This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at The Jessica Soho Presidential Interviews

    Vice President Leni Robredo
    at The Jessica Soho Presidential Interviews

    Opening question - Diagnosis at solusyon sa problema ng Pilipinas
    YT Link: https://youtu.be/JtQTFUVEsqc

    JESSICA SOHO: Para maging patas, magkakaroon ang mga presidential aspirant ng magkakaparehong tanong sa ilang pagkakataon at pare-parehong oras o time limit ang pagsagot sa bawat tanong.

    Nagbunutan din sila para sa pagkakasunod-sunod sa pagsagot sa mga ito. At narito na ang unang tanong para sa lahat ng aspirants na kanilang sasagutin sa loob ng 45 seconds.

    What is wrong with us? Ano ang inyong diagnosis o sa tingin niyo ay sakit nating mga Pilipino o ng ating bansa at ano naman po sa inyong palagay ang gamot dito o prognosis for recovery?

    [01:26] VP LENI: Ako number one, hindi tayo natuto sa mistakes in the past. Maraming mga leksyon na naibigay sa atin sa mga pagkakamali natin noong nakaraan pero paulit-ulit natin itong ginagawa at parang hindi tayo natututo. ‘Yun ‘yung number one.

    And ‘yung prognosis nito kailangan talagang ma-embed na siya sa ating educational system para bata pa lang naiintindihan niya na kung ano ‘yung mali at ano ‘yung tama, para hindi natin paulit-ulit na nagagawa ulit ‘yung mga maling nangyari in the past.

    ‘Yung number two, ‘yung values system. ‘Yung values system natin, ‘yung paniniwala, pag-uugali, parang nakakalimutan natin from time to time na baka ‘yung educational system din natin ‘yung makakatulong nito. [02:06]


    ***
    Personality
    YT Link: https://youtu.be/YGGgOePFbCk

    JESSICA SOHO: Number 20. Ano po ang isang bagay na hindi pwedeng mawala sa inyo?

    VP LENI: Siguro ‘yung aking Holding Cross. Lagi ko itong hawak all the time, lagi kong dala all the time.

    JESSICA SOHO: Number 9. Sino sa mga bayani ang gusto niyong makausap?

    VP LENI: Jose Rizal. Dahil ‘yung– ‘yung pinagdaaanan niyang panahon napakahirap. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya ‘yun nalagpasan. At papaano niya natutunan ‘yung mga lessons na natutu– na tinuro niya sa’tin despite the very difficult times.

    JESSICA SOHO: Question number 10. Kung hindi ka kandidato, sino ang iboboto mo sa mga tumatakbo ngayon for President?

    VP LENI: Manny Pacquiao. Kilala ko siya at alam ko na napakasinsero niyang tao.

    JESSICA SOHO: Question number 4. Ano ang iyong guiding principle sa buhay?

    VP LENI: Na laging gumawa ng tama at i-treat yung ka– ‘yung i-treat ‘yung ibang tao kung papaano natin i-treat ‘yung sarili natin.

    JESSICA SOHO: Question number 19. Ilang oras ka nagtatrabaho sa isang araw?

    VP LENI: Ako siguro on the average mga 18 hours. 18 hours a day. Kasi on the average mga anim na oras ‘yung tulog ko.


    ***
    Issues Q&A
    YT Link: https://youtu.be/vxqxqUnMVAM

    [00:30] JESSICA SOHO: Noong 2017, sinabi po ninyo na maaaring nakakapanlulumo ang sitwasyon ng inyong partido ang Liberal Party and "It's time to work, It's time to rebuild the party", pero ngayon hindi po ba para hong inabandona ninyo ang Liberal Party when you declared yourself as an independent candidate sa pagtakbo sa Mayo?

    VP LENI: Hindi ako umalis ng Liberal Party Jessica, Hindi ako umalis ng Liberal party pero- kaya ako nagkandidato as independent kasi gusto namin hindi ilimita sa partido namin sa makakasama sa labang ito. By running independent we hope to convey the message that we are open to everyone even those not belonging to the party. So sa akin Liberal Party member pa rin ako pero kumakandidato ako as an independent not as a Liberal Party member.

    JESSICA SOHO: Sa kasaysayan wala pa pong independent candidate na nanalo for President. Sa tingin po ninyo mababago po ninyo ito?

    VP LENI: Ako, there is always the first time. Yung- yung sa akin tingin ko nga baka- baka fresh start ito para sa bansa natin. Na yung- yung uupo na presidente ay presidente hindi lang nanggaling sa isang partido pero presidenteng bukas sa kahit anong partido. Kaya- kaya ito Jessica ano ito maraming first na nangyayari ngayon. Maraming first na nangyayari pero yung mensaheng gusto natin i-convey na bukas tayo para sa lahat. Papakinggan kahit- kahit hindi kapartido. Ganun naman ako sa lahat ng eleksyon na pinasukan ko. Na pagkatapos ng kampanya, tapos na yung politika trabaho na. kabahagi na yung lahat, papakinggan yung lahat.

    JESSICA SOHO: May mga patutsada na you've failed to unite the opposition. Hindi nyo raw napag-isa ang ibang mga kandidato. Parang failure ho ba ito on your part as a leader?

    VP LENI: Ako aaminin ko sayo Jessica frustrated ako nung hindi nangyari. Frustrated ako kasi iniisip ko ito sana yung best chance for us to unite under one candidate. Pero nung hindi sya nangyari at ultimately kumandidato ako, ang daming nangyari after that na maraming mga sumali sa aming grupo na hindi naman kasali sa aming partido. Gusto ko sabihin kahit hindi ko siguro yun na unite yung mga presidential contenders, ang naging successful tayo in u- uniting so many different groups na non-politicians at ito ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon kahit yung mga politicians na kabahagi natin sa kampanya ngayon iba-ibang partido din yung pinanggalingan.

    JESSICA SOHO: At this point po ba impossible nang magkaroon pa ng unification among all the other candidates?

    VP LENI: Mas mahirap ngayon na nakapag-file na kami kasi invested na ‘yung lahat. Marami nang supporters na invested pero hindi imposible. Sana magkaroon pa din ng pagkakataon na ‘yung opportunity i-unite ay ma-grab namin pero I would have to admit na it would be more difficult now than before– before the filing.

    JESSICA SOHO: Matagal niyong pinag-isipan bago kayo nagdesisyon na tumakbo for President. Sinabi niyo rin noon na kung kayo ang pipiliing kandidato ng united opposition, tatakbo kayo, pero kalaunan sinabi niyo rin na basta laban kay Bongbong Marcos ay lalaban kayo kaya tuloy ang puna sa inyo, kaya lang kayo tumakbo ay para labanan si Marcos na para bang ‘yun ang inyong primary motivation for running.

    VP LENI: Hindi ‘yun ‘yung primary motivation pero that is one of the factors that helped me decide to run, pero ito kasi naaalala naman natin merong 1Sambayan, merong isang multi-sectoral na pagkakaisa ng mga iba’t ibang grupo na ito sumailalim tayo sa proseso and ‘yung commitment ko doon na kung ako ‘yung napili ay kakandidato ako. Pag hindi ako ‘yung napili kung sino ‘yung napili ng grupo ay susuportahan ko ‘yung kanilang choice. And because of the fact na ako ‘yung pinili nila, nag-comply ako sa commitment.

    Pero alam mo, mahaba ‘yung– mahaba ‘yung journey pero I think I made the right decision.

    JESSICA SOHO: Napaka-polarized ng ating lipunan. Hati-hati, hindi magkaisa, noon hanggang ngayon.

    Paano ho kaya ‘yun pag kayo ang nanalong Pangulo. Paano niyo pagiisahin ang Pilipinas? Paano niyo pagbubuklurin ang mga Pilipino kahit pa ‘yung mga hindi sumuporta sa inyo? ‘Yung mga pro-Marcos?

    VP LENI: Ako dapat talaga Jessica merong mechanism para bigyan ng boses lahat kahit hindi mo kasundo. ‘Yung aking palagay ‘yun ‘yung ating missed opportunity after 2016, na dapat sana after 2016, after the campaign, ay ‘yung mga naka-upo ay nag-extend ng hand para siguraduhin na ‘yung hindi kasama sa laban ay nagkaroon ng pagkakaisa.

    JESSICA SOHO: Meron kayong supporters na nagsagawa ng crowdfunding o paglikom po ng pondo para sa inyong kandidatura pero ayon sa Comelec, kailangan maging maingat ang mga kandidato sa pagtanggap ng mga donasyon lalo pa pag mula sa foreigners na bawal sa batas. Paano niyo sinisigurong lehitimo ang inyong mga donor?

    VP LENI: Unang-una, hindi ako kabahagi noon. Pangalawa, noong ginagawa na nila ‘yun, talagang sinabi namin sa kanila ‘yung mga bawal. And in fact, tiningnan namin ‘yung parang ano ‘to, parang social media account kung saan ginagawa ‘yung fundraising. Meron doong mga– meron doong mga ano ‘to, mga disclosure, ano ‘yung inyong citizenship. Nakalagay doon na ‘pag hindi ka Pilipino hindi ka puwedeng mag-donate. So, ano sila, well-informed, and ‘yung kanilang naso-source na funds ay ginagamit para sa activities ng mga volunteers din. So, none of that amount, ni-receive namin.

    JESSICA SOHO: How do you make sure that those donations do not come with strings attached or donations in general?

    VP LENI: Ako, unang-una, Jessica, I think ito nga ‘yung pinakamabisang paraan, na iba ‘yung nagso-solicit, iba ‘yung nagka-crowd fund– ah, nagka-crowdsource, iba din ‘yung gumagastos ng funds na nalikom. Wala akong personal relationship sa– wala akong personal relationship sa mga nagdo-donate. Walang commitments na binibigay kasi– kasi ano ‘to, parang independent activity ng mga volunteers.

    JESSICA SOHO: Ito ho ‘yung medyo kontrobersyal sa inyo. Sinabi niyo na tanggapin ang pera, pero iboto kung sino ang nasa konsensya. Kalaunan, nilinaw niyo ‘yun at sinabing hindi kayo pabor sa vote buying, pero dapat bukas ang mata natin sa realities on the ground. Exact quote ho ‘yun sa inyo. Sinabi niyo rin na hindi maayos ang pag-implement ng regulations sa vote buying. ‘Yun nga lang, sinabihan po kayo ng COMELEC na vote buying pa rin daw ‘yun – bawal, hindi dapat ginagawa at hindi dapat sina-suggest sa mga botante. Pinaninindigan mo pa rin ba ang nauna mong pahayag na tanggapin ang pera at iboto ang nasa konsensya?

    VP LENI: Jessica, ako, dalawang eleksyon na ‘yung aking dinaanan. Hindi lang ako, pero ‘yung asawa ko, anim na eleksyon ‘yung pinagdaanan. Bawat eleksyon nagrereklamo kami. Bawat eleksyon nagrereklamo kami na ang vote buying activities na nangyayari sa paligid namin ay tuluy-tuloy. Hindi natin nai-implement ‘yung batas na maayos. And dahil dito, lalo lang na– lalo lang na parang namamayagpag– lalo lang namamayagpag ‘yung mga namimili ng boto. ‘Yung sa’kin, tayong mga hindi naniniwala sa pagbibili ng boto, ano ‘yung gagawin natin? Sasabihin natin na kahit– kahit kayo tumanggap ay dapat gamitin niyo pa din ‘yung konsensiya niyo. Pero sa’kin, Jessica, ‘yung realities on the ground, nangyayari siya eh. Nangyayari siya and it is up for government–Comelec, ‘yung PNP, kung sino pang mga law enforcement agencies, na siguruhin sana na hindi ito pinapayagan.

    VP LENI: And dahil dito, lalo lang na– lalo lang parang namamayagpag ‘yung mga namimili ng boto. ‘Yung sa’kin, tayong mga hindi naniniwala sa pagbibili ng boto, ano ‘yung gagawin natin? Sasabihin natin na kahit– kahit kayo tumanggap ay dapat gamitin niyo pa din ‘yung konsensiya niyo. Pero sa’kin, Jessica, ‘yung realities on the ground, nangyayari siya eh. Nangyayari siya and it is up for government – Comelec, ‘yung PNP, kung sino pang mga law enforcement agencies, na siguruhin sana na hindi ito pinapayagan.

    JESSICA SOHO: Kung ikaw ang mananalong pangulo, paano mo sisiguruhing matitigil na ang ganitong kalakaran?

    VP LENI: Lahat kasi, Jessica, nag-uumpisa sa pagiging mabuting halimbawa. Lahat nag-uumpisa sa pagiging mabuting halimbawa sa hindi pagko-condone ng mga masasamang ginagawa. Ginawa namin ito sa Office of the Vice President. Noong umupo kami, Jessica, pinagtrabahuhan namin ‘yung aming ISO certification. Pinagtrabahuhan namin ‘yung ka– ‘yung aming unqualified COA audit rating, na ito pagpapakita na ang– ang aming sinusulong malinis na pamamahala. Ito dapat kami ‘yung maging ehemplo at inspirasyon para ‘yung lahat ay gagaya sa aming pinapakita sa kanila.

    JESSICA SOHO: Sa mga tumatakbo sa pagkapangulo, kayo ang nasa pinaka mataas na pwesto. Kayo po as Vice President. Pero kayo rin ang may pinaka maikling karanasan sa pulitika. Sa inyong palagay, hinog na ba kayo o handa para sa pinaka mataas na posisyon sa gobyerno?

    VP LENI: Jessica, maiksi ‘yung aking panunungkulan sa pulitika pero long before I became a politician, I was already a public servant. Nakita ko na ‘yung iba’t-ibang sides ng coin. Development worker ako for a very long time. Talagang ‘yung aking pagsisilbi ay nasa pinaka laylayan ng lipunan. Itong aking ekspiryensya, karanasan sa pakiki– pakikipagtulungan sa pinaka mahihirap, nadala ko ito at ‘yung mga aral nito noong ako ay nag-congresswoman. Dala dala ko ito noong ako ay nasa Office of the Vice President na. And para sa’kin ito ‘yung mahalaga. Mahalaga na ‘yung nakaupo ‘yung puso niya nasa pagsilbi talaga sa pinaka mahihirap.

    JESSICA SOHO: Ina ng bayan ang tingin sa inyo ng inyong mga taga-suporta. Pero may mga nagsasabi at naniniwala na ang kailangan daw ng bansang katulad ng Pilipinas ay pangulong may kamay na bakal. Ano pong reaksyon niyo rito?

    VP LENI: Ako depende sa kung papaano mo dine-define ang kamay na bakal. Kung ang kamay na bakal pagpapakita ng katapangan at me– in many stages in my being a Vice President, Jessica, pinakita ko to.

    Unang-una noong ako ay tinanggal bilang– bilang HUDCC chairman, pinagpatuloy ko yung adbokasiya. Walang pagkatakot na sabihin yung mga nararamdaman kahit yun ay ikakagalit sa kin ng mga namumuno. Noong in-offer sa kin yung ICAD ay tinanggap ko yun, knowing for a fact na parang pumasok ako sa lion’s den.

    Kung katapangan lang naman yung pag-uusapan, Jessica, in many stages of my life, pinakita ko ito. Nawalan ako ng asawa, lumaban ako. Noong kumandidato ako bilang congresswoman, kalaban ko isa sa pinakamatinding political dynasties sa lugar namin pero lumaban ako. Noong lumaban ako bilang Vice President, baguhan ako, kalaban ko lahat senador na nakaupo, lahat lalaki, ako lang yung babae pero nagtagumpay ako.

    So, kung katapangan lang naman, hindi ito nakikita sa gender. Nakikita ito kung papaano ka nagde-desisyon sa maraming aspeto ng iyong buhay.

    JESSICA: Sa mga pinakahuling survey pumapangalawa po kayo, pero malaki ang agwat sa inyo ng nangunguna sa survey. Anong tingin niyo ho dito and how are you going to improve your numbers?

    VP LENI: Ako tuloy-tuloy– tuloy-tuloy yung aming mga ginagawa, Jessica. Marami ngayon na wala na nandoon sa amin noong 2016. Noong 2016 meron kaming political machinery, ngayon wala na yun. Yung ating katunggali napakalakas ng political machinery, napakaraming resources, yung political might napakalakas.

    Pero meron sila na– meron kami na wala sila. At yun yung passion, yung commitment, yung dedication ng napakaraming volunteers. And para sa kin, Jessica, walang sinabi yung resources, walang sinabi yung political might sa desire ng taumbayan na lumaban para sa bansa natin.

    JESSICA: Ano po ang sagot niyo sa hindi nakaka-appreciate o natutuwa sa ipinamamahagi niyong lugaw sa inyong pag-iikot? Meron din pong nag-comment na patronizing ang lugaw sa masa. Maidagdag ko na rin po, lugaw na nga raw ang madalas nilang kinakain, bakit kailangan pang ipamukha ito sa kanila?

    VP LENI: Actually, Jessica, mas symbolic sya. Yung lugaw mas symbolic sya in the sense na kaya lang naman yun nadikit sa akin, kasi nung 2016 na kumakandidato ako wala rin ako resources. Yung mga volunteers namin, ito yung ginawang fundraising activities. And yung mga volunteers ngayon na 2022, yun din yung ang na-associate nila sa akin. So yun yung paraan nila para ipakita yung pakikiisa. Yun ang paraan nila para ipakita sa tao na kaisa nyo kami sa laban na ito.

    JESSICA SOHO: Malinaw na kahirapan ang isa sa pinakamalaking problema po ng ating bansa at sa listahan ng mga pinakamahihirap na rehiyon, maraming pamilya ang nagmumula sa Region 5 kabilang na ang inyong probinsya na Camarines Sur. Ang tanong po sa inyo, at tiyak ng inyong mga kababayan, ano ang nagawa ninyo para mabawasan ang kahirapan sa inyo mismong probinsya.

    VP LENI: Alam mo, Jessica, nung ako ay congresswoman eto yung aking pinaka-flagship program. Yung aming probinsya isa sa pinakamahirap na probinsya and ang dahilan talaga nito, hindi lang yung mga calamities na laging pumapalo sa amin pero bad governance. Eto rin ang dahilan kung bakit at one point, pinag-iisipan kong tumakbo sa isang local executive position. Kasi pag tumakbo ako sa isang local executive position, marami ako magagawa gaya nung nagawa ng asawa ko nung mayor sya ng Naga.

    JESSICA SOHO: Sa pandemya pong ito, lalo lang na-highlight yung napakalayong agwat sa ating sosyodad between the mga mayayaman at mga mahihirap, o yung tinatawag nyo pong laylayan. Mamanahin nyo ho ito. Papano ho kaya yan. Paano nyo ho ito sosolusyunan?

    VP LENI: Ako marami na kaming programang inihain, hindi lang ngayon na kandidato ako pero mula pa nung… sinimulan namin sa Office of the Vice President. In fact, yung pinaka-flagship program namin, yung anti-poverty program namin, Angat Buhay, yung pag-asikaso talaga sa pinakamahihirap na mga communities. Pero yung driver kasi nito, Jessica, good governance. Ang driver nito yung tiwala ng tao sa kanyang pamahalaan. Ang driver nito, inclusivity saka empowerment at yun yung tututukan natin.


    ***
    Principles
    YT Link: https://youtu.be/vtSOtxdU7No

    JESSICA SOHO: Bunot po tayo VP Robredo. Question No. 8.

    Sa 1987 constitution nakasulat, the state shall maintain honesty and integrity in public service. Kung ikaw ang maging pangulo, paano mo ito paiigtingin o paiiralin?

    VP LENI: Sa akin, may tatlong mahahalagang bagay para pairalin ‘yan. ‘Yung number one, transparency. Sisiguraduhin ko na lahat na government processes and transactions, transparent. ‘Yung pangalawa, accountability, ‘yung pagsiguro na lahat ng public officials accountable sa ginagawa nila. Pero ‘yung pangatlo na as important is people empowerment. Meaning to say dapat ‘yung tao kalahok sa governance para ‘yung gobyerno napipilitan maging matino.

    JESSICA SOHO: Number two. Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng mahigit sa isang partner ng ibang public servant?

    VP LENI: Hindi ako sang-ayon doon kasi ‘yung pagkakaroon ng– ‘yung moral ascendency para sa akin napakahalaga para sa isang public servant kasi kami ‘yung modelo dapat ng lahat. Parati nating sinasabi na sa isang Filipino family, nakapaimportante na ito ay solid. Napakaimportante na ‘yung respect saka pagmamahal sa loob ng pamilya ay pino-promote. Pag kaming mga public servants ‘yung nagiging examples ng bad behavior, ano ‘yung message na nako-convey namin sa ordinaryong mamamayan?

    JESSICA SOHO: Question No. 20. Ano ang mas uunahin mo, tungkulin sa bayan o tungkulin sa pamilya?

    VP LENI: Hindi dapat siya nahihiwalay. Hindi dapat nahihiwalay ‘yung tungkulin sa pamilya saka tungkulin sa bayan kasi ‘yung pagiging mabuting public servant, parati ‘yun– magiging mabuti lang kaming public servant kung mabuti kaming miyembro ng aming pamilya. So, para sa kin, hindi siya and/or.


    ***
    12 Questions
    1. Pandemic response
    YT Link: https://youtu.be/IzYXYtvhkHQ

    JESSICA SOHO: Muli pong nagbabalik ang The Jessica Soho Presidential Interviews. Sa pagkakataong ito, alamin ang kanilang posisyon sa ilang mahahalagang issue ng bayan at mga programa at platapormang inihahain nila sa taumbayan. Bawat presidential aspirant, tatanungin po natin ng isang dosenang magkakaparehong mga tanong. Maglalaan ng 30 seconds sa pagsagot sa kada tanong.

    JESSICA SOHO: Question number 1: Panghuli ang Pilipinas sa 53 o limampu’t tatlong mga bansa sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg News Agency mula September to November 2021 dahil daw po ito sa mabagal na COVID response at vaccination. Sabi naman ng Malacañang, kulang sa context ang pag-aaral ng Bloomberg at kamakailan ay umakyat na ang Pilipinas sa 50th place. Ano po sa palagay nyo ang magandang ginawa ng adminsitrasyon sa pandemyang ito na gusto mong ipagpatuloy at ano naman ang gusto mong itama o ituwid?

    VP LENI: Para kasi sa akin, Jessica, yung pinaka-problema talaga, marami namang ginawa, pero yung pinaka-problema talaga number one, walang sense of urgency. Maraming mga problema na naprevent sana natin mangyari kung mabilis tayo umaksyon.

    Halimbawa, nung nag-uumpisa pa lang. Wala tayo mga PPE sets. Hindi tayo, alam na natin na merong epidemic sa ibang lugar, hindi pa nun pandemic, pero hindi tayo nag-asikaso. Alam natin na kailangan na tayo mag-close ng ating borders, sobrang tagal ng ating pagdedesisyon. So while may mga bagay na magagandang nagawa, nababagalan talaga. [01:51]

    2. War on Drugs
    YT Link: https://youtu.be/ki4UMN4LvrI

    JESSICA SOHO: QUESTION NUMBER 2: Sa mismong tala ng PNP, 29,000 ang tinatawag po nilang DUI or death under inquiry sa war on drugs. Kabilang na yung mga diumanoy nanlaban. Kamakailan nakita nga po ng Department of Justice ang ilang iregularidad katulad ng labis na paggamit ng pulis ng pwersa at hindi pagsunod sa SOP or standard operating procedure. Ipagpapatuloy mo ba ang war on drugs? Papano mo ito babaguhin kung gayunman sa gitna ng mga natuklasang iregularidad ng DOJ?

    [01:18] VP LENI: Ipagpapatuloy ko, Jessica, with the same vigor pero ibang paraan. Napakahaba nung ako ay nag co-chair ng ICAD, I was there for 18 days pagkatapos ng aking termino, nung ako ay tinanggal na, naghain ako ng isang mahabang paper na nanduon naka-suggest yung lahat na dapat sanang gawin para maayos ‘yung laban kontra sa droga. Ako naniniwala ako na malaki yung problema natin sa drugs, pero there are better ways of doing it. Alam natin na hanggang ngayon problema pa rin natin ang droga, ang dami nang namatay pero hindi pa rin natin nareresolbahan. [01:55]

    3. Education during the pandemic
    YT Link: https://youtu.be/AHy3srKRkvU

    JESSICA SOHO: Isa sa pinakatinamaang sektor ng pandemya ang edukasyon. Mula taong 2020 hanggang 2021, higit 800 na private schools ang napilitan magsara ayon sa DepEd. Nasa higit one million students ang hindi nakapag enrol ngayong school year at daan-daan ang mga titser ang nawalan ng trabaho. Ayon po sa NEDA, sa National Economic Development Authority, nung nagdaang school year, nawalan ng P230 billion ang education sector. Ano po ang inyong konkreto ninyong planong inyong gagawin para malagpasan ang mga hamong kinakaharap nito?

    [01:48] VP LENI: Jessica, as early as May of 2020, sinasabi na namin in public, sinabi namin sa DepEd, sinulatan namin yung pamahalaan, sinabi namin na kailangan nang buksan ang mga paaralan, lalo na duon sa mga lugar na mababa yung COVID cases, na low risk areas, kailangan na mag face to face classes kasi grabe na yung damage na nagagawa sa mga estudyante. Sa mga high risk areas, siguraduhin, kung hindi pa kaya mag face to face classes, siguraduhin na bawat estudyante may gadget para hindi sila naiiwan ng ating pinag-aaralan, Ngayon, two years after already nasa pareho pa rin tayong sitwasyon. Ngayon, two years, parang tayo na yung pinakahuling bansa na hindi pa nagbubukas ng mga paaralan, meron pa lang tayo parang mga pilot openings. Ngayong surge na naman, nahinto na naman yun. Pero kung inumpisahan na natin, nung sinasabi natin na magbukas na, marami na sana tayong problema na naiwasan. [02:48]

    4. WPS
    YT Link: https://youtu.be/-97a6KxlULc

    JESSICA SOHO: Ayon sa ruling ng Permanent Court of Arbitration noong 2016, Pilipinas ang may sovereign rights sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Pero higit na limang taon nang naipanalo ito ng ating bansa, patuloy pa rin ang militarization ng China sa WPS. Ilang insidente na rin ng Chinese vessels ang naitala. Isusulong nyo ba ang pagpapatupad ng desisyon ng international tribunal at paano nyo kukumbinsihin ang China na sumunod at igalang ang desisyong ito?

    VP LENI: Ako Jessica, matagal na akong naglalabas ng statements dito at lagi kong inuulit-ulit na kailangan yung desisyon na yun i-leverage na natin. I-leverage natin para makabuo tayo ng coalition of nations; na yung coalition of nations na mabubuo natin, ang daming kumakampi sa atin because of the arbitral ruling. Pag-isahin natin yung coalition of nations para sabay-sabay na natin harangin yung ginagawang militarization ng West Philippine Sea. Yung sa akin, sobrang tagal na at ang dami nang nangyari, even after pinanalo na natin yung kasong ito. At meron tayong armas, ang armas natin yung ating pinanalunan. And sa atin eto yung armas natin para mahikayat yung ibang bansa na tulungan tayo, magkaisa sa atin para sabay-sabay natin harangin yung ginagawang pagsakop ng ating teritoryo. [01:26]

    5. Disaster preparedness
    YT Link: https://youtu.be/_DtEHwGNOnM

    JESSICA SOHO: Pang-siyam ang Pilipinas sa riskiest countries dahil sa extreme weather events ayon sa World Risk Index noong 2021. Halos taon-taon po tayong binabayo ng napakalalakas na mga bagyo. Lagi ring may banta ng pagsabog ng bulkan, lindol, at iba pang mga sakuna.

    Anong mga hakbang ang gusto mong maipatupad para mas mapaghandaan at maibsan ang epekto ng mga kalamidad?

    VP LENI: Itong pinaka-recent na typhoon Odette, grabe ‘yung damage sa atin. Ito Jessica, opportunity for us to build back better. Ang tagal na nating inuulit-ulit ‘yung build back better pero ‘yung sa atin halimbawa, pag nagpagawa tayo ng mga low-cost na mga houses ulit para sa ating mga kababayan, sa susunod na bagyo sila ulit ‘yung mawawalan ng bahay.

    So, para sa akin bakit hindi na tayo mag-invest na itong mga kababayan natin na nasa danger zones, una mailikas na sila doon. Pangalawa, pag na-relocate na sila, ‘yung eastern portion ng Pilipinas ito ‘yung laging tinatamaan, siguraduhin natin na ‘yung pagkagawa ng mga bahay ay resilient na sa bagyo, ‘yung paggawa ng mga paaralan ay sinisiguro na natin na at the same time nagagamit siya bilang evacuation centers. ‘Yung paggawa ng mga paaralan sinisiguro natin na pagdating ng bagyo hindi na siya masisira. Kung magpapagawa tayo ng mga evacuation centers sisiguraduhin natin na hindi siya masisira pagdating ng bagyo para nale-lessen ‘yung loss of lives and properties sa atin. [01:34]

    6. Fake news and trolls
    YT Link: https://youtu.be/eRlLdZtOpYs

    JESSICA SOHO: Sa buong mundo, Pilipinas ang isa sa nangungunang social media user. Sunod sa telebisyon, pumapangalawa na rin ang social media sites bilang top source of news ng mga Pilipino ayon sa ilang pag-aaral.

    Pero maraming impormasyon online, mali at hindi totoo. Ano ang gagawin mo para labanan ang trolls, ‘yung tinatawag po nilang fake news o misinformation, at disinformation?

    VP LENI: Unang-una, meron tayong mga batas na nagci-criminalize ng maraming mga kasamaan na ginagawa online pero ‘yung pag-implement ng batas ay hindi maayos.

    Kami lang Jessica, we have been at the receiving end of so much disinformation pero walang nangyayari sa ating mga reklamo. ‘Yung pangalawa kailangan ‘yung mga big social media companies papanagutin, kung bakit nila hinahayaan ‘yung kanilang platforms magamit sa kasinungalingan, kung bakit nila hinahayaan na ‘yung mga kasinungalingan, namamayagpag sa kanilang mga platforms. [01:01]

    7. PhilHealth
    YT Link: https://youtu.be/X6AxbbCpJhw

    JESSICA SOHO: Sa mismong pagtataya ng Philhealth, maaaring tumagal na lamang ng hanggang 2027 ang actuarial life ng ahensiya. Ibig sabihin hanggang 2027 na lang daw po ang kayang itagal ng reserbang pondo ng Philhealth. Dahil daw ito sa mababang koleksyon pero malaking benefit pay-out dahil sa COVID-19.

    Paano mo tutugunan ang problemang hinaharap ngayon ng Philhealth para masigurong maging tuloy-tuloy ang benepisyong hatid nito sa kaniyang mga miyembro?

    [2:20] VP LENI: Ako number one kasi, leadership. Kaya nagkaganito ‘yung Philhealth dahil sa leadership na hindi na-manage ng maayos ‘yung opisina. Ako para sa akin, kailangan ‘yung mamuno ng Philhealth ay isang health economist na naiintindihan– saka actuarial scientist na naiintindihan kung papaano papagulungin ‘yung pondo ng Philhealth.

    Pero ako, bakit kaunti ‘yung contributions ngayon? Kulang ‘yung confidence sa Philhealth. Kulang ‘yung confidence kasi ang dami nilang hindi binabayaran. Para sa akin dapat bayaran na lahat. Kung merong pagkukulang o merong hindi tamang record ay singilin nila later on pero ngayon bayaran na lahat kasi ang daming ospital nagsasara. Ang daming ospital nagsasara kasi hindi sila nababayaran.

    So, parang ano siya, it is a question of confidence na lalong maraming hindi confident sa Philhealth, lalong hindi dadagdag ‘yung contributions sa kanya kasi kulang na ‘yung paniniwala sa kanya. [03:25]

    8. Marawi rehabilitation
    YT Link: https://youtu.be/ViEtXnBBpys

    JESSICA SOHO: Mahigit isang libo po ang namatay at mahigit one million naman na mga taga-Marawi ang nawalan ng tirahan dahil sa kaguluhan na nangyari doon, apat na taon na ang nakalilipas. Ayon sa Task Force Bangon Marawi, 75 to 80 percent ng Marawi rehabilitation ang natapos as of September 2021. Ano ang maipapangako niyo sa mga taga-Marawi na matagal nang naghahangad na makabalik na sila sa dati nilang buhay?

    VP LENI: Kami, Jessica, since 2016, meron na kaming presence sa Marawi. Ang Marawi isa sa mga adopted communities ng aming Angat Buhay program. In fact, ‘yung aming pinaka unang Angat Buhay Village ay ginawa namin sa Marawi. And ‘yung relationship namin with them ay– is one of trust and ‘yung– ‘yung fellowship in terms of governance, in terms of– marami, livelihood opportunities, in terms of empowerment of the basic sectors there, in terms of education, marami tayong na-build na mga classrooms doon after the siege with our partners. And itong relationship na ‘to, whether Vice President pa– na– pa ako o hindi na, ito magpapatuloy. Ito ‘yung commitment ko sila– sa kanila even before I filed my Certificate of Candidacy. Alam ito ng mga taga-Marawi, Jessica. Before the– before the surge– before the pandemic, nandoon ako on a very regular basis. Even during the pandemic, I’ve been there a few times already. ‘Yung mga projects namin, ongoing pa din until now and magpapatuloy ‘yun even after my term as Vice President. [END 1:39]

    9. Top 3 priorities as President
    YT Link: https://youtu.be/3UU6vQdE_mM

    JESSICA SOHO: Kung ikaw ang papalaring maging Pangulo, magbigay ng tatlong mahahalagang prayoridad sa iyong administrasyon.

    [2:21] VP LENI: Number one, trabaho. ‘Yung number one talaga trabaho dahil sa pandemic ay ang daming naghirap, ang daming nagsara. ‘Yun talaga ‘yung tututukan natin. ‘Yung– ‘yung pangalawa, ang ating health, ang kalusugan, programa sa kalusugan. Itong pandemic ay na-reveal ‘yung lahat na mga systemic ills ng ating healthcare system. Sisiguraduhin natin na ‘yung ating– ‘yung access to– to medical care, access to healthcare ay hindi– available siya kahit sa mahihirap. ‘Yung pangatlo, education. Lagi kong sinasabi na kailangan na tayo mag-deklara ng education crisis even before the pandemic. ‘Yung ating mga– mga lagay sa mga assessment– international assessments, kulelat tayo. Kaya ‘yun ay tututukan natin. So trabaho, kalusugan, edukasyon. [03:10]

    10. Poverty
    YT Link: https://youtu.be/Jaf_HDDlQoQ

    JESSICA SOHO: Noong 2018, nasa 16.7 percent ang poverty rate sa ating bansa. Katumbas po ‘yan ng 17.7 million na mga Pilipino na naghihirap. Sa pagtataya ng NEDA, inaasahang tataas pa ito nang 17.5 percent o 19 milliion Filipinos ngayong 2021. Anong mga programa ang iyong ipatutupad para mapababa ang bilang ng mga naghihirap, at paano mo paglalapitin ang lumalawak na agwat o puwang sa pagitan ng mga mahihirap at ng mga mayayaman sa ating bansa?

    [2:34] VP LENI: Ang pinaka kailangan talaga, trabaho. Makaka-create lang tayo, Jessica, ng trabaho dito pag inayos natin ‘yung ating governance at pag inayos natin ‘yung ating ekonomiya. Noong nakaraang buwan, naglatag na ako ng aking Hanapbuhay Para sa Lahat na platform. Mahaba ito at ito ay makikita na sa lenirobredo.com. Nakalagay doon ‘yung detalye, at ‘yung detalyeng ito aayusin natin ‘yung– aayusin natin ‘yung governance, ifi-fix natin ‘yung ating institutions, i– ima-maximize natin ‘yung opportunities ng mga local industries, sisiguraduhin natin ‘yung kapakanan ng ating mga workers, sisiguraduhin natin na kung saan tayo may opportunities, magagamit natin. Pero ito hinihikayat ko ‘yung lahat na bisitahin ‘yung ating website kasi dito po detalyeng nakalagay ‘yung ating Hanapbuhay Para sa Lahat program. [03:28]

    11. OFWs
    YT Link: https://youtu.be/OM8fWfbvPAo

    JESSICA SOHO: Nasa halos limang libong mga kaso ng pang-aabuso sa mga OFW ang naitala po ng POLO o ng Philippine Overseas Labor Offices noong 2020 sa iba’t-ibang bansa. Naitala rin ng POLO ang contract violations sa mga OFW na umabot sa mahigit 23,000 noong 2020. Ano po ang mga dapat gawin para mapangalagaan ang karapatan ng ating mga OFW?

    [00:53] VP LENI: Ang pinaka una, ayusin natin ‘yung ating ekonomiya para ‘yung paglalabas para magtrabaho sa ibang bansa hindi dahil sa necessity pero by choice. Pangalawa, hanapin natin ‘yung mga lugar na ‘yun ‘yung karamihan ng mga OFWs nandoon, siguraduhin natin na pumasok tayo sa mga bilateral contracts with them para sa proteksyon ng mga manggagawa natin na nandoon. Mahirap na nandoon sila na wala tayong bilateral contracts kasi hindi natin sila napapangalagaan in the manner na kailangan natin silang pangalagaan. Pangatlo, kailangan ina-upskill natin o nire-retool natin ‘yung mga skills ng ating mga kababayan na lumalabas para ‘yung mga trabaho nila ay ‘yung medyo nakakaangat. Na pupunta sila doon– pupunta sila bilang professional, pupunta sila bilang opisyal ng barko, pupunta sila dahil mga skilled workers sila. Dapat ‘yung gobyerno ‘yung nagpo-provide ng training na ‘yun para handa ‘yung ating mga kababayan. [1:49]

    12. Corruption
    YT Link: https://youtu.be/1CGSpusRw1g

    JESSICA SOHO: Corruption ang question number three. Ayon sa pagtataya ng Deputy Ombudsman, nasa 670 billion pesos ang nawalang pera ng bayan noong 2017 dahil sa korapsyon, at 752 billion pesos naman noong 2018. Sumatotal, 1.4 trillion pesos sa loob lang ng dalawang taon. Lumalabas po na 20 percent ng annual budget ng pamahalaan ay nawawala dahil sa katiwalian. Ano ang kongkretong hakbang na iyong gagawin para tugunan ang nagpapatuloy pa ring katiwalian sa ating gobyerno?

    [1:34] VP LENI: Ako sinabi ko na kanina, Jessica, na ‘yung sa’kin ‘yung transparency ‘yung number one. Transparency, accountability, and people empowerment. Pero ‘yung transparency, ‘yung una kong gagawin ‘yung Full Disclosure Policy. Noong ako ay congressman, ito ‘yung pinaka una kong bill na finile, na lahat ng government processes, lahat na binibili ng gobyerno dapat i-make public para nade-deter ‘yung mga overpricing, nade-deter ‘yung korapsyon. Tapos dapat ‘yung lahat na guilty of corruption maparusahan. Napakabagal ng ating justice system kaya so many people get away with it. [2:08]


    ***
    Yes/No Round 1
    YT Link: https://youtu.be/0K3IdhFlIUw

    (Round 1)

    JESSICA SOHO: Dapat bang isulong ang mandatory drug testing sa lahat ng tatakbo?

    VP LENI: [YES]

    JESSICA SOHO: Pabor ka ba sa same-sex marriage?

    VP LENI: Same sex unions pabor ako.

    JESSICA SOHO: Pabor ka ba sa divorce?

    VP LENI: [NO] At this point no.

    JESSICA SOHO: Pabor ka bang ibalik ang death penalty sa bansa?

    VP LENI: [NO].

    JESSICA SOHO: Pabor ka bang baguhin ang saligang batas at payagan ang 100% ownership ng foreigners?

    VP LENI: [YES]. Only to open the debates and discussions.

    JESSICA SOHO: Sang-ayon ka ba sa pagpapababa ng age of criminal liability na ngayon ay 15 years old?

    VP LENI: [NO].


    ***
    Yes/No Round 2
    YT Link: https://youtu.be/X5nzibAc5sI

    JESSICA SOHO: Ipagpaptuloy mo ba ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika?

    VP LENI: [YES].

    JESSICA SOHO: Susuportahan mo ba ang abolition ng PCGG?

    VP LENI: [NO].

    JESSICA SOHO: Naniniwala ka bang may EJK o Extra-Judicial Killing sa anti-drug war campaign?

    VP LENI: [YES]

    JESSICA SOHO: Ipagpapatuloy mo ba ang peace talks sa mga CPP-NPA-NDF?

    VP LENI: [YES]

    JESSICA SOHO: Papayagan mo ba ang POGO operations?

    VP LENI: [NO].

    JESSICA SOHO: Pabor ka bang isabatas ang pagbabawal sa political dynasty?

    VP LENI: [YES]

    JESSICA SOHO: Sang-ayon ka ba sa legalization ng jueteng?

    VP LENI: [NO].

    JESSICA SOHO: Sang-ayon ka ba sa legalization ng medical marijuana for medicinal o medical purposes?

    VP LENI: [YES].

    ***
    Yes/No Round 3
    YT Link: https://youtu.be/RMHHkp2au3A

    (Round 3)

    JESSICA SOHO: Pabor ka ba na isapubliko ng mga public official ang kanilang SALN?

    VP LENI: [YES].

    JESSICA SOHO: Payag ka ba sa panukalang joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea?

    VP LENI: [YES]. Yes, kung meron lang– kung merong recognition ng arbitral ruling.

    JESSICA SOHO: Pabor ka bang dapat isapubliko ng isang pangulo ang kanyang medical records?

    VP LENI: [YES].

    JESSICA SOHO: Susuportahan mo ba ang panukalang nagbabawal sa pagtakbo ng mga kandidatong may kinakaharap ba kaso?

    VP LENI: [YES]. Depende kasi sa klase ng ebidensyang meron.

    JESSICA SOHO: Ibabalik mo ba ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC?

    VP LENI: [YES].

    JESSICA SOHO: Dapat bang i-prosecute ng ICC si Pangulong Duterte?

    VP LENI: [YES and NO] Wala ako sa capacity para magsabi na kailangan siyang i-prosecute o hindi kasi nasa preliminary stage of investigation pa lang siya.

    JESSICA SOHO: Sa pagkakataon namang ito, pipili naman kayo sa mga babanggitin ko. Kung alin ang gusto po ninyo.

    JESSICA SOHO: Two-party o Multi-party system?

    VP LENI: Ako Two-party system.

    JESSICA SOHO: Parliamentary o Presidential?

    VP LENI: Presidential

    ***
    Closing Question - Bakit ka tumatakbo bilang Pangulo
    YT Link: https://youtu.be/USJPTZ6uXmE
    KATIE

    JESSICA SOHO: Sa punto pong ito, itatatanong na natin ang panghuling katanungan para sa apat na presidential aspirants. Isang parehong tanong na kanilang sasagutin sa loob ng 45 seconds. Hindi po madali at isang napakalaking responsibilidad ang maging Pangulo ng ating republika. Napakaraming problema. Sa kabila ng mga gahiganteng problemang ito, bakit niyo pa rin ho gustong maging Pangulo?

    VP LENI: Ako sa ’kin, Jessica, ‘yung abi– sa’kin kasi ‘yung solusyon ng lahat na problema ng ating bansa, hindi siya nakasalalay sa isang tao, pero nakasalalay siya sa lahat na Pilipino. At ang tingin ko ‘yung dapat na maging susunod na Pangulo, ‘yung Pangulo na merong capacity and ability to inspire. To inspire other Filipinos to own the problem. To inspire ‘yung lahat na mga Pilipino tumulong, maging bahagi ng solusyon. As Vice President ito ‘yung aking na-achieve. As Vice President, ‘yung na-achieve ko I was able to inspire so many para mag-collaborate. Kaya marami kami nagagawa sa Office of the Vice President because we have inspired confidence and people have been inspired to do their share to contribute to nation-building. And ‘yun ‘yung aking tinitingnan bilang– bilang aking mako-contribute kung ako ay maging Pangulo.

     

    Posted in Transcripts on Jan 22, 2022