Robredo, our Presidential candidate guest for today. Of course talagang nagmamanman pa rin po't nakikinig ang atin pong Obispo, si Bishop Gerry Alminaza para po sa kanyang feedback mamaya. And may nabitin na tanong is Father Jerome tungkol nga po doon sa resistance. Aside from that ano, ano ho pa rin ang puwedeng gawin sa inyo hong legislative agenda, 'yung mga priorities to actually, sabi niyo nga po, institutionalize these changes to combat corruption, ano ho, gayun ‘yun pong mga kongresista natin, 'yung mga iba nating mga local government officials, they're all related to each other, marami po sa kanila kasi eh na-pass on na 'yung power 'di po ba from generation to generation, yes po VP Leni.

    VP LENI: Alam mo Angelique ano lang, ikukwento ko lang 'yung pinagdaanan ko din when I was in Congress. Kasi when I was in Congress I was co-author of Anti-Political Dynasty Bill, I was co-author of Freedom of Information Bill, the very first bill I filed in Congress was the Full Disclosure Bill, saka nag-file din ako ng Empowerment Bill, lahat 'yun hindi naipasa dahil sa Congress. Hindi siya nakalusot kaya nga sinasabi ko na halimbawa 'yung Full Disclosure Bill, uumpisahan ko 'yan with an executive order which will be under my– within my mandate. Pero experience namin sa Naga ganoon din. Kaya nagkaroon ng People's Council sa Naga kasi 'yung first term ng asawa ko kalaban niya 'yung majority ng City Council, at ‘yung lahat ng gusto niya ay hinaharang ng City Council.

    So what he did was seek the help of the Catholic Church. It was the Catholic Church, through the Social Action Center, na tumulong sa asawa ko na gumawa ng parallel na council na composed of private individuals at 'yung– ito naging very successful siya, napilitan 'yung City Council to act on so many measures na hindi nila inaaction-an kasi may pressure from the People's Council.

    Ito sana 'yung pinaka sense ng Empowerment Bill. Pero 'yung sa akin napakahalagang maging partner ang simbahan. In fact, when my husband was DILG secretary, ewan ko lang kuhg narinig niyo na ito Father Jerome, Bishop Gerry, na he actually started an initiative called UBAS, Ugnayan ng Barangay at Simbahan. Hindi lang siya naka take off masyado. Ang pinaka first na tumugon sa asawa ko nito, sina Bishop Tobias of the Diocese of Novaliches, at saka din sina Father Tony Labiao, pero namatay kasi 'yung asawa ko eh, even before naka buwelo siya. Ito kasi hindi ito kakayanin pag grabe 'yung opposition ng mga politiko. So kailangan talaga ng partner na private sector na merong– Una, merong gravitas. Pangalawa, merong machinery para ma-roll out ang isang national program such as this.

    So sa akin,'yung– whether it's a Catholic church or some other organization na magiging partner ng administrasyon ko, na siya 'yung mag a-act as a pressure– parang pressure mechanism for government to shape up. Kasi ang alam natin ang dadatnan natin merong mga well-entrenched na kultura na napakahirap buwagin, pero we can always try. Hindi tayo puwedeng, hindi tayo puwedeng magpa-paralyze dahil ano na tayo, dahil sa discontent from the past. Kasi kung resigned na lang tayo na wala ng gagawa, eh bakit pa tayo tatakbo. Kasi kung wala na tayong gagawa, matulog na lang tayo, huwag na tayo tumakbo. Pero kaya tayo sumusubok na baguhin 'yung sistema kasi tingin natin merong opportunity to make a change, but this opportunity will not be available to us if people are not willing to engage with us.

    ANGELIQUE LAZO: Thank you po VP Leni. Alright Father dako tayo sa ekonomiya ha. Kasi ito nga ho ang isa sa pinaka mabigat pa pong problema natin ngayon. Ito pong pandemya ang laking dagok, ano ho, sa laki rin ho ng inutang ng ating bansa na nasa trilyones na nga po and counting. Ano ho 'yung magiging priority ninyo para ma jumpstart po 'yung ating economy and of course while honoring our international debts?

    VP LENI: Noong November and December, we already came up with two comprehensive programs. 'Yung pinakauna natin doon 'yung Kalayaan sa COVID Plan kasi at that time, we were still going through a difficult surge. 'Yung Kalayaan sa COVID Plan, three-pronged 'yun.

    'Yung pinakauna, talaga 'yung jump starting the economy and by jump starting the economy, 'yung nilagay natin ano talaga, tulong– basically tulong sa mga MSMEs kasi 'yung pinakanatamaan talaga ng pandemic 'yung MSMEs. I was telling you earlier na more than 70,000 'yung nagsara and alam natin na 'yung MSMEs, sila talaga 'yung nagbibigay ng trabaho sa ekonomiya so, sobrang laki ng jump ng ating unemployment saka underemployment. So 'yung pagtulong sa MSMEs, pagsiguro na 'yung healthcare system natin maging mas resilient to withstand surges that can happen. 'Yung pangatlo, 'yung education kasi nagsara na 'yung mga paaralan, almost two years na nakasara. Ngayon, paunti-unti 'yung pagbukas.

    As early as mid-2020, nagpasa na tayo ng plano nito sa DepEd pero hindi tayo napakinggan. Ang ating suggestion sana noon, sa mga lugar na mababa naman 'yung cases na hindi masyadong mataas 'yung threat, magbukas na 'yung mga paaralan. Halimbawa, pag tiningnan natin 'yung datos, ang daming mga malalayong mga lugar na wala namang cases pero ang mga bata, hindi pumapasok, and permanent 'yung damage nito sa mga bata, so 'yun 'yung una.

    'Yung pangalawang nilabas natin, 'yung Hanapbuhay Para Sa Lahat Program. I mentioned it a bit earlier during the opening na meron tayong mga priority areas. Of course, ang number one doon, fixing government para mabalik ang tiwala sa pamahalaan. It is only when investors are confident that they will come back and pag ang investors pumasok, nandoon 'yung hanapbuhay. Pero 'yung number two is really gigisingin 'yung mga natutulog na lakas o opportunities ng mga certain industries. Pinangalanan natin ito, 'yung number one 'yung maritime. Ang laki ng opportunity for us sa maritime. Halimbawa, 'yung sa mga seafarers natin, right now, we have about 400,00 seafarers. Mga 25% ito ng all– lahat ng Seafarers sa buong mundo. 'Yung nabibigay nito sa GDP natin is 6%. Pag inasikaso natin, we provide all the necesssary support, puwede itong mapataas to 12%.

    'Yung pangalawa doon, 'yung manufacturing. May mga in-identify din tayo na mga manufacturing industries na puwedeng buhayin. Of course, 'yung support to MSMEs– ito, hindi ko pala nasabi 'yung tech, 'yung tech is also a very important industry na may opportunity tayo. So 'yung tulong sa MSMEs, 'yung pagasikaso doon sa mga nawawalan ng trabaho and nandiyan, 'yung paglagay ng comprehensive na public employment program para matugunan 'yung lahat na nagkaproblema during the pandemic. So ano ito, the programs, it will take a while to discuss everything but It can be downloaded sa aming lenirobredo.com. It's our website and the details of both these programs, 'yung Kalayaan sa COVID Plan saka 'yung Hanapbuhay Para Sa Lahat are there.

    ANGELIQUE LAZO: Alright, maraming salamat po VP Leni. Yes Father?

    FR. JEROME SECILLANO: VP, isa din po sa mga problema natin dito na binaggit ninyo na may tugon na kayo ano? 'Yung unemployment kaya sabi nito, trabaho para sa lahat. Pero kapag nagkaroon po ng trabaho para sa lahat, how do we make it sustainable? Kasi meron pong mga industriya for example, sabihin natin business ano, na talagang hindi po sinusunod, ano, 'yung batas. Dapat wala ng endo pero andoon pa rin po 'yan ano. And then of course, andiyan 'yung mababang pasahod. So ang gusto namin matanong dito, ano 'yung mga seguridad din na ibibigay natin sa mga manggagawa, mga ordinaryong kapwa natin na nagsusumikap makapagtrabaho pero may mga sistema ano, na hindi matanggal kaya nananatili silang parang kinukulang pa rin sa pasahod, sa kanilang mga benefits, tapos itong binanggit ko na endo. So ano po ang konkreto ninyong gagawin dito para masigurado talaga natin kapag magbigay man kayo ng hanapbuhay, maging sustainable po ang hanapbuhay nila?

    VP LENI: Parati kasing pag sinabi natin, Father, na maging sustainable ang hanapbuhay, pareho 'yan eh. Two-pronged 'yan. Hindi lang pag-asikaso ng mga karapatan ng mga manggagawa pero pagsiguro din na nagpo-provide tayo ng business climate for businesses to thrive. Kasi, hindi naman puwedeng isa lang 'yung titingnan natin, pero as far as protection ng ating mga laborers are concerned, meron tayong mga kailangan ng ipasa. Kailangan ng ipasa ng Kongreso na pag nakaupo tayo ay gagawin nating– ise-certify as urgent natin. 'Yung isa dito, 'yung pagpasa ng Security of Tenure Bill sa Kongreso na long-overdue. Kasama din nito 'yung mga iba pang mga kaugnay na batas at polisiya na magtitiyak at mapapalakas ng seguridad sa trabaho para sa mga mangagawa sa pribado at pampublikong sektor.

    We have worked with representatives of the labor sector for almost all our six years already. Marami po kaming engagement with them when I was not a politician yet. I was a labor lawyer. Matagal po ang aking involvement kaya matagal din, malawak din 'yung ating networks with many labor organizations and we have been working on policies na makakatulong. In fact, recently, nagkaroon po kami ng signing ng commitment na ano ba 'yung mga commitment natin sa labor para siguraduhin na matulungan sila.

    'Yung pangalawa doon, kailangan magpasa din tayo ng legislation na i-amend na 'yung Labor Code kasi pag tiningnan po natin 'yung usapin dito sa endo, 'yung usapin sa contractualization, naka-intertwine siya sa ibang mga provisions ng Labor Code na kailangan natin klaruhin. Halimbawa, ano ba 'yung difference between prohibiting subcontracting and allowable contracting? Kailangan ma-institutionalize na ito. Ngayon po, merong mga dini-describe na bawal ang labor-only contracting pero 'yung job contracting is allowed. Merong pinasa na version sa Congress na na-veto ni Presidente eh 'yung version na 'yun, parehong hindi 100% satisfied 'yung employers saka employees, pero pinagkasunduan nila na important first step na 'yun.

    So 'yung sa akin, dapat ang pagtingin natin hindi magkalaban. Dapat ang pagtingin natin hindi magkalaban 'yung employer and employee pero ang trabaho ng pamahalaan, ang trabaho ng national government, siguruhin na 'yung mga manggagawa ay on equal suiting with the employers para ang boses nila kasing lakas. Ang boses niula aksing lakas ng mga employers kasi kung halimbawa, sila lang 'yung maguusap lagi sialng talo dahil siyempre, umaasa 'yung trabaho nila sa mga employers. Pero 'yung sa atin lang, dapat itong relationship na ito, hindi nahahaluan ng politika. Kailangan ang gobyerno nagpo-provide ng platform para maayos 'yung relationship ng dalawa at nakakapagusap, napapakinggan 'yung boses para whatever 'yung mga polisiya ng pamahalaan, naisaalang-alang 'yung concerns ng both, both the employers and the employees.

    FR. JEROME SECILLANO: Thank you for that.

    ANGELIQUE LAZO: Thank you po, thank you VP Leni and marami pa po kaming baong tanong. Meron din pong mga tanong na galing po sa ating mga sister radio stations ano po, at mga partner stations from different parts of the Philippines, at mamaya po, bibigyan daan po natin 'yan sa pagpapatuloy ng ating Catholic E-Forum.

    [COMMERCIAL BREAK 00:50:05 - 00:51:28]

    ANGELIQUE LAZO: Okay at nagbabalik po tayo for four minutes bago po matapos ang first hour natin with the VP Leni Robredo, of course si Bishop Gerry Alminaza, our shepherd for today, and si Father Jerome Secillano. So ito po ano, magaganda po 'yung gma nababanggit niyo sa atin ano, tungkol nga po sa mga nais niyong isulong din na batas lalo na po 'yung pag-aamyenda po nitong Labor Code po natin because intertwined nga po diyan 'yung definition din ng contractualization.

    Okay, another question that comes to mind is papaano po 'yung political will ano? Because nakikita po natin na sa lahat ng mga kampanya, meron po nating mga supporters na galing din po sa big businesses ano. We don't know for sure kung papaano sila sumusuporta. Parang ang intindi ng mga mamamayan is sumusuporta sila sa mga frontrunners po na mga kandidato sa isang eleksyon. Ngayon, given that kind of support ano ho, ano 'yung magiging postion din ng pangulo kung meron din pong, well, we can call it utang na loob or merong suporta naibigay po ang ang mga big business po sa inyo pong campaign, and ito po, merong kaugnayan po ito doon sa kanilang negosyo or sa kanila pong mga business projects. Yes VP Leni, what would your position be?

    VP LENI: Sa akin kasi Angelique, lahat na kandidato magsasabing hindi sila magpapa-influence. Wala namang mag-aadmit na kandidato na magbabayad sila ng utang na loob to anyone pag nakaupo na. Pero 'yung sa akin, ano ba 'yung panghahawakan ng taumbayan na puwedeng tiwalaan nila 'yung nangangako na gagawin 'yung pinapangako nila? Sa akin, track record lang eh. Sa akin, ano ba 'yung track record, ano ba 'yung character? Kasi 'yung track record will tell you saan ba ako nakatayo over many issues?

    Kasi pag panahon kasi ng eleksyon, lahat mahal ko 'yung mahihirap, lahat doon ako sa manggagawa, doon ako urban poor. Pero pag nakaupo na, wala naman. So sa akin, tingnan natin, pagkundokto niya ng buhay niya bago siya pumasok so politika, noong nasa politika na siya, ano ba 'yung mga tayo niya on issues, ano ba 'yung relationship niya wiht interest groups? Kasi doon natin makikita kung papaano niya ico-conduct 'yung sarili niya pag pangulo na siya.

    So 'yung sa akin, dapat 'yung tao talaga mas discerning. Halimbawa, pag sinabi namin lahat kami magsasabing mahal namin 'yung mahihirap pero ano 'yung proof? Ako siyempre, I can only answer for myself. Ako, 'yung proof noon all my life, ang pinagsisilbihan ko 'yung mahihirap. 'Yung naging abogado ako, pinakauna kong trabaho sa PAO pero after PAO, I transferred to an NGO, I was there for more than a decade. 'Yung NGO, ang tinutulungan namin mga magsasaka, mangingisda, urban poor, mga manggagawa, mga IPs, women and children. So, ito 'yung trabaho ko all my life. Siguro, kung hindi namatay 'yung asawa ko, nandoon pa din ako. Noong umupo ako sa Congress, ano bang klaseng mga batas 'yung pinasa ko? Ano ba 'yung mga bills na inihain ko? Kasi 'yung mga bills na inihahain namin, 'yun 'yung indication kung ano 'yung mga advocacies close to our heart. 'Yun 'yung mga indication kung kanino ba talaga kami kampi. Kampi ba kami sa mahihirap o kampi ba kami sa big business? Ayun 'yung indication.

    So ako, para sa akin, exercise in futility siguro na tanungin natin kung asan kami kasi parepareho kami sasabihin namin. Pero 'yung to be discerning about it, kailangan dini-discuss, dini-discuss ng mga taong gustong magkaroon ng maayos na eleksyon, asan kami noong walang eleksyon? I think that's the most important thing.

    ANGELIQUE LAZO: Alright, thank you po VP.

    FR. JEROME SECILLANO: Vp patungkol naman ito sa karapatan din saka seguridad ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Madalas po natin napapakinggan ano, nababasa mga pahayagan, ang dami po talagang mga nilalapastangan ng mga kababayan natin ano at parang hindi sapat 'yung kasalukuyang sistema na meron na tayong labor attache, meron pa tayong OWWA, meron ewan ko. Ngayon, nagdagdag pa po ng isang departamento po yata ito para sa mga migrants ika nga.

    Sa kasalukuyan po bang sitwasyon natin, ano pa bang puwedeng mai-contribute po ninyo para masigurado natin 'yung mga kababayan natin na hindi napipigilan talaga na lumuwas ng ating bansa para makiapgsapalaran sa ibang bansa ay maprotektahan talaga sila na hindi naman naapi, 'yung karapatan talaga nila ay kinikilala?

    VP LENI: Ako number one Father, dapat ang maging overarching kasing prinsipyo ng pamahalaan, 'yung pagtatrabaho dapat abroad, hindi siya necessity kundi choice. Kung ang pangarap ng Pilipino umagat ang buhay, dapat puwede nilang makamtan ang pangarap na 'yun dito sa Pilipinas na hindi nila iniiwan 'yung mga anak nila kasi alam natin Father na 'yung social cost, ang social cost na nagkakahiwalay ng pamilya, grabe. 'Yung damage na naro-wrought nito, kadalasan irreparable.

    So sa akin, dapat 'yung aspiration is for Filipinos to decide working abroad by choice and not by necessity, but this can only happen if number one, our priority is to provide sufficient employment and livelihood opportunities in the country so that Filipinos wouldn't have to leave their families behind in order to find overseas work. Mangyayari lang ito Father if our economy is robust and economic progress is inclusive kasi madali lang siyang sabihin pero mahirap gawin kung wala naman, hindi mo naman mapigil 'yung mga tao umalis kung wala naman opportunities dito, saka paano magkakaroon ng opportunities ngayon? Kailangan talagang baguhin natin 'yung policies and programs natin to spur rural development. Ang iba nga Father, nagtrabaho na nang napakatagal sa abroad, gusto nang magretired pero hindi sila makabalik dito kasi hindi dito available halimbawa, healthcare. 'Yung healthcare na na-eenjoy nila doon sa host country nila, hindi available dito. So kahit gusto na nila bumalik sa pamilya nila, hindi sila makabalik kasi we could not provide them with the benefits that the host country is giving them.

    Pero, setting that aside, marami na tayong OFWs abroad so dapat habang inaasikaso natin ‘yung mas long-term, ‘yung mas short-term talaga, ensure the protection of OFWs. Papaano natin ‘yun ma-eensure? Again ang example ko, Father, sa Naga. We have set up an Office for Migrant Affairs, ito, Father, ‘yung programs for past, present, and future OFWs and their families are instituted with the endview of educating and capacitating them, number one, protecting them from unscrupulous recruiters tapos the office also ensures the localization of a comprehensive OFW reintegration program which will provide financial, technical, and psychosocial help. Ito, Father, how this works is merong local na migrant affairs office, mula sa recruitment sinisiguro na ng opisina na hindi siya mahuhulog sa mga unscrupulous na recruiters. Habang nandoon na siya, sinisiguro na hindi siya nabibiktima noong mga suwail na mga agencies, na ‘yung pamilya niya dito, siguradong all the time merong contact kaniya. [buzzer] At ‘yung pamilya niya dito natutulungan, na ‘yung perang pinapadala niya ay nagagamit sa maayos. So it’s many different things. Kung uuwi na siya, nape-prepare na ‘yung reintegration ay maayos.

    Tapos ‘yung number two, ‘yung enter into more bilateral agreements. Kasi marami, Father, na mga lugar, ang laki ng concentration ng mga OFWs doon pero wala tayong bilateral labor agreements to protect them. So sa kin dapat maging very masigasig tayo sa pagsiguro na in areas where the concentration of OFWs is heavy, dapat magkaroon na tayong bilateral agreements. I-strengthen din natin ‘yung capacity ng Philippine Embassies and Consulates to better serve the needs of the OFWs including the rights to legal aid, other forms of protection. ‘Yun nga ‘yung nasabi mo kanina meron naman tayong mga labor attachés, dagdagan ‘yung numero. I also identified key Consular Offices and Embassies na talagang sila ‘yung parang magke-create ng one-stop shop where OFWs can ask for government services. Kasi ngayon, Father, marami kami ngayong mga virtual meetings with OFWs and ang concerns nila, ang iba administrative na kailangan silang– parang alam mo ‘yun, ‘yung nakakuha ng kontrata na magpo-process ng kanilang papeles, meron silang mga reklamo and this could be very well prevented pag tutok tayo na ‘yung nabibigyan ng mandato to take care of them, ‘yung empathy nasa plight din na pinagdadaanan nila.

    Pero ‘yung long term talaga, Father, is really not to encourage people to go out but to provide them the opportunities here in the Philippines.

    FR. JEROME SECILLANO: Thank you for that.

    ANGELIQUE LAZO: Thank you, VP Leni, sa inyong malaman na sagot. At marami pa po kaming nakahanda na tanong, ano ho. Mamayang kaunti po, meron tayong questions from the Commission on Family and Life para naman po sa patungkol sa pamilya. At sa mga galing din po sa mga stations– radio stations natin sa ibang bahagi ng Pilipinas. Sa pagpapatuloy po ito ng Catholic–

    FR. JEROME SECILLANO: E-Forum.

    [BREAK 01:01:47 - 01:08:07]

    ANGELIQUE LAZO: At nagbabalik po tayo sa second hour, at ngayon po sa segment na ito ng Catholic E-Forum. We are now going to talk about issues regarding the family. Ang pamilyang Pilipino po ay tinaguriang basic unit of society at para po sa ating Simbahan, this is called the Domestic Church. And now joining us mula po sa Commission on Family and Life ng Archdiocese of Manila, sila Brother Egay and Sister Vivian Cabuello. Good morning!

    BR. EGAY CABUELLO: Good morning, Angelique. Good morning, mga kapanalig. Good morning po, Father Joe, at good morning din po kay Bishop Jerry. At siyempre, good morning po, VP. Narito na po ang tanong– ang boses ng bayan. Angelique, andito po ang mga tanong po natin.

    [SEGMENT INTRO 01:08:52 - 01:09:08]

    ANGELIQUE LAZO: Yes po, VP Leni. Meron po kayo uling tatlong minuto para po sagutin ‘yung mga katanungan.

    VP LENI: Okay.

    BR. EGAY CABUELLO: Okay po. Para po sa unang tanong po natin. Sinabi po ninyo sa inyong mga previous media interview na ang pananampalatayang Katoliko po ninyo ang pinanghahawakan ninyo upang tutulan ang pagsulong ng mga batas na makakasira ng pamilya tulad ng divorce, death penalty, at iba pa. Ngunit may mga kasamahan po kayo sa inyong Senatorial lineup na hayagang nagtutulak nito upang maisabatas ang mga ito. At meron po kayong mga NGO na kasamahan na nagtutulak na ma-decriminalize ang abortion.

    Ang tanong po, VP, paano nakakasiguro ang Kristiyanong pamilya na mananatili po kayo sa inyong paninindigan na pahahalagahan po ninyo ang kasagraduhan ng buhay at pamilya, at hindi po kayo maiimpluwensiyahan ng mga taong nakapalibot sa iyo, lalong-lalo na ang mga taong tumulong sa’yo para maihalal po kayo bilang Pangulo?

    VP LENI: Ako, again, lahat kami magsasabi na hindi kami magpapa-impluwensiya. Pero ano ba ‘yung assurance? Ang assurance, track record. Halimbawa, sinabi niyo na marami akong mga kasama, maraming mga kasama sa aking political life na iba ‘yung paniniwala sa kin, pero hindi ako naimpluwensiyahan nito. Against ako sa divorce, against ako sa death penalty, against ako sa abortion, pero hindi gustong sabihin na pag humawak ako ng posisyon ay may karapatan akong ipilit ‘yung aking paniniwala.

    Kasi kung ako ay Pangulo, ako ay dapat nakikinig sa paniniwala ng iba. Meaning to say, kahit kontra ako sa divorce, kahit kontra ako sa abortion, kahit kontra ako sa death penalty, obligasyon ko na siguruhin na ‘yung divergent voices pinapakinggan. That is not to say na magpapaimpluwensiya ako pero kailangan meron silang papel– ang gobyerno obligasyon na pinapakinggan ‘yung iba’t ibang pinanggalingan whether Katoliko sila o hindi. Hindi naman ako magpe-Presidente dahil Presidente lang ako ng mga Katoliko. Pero ang sinisiguro ko na ‘yung aking faith ay hindi naman matatawaran, hindi ko siya kailangan depensahan.

    Again ang track record ko naging congresswoman ako, naging Vice President ako for six years, naging human rights lawyer ako for more than a decade. Siguro ‘yun naman ‘yung enough assurance na hindi naman ako nadadala ng agos ng panahon. ‘Yung ticket namin ay nakita niyo independent ako. ‘Yung ticket namin are composed of people na iba-iba ‘yung pinanggalingan. In fact within the ticket, merong history na talagang matindi ‘yung laban ng mga paniniwala. Pero the presidency is about that. ‘Yung presidency, you are President of every one even of people who look at things na hindi kapareho sayo. Pero ang sa kin, assurance na parati tayo na to the best interest of the people.

    Halimbawa, example lang, ang Catholic Church is against abortion, I am against abortion, pero ano ‘yung datos? Ang datos mas na-eendanger ‘yung life ng nanay pag hindi available ‘yung services sa kaniya. Ito ‘yung pinaglalaban ng mga tao na gustong ipa-decriminalize ang abortion. Hindi gustong ipa-decriminalize ang abortion kasi hindi nila pinapahalagahan ‘yung buhay. Pero ang datos is pag nag-underground sila mas lalong na-eendanger ‘yung buhay nila, and sa atin, ako, I am very much open to– hindi lang very much open pero–[buzzer]

    ANGELIQUE LAZO: Thank you po, VP. Your next question, Brother Egay, Sister Vivian?

    SIS. VIVIAN CABUELLO: Yes, po. 'Yung pangalawa pong tanong, ang pagiging magalang po at pagsasabi ng totoo ay magagandang ugali ng pamilyang Pilipino. Ngunit hindi po kaila, VP Leni, na sa kasalukuyan laganap na po 'yung pagmumura at pagpapakalat ng maling impormasyon lalung-lalo na sa social media. Paano po ninyo ito haharapin upang maibalik ang mabuting pakikitungo ng mga Pilipino sa kaniyang kapwa, magkasalungat man po ang kanilang paniniwala?

    VP LENI: 'Yung pag-push ng isang kultura na 'yung respeto siya 'yung mamamayani ay isang initiative na hindi kaya ng Pangulo. Kailangan lang 'yung Pangulo is inspiring enough and kailangan 'yung Pangulo tinitiwalaan ng tao para 'yung kaniyang example 'yung susundin. Pero having said that, kailangan din na magpasa 'yung Kongreso to make social media platforms accountable. Kasi alam natin na 'yung social media is good in the sense na pinapaliit niya 'yung mundo. Pero pag nagagamit siya na vehicle to abuse o nagagamit siyang vehicle to propagate disinformation, hindi na siya okay.

    So, sa akin kailangan magpasa tayo ng mga batas na ang pinaka-ideal sana self-regulation para hindi natin nayuyurakan 'yung freedom of expression ng mga tao. Pero again, binabalanse natin. 'Yung para sa akin kailangan to make social media accountable, making sure na hindi nagagamit 'yung kanilang platform para abusuhin saka maimpluwensyahan 'yung mga mindset ng tao sa mga bagay na hindi totoo.

    I have been asking the Catholic Church to join us in this fight na to fight disinformation. Hindi puwede na nakikipag-away din tayo sa social media. Mas kailangan 'yung ground war– kapag sinabi kong war, it is a fight between what is not true and what is true. 'Yung disinformation kailangan napapalitan ito ng katotohanan. And it would need the concerted effort of all of us.

    Ako, as President, I will lead the fight, pero I will not be able to lead it without the support of my constituency and I look at the Catholic Church as the one institution na merong machinery on the ground who can help us fight disinformation.

    SIS. VIVIAN CABUELLO: Thank you po.

    BR. EGAY CABUELLO: Thank you so much po. Ate Gique, paano magtutuloy po ba tayo o meron pa po tayong–

    ANGELIQUE LAZO: Okay, we will take a break lang po ulit, ha ano po. Meron lang po tayong ilang commitments at magbabalik po tayo agad-agad dito po sa Catholic E–

    HOSTS: – Forum.

    [BREAK 01:16:17 - 01:17:58]

    ANGELIQUE LAZO: Okay, at nagbabalik po tayo sa Cathollic E-Forum. More questions from the Archdiocese of Manila. Yes, Brother Egay, Sister Vivian?

    BR. EGAY CABUELLO: Yes, thank you po, Ate Gique. VP, ito po 'yung pangatlong tanong po natin mula po dito sa Commission on Family and Life dito sa Archdiocese of Manila. Lagi po ninyong sinasabi sa inyong mga rally na walang maiiwanan sa inyong Angat Buhay Lahat Program. Ano po ang gagawin mo upang hikayatin na makiisa sa iyong administrasyon ang mga taong hindi sumusuporta sa iyo ngayon?

    VP LENI: Ako, Father, dapat kasi pagkatapos ng eleksyon wala nang tinitignan kung sumuporta o hindi. And ang pinakapruweba ko nito again, my track record. Noong ako po nag-congresswoman, noong lumaban ako kalaban ko napakalaking political family sa amin. Halos wala akong local official na kakampi: walong mayor, isa lang 'yung kumampi sa akin; 186 barangay captains, 25 lang 'yung kakampi ko. Pero day one of my work as congresswoman, hindi ko na 'yun tiningnan.

    Hindi ako namili, lahat ko inaya into the fold and lahat-- lahat ay naging very, very supportive sa akin. I think if people are given the chance to experience this kind of governance, mas gusto din nila. Even 'yung mga politikong hindi nagsuporta sa akin, mas gusto din nila na ang atmosphere for service is undeterred by political colors.

    Noong ako po ay nag-Vice President, halimbawa, most of our projects now are in Mindanao and dito ako talong-talo pero hindi namin tinignan. Nandoon 'yung mga projects namin kasi doon 'yung pangangailangan. So para sa akin, to convince everyone, you have to make them feel na hindi ka namimili. Hindi mo– gusto kong sabihin when you choose to engage, 'yung consideration mo sa mga proyektong ilalagay mo dapat hindi tinitignan kung sumuporta ka ba o hindi. Dapat nga hindi na 'yun pinag-uusapan, dapat hindi na 'yun tinatanong.

    Pagkatapos po ng May 9 dapat wala nang delineation kung supporter mo ba o hindi. And I think it's not just the President who should do it but everyone. Nangyayari po kasi sa lokal, nakikita ko po ito sa sarili kong probinsiya, na hindi matapos-tapos 'yung hidwaan kasi pag nakaupo na 'yung mga nakaupo, pinaparusahan na 'yung mga hindi tumulong sa kanila. Which is what is essentially wrong with our politics, with our political system.

    So, as President, ako 'yung magpapakita na ang politika nasa eleksyon lang. Na pagkatapos ng eleksyon, dapat i-set aside 'yun at wala nang tinitingnan na pagkakahati-hati.

    BR. EGAY CABUELLO: Thank you so much po, VP. At para po sa panghuling tanong po natin.

    SIS. VIVIAN CABUELLO: Yes po, para po sa panghuling tanong, VP Leni, hindi po kaila na sinasabihan po kayo ng "lutang", "mahina", at kung anu-ano pa pong mga masasamang salita. Ito po 'yung kadalasan na lumalabas sa iba't-ibang social media platform. Ano po 'yung reaksyon niyo dito pati na rin po 'yung reaksyon po ng mga anak niyo?

    VP LENI: Actually, sabi ko nga lagi lugi sila sa akin. Lugi sila sa akin kasi kung ang purpose nila galitin ako, wala akong pakialam. It is both good and bad for the past– siguro 'yung first four years ko as Vice President, wala akong inintindi; all the fake news, ang instruction ko sa team: do not dignify, it is not worth our time.

    Alam mo, pag bumaba ka lagi sa communities and you are confronted with all the difficulties na pinagdadaanan ng mga kababayan natin, hindi na importante itong fake news. Kasi 'yung pinagdadaanan nila mas malala sa pinagdadaanan mo. Nagiging miniscule 'yung problema mo if you are confronted with the day-to-day na struggles of our kababayans.

    Pero having said that, hindi naman pala tama na hindi mo papansinin. Kasi ang fake– ang false news, repeated over and over again, become the truth and 'yun ang nangyayari. Marami 'yung galit sa akin, marami 'yung tinitingnan na bobo ako, lutang ako, kung anu-ano– dahil naniwala sa fake news. Pero para sa akin, ako ba 'yung lugi? Hindi. Ang lugi 'yung naniwala. Kaya para sa akin, kung sino man 'yung nagpu-push ng fake news siya 'yung may kasalanan sa mga naniwala sa kaniya. Kasi if this will influence the elections, lumabas 'yung mga tao na nagpapanggap, siguro 'yun 'yung dini-deserve natin. [01:22:32 -01:22:44]

    So, 'yung sa akin while on a personal level hindi naman ako apektado. I don't waste sleep over it. I don't waste time over it. Siguro 'yung pinakaapektado dahil 'yung mga desisyon ng mga tao na-iinfluence nito and this is a problem which we should all confront. Ako ang tinitira, hindi naman ito problema ko lang. Pero because they get away with it, it can happen to everyone.

    Kaya ngayon 'yung bullying, 'yung cancel culture, very normal na siya on social media kasi people get away with it. 'Yung nagha-hire 'yung mga politiko ng kani-kanilang mga trolls. And sa akin pag– sorry to say the word, pero paglalapastangan siya. Paglalapastangan siya ng democratic spaces natin dahil hindi na totoo 'yung mga sinasabi and it changes the mindsets of people na ang source of information, kasinungalingan.

    SIS. VIVIAN CABUELLO: Thank you so much po.

    ANGELIQUE LAZO: Okay, VP Leni, gusto ko lang dagdagan ano, or susugan 'yung tanong. Has there been times because of, 'yun na nga 'yung mga lumalabas sa social media na batikos po sa inyo. Nabawasan po ba 'yung resolve ninyo to continue to serve the country? Sinabi niyo ba na, "This is not worth it, ayoko na. I will just go back to a quiet life with my kids"?

    VP LENI: Ako yes and no. Ako kung– 'yung pag-go back to quiet life 'yun 'yung madali for me. Meaning to say, I made sure– kaming mag-asawa even when my husband is– was alive. We made sure na trabaho ito, hindi ito 'yung buhay namin. Ang gusto kong sabihin, while buhay namin magsilbi, sinisiguro namin halimbawa 'yung mga anak namin, no one in the family is a politician. We made sure of that para hindi– para madali sa amin bumalik sa private life.

    Of course, everyday dahil sa dami ng trabaho, dahil sa dami– 'yung toxicity of it all, lalo na 'yung mga anak ko. Parang everyday– halimbawa, 'yung tumakbo ako noong 2016, I made a promise to them that that was going to be the last elections in the family. So, 'yun 'yung first part na hindi sa akin magiging problema to return to public life kasi ang mga anak ko hindi naman konektado sa politika. They have their own pre-occupations. Ako naman, madali akong bumalik sa dati kong trabaho. I have always dreamed of getting old na serving– doing development work.

    Pero siguro 'yung kung tinatanong mo, is it worth it because of the bashing? Yes. Despite the bashing, I think– I still think it is a privilege to have been given the opportunity to serve and given the platform. Matagal ako sa NGO, napakahirap manilbihan considering na maraming mga bagay ang hindi at arms strength.

    Ngayon na VP ako kahit maliit 'yung mandato ng opisina namin, kahit maliit 'yung budget namin, 'yung opportunity to be close to people na puwedeng makatulong sa mga communities is there. So, in that way it is a privilege na nagfe-fail 'yung mga bashing, parang wala namang sinabi 'yung bashing sa pagkakataon na makapanilbihan. Parang ano siya, distraction pero hindi siya nakakaapekto sa desire.

    FR. JEROME SECILLANO: Opo, VP, maraming salamat po diyan ano. Balik po tayo sa ilan pang issue, ano. Sa iba po ninyong mga panayam, binanggit po ninyo ang pagsuporta ninyo sa same-sex union, pati na rin po sa diborsyo. Ngayon po, may reaction siyempre dito 'yung mga lay groups natin who are very ano– sabihin natin very committed to fighting against this ano mga legislations, ano. Kayo po at papaano ninyo ipapaliwanag–

    VP LENI: Ico-correct ko lang po, a. Ico-correct ko lang, hindi ako for divorce. Hindi po ako for divorce.

    FR. JEROME SECILLANO: Okay, same-sex po. Same-sex.

    VP LENI: Same-sex union, yes.

    FR. JEROME SECILLANO: Opo. So, how do you explain this now sa mga nakikinig po sa atin dito ngayon?

    VP LENI: Ako po, sang-ayon kasi ako doon sa sinabi ni Pope Francis. Sang-ayon po ako sa sinabi ni Pope Francis na lahat tayo anak ng Diyos. I am all for civil unions like he is dahil ang paniniwala natin, may karapatang lumigaya ang kahit sino at hindi sila dapat parusahan for the choices that they make. Obligasyon ng pamahalaan na siguruhing hindi sila nade-discriminate upon and all opportunities are there for them tulad ng sa iba. Hindi dapat pinagkakaitan ng karapatan ang kahit sinong tao nang dahil lang kung sino ang mahal nila.

    So, 'yung sa akin I take offense. I take offense na 'yung maraming ginagamit 'yung kanilang faith para i-look down ‘yung mga tao na iba ‘yung mga desisyon. It is something very personal to me. Ako, sagrado akong Katoliko but nahu-hurt ako when I see ‘yung people sharing the same faith as I am pero hindi pina-practice ‘yung pagmamahal sa kapwa, ’yung pag-iintindi ng kanilang mga pagkukulang. Para sa kin, dapat ‘yung simbahan para maramdaman ‘yung pagmamahal ng Diyos, kailangan bukas siya sa kahit anong klase na magyuyurak sa kanyang pagkatao because of the discrimination that’s happening. So sa kin, natutuwa ako na si Pope Francis has been very vocal about it. And I hope hindi nadadala sa– ‘yung wish ko na ‘yung pagmamahal ng Diyos iparamdam natin sa ating mga kasama.

    ‘Yung divorce, I have always many many times over, and I have been bashed because of it, I am against divorce. I have been a lawyer for women who have been victims of domestic abuse for so long. Para sa kin meron tayong enough laws na magko-cover sa kanya. Meron tayong Family Code na mayroong annulment for certain circumstances, meron tayong Declaration of Nullity of Marriage, meron tayong Article 36 on psychological incapacity, meron tayong newly-passed na Republic Act 9262 – hindi naman pala newly-passed kasi 1990s pa ito – Anti-Violence Against Women and Children Act. I think these are enough. Ang mahirap lang dito sa mga batas na ito ay hindi siya masyadong accessible sa mga mahihirap.

    So, dapat ang gawin lang natin make sure na ‘yung remedies under the Family Code and other special laws will be accessible even to women who are victims of domestic abuse na walang perang pambayad. Pag maging accessible siya– [buzzer].

    ANGELIQUE LAZO: Thank you VP Leni, thank you Father for that question, ano. We’ll take another break ano ho, bibigyang daan din natin ang mga ilang katanungan po ng ating mga provincial partners na mga radio stations, although may pagka-specific to their place, no, pero we can look at it also on general terms kasi ho it applies also to the nation as a whole. So, babalikan po natin ito, ang atin pong programang Catholic–

    FR. JEROME SECILLANO: –E-Forum.

    [BREAK 01:31:00 - 01:31:57]

    ANGELIQUE LAZO: Okay, and once again, thank you sa atin pong Commission on Family and Life, Brother Egay and Sister Vivian. VP Leni, ito ho ano, may kaugayan po sa ekonomiya ang tanong ng Radio Caritas Mariae sa Naga City. How do you address the problem of electricity in the Bicol Region, ‘yung constant brownout and high cost of electricity, and I think this applies to many parts of our country, ano po. Because, ‘yun na nga ho, ano, parang sobrang expensive na po talaga ang elektrisidad ngayon.

    VP LENI: And maraming dahilan kung bakit siya mahal. Number one, ano talaga, kailangan nating repasuhin ‘yung ating tax laws. Halimbawa, number one, isa sa nakakapamahal ng kuryente natin ‘yung interpretation natin ng VAT law, pati ‘yung mga components ng electric power na wala namang value added sa tin, china-charge pa sa tin. Dapat tanggalin ‘yun. ‘Yun ‘yung number one.

    Number two, kailangan mag-subsidize ang pamahalaan pagdating sa distribution charges, pagdating sa systems loss– nakuwenta na namin ito. Pag sinubsidize ito ng pamahalaan, mga 600 pesos ‘yung mawawala sa bill natin. Madali lang sabihin na aayusin ko ‘yung kuryente, papababain ko ‘yung presyo, at mga politiko sinasabi ‘yun, pero again, papaano mo gagawin ‘yun?

    So sa kin, number one ‘yung pricing, ‘yung components ng cost kailangan talaga nating balikan. ‘Yun ‘yung number one. Number two, marami ngayong talks about privatization, pero para sa kin kung may problema ‘yung mga electric cooperatives dapat tulungan ng pamahalaan. Of the one hundred – ilan ba lahat ang electric cooperatives all over the country? – of the many electric cooperatives all over the country, pito lang naman may problema eh. Most of the electric cooperatives are doing well. Merong pitong may problema, kailangan tulungan ito ng pamahalaan. Hindi dahilan para sila alisan ng karapatan, ang kailangan, tulungan kasi ‘yung electric cooperatives isa ito sa mga sandata para ‘yung consumers pa din ‘yung may-ari. Pag consumers kasi ‘yung may-ari, hindi siya negosyo. Kasi pag naging negosyo siya, mas magiging mahal ‘yung kuryente kasi pinagkakakitaan na.

    Ang pangatlo, magkakaproblema na talaga tayo sa supply ng kuryente, at kailangan tutukan ito ng pamahalaan. Pagdating ng 2024, paubos na ‘yung ating Malampaya source na energy. Pero until now, hindi pa natin ‘yun pinaghahandaan in the sense na ang daming pending na mga applications for service contracts na hindi pa ina-approve. Kailangan i-approve na ‘yun.

    Mayroon tayong obligasyon– I mentioned this in the opening statement earlier– may obligasyon tayo sa COP26 na by 2050 ay carbon-neutral na ‘yung Pilipinas. Pero wala pa tayong road map papunta doon. Ngayon ang dami pa din nating coal plants pero wala pa tayong plano kung papaano natin ire-retire ‘yung mga coal plants. Hanggang wala pa tayong plano lalong tumatagal ‘yung pag-retire– [buzzer]– natin sa coal plants. Sorry, wala nang oras.

    ANGELIQUE LAZO: Thank you VP. Talagang it's all related, ano? Father Jerome, may isa pang tanong, isang tanong na lang po galing po sa DYRX Cebu. Ano po ang mahihintay ng mga Cebuano sa inyong administrasyon kung bibigyan kayo ng panahon na makaupo bilang Pangulo. Concrete plans for Cebu, and I guess this applies to many places outside Imperial Manila, ano? Ang tawag nila kasi sa Maynila, imperial kasi dito naka-concentrate lahat ng power and benefits, et cetera. So, what about Cebu? What about the other big cities?

    VP LENI: Cebu kasi next to Manila, siya na talaga ‘yung opportunity. And ngayon, maraming opportunity sa Cebu na hindi pa natin nasusuportahan ng maayos. Halimbawa, isa sa mga opportunity talaga ng Cebu ay shipbuilding. And ‘yung shipbuilding number one na employment generator, ‘yung dalawang malaking shipbuilding companies in the Philippines, 48,000 ‘yung employees nito, and meron pa tayong space for more, pagbigyan lang natin ng tamang infrastructure for it. Halimbawa, in 2010, I think we were number four worldwide na ship– producer ng mga barko. Ito pag binigyan ng tamang tulong ng pamahalaan, grabe pa ‘yung iimprove ng industry.

    ‘Yung number two, ‘yung tech. ‘Yung tech industry sa Cebu is an opportunity that’s there. Malaki na ‘yung tech industry sa Cebu pero ang dami niya pang space para lumaki. I was there I think November or December, I met with the IT-BPO industry, and sinabi nila sa akin kung ano ‘yung mga kailangan nila. Kulang sila ng support from government. Ang sinabi nila na before marami silang suporta nakukuha, pero hindi sila ngayon nakakasabay, kasi kulang ‘yung suportang binibigay. Halimbawa, maraming available na trabaho sa tech, pero walang skills na available sa atin. So, dapat ang government nag-iinvest sa pag-upskill ng mga Pilipino, kasi maraming walang trabaho, maraming trabahong available, pero hindi nagma-match ‘yung dalawa. Pag sinabi nating skills training, hindi lang ito ‘yung training ng TESDA, pero pati ‘yung curriculum ng ating education system dapat linked siya sa industry para ‘yung pino-produce natin na mga graduates ay ready nang magtrabaho. Ngayon kasi, hindi ‘yun ready. Ang mga tech companies, ang reklamo nila, kailangan pa silang mag-spend ng too much money for training. Pero pag naging comprehensive ang plano ng pamahalaan ay wala na sanang ganito. Wala nang ganitong gap kasi naaasikaso natin.

    Halimbawa, ‘yung– balikan ko lang ‘yung sa shipbuilding – ang daming kailangan na welders, pero ‘yung mga skills ng mga welders natin ay hindi pa siya up to international standards. Hindi naman lahat, pero marami pa ‘yung hindi up to international standards. ‘Yung mga mahuhusay ang mga nag-aabroad, kasi ‘yung sweldo natin ay hindi competitive sa mga ino-offer abroad. So, sa atin, sobrang dami ng opportunity, halimbawa ‘yung maritime na sinasabi ko kanina, 400,000 sailors pero small percentage lang ‘yung mga opisyal– [buzzer]– ang layo ng suweldo ng– sorry [laughter].

    ANGELIQUE LAZO: Thank you po, VP Leni. Meron pa po kasi tayong mga nais pang gawin, ano ho. Like for instance, ‘yung pong– may tanong pa nga po sa Lucena City na hindi na po yata natin matatanong because we would like to ask you for your three-minute closing statement, ito ho ‘yung kung bakit niyo nais na kayo ang ihalal ng ating mga mamamayan bilang Pangulo po. So, you have three minutes for this, go ahead, please.

    VP LENI: Magko-closing na tayo?

    ANGELIQUE LAZO: Yes, closing na po and then we’d have the feedback of Bishop Gerry po to follow your closing statement and then ‘yung atin pong online covenant, which will be the last thing, opo.

    VP LENI: Gusto kong gamitin ‘yung three minutes to make an appeal, appeal not just for people to vote for me, pero an appeal for people to join us in this fight. Fight against disinformation. It is not just my fight, but it is the fight of every Filipino. This election is so different from the previous ones, in the sense na hindi na lang ito contest ng mga kandidato, pero ang isyu na dito what kind of government and politics would we want our country to journey on in the next six years?

    ‘Yung pangalawa, nakakatakot kasi the amount of propaganda and disinformation that’s been influencing the hearts and minds of Filipinos, na we don’t want the elections to be based on that. There will be no integrity of elections if there is no integrity of facts. And ‘yun ‘yung pinaka-problema natin ngayon. We have what, 68 days to go? We have 68 days to go and every Filipino should join us in this fight. Na sana ‘yung election na ito whether ako ‘yung tutulungan, some other candidate, di bale na. It’s not what matters now. What matters now is that people have the right information para maka-desisyon sila ng maayos. Ang pinakaayaw natin sa lahat na nagdedesisyon sila base sa kasinungalingan.

    So sa kin, I want to use this short time given to me to make an appeal, na let us all join hands. Whether ako ‘yung kandidato niyo, hindi ako ‘yung kandidato niyo, let us all join hands to fight propaganda, to fight disinformation. Kasi this elections is all about– di ba, if we will be electing the same people– [buzzer]. Sorry, kulang na ng oras. But I think I was able to say my piece already. Thank you, thank you for the time.

    ANGELIQUE LAZO: Okay, thank you po. One quick break na lamang po, VP Leni, and naka-standby po si Bishop Gerry for his feedback, ano ho, for his five-minute feedback; to be followed by our covenant signing dito po sa ating Catholic E-Forum.

    [BREAK 01:42:19 - 01:43:41]

    [Closing Remarks of Bishop Gerry Alminaza 01:43:50 - 01:53:12]

    VP LENI: Thank you very much, Bishop. Maraming salamat po.

    ANGELIQUE LAZO: At ngayon po tayo'y dadako na sa ating Online Truth Covenant. VP, do you have a soft-copy or a copy? There you go. Okay. We would like to request you to please– yes, read it on the air, para po marinig ng atin pong mga kababayan ang inyong pong commitment and at the end po please affix your signature dito sa covenant. Go ahead please, VP Leni.

    VP LENI: I, as leader of this country, pledge to support and promote the right of every Filipino to vote. I pledge to advocate truthful, responsible, upright, transparent, and honest elections in this 2022 synchronized national and local polls. I pledge to support campaigns that aim to motivate the Filipino people to take responsibility for the country by participating in the polls. We also exert great effort and exhaust all means to encourage every Filipino to responsibly exercise their right of suffrage.

    I pledge to avoid resorting to the politics of personalities and patronage, to refrain from using guns, goons, and gold. I pledge to strongly admonish our relatives, friends, followers, and supporters, to desist from using violence, deceit, fraud, and other unfair and dishonest practices. I will uphold the credibility and the integrity of the remaining campaign period and election process, and the dignity of the Filipino people.

    I will uphold the Constitution and support truth elections on May 9, 2022. I will remember always that we are God's steward on earth and must therefore promote at all times, a safe, clean, and wholesome environment, and an unequivocal respect and reverence for life. I commit myself to this Covenant signed on this second day of March, in the year of our Lord, 2022, at the Catholic E-Forum of Radio Veritas 846.

    I will sign the covenant already.

    FR. JEROME SECILLANO: Thank you for that, VP Leni. Marami ho na nakinig sa inyo, marami hong na-satisfy, but of course, alam naman natin ito sa politika, marami ding mga bashers. [laughter] Okay, so, pero good luck po sa inyo. At well, maraming maraming salamat sa pagbisita niyo din sa town po namin sa Libon, Albay. Taga-doon po ako. Taga-doon ako sa Libon–

    VP LENI: Yes po. Yes po. Thank you Father Jerome. Thank you po.

    FR. JEROME SECILLANO: Thank you po.

    ANGELIQUE LAZO: Okay, thank you po VP Leni. And before we say goodbye, we would like to ask for a closing prayer and a blessing po mula po sa ating Obispo, Bishop Gerry Alminaza.

    [Closing prayer and blessing for VP Leni 01:57:19 to 01:58:35]

    VP LENI: Thank you very much.

    [END 01:58:53]

     

    Posted in Transcripts on Mar 02, 2022