This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at the KBP Presidential Candidates Forum Panata Sa Bayan: The 2022 Presidential Candidates Forum Part 1

    Vice President Leni Robredo at the KBP Presidential Candidates Forum
    Panata Sa Bayan: The 2022 Presidential Candidates Forum Part 1


    [START 0:00:03]
    KAREN DAVILA: Following our moving alphabetical order system, ikaw ang unang sasalang ngayon, candidate Isko Moreno Domagoso. You have 5 minutes.
    ISKO MORENO: [0:13 – 05:22]
    RICO HIZON: Maraming salamat po candidate Isko Domagoso. Candidate Ping Lacson, kayo na po, 5 minutes.
    PING LACSON: [5:34 – 10:44]
    KAREN DAVILA: Maraming salamat candidate Senator Ping Lacson. It’s your turn candidate Senator Manny “Pacman” Paquiao.
    MANNY PACQUIAO: [10:57 – 15:57]
    RICO HIZON: Alright. Maraming maraming salamat po candidate Manny Pacquiao. At susunod, si candidate Vice President Leni Robredo. VP Leni you have 5 minutes.
    [16:22]
    LENI ROBREDO: Magandang umaga po sa inyong lahat. Sa paglilingkod malinaw po ang vision natin, kapag ang gobyerno ay tapat, aangat ang buhay ng lahat. Dito naka-angkla ang mga konkretong plano at plataporma natin para sa bansa.
    Una, “Angat Buhay sa Hanapbuhay.” Ibabalik natin ang ibabalik natin ang tiwala sa gobyerno. Kapag may kumpiyansa sa sistema ang tao, papasok ang puhunan, lalago ang negosyo, at dadami ang trabaho. Aangat ang industriyang Pilipino mula maritime at shipbuilding, modernong agrikultura at pangingisda, manufacturing at climate industries at higher value tech industries. Poprotektahan natin ang maliliit na negosyo at bibigyan sila ng access sa kapital. Tatanggalin rin natin ang diskriminasyon kahit may edad ka na, ano man ang matapos mo basta handa kang mag-balat ng buto, karapatan mong magtrabaho. Pang-apat, pagtatag ng public employment program at pag-improve ng unemployment insurance program kung saan gobyerno mismo ang magbibigay ng trabaho sa ’yo at sasaluhin ka sa oras na kailangan mo.
    Pangalawa, “Angat Buhay sa Pagkain.”Pagtutuunan natin pansin ang first 1000 days ng bawat bata para pigilan ang stunting. Ang goal nito, abot kaya ang masustansyang pagkain para matugunan ang malnutrisyon. I-uugnay natin ang nutrisyon sa mga outcome ng pang-edukasyon. I-institutionalize natin ang mga feeding programs sa mga paaralan at palalawakin at i-improve natin ang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program.” Bubuoin natin ang pinaka malaking public private partnership kontra gutom, mga food bank kada barangay na suportado ng mga simbahan at ng private sector, community kitchens para lahat may access sa sapat na pagkain. Palalakasin natin ang agrikultura lalo na ang local production para tuloy-tuloy ang kita ng mga magsasaka at mangingisda at sigurado ang food supply.
    Pangatlo, “Angat Buhay sa Seguridad.” Isusulong natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea, tutugunan natin ang pangangailangan ng mga komunidad laban sa insurgency. I-ooperationalize ang lahat ng rekomendasyon na inihain natin sa ICAD nung tayo ay Co-Chair para mas mabisa at holistic ang pagsugpo natin sa ilegal na droga. Papalakasin natin ang ating national defense at ipagpapatuloy at 100 percent ang support natin sa AFP modernization.
    Pang-apat, “Angat Buhay sa Kalusugan.” Dahil buhay at kalusugan ng Pilipino ang nakataya, itataas natin ang budget natin para dito. Bawat rehiyon o probinsya, may maayos na tertiary hospital, pupunan natin ang mga kakulangan ng mga hospital beds para sa bansa at Ilalapit natin ‘yung bed to population ratio sa mga karatig bansa gaya ng Singapore at Vietnam. Susuportahan at ika-capacitate natin ang mga LGUs para makatugon agad sa mga pangangailangang pangkalusugan ng komunidad, bawat barangay health unit may sapat na gamit, may nurse na may contact sa lisensyadong doktor, ambulansya, capacity building ng ating mga BHW. Malawakang suporta at benepisyo para sa mga frontliners. Scholarships para mas dumami pa ang healthcare professionals. Tututukan din natin ang rollout ng universal healthcare. Ibabalik natin ang tiwala sa PhilHealth at palalakasin ang mga community based healthcare sa mga barangay.
    Panglima, “Angat Buhay sa Edukasyon.” Kapag world class ang training sa mga guro, world class ang facilities sa paaralan, world class ang support sa edukasyon, tiyak na world class din ang estudyanteng Pilipino. Para maitaas natin ang kalidad ng edukasyon, itataas din natin ang budget para dito. Gagawin nating 6 percent ang GDP ang budget para sa ‘pag pagpapahusay ng education system natin. Sa mga international learning assessment, panahon nang ipakita natin na handang makipagsabayan sa ibang bansa ang mga Pilipino sa anumang larangan. Itataas natin ang mga test scores at performance sa lahat ng mga mag-aaral, lalo na sa Science, Reading, at Math. Kailangan rin punan ang mga existing gaps na lalong lumitaw ngayong pandemya. Bawat guro dapat may sapat na training at sinusuportahan ng makatarungang sahod. Sa mga lugar naman na high risk, bawat bata dapat may gadget at internet para patuloy na makapag-aral kahit na may pandemya.
    Pang-anim, “Angat Buhay sa Pabahay.” Ire-relocate natin ang mga nakatira sa danger zones para hindi na ulit sila malalagay sa panganib sa tuwing may sakuna. Ipapasa natin ang matagal nang nakabinbin na On-site, In-city, Near-city Bill. Anumang relokasyon, dapat nasa lungsod o malapit dito, para accessible sa trabaho at mga serbisyo. Ipapatupad natin nang husto ang mga People's Plan para kasama sa pagpaplano ng komunidad ang komunidad bago magsagawa ng anumang proyekto. Sa mga resettlement sites at sa mga proyektong pabahay sa ilalim nito, lilikha tayo ng mga pang-ekonomiyang gawain at negosyo para makalikha ng sapat na kabuhayan.
    Pampito, “Angat Buhay sa Kalikasan.” Babawasan natin ang greenhouse gas emissions, alinsunod sa commitment natin sa COP26. [TIMER ENDS]
    KAREN DAVILA: At ‘yan na po ang limang minuto ni Vice President Leni Robredo. Unstable po ang internet ni VP Robredo kaya’t tinig niya lang po ang inyong narinig. Sana po ma’am maayos niyo po ang inyong internet para sa susunod na mga segments. Susunod po, candidate Leody De Guzman, timer starts when you begin.
    [END 21:48]

     

    Posted in Transcripts on Feb 04, 2022