This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Interview at Kandidatalks: Negosyo, Trabaho at Kalusugan - The Presidentiables Series

    Vice President Leni Robredo Interview
    at Kandidatalks: Negosyo, Trabaho at Kalusugan - The Presidentiables Series
    GoNegosyo and OneNewsPH

     

    CHERYL COSIM: Marami pong salamat for taking the time, mangangamusta lang muna po muna ako. Kumusta po ang kampanya? Doon po sa nakikita namin, malaki po 'yung turnout ano, noong mga rally po ninyo. Bakit po sa tingin ninyo, ganito kainit ang pagtanggap po sa inyo?

    VP LENI: Ako– actually kami, nagulat. Nagulat kami kasi noong nagdesisyon kaming kumandidato– kami ni Senator Kiko– pinaguusapan na namin na inihahanda namin 'yung sarili namin sa isang malungkot– malungkot na kampanya. Coming from the last, almost six years that I was Vice President, marami 'yung mga kahirapan na hinarap– increasing by the day. 'Yung mga rallies namin ibang-iba siya compared to all the other elections. Kasi ngayon, lahat siya volunteer driven. 'Yung mga rallies namin on the ground, lahat volunteers 'yung nag-aasikaso. So, maraming mga lugar na walang local officials na kabahagi ng preparations pero each and every time na bumababa kami, grabe talaga 'yung– hindi lang 'yung number ng tao pero 'yung energy– 'yung energy ng kampanya. Ito 'yung nakakabigay ng kasiyahan and nakakawala talaga siya ng pagod. Nakakawala ng pagod kahit 'yung mga rallies ngayon, hindi siya 'yung kandidato kami, kami 'yung magsasalita all the time, hindi eh. Very engaged talaga 'yung audience from start to finish and kami as candidates we look forward.

    CHERYL COSIM: At makikita rin po ngayon na napapagusapan pag sa mga campaign rallies niyo po, 'yung mga placards, nagiging [overlap 1:35] ang mga placards.

    VP LENI: Oo, kasi ako, nakita ko kasi pinagpaguran ng tao eh. Karamihan sa mga placards hindi siya printed, talagang sulat kamay, tapos 'yung iba may mga cut-out pa na mga letters. Noong inumpisahan ko siyang basahin, parang to give value doon sa pagod na ginagawa. Pero apparently, gustong-gusto 'yun ng mga tao kasi they feel appreciated.

    CHERYL COSIM: Ano po 'yung pinaka tumatak sa inyo na slogan ng mga nakikita po ninyo? Meron akong nabasa, ay ah, "Binigay ko ang tiwala ko sa ex ko, ibibigay ko ang tiwala ko kay VP Leni."

    VP LENI: Ano talaga siya, from the more serious ones to the mundane, pero ano kasi siya eh, tingin ko ito 'yung puso ng kampanya na nabibigyan ng pagkakataon 'yung tao to express what they feel. Actually varied masyado 'yung topics na dinidiscuss saka depende din sa lugar.

    CHERYL COSIM: But VP Leni, nakikita natin 'yung dami ng tao na talaga sabi niyo nga po, mas involved sila. Pero nakikita din natin 'yung resulta ng mga numero. Nandiyan po ang survey na makikita natin na may kalakihan ang agwat ng kampo ni BBM sa inyo po. Hindi ho ba ito nakakasira ng diskarte o nakakapanghina po ng loob pag nakikita niyo na 'yung mga numero?

    VP LENI: Ako kasi coming from 2016, hindi ako na-aalarm. Actually alam ko naman na the other camp has been planning– has been preparing for this for so long. Kami talaga 'yung last minute, parang last two minutes 'yung aming preparation so talagang nahuli kami. Pero kung ang lesson kasi from 2016 and all the other elections, talagang 'yung ranking sa election day nade-decide talaga last two minutes din. Tinitignan ko 'yung numbers, malayo pa ako sa one and two. Nakahabol ako ng number two late April na. Nakahabol ako ng number one, 'yung week na ng election. At 'yung crowds it gives us a glimpse of the situation kung kailan 'yung survey ginawa, pero dapat mas nakaka-inspire siya sa amin na mas lalong magpagod. Pero kung nakaka-ano ito, discourage? Hindi.

    CHERYL COSIM: Ano pong masasabi niyo doon sa mga nag-aakusang bayad po ang mga pumupunta sa inyong rally at mayroon pang statement na ang CCP-NPA-NDF at kakampink ay magkakampi?

    VP LENI: Ako, unang-una hindi 'yun totoo. Number two, very irresponsible 'yung statements na 'yun kasi wala namang pagbabasehan. Pangatlo, insulto naman 'yun. Insulto 'yun– alam ko na statement 'yun ng isang politician from Cavite. Insulto sa mga provincemates. Nandoon ako, nakita ko 'yung tao, 'yung energy level ng tao from start to finish, pag bayad yata hindi 'yun ganoon. Wala naman akong nakita na mga truck o mga bus na nagdadala sa mga tao. In fact papunta doon, nakita ko ang daming naglalakad. And 'yung mga organizers on the ground, naglabas na sila ng official statement. Sila 'yung makakapagsabi. Dahil ang nag-organisa ng buong rally, 'yung production, sila, 'yung locals. Sila 'yung makakapagsabi kung meron ba doong binayaran. [inaudible 5:18] attend, sino niloloko namin? Di ba? Sarili din namin 'yung lolokohin namin. Tapos 'yung sabwatan, coalition ba o sabwatan, ewan ko kung anong term ginamit, ano 'yung basis? Di ba ano 'yung basis? Ako wala akong nakita at all na any indication na puwede kaming ma-accuse na nakikipagsabwatan kami.

    CHERYL COSIM: Let's talks about national issues. Isa po at patuloy nating kinakaharap ang hamon po ng pandemya. Papasok na po tayo sa recovery phase. Paano niyo po ma-aassess 'yung pagtugon ng pamahalaan sa kasalukuyang sitwasyon kung kayo po ay maluklok na susunod na pangulo– ano-ano po ang inyong ipagpapatuloy at ano-ano po 'yung inyong mga gagawin para po mabalanse ang ating hamon pagdating sa ating health and economy?

    VP LENI: Ako kasi para sa akin parang false dichotomy na health versus the economy eh. Ang economy naman natin pag naayos natin 'yung pandemic response natin, 'yung economy natin parang siya na 'yung susunod na maaasikaso. Kasi pag hindi natin naayos 'yung ating pandemic response, para tayong roller coaster. O-okay tayo, sasama, o-okay, sasama, and ito nga 'yung nangyayari. Kailangan i-make sure natin na 'yung ating health care system ay handa na kung merong mga surges na dadating ay hindi siya makakagrabe sa atin. Very basic naman 'yung lessons ng papaano natin susugpuin 'yung pandemic. Unang-una, 'yung testing. Pangalawa 'yung contract tracing. Pangatlo, 'yung treatment. Basic 'yun at 'yun 'yung lessons na nakuha natin sa iba.

    So para sa akin, 'yung una sa atin, unang gagawin dapat natin 'yung– halimbawa 'yung testing, gawin na nating national policy kasi dito tayo nag-waver ng matagal. Parang even during the last surge, pinaguusapan pa din natin kung magma-mass testing ba o hindi. Na 'yung lessons nga from other countries, the more accessible testing is, the better for all of us, the easier for all of us to control transmission. 'Yan 'yung number one. 'Yung number two, 'yung contact tracing. Hanggang ngayon, wala tayong platform. Wala tayong common platform for contact tracing. Pangatlo, 'yung treatment. Gaano ba kahanda 'yung health care system natin. Alam natin na during the surge lalo na noong Delta noong January of last year– ay hindi pala January, Feb. yata o March of 2021. 'Yung hospitals natin hindi talaga kinaya 'yung surge ng cases so dapat ihanda natin 'yun na pag nangyari siya ulit hindi na mauulit 'yung mga tao na namamatay while waiting for a hospital bed. And kapag sinabi natin na paghanda ng healthcare system, hindi lang ito mga ospital pati 'yung ating mga health frontliners. Naasikaso na ba natin 'yung mga pangangailangan nila?

    Halimbawa 'yung ratio ng doktor to population, 'yung ratio ng nurses to population, handa na ba? 'Yung number of hospital beds to population, handa na ba? Kasi pag tinignan natin 'yung lahat na datos hindi talaga– hindi talaga handa. Kulang na kulang tayo ng mga frontliners. Kulang na kulang tayo ng mga hospital beds. Kulang na kulang tayo ng mga ICU na dapat whether may pandemic o wala, inaasikaso natin 'yun para kung mag-surge ulit maaasikaso natin.

    Noong October, after I filed, naglabas kami ng Kalayaan sa COVID Plan na diniscuss namin ito. Meron 'yun tatlong bahagi: 'yung Kalayaan sa Gutom na kabahagi dito 'yung economy papaano natin aasukasuhin. 'Yung pangalawa, 'yung kalusugan, at pangatlo 'yung edukasyon. Kasi 'yung edukasyon isa siya sa sa mga pinakamatinding tama during the pandemic. 'Yung ating pinu-push before, 'yung mataas pa 'yung kaso na ang dami naman na mga lugar na low 'yung incidence, low 'yung threat. Ang ibang lugar walang kaso ng COVID. Dapat sana hindi hininto 'yung klase doon. Hininto lang siya doon sa mga areas na high-risk para 'yung mga bata hindi nag-suffer.

    Ang labas natin ngayon, dalawang taon na hindi pumasok 'yung mga bata sa klase. And merong isang study 'yung [McKinsey's 09:59] study nagpapakita na halimbawa 'yung effectiveness ng pagtuturo ng mga teachers five over ten lang kapag hindi face-to-face 'yung classes. 'Yung setback para sa kaalaman ng mga bata ay napakalaki na wala sila sa klase. So, kumpleto 'yung Kalayaan sa COVID Plan and available ito sa lenirobredo.com since October of last year.

    CHERYL COSIM: Thank you. Puntahan naman po natin 'yung utang ng bansa na mamanahin ng susunod na administrasyon na sinasabing aabot po ng around 12 trillion pesos. Pinepresenta ng economic team ng kasalukyang administrasyon ay additional taxes. Nandiyan po 'yung sinasabing additional taxes on cryptocurrency tax, excise– dadagdagan. Kayo po, kung kayo ang susunod will you consider ito pong mga proposal po na ito or may plano po– ano po ang inyong plano kung paano natin mababayaran itong 12 trillion pesos na utang?

    VP LENI: 'Yung pinakauna kasi, ang pag-utang hindi naman by itself masama lalo na during the pandemic na kinailangan talaga natin ng additional resources to fund 'yung maraming pandemic response. Pero 'yung pinakamahalaga kasing pangalawa na kailangan natin tignan, saan ba natin ginamit 'yung pera? Saan natin ginamit 'yung pera kasi 'yun 'yung kailangan nating tignan para makita natin kung mabuti ba 'yung pag-utang o hindi.

    As of now 'yung debt to GDP ratio more than 60% na. Para madalian tayo pagbayad noon, kailangan 'yung GDP natin, 'yung growth natin palakihin natin para nasa levels na hindi tayo mahihirapan.

    'Yung pangatlo, oras ng kagipitan ngayon. So, dapat 'yung pagdagdag ng taxes hindi siya 'yung priority. 'Yung priority papaano ba natin bubuhayin 'yung ekonomiya para kayanin natin 'yung pagbayad na hindi tayo nagbibigay ng additional burden doon sa mga dati nang grabe 'yung burden sa kanila. So, ito number one talaga– 'yun ang pinaka-overarching theme ng aming kampanya, "gobyernong tapat para aangat ang buhay ng lahat."

    'Yung paniniwala natin para mabuhay 'yung ekonomiya number one talaga ayusin 'yung pamamahala para 'yung confidence ng investors sa pamahalaan ay bumalik. At pag bumalik 'yung confidence na 'yun, maraming trabaho 'yung mabubuksan, matutulungan 'yung ekonomiya natin na mabuhay siya ulit. 'Yung growth rate natin mas maaayos. Hindi kakulangan ng taxes pero marami din tayong inefficiencies.

    Halimbawa sa collection, malaki 'yung inefficiency natin sa collection. Halimbawa 'yung tax base natin, napakaliit. Gustong sabihin kapag tiningnan natin, ang dami 'yung part ng labor force na hindi nga nagbabayad ng taxes. Dapat 'yun 'yung tingnan natin. 'Yung efficiency sa collection halimbawa, almost Php 0.50 per Php 100 'yung gastos natin sa kada nakokolekta. So, ang daming mga paraan para makakuha tayo ng revenues na hindi na tayo magpapahirap pa.

    CHERYL COSIM: Isa rin po sa nakikita o kadalasan naririnig po sa inyo, VP Leni, ay 'yung job creations. Although, may problema po tayo, ang sabi niyo po sa unang tatlong buwan na walang trabaho ang isang manggagawa ay sagot po ng gobyerno 'yung sahod niya. At sa ikaapat na buwan, wala pa rin siyang trabaho ang gobyerno ang– [crosstalk]

    VP LENI: – Magbibigay sa kaniya.

    CHERYL COSIM: – Maghahanap ng trabaho para po sa kanila. Maganda po ito pero saan po natin kukunin 'yung pondo ng sweldo. At anong mga klaseng trabaho ang masisiguro natin na macre-create para dito sa mga nangangailangan ng trabaho?

    VP LENI: Ito again, kabahagi ito noong nilabas na natin na detalyadong programa. Ang tawag natin dito, Hanapbuhay Para sa Lahat Program. 'Yung number one na-mention ko na kanina. Ang number one talagang kailangan gawin ayusin, 'yung pamahalaan para 'yung investors' confidence ay bumalik. Pag bumalik 'yung investors' confidence mas marami 'yung mag-iinvest dito sa atin, mas maraming trabaho 'yung macre-create.

    Pero 'yung pangalawa, in-identify natin 'yung mga industries na 'yung opportunities nandiyan, na hindi natin ngayon nama-maximize 'yung opportunities na 'yun. Tinawag natin 'yun na "blue," "green," saka "gold" industries. 'Yung blue 'yung maritime. 'Yung maritime napakalaki ng opportunity natin dito. Unang-una 'yung water resources natin napakalaki na hindi tayo nag-iinvest ng mas maraming pera para ayusin 'yung water resources natin.

    Pangalawa, tayo 'yung nagpo-produce ng napakaraming mga seamen. Parang a quarter of all the seafarers in the world, mga Pilipino. Tayo 'yung most sought after pero kahit ganoon, wala tayong Philippine Registry, wala tayong vessel na flag carrying. Isa 'yung malaking opportunity na kung merong vessel na– cargo vessel na dala ‘yung bandila ng Pilipinas, magbubukas siya ng napakaraming opportunities for us, 'yan 'yung pangalawa.


    'Yung pangatlo, ang kino-contribute ngayon ng seafaring industry sa atin 6% ng GDP. Pero pag tiningnan natin, sa dami ng mga seafarers around the world, na Filipino seafarers around the world, napakaliit na percentage 'yung mga opisyal. Karamihan mga able-bodied na seamen, na ang able-bodied na seamen parang on the average, ang sweldo nila mga 1,000 plus US dollars. Pero pag opisyal, between 6,000 to 15,000 US dollars. Kung ngayon napakaliit na percentage ang opisyal pero 6% ng GDP 'yung nako-contribute nila, imagine kung mag-iinvest tayo sa tao, mag-iinvest tayo sa education, sa training nung mga seafarers, para 'yung mga seafarers natin 'yung opportunity na makapag-opisyal sila, lumaki. Pag lumaki 'yung sweldo nila ang makikinabang, hindi lang naman pamilya nila, pati mga community nila makikinabang. 'Yung remittances, lalaki. 'Yung kinukuwenta natin ngayon na posibleng dagdag sa GDP from 6% to 12%, pag nag-invest lang tayo sa kanila. Ito 'yung example ng Blue industry.

    'Yung Green industry naman, opportunity din natin 'yung climate industries. Pag sinabi nating climate industries, pati 'yung paggawa ng mga e-vehicles. Meron tayong pool of talent na mag-invest lang tayo sa skills training saka sa proper infrastructure, napakalaking industry siya na puwedeng pagmulan. Na pati 'yung climate– parang climate-resistant na agriculture ay dapat mag-invest tayo. Tapos 'yung gold, 'yung tech, 'yung technology napakalaking opportunity for us. Kailangan lang tayong mag-upskill ng mga tao, kailangan tayong mag-invest sa technology infrastructure.

    Ito isang bagay na meron tayong opportunity na advantage natin over the others. Dahil sa talents na nandito sa atin. Tapos manufacturing, in-identify na natin 'yung mga sektor sa manufacturing na puwede nating buhayin kasi 'yung opportunity na nandoon. So, 'yun 'yung sa manufacturing. Tapos pangatlo 'yung assistance talaga to MSMEs, nagpo-propose tayo ng 100 million na pondo para buhayin ulit 'yung mga MSMEs na sila 'yung grabeng tinamaan during the pandemic. 'Yung kwenta mga 76,000 ng mga MSMEs 'yung nagsara because of the pandemic. And alam natin na 'yung ekonomiya natin propelled by these MSMEs–[crosstalk]

    CHERYL COSIM: 99.5%–

    VP LENI: 99.5%, saka siya 'yung pinakamalaking nagbibigay ng employment. So, pag tinulungan natin 'yung MSMEs, 'yung domino effect niya ang laki. Tapos 'yung susunod, 'yung sinasabing Public Employment Program, na 'yung unemployment insurance bahagi lang noon. 'Yung Public Employment Program, ito talaga 'yung gobyerno talaga 'yung mag-aasikaso ng employment. Meaning to say, dapat strategic saka dapat directed saka focused 'yung pag-create ng trabaho. Ang tinitingnan natin dito 'yung partnership ng National Government saka local government units sa pag-create ng trabaho. 'Yung sa unemployment insurance, ang ating target dito magkaroon ng parang 30 bIllion pesos na parang endowment fund na pang-umpisa.

    Pero sa atin kasi, again 'yung domino effect na pag may trabaho 'yung tao, gugulong 'yung ekonomiya. So, ito maraming– pag tiningnan natin saan natin kukunin? Marami tayong in-identify na sources na nasa budget na puwedeng i-realign. Maraming– pag tiningnan natin 'yung absorptive capacity ng mga agencies, identified na natin alin bang agencies binigyan ng ganitong budget pero hindi niya naman nagastos? Na 'yung pera nandiyan, may nangangailangan pero hindi nagastos ng nangangailangan kasi nandoon siya sa agency na hindi naman kayang gastusin noong agency 'yung budget. So, in-identify na natin 'yun at 'yung first year ng ating panunungkulan ay alam na natin 'yung gagawin, saan kukunin 'yung pera, ano 'yung ipa-prioritize natin.

    CHERYL COSIM: Okay. Sa pagbabalik po ng KandidaTalks marami pa tayong isyung pag-uusapan, kasama si Presidential candidate, Vice President Leni Robredo. At may mga makakasama din tayong sector representatives na magtatanong sa ating kandidato. Diyan lamang po kayo.

    [BREAK]

    CHERYL COSIM: KandidaTalks: Negosyo, Trabaho at Kalusugan, the Presidentiable Series. Kasama pa rin po natin si Presidential candidate, Vice President Leni Robredo. Pag-uusapan naman natin ang mga pagsubok na kinakaharap po ng ating mga kapatid na negosyante. Isa sa mga pinaka importanteng sektor ang negosyo, lalo na ang mga micro, small and medium enterprises na bumubuo nga sa 99.5% ng mga negosyo sa bansa. Sa punto pong ito, kasama natin si Presidential adviser Joey Concepcion, na ire-representa ang pribadong sektor at si Catherine Diquit para naman po sa mga MSMEs. At unahin po natin ang tanong ni Presidential advisor and GoNegosyo founder, Joey Concepcion. Magandang araw po sa inyo, Sir.

    JOEY CONCEPCION: Magandang araw din VP Leni, Cheryl. I wanted to get your thoughts dito sa– we're now– we've sort of solved the health side, and hopefully we continue. Now, the health of the economy is at stake, and we were not expecting itong Ukraine-Russia crisis. Nangyayari ngayon ito at tumaas na 'yung mga commodities, 'yung oil, 'yung trigo, 'yung skim milk, halos lahat ng mga commodities ay tumataas. 'Yung peso na-depreciate sa 52. Sinabi mo rin 'yung debt to GDP natin umabot over 60% dahil sa– the lockdowns that we had, of course. And all of these are creating these challenges. Ngayon humihingi na ng mga price increase ang private sector, and then of course you have the laborers asking for wage increases, so you could have a runaway inflation and a passive stagflation. So, as President, how would you confront this challenge?

    VP LENI: Ako marami talaga 'yung problema brought about by, parang 'yung Ukraine problem kasi parang na exacerbate eh. Na-exacerbate 'yung dati na nating problema because of the pandemic. So, ano ba 'yung mga implications noong Ukraine, many different levels siya eh. 'Yung number one, marami 'yung uuwi sa mga OFWs natin na crisis na uwi ito eh, hindi pinapag-planuhan. So, unang una 'yung pag asikaso sa kanila, making sure na meron silang kabuhayan pagbalik dito, 'yun 'yung number one.

    'Yung number two, talagang maaapektuhan pinakauna 'yung langis. Pangalawa, all the other commodities, halimbawa, 'yung flour, kasi wheat producing ang Russia saka 'yung Ukraine marami masyado ng mga products na ina– ano ito– consumer tayo. Doon muna ako sa langis, 'yung sa langis, even without Ukraine, magkaka problema na tayo. Magkaka problema na tayo, halimbawa kahit sa kuryente, magkakaproblema na tayo kasi meron siyang impending na supply deficit. So, ano 'yung lesson sa atin nitong Ukraine? Ang lesson sa atin noong Ukraine, hindi talaga tayo puwedeng last minute nag a-aksyon sa mga bagay bagay. Kailangan hindi pa nangyayari ay lagi na tayong handa. Halimbawa, 'yung kakulangan sa kuryente. Alam natin 'yung Malampaya by 2024 paubos na 'yun. So, ano 'yung pampalit natin doon? Marami ngayon na mga service contracts na application na hindi pa inaaksyunan, na dapat aksyunan na 'yun kasi saan tayo kukuha ng pampalit sa supply?

    'Yung aggressiveness sa paghanap ng ibang sources of energy, halimbawa, 'yung renewables hindi naman 'yun namamadali. 'Yung kwestyon na magshi-shift ba tayo— 'yung ating energy mix ba ay dadagdagan natin ng liquified natural gas. Again, may infrastructure 'yun na kailangan, na hindi din siya namamadali kasi napakalaking investment 'yung kailangan. 'Yun 'yung pagdating sa kuryente. Pagdating sa langis, kailangan nating desisyunan. Marami 'yung mga proposals, halimbawa, ang proposal 'yung automatic suspension ng excise tax. Pag nag suspend ng excise tax, 'yung matatanggal sa cost ng langis ay mga 10 pesos, mga 10 pesos per liter, malaki din 'yun. Pero ang tanong, kaya ba nating saluhin 'yung mawawala na revenue sa gobyerno? Ang tantya mga between 2 to 3 billion a month 'yung mawawala na revenue sa gobyerno. Saan natin 'yun huhugutin?

    Meron ding proposal na maging socialized 'yung exemption sa tax. Halimbawa, 'yung gasolina, kasi mas mayayaman 'yung nag gagamit ng gasolina, 'yun 'yung i-tax more. Yung mga halimbawa 'yung mas mahihirap, 'yung gumagamit ng kerosene o ng diesel, dapat mas maliit din 'yung taxation sa kanila. So, ang daming decision points na kailangan nang gawin ngayon. Parati naman siyang balancing act eh, parati siyang balancing act kasi 'yung number one, gusto natin kung ano 'yung pinakamagaan para sa mga kababayan natin. Pangalawa, kailangan din nating i-take into consideration 'yung kailangan na revenues ng gobyerno. Kaya para sa akin, kailangan talaga 'yung leadership, 'yung vigilance saka foresight, laging nandiyan para pag nangyayari 'yung mga crisis na ganito, meron kaagad tayo ng– meron tayong kasagutan na hindi tayo nauunahan ng pagkakataon.

    'Yung katanungan ni Joey na as President, ano 'yung gagawin? Para sa akin nga, 'yung vigilance saka foresight dapat number one 'yun. Meaning to say, hindi lang reactive, hindi lang reactive 'yung Presidente. Kailangan, napapaghahandaan 'yung mga problemang hindi pa nangyayari. Kasi kung gagalaw tayo na nangyari na, mas magiging mahirap for us, mas kapit patalim tayo.

    CHERYL COSIM: Kung kayo po ang kasalukuyang Presidente, ano agad agad 'yung inyong gagawing action para makasiguro na tayo po ay neutral, 'yun nga po, neutral ang ating stance, ano po, pagdating dito sa issue, pero suportado po natin itong United Nations Security Resolution, magkaiba po 'yun.

    VP LENI: Ako kasi, hindi ako agree na mag-neutral tayo. Hindi ako agree na mag-neutral tayo kasi klaro 'yung pagpipilian mo ngayon eh. Unang una, isa tayong bansa na naniniwala na 'yung international conflicts, dapat nire-resolve na rule of law 'yung tinitingnan at nakita natin na 'yung Russia without any provocation, gumawa ng isang act of aggression na tayo as a country na naniniwala na 'yung rule of law dapat 'yung mamayani, should take a stand. Kailangan tayo mag-take ng stand kasi papaano kung tayo ang nasa posisyon ng Ukraine? Hindi tayo mag-take ng stand ngayon, pag kailangan na natin 'yung ibang mga bansa to help us, wala sa ating tutulong kasi noong oras ng kagipitan, hindi natin inassert 'yung ating paniniwala, 'yun 'yung number one.

    Number two, sang ayon ako, sang ayon ako na sinuportahan natin 'yung UN Resolution, paniniwala ko 'yun 'yung tamang gawin. Pangatlo, tama 'yung ginawa natin na at the first instance, 'yung Secretary of Foreign Affairs nandoon sa Poland, personal na inaasikaso 'yung repatriation ng mga Pilipinong nandoon. 'Yung kanyang presence doon, nagbigay ng kalakasan ng loob sa mga Pilipinong nasa gitna ng laban. Pero 'yung repercussions na mangyayari in the succeeding days– presyo ng langis, presyo ng kuryente, presyo ng mga bilihin– kailangan tayo magdesisyon na ngayon. Ano 'yung gagawin natin? Halimbawa, balik ako doon sa presyo ng langis, kailangan na natin pagdesisyunan. Isu-suspend ba natin 'yung excise tax? Kung isu-suspend natin, makakagaan 'yun para sa mga kababayan natin, pero handa ba tayo sa mawawala sa atin o magdesisyon na tayo kung hindi natin isu-suspend 'yung excise tax, ano 'yung kapalit noon para 'yung mga mahihirap ay mas magaanan? Puwede din tayong hindi natin isu-suspend pero magbibigay tayo ng ayuda. Magbibigay tayo ng ayuda doon sa mga pinakamaaapektuhan, puwede 'yun. So, pero 'yung sa akin nga, kailangan natin gawin at once.

    CHERYL COSIM: Speaking of the energy, inaprubahan po kamakailan ni Pangulong Duterte ang isang executive order. Kasama ito doon sa tinatawag po na energy mix ng Pilipinas ano po, 'yung kinabibilangan ng coal, hydro, at natural gas. Kayo po, ipagpapatuloy– kasi 'yung susunod na administrasyon na ito eh– ipagpapatuloy niyo po ba itong polisiyang ito ng Duterte government?

    VP LENI: Ito kasi, may commitment tayo. May commitment tayo na by 2050, sa COP26, carbon neutral na tayo. Mahalaga na pag binigyan ako ng pagkakataon, ang una kong aasikasuhin, ano ba 'yung road map natin para 'yung commitment natin, matutugunan natin? Totoo na 'yung parang year of reckoning, hindi ko na termino. Pero dapat, meron na akong target na milestones na by this year, dapat 'yung energy mix ganito na, by this year, ganito na. Kasi ang daming kailangan asikasuhin. So ang tanong ko lang, meron na ba tayong road map ng pag-retire natin ng mga coal plants? Kasi siyempre, 'yung mga naglagay ng coal plants, meron silang investment na ire-recover di ba? So, napag-usapan na ba ito? Meron na bang road map para dito? 'Yung para sa akin, ito 'yung kailangan inaasikaso na natin ngayon para 'yung commitment natin sa carbon neutrality ay ma-accomplish natin.

    CHERYL COSIM: Sa taon na kailangan na?

    VP LENI: Sa taon na kailangan na.

    CHERYL COSIM: Pakinggan naman po natin, VP Leni, yung tanong ni Catherine Diquit, GoNegosyo KMME Mentee graduate, mula po sa Cavite at owner ng Likhang Maragondon Business.

    CATHERINE DIQUIT: Magandang araw po, VP Leni and Ms. Cheryl.

    VP LENI: Magandang araw.

    CHERYL COSIM: Hello.

    CATHERINE DIQUIT: Ayon po sa 2015 study ng British Council Philippines tungkol sa mga social enterprise sa Pilipinas, tinatayang nasa 164 thousand plus ang bilang ng social enterprises sa ating bansa, na bumubuo sa 17 percent ng mahigit 987 thousand na rehistradong mga kompanya. Sa mga social enterprise na ito, 70 percent ay micro, small, and medium sized enterprises, 23 percent ay non-government organizations, at 6 percent ay mga kooperatiba. Kung ang layunin ng social entrepreneurship ay maglalagay sa ating bansa sa posisyon upang epektibong makatulong sa pagkamit ng sustainable development goals sa taong 2030, will your administration be inclined to push the principles of social entrepreneurship sa buong bansa? Bilang isa ring priority industry, anong mga batas ang iyong mga isusulong at suporta na ibibigay sa mga social enterprise?

    VP LENI: Ako, definitely. Actually in the last almost six years that I was Vice President, we worked very very closely with social enterprises. And yung pinaka-advantage kasi ng social enterprises mas focused. Mas focused ang social outcomes talaga, ito yung targets ng social enterprises, mas localized din. Mas localized so hindi lang mas focused, pero mas strategic as far as targets are concerned. So ang paniniwala ko, napakahalaga sa ekonomiya natin 'yung presence ng social enterprises. Ang pinaka problema talaga niya, access to capital. Meron ngayong dalawang bills na pending before the Senate. Yung pinaka-unang bill ay bill na finile ni Senator Leila De Lima, na para siyang amendment to the MSME Law, na binibigyan niya ng mas magaan o mas malaking tulong 'yung mga MSMEs, kasama na 'yung mga social enterprises.

    Halimbawa, 'yung isa nito naglalayon na yung mga local government units mag set aside ng 10 percent ng kanilang budget for programs, na itong 10 percent na ito, ise-set aside nila na 'yung procurement, bibilin nila from MSMEs. So, malaking bagay ito kung may naka set aside talaga, parang cast in stone na kailangan talaga, rather than give everything, ‘yung all the business opportunities, to more established businesses, may 10 percent talaga for MSMEs. Tapos 'yung pangalawa, 'yung bawasan ng 20 percent 'yung logistics– shipping, delivery, pag MSMEs yung concerned para mas mababa 'yung cost para sa kanila. Marami pa itong ibang mga provisions, pero naglalayon siya na maging mas magaan.

    Ito naman for agri, for farmers. Merong matagal nang batas na fi-nile, 'yung tinatawag na "Agri Agra Law", na meron sana siyang provision sa batas na 'yung mga bangko, kailangan may sine-set aside na pondo. Ano ito, 10 percent at saka 15 percent para ito sa mga DA saka sa mga DAR na partner communities. Sine-set aside itong perang ito, para sana pang tulong sa kanila. Gustong sabihin para meron ng handang naka set aside para ma-access nila as capital, pero kailangan natin balikan 'yung batas kasi ngayon ang ginagawa ng maraming bangko, nagpe-pay nalang sila ng penalty, pero hindi sila nagpapa-utang kasi natatakot sila sa pag bayad sa kanila. Kailangan natin itong balikan kasi circumvention ito sa intent ng batas. Kaya nga nagkaroon ng ganiyan na batas para 'yung access to capital ng mga maliliit ay available. So, available 'yung pera dahil nasa batas siya, pero hindi siya pinapa-utang dahil natatakot karamihan. Iba-iba 'yung dahilan pero at the core of it, natatakot 'yung mga bangko na magkaroon ng problema sa pag bayad sa kanila. So, para sa akin, kailangan natin itong i-review, papaano ba mai-implement, halimbawa baka naman ang baba kasi ng penalties kaya nagbabayad nalang sila. 'Yung kailangan na amendment siguro ng batas ay maging mas mahirap para sa bangko na hindi sila mag-comply.

    CHERYL COSIM: Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang KandidaTalks, kasama si presidential candidate, Vice President Leni Robredo.

    [COMMERCIAL BREAK]

    VP LENI: –pagkasira ng mga Pilipino, alam natin na 'yung social cost napakalaki na. Marami tayong mga horror stories na naririnig, 'yung mga nawawala na mga e-sabongero. 'Yung mga nagpakamatay, 'yung mga bata na nagkakaroon ng access sa gambling, 'yung mga pamilya nag-aaway away, 'yung mga ipon ng mga– alam mo 'yun– may mga OFWs na ang tagal iniwan 'yung pamilya para makapag-ipon tapos because of e-sabong, naubos 'yung ipon. Ang dami na nating naririnig and kailangan natin itong pakinggan. Kailangan natin itong pakinggan dahil hindi worth ng kahit anong laki ng government revenue kung ang kapalit nito pagkasira ng ordinaryong Pilipino. Paniniwala ko talaga, kailangang isuspend na ito at the soonest possible time. Maimbestigahan kung itutuloy ito in the future, ano ba 'yung safeguards na hindi mangyayari 'yung mga nangyayari ngayon. Worth ba 'yun ng perang nakukuha ng pamahalaan? Para sa akin hindi eh. Para sa akin pinaka mahalaga na 'yung pag pangangalaga sa– hindi lang sa morality ng Pilipino pero pangangalaga sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino 'yung inaasikaso natin.

    CHERYL COSIM: Isa rin po na patuloy na nagiging issue ay ang contractualization at endo. Inasahan ng marami na mangyayari 'yan–magtatapos 'yan sa kasalukuyang administrasyon–pero vineto po ni Pangulong Duterte ang Security of Tenure Bill. Sa mga bagong negosyo, VP Leni, manggagaling 'yung mga bagong trabaho pero kung walang contractualization, maraming small at medium enterprises businesses 'yung hindi po maeenganyo. How do you balance this? 'Yung job creation versus business incentives?

    VP LENI: Para kasi sa akin, Cheryl, kailangan hindi tinitignan ang employer saka employees na magkatunggali. Kailangan tintignan sila na partners in development. Meaning to say, para makakuha ng tamang balance dapat nag-uusap 'yung pareho. Meron mga pangangailangan 'yung mga employees na kailangang isaalang-alang dahil kabuhayan nila ito. Pagbuhay ito ng pamilya. 'Yung mga employers kailangan pakinggan kasi sustainability ng mga negosyo ay mahalaga para 'yung negosyo ang magpatuloy. Meron nang nakalabas sa kongreso na version ng Security of Tenure Bill na hindi siya perpekto pero para sa akin, important first step na sana 'yun. Na ang paniniwala ko. 'yung version na 'yun inupuan. Inupuan ng pareho, mga workers saka mga employers. Pareho– pareho from the side of the employees saka from the side of the employers, kulang– kulang pero ganoon naman 'yung compromise eh, hindi nabibigay 'yung lahat mong gusto, pero at least umaabante ka, at least umaabante ka. So, para sa akin, mahalaga na maipasa 'yung Security of Tenure Bill dahil kabahagi ng bill 'yung pag asikaso din ng mga definition– definition under the Labor Code. Halimbawa ngayon, ano ba 'yung bawal? Bawal 'yung labor only contracting pero merong mga legitimate job contracting na puwede siya, puwede siya na mangyari. Pero pag hindi kasi ito pinag-usapan, nandoon lang tayo sa pag very contentious siya, wala talaga tayong mapapala. Parati lang may finafile na bill, hindi maipapasa, ito nasayang ako actually nito.

    CHERYL COSIM: We have to start somewhere.

    VP LENI: Nasayang ako nito kasi mahalagang first step sana siya kasi hindi naman siya, again, hindi naman siya cast in stone na hindi siya puwedeng i-amend at a later time, pero to be able to have a Security of Tenure Bill will give the– parang employees the protection that they need. Siguro hindi ito hundred percent, pero meron nang gains. So, ako kung ako 'yung pangulo, ang gagawin ko papaupuin ko sa iisang– sa iisang lamesa 'yung representatives ng labor saka representatives ng employers para mag-come up ng isang version na acceptable sa kanila pareho. So, sa akin, pag ako naging pangulo, i-pupush ko, i-pupush ko 'yung passage ng isang version na acceptable to both.

    CHERYL COSIM: VP Leni dito po tayo sa tanong ng isang netizen natin mula kay Karen Ilo. "Kung ikaw ang susunod na magiging presidente, kaya mo bang paunlarin at bigyan ng magandang oportunidad ang bawat mamamayan upang hindi na mangibang bansa? Kaya mo bang paunlarin at pagyamanin ang ating bansa? Bawat pangako mo, magagawa mo ba ito sa tama at malinis na paraan?

    VP LENI: Alam mo–

    CHERYL COSIM: Mukhang may hugot itong si Karen, VP.

    VP LENI: Ako hindi ko siya mabe-blame dahil bawat eleksyon puno ng pangako. Marami sa mga pangako 'yung napapako. Lahat kaming kandidato wala naman sigurong magsasabing hindi namin kayang gawin, di ba. Pero sa akin ano ba 'yung proof na kaya kong gawin? 'Yung aking track record. Wala akong pinangako na hindi ko nagawa. Hindi ako nangangako kung hindi ako siguradong magagawa ko 'yun.

    Pero 'yung paniniwala ko kasi dapat 'yung leadership empowering. Meaning to say, hindi ako naniniwala na ako lang 'yung may solusyon sa lahat. Pero magsis– sisiguruhin ko na magbibigay ako ng isang environment na kung saan 'yung ordinaryong mamamayan meron siyang boses sa pamamahala. Meaning to say, hindi ako naniniwala sa trickle down approach ng pagbababa ng programa. Pero ang pinapaniwalaan ko lagi bottom up na sa pinaka-unang stage ng paggawa ng programa kabahagi na 'yung ordinaryong mamamayan. Ito 'yung dahilan kung bakit nag-file ako ng empowerment bill sa Kongreso para bigyang buhay ito.

    Ito din 'yung dahilan kung bakit advocate ako ng bottom-up budgeting na nagsisiguro na 'yung budget ng pamahalaan ay nanggaling talaga sa baba. Hindi 'yung nagdedesisyon kami lang. So, 'yung mapa-promise ko ganoon na klaseng pamamahala. Mapa-promise ko na klase na pamamahala malinis at matapat. Huwag lang tayong makinig sa mga plano namin pero pag-aralan 'yung track record namin. Anong klase kaming magtrabaho? Anong klaseng pamahalaan 'yung aming sinusulong? 'Yun 'yung assurance na gagawin namin 'yung mga pangako namin sa inyo.

    CHERYL COSIM: And, VP Leni, bago po tayo magpaalam at pasalamatan po kayo ay may isa lamang po kaming katanungan para po sa lahat ng kandidato. Ano po ang mga prioridad ninyong programa o plataporma sa unang isang daang araw ng Administrasyong Robredo?

    VP LENI: Ako tatlong bagay. Dahil nanggagaling tayo sa pandemic, 'yung pinakauna talagang gagawin natin: asikasuhin 'yung lahat na epekto– masamang epekto ng pandemic. Nandiyan– 'yung number one talaga hanapbuhay. 'Yung hanapbuhay ito 'yung pinakamalaking problema namin ngayon– natin ngayon. Sa pag-iikot namin on the ground, ito 'yung hinaing ng pinakamarami. Papaano natin aasikasuhin 'yung hanapbuhay? Ayusin natin 'yung pamamahala para masiguro natin na 'yung trabaho magiging available for everyone. And hindi ito basta-basta trabaho pero trabahong dekalidad.

    'Yung pangalawa, 'yung kalusugan. Gaya ng sabi ko kanina kailangan nating ayusin 'yung ating healthcare and hindi lang ito in the context of the pandemic pero ito 'yung klase ng healthcare na kahit wala kang pambayad meron kang pamahalaan na masasandigan. Marami kami– mahaba 'yung aming listahan ng pangako dito. Halimbawa number one, dapat bawat Pilipino may access sa doktor na walang bayad.

    Pangalawa, dapat bawat barangay may nurse. 'Yung community-based na health services ay aasikasuhin natin. Meron tayong targets pagdating sa frontliners, pagdating sa number of beds bawat ospital. 'Yung ating target lahat na regions magkaroon ng tertiary hospital para hindi na kailangan lumuwas pa ng Maynila 'yung nangangailangan ng medical health. Lahat ng probinsya saka mga highly urbanized cities kailangan at least may secondary hospital.

    'Yung pangatlo, 'yung education. Even before the pandemic, grabe na 'yung education– 'yung status ng ating edukasyon na lagi ko ngang inuulit-ulit dati na mag-declare na tayo ng education crisis. 'Yung ating showing sa mga international assessments ay lagi tayong nasa huli. Kawawa 'yung mga bata. So, 'yung sa akin 'yung pag-asikaso talaga na magkaroon ng dekalidad na edukasyon na hindi magiging sagabal 'yung kahirapan para 'yung mga anak natin mabigyan ng klase ng edukasyon na dine-deserve nila.

    Tayo naman mga magulang wala naman tayong ibang pangarap para sa mga anak natin kundi mapag-iwanan sila ng isang edukasyon na maghahanda sa kanila para sa kinabukasan na mas stable.

    So, itong tatlong ito, ito 'yung ating aasikasuhin in the first three months pero hindi ito mangyayari kapag hindi natin inayos 'yung pamamahala. Kaya sa atin ang sinisiguro natin we will fix government. We will make sure that we give you the kind of government that you deserve. 'Yung pamamahala na matino at mahusay at matapat at masipag.

    So, ito day one ng ating Presidency magtatrabaho na kaagad tayo and 'yung pag-inspire sa taong mag-ambag sa pamamahala ay magiging priority siya para sama-sama tayo sa pagbuo ng isang bansa na pinapangarap natin lahat.

    CHERYL COSIM: VP Leni, marami pong salamat. Thank you for taking the time to come over.

    VP LENI: Thank you. Thank you for having me.

    CHERYL COSIM: Salamat po.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 24, 2022