This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at the Kamustahan with Angat Buhay Village Leaders

    Vice President Leni Robredo at the Kamustahan with Angat Buhay Village Leaders, Brgy. Sagonsongan, Marawi City, Lanao del Sur

    [START]

    VP LENI: Salamat, salamat. Salamat sa ating presidente. Salamat po sa inyong lahat. Magandang umaga. Hindi po kami magtatagal dahil lilipat tayo sa Area 6, sasama kayo sa amin di ba? Pero kaya lang kami dumaan kasi alam niyo naman na bawat bisita namin sa Marawi pumupunta kami dito sa Area 7, para bisitahin kayo. Pero may kasalanan kami, dahil ‘yung last namin na punta, hindi kami nakadaan, dahil nagmamadali. Kaya sabi namin, babawi kami ngayon.

    Gusto lang naming kumustahin– gusto po naming kumustahin ‘yung lahat sa inyo. Nagkausap na tayo nang ilang beses, pero para kasing hindi kumpleto ‘yung bisita namin pag hindi kami pumunta dito. Kaya parang ‘yung nakikita ko, masasaya naman ‘yung mga tao.

    LOCAL: Masaya naman po.

    VP LENI: Kaya kahit hindi na ko magtanong, sana nasa mabuti kayong kalagayan. [crowd cheers] Maraming salamat. Ayan, ‘yung sa kin lang, gusto lang naming makiisa sa inyo. Alam namin na mula bukas, maguumpisa na ‘yung Ramadan. Gusto namin na ipaalala sa inyo na lagi kaming nakikiisa sa inyo. Hindi man kami maka– maraming Salamat. [crowd cheers] Maraming salamat. Hindi man kami makapunta lagi, lalo na ‘yung pandemic di ba? Lalo ‘yung pandemic, hindi kami nakapunta ng mga dalawang taon. Pero papunta kami dito pinapabilang ko kung ilang beses na ko nakapunta ng Marawi, sampung beses na, mula noong ako nag-Vice President. Kaya parang taga-dito na din ako. Siguro walang makakatalo sa record ko.

    LOCAL: Opo.

    VP LENI: Di ba?

    LOCAL: Wala talaga.

    VP LENI: Na dahil madalas ako dito lagi, mula noong nasa evacuation center pa kayo, mula noong na-award sa inyo ‘yung mga bahay na ito hanggang sa nagsisimula muli kayo, kasama niyo kami. Kaya ‘yung sa amin, kahit anong mangyari, lagi sana ninyong maramdaman na lagi niyong kaming kasama.

    LOCAL: Mabuhay si Leni!

    VP LENI: Ayan, pero gaya ng sabi ko, hindi ako makakatagal dahil maraming taong naghihintay sa kabila. Ayain ko na lang kayong lumipat. Samahan kami. Lipat tayo doon para sabay-sabay tayo. Doon na ko magmamahabang mensahe, ano. Ngayon pangangamusta lang talaga, pangangamusta lang. Parang pinuno niyo naman ng mukha ko ‘yung buong Area 7, punong-puno ng mukha ko pero maraming salamat. Ayan, maraming salamat. Mabuhay kayong lahat.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 01, 2022