This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Media Interview at Brgy. Balongay, Calabanga, Camarines Sur

    Vice President Leni Robredo
    Media Interview at Brgy. Balongay, Calabanga, Camarines Sur


    [START - 00:06]
    JESSICA CALINANG: Hello po, I’m Jessica Calinang po from GMA, sa GMA Regional TV, Balitang Bicolandia po kami. Sige po, ma’am regarding po dito sa tinurn-over po natin, siyempre po may monitoring po ito para makita natin ‘yung progress nila. Paano po ‘yung magiging plano natin, ma’am, siyempre mag-eend na po ‘yung term natin, so kapag nag-turn over na po tayo ng OVP, paano po ‘yung magiging plano for this?
    VP LENI: Sa OVP kasi na-professionalize natin ‘yung buong organisasyon. Ako bahagi lang noon. Kahit hindi na ako VP, ‘yung buong organisasyon, nandiyan. Masyadong professional, masyadong trained, mahuhusay ‘yung nandiyan kaya whether VP ako o hindi, ‘yung monitoring nito tuloy-tuloy, naka-in place, naka-put in place ‘yung lahat. In fact, natagalan ito kasi hindi din kami nagbababa ng pera na hindi namin sigurado na ‘yung capacity ng asosasyon, hindi masasayang ‘yung ating binaba. So, meron tayong sustainable livelihood and training program na team na kahit wala ako, nandoon pa rin sila.
    JESSICA CALINANG: Okay po. Pero Ma’am, ito po ‘yung magiging, tawag dito, after a year po ba ito or every month po ba imo-monitor siya?
    VP LENI: Tuloy-tuloy siya, meron— depende kasi sa project ‘yung monitoring. Merong mga project na meron lang milestones na inaabangan, meron ding mga project na kailangan mas regular ‘yung monitoring. So ito, iba-ibang stages kasi hindi lang kasi siya pagbigay ng pera. Pero ‘yung capacity building ng mga binigyan ng pera, tuloy-tuloy ‘yung trainings. So, very regular— ano naman ito, hindi lang dito pero lahat na SLT Projects natin ganito na ‘yung capacity building tuloy-tuloy.
    JESSICA CALINANG: Given the pandemic pa rin po, parang mas mahirap nga po ngayon na magawa nila ito. Kumbaga, paano po kaya ‘yung magiging proseso nila din? Hindi po ba mas mahirap for them na mapa-progress pa, maging successful ‘yung ganito?
    VP LENI: Actually, sa mga probinsya, lalo na ‘yung hindi naman nagkaroon ng spike sa cases, hindi masyadong issue ‘yung pandemic except that, ‘yung market. So, ang apektado talaga sa mga gaya nito ‘yung mga mangingisda, ‘yung market. Pero dahil mga small producers pa lang sila, ‘yung market nila mas local.
    So, actually, hindi nila masyadong ramdam ‘yung pandemic dito. Pero ang ano lang, ang parang pinaka-target lang natin na pag nakaya na nilang may steady supply na ‘yung local, mag-ambisyon na kami mas malaki. Meaning to say, makahanap ng institutional buyers. Parang stages din kasi siya eh na from pinakamaliit hindi niya pa kaya magkaroon ng institutional buyers kasi may quantity saka quality na nire-require. Pero pag naayos na niya kasi ito, kaya na siyang i-train to the next level.
    So, sa akin ‘yung pinaka epekto ng pandemic sa buong programa namin, dati kasi ‘yung pinaka-target namin pinakamalalayo gaya nito, ‘yung mga coastal, ‘yung mga magsasaka, ‘yung mga nasa bukid. Pero during the pandemic, a huge part of our program shinift namin sa mga nasa Metro Manila kung saan pinaka apektado. Halimbawa, ‘yung mga nagtitinda sa vicinity ng mga schools most affected sila. So, nagbigay tayo ng mga livelihood programs doon.
    Halimbawa, ‘yung mga jeepney drivers na nawalan ng ruta, so inaasikaso natin sila, naghanap sila ng livelihood programs. Halimbawa, ‘yung produktong pino-produce nila nakasalalay sa— para sa mas normal na operation. Halimbawa, ‘yung mga mananahi, ‘yun ‘yung tinap natin for PPE production. So, before the pandemic wala masyado tayong programs sa NCR, pero during the pandemic marami na tayong tinutukan: NCR– actually NCR Plus kasi kasali ‘yung Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, saka Batangas.
    JESSICA CALINANG: Okay po, ma’am ii-segue ko na lang din po. Meron din tayong statement regarding doon kay Bongbong Marc— ay kay BBM po ‘yung regarding po doon sa dapat siya ‘yung magiging accountable din po or kasali siya sa magiging accountable doon ill-gotten wealth po ng Marcos.
    VP LENI: Oo, kasi hindi naman nagbabago ‘yung statement ko, eh. Hindi naman nagbabago ‘yung statement ko na pag nakinabang ka, hindi mo pwedeng sabihing wala kang part doon. So, sa akin, klaro naman ‘yun. Hindi niya pwedeng sabihin na hindi naman ako ‘yung nakaupo, so hindi ako accountable. Pero oras na makinabang ka sa fruits ng korapsyon, accountable ka doon.
    REPORTER 2: Ma’am, for the record lang po, di ito po ma’am na binigay natin sa Brgy. Balongay, malaki ang potential talaga na mag-progress ito pong kanila pong project dito?
    [05:08]
    VP LENI: Actually, kaya natatagalan ‘yung proseso namin to award kasi hindi kami nagre-respond lang sa request. So ‘yung buong proseso, gaya nito two years sila naghintay bago sila namin na-approve. Kasi sinisiguro namin na: una, may papapuntahan ‘yung pera namin. Gusto sabihin sa may papapuntahan, dapat kasi for every peso invested, ‘yung returns nito mas malaki. Kasi, kung hindi lang naman mas malaki ‘yung returns nito, huwag na kasi magsasayang tayo ng pera ng gobyerno. Pahanapan nalang sila ng ibang business endeavor na merong opportunity.
    So, pangalawa, ‘yung kahandaan din ng organisasyon na binababaan ng produkto– ng pondo. Pag sinabi nating kahanadaan, hindi lang capacity sa kaalaman pero ‘yung pati ‘yung managerial saka ‘yung absorptive capacity kasi magma-manage kayo ng pondo. So, ito bago siya binababa maraming mga dinadaanan ng maraming mga capacity building na ginagawa para sigurado kami na pag binaba, kaya nilang i-handle ‘yung pera.
    REPORTER 2: And for the record, ma’am, ito ata, ma’am galing pa sa Office of the Vice Pre—[overlapping]
    VP LENI: Galing to. Ang SLT Program– ang SLT ay Sustainable Livelihood and Training Program, ano to– hundred percent na pondo ng Office of the Vice President. Talagang kabahagi ito sa budget namin.
    REPORTER 2: Ma’am, clarification lang with regards din po doon sa kumakalat na credit grabbing daw po na nangyari sa Surigao City. Can you tell us about that ma’am?
    VP LENI: Alam mo ang pinakadapat tanungin ay ‘yung nandoon. Kasi kami dinownload namin sa kanila ‘yung pera. Dinownload namin sa kanila ‘yung pera, binili ‘yung mga materials sa Surigao City, dineliver ‘yung mga materials from Surigao City to Siargao.
    Ano naman to, eh tumulong na lang sila. Huwag na nilang pakialaman ‘yung tulong namin kasi hindi naman nila, hindi nila— ang maniniwala lang sa kanila ‘yung mga kasama nila na napapa-ikot ng kasinungalingan. Ginagawa na namin ito 2016 pa, sila ‘yung may ginagawa lang dahil eleksyon.
    Pero sa akin ‘yung tanungin ‘yung nandoon, kasi hindi kami gumagawa na hindi namin kasama ‘yung community. ‘Yung community kabahagi sila sa purchasing, kabahagi sila sa distribution. So, ang hirap nitong— ang hirap niyang linlangin kasi ang dami naming resibo pati ‘yung, pati ‘yung trinansfer namin sa kanilang pera nasa amin ‘yung resibo. Pati ‘yung pagbili nila nandoon. ‘Yung nagdala noong mga goods from Surigao City to Siargao nag-attend nga ng event namin so pati ‘yung local governments doon alam.
    REPORTER 2: Ano na po ‘yung next moves mo ngayon VP para sa mga dapat abangan ng mga kababayan at mga supporters po natin ma’am?
    VP LENI: Ito kasi naghahanda na tayo para sa start ng official campaign period sa Tuesday. Malapit na ‘yun kaya tayo nandito ngayon kasi dito ‘yung kick off. Pero at the same time ‘yung typhoon Odette hanggang ngayon tuloy-tuloy kami. Tuloy-tuloy kami kasi pag tumutulong kami, hindi naman kami ‘yung ginagawa ng iba na bababa diyan, magha-hand over ng cheke, magpapa-picture, tapos na. Kami hindi, mayroon kaming mga phases ng pagtulong.
    ‘Yung first phase, we try to— ako I try to be there in the first 72 hours after a typhoon. ‘Yung relief operations, ‘yun ‘yung first phase. At ‘yung relief operations namin may team talaga kaming iniiwan on the ground para tuloy-tuloy ‘yung— [inaudible 8:47] hindi ito one time, tuloy-tuloy. So, ‘yung half ng December hanggang whole of January, tuloy-tuloy ‘yung relief operations namin sa lahat na nasalanta ng typhoon Odette. Ngayon nasa second phase na kami.
    ‘Yung second phase ay housing para doon sa mga nasiraan. So, noong Friday nasa Siargao kami, noong Saturday, kahapon, nasa Dinagat kami, sa Sipalay saka sa Cauayan. Hindi na namin kami kayang puntahan ‘yung Cebu, Bohol, Southern Leyte, Negros Oriental pero mayroon kaming teams on the ground na sila ‘yung nag-aasikaso, sila ‘yung nag-aasikaso ng housing at ito hindi ito last.
    Ang third phase nito, ito ‘yung livelihood component. Kabahagi siya ng isang malawakang program. Kung tumutulong ka sa bagyo, hindi naman ito simple na magbibigay ka lang ng cheke, tapos tapos na. Ito kailangan mong samahan ‘yung mga nasalanta mula umpisa hanggang katapusan.
    Ang pinaka-limitation lang namin, dahil siyempre umaasa lang kami dito sa– ’yung relief and rehabilitation umaasa kami sa private donations so kung mas marami na kaming pera mas marami kaming magagawang programa. Pero ngayon halimbawa sa housing, dahil hindi namin kaya ‘yung lahat na nawalan ng pabahay, pinipili lang namin ‘yung una, ‘yung most affected, ‘yung pangalawa, ‘yung poorest.
    [10:15]
    Ang nagdedesisyon noon, ‘yung community. So, sila ‘yung nagdi-direct sa atin kung saan dadalhin. Halimbawa sa Dinagat, kahapon 400 houses ang gagawin. Nagbigay tayo ng 10 million pesos from the donation drive. ‘Yung partner natin Assisi Foundation nagbigay ng another 10 million. So, good for 200 houses ‘yun, tapos nagtapat ‘yung provincial government ng kung ano ‘yung ibibigay namin, ‘yun din ‘yung ibibigay nila. So, 200 plus 200, mayroon tayong 400 houses. So, alam mo ‘yun, hindi naman kami kailangan magpa– eh sanay na kasi sila sa fake news eh, pero ang dami naming resibo. [Laughter]
    REPORTER 2: Thank you very much.
    REPORTER 3: Baka mayroon kayong mensahe nalang din po sa mga Bikolano at sa kabuuang mamamayang Pilipino sa present situation natin at sa mga i-aanticipate po.
    VP LENI: Sa mga Bikolano lagi akong nagpapasalamat kasi— ako dito ako pinanganak, dito ako lumaki, dito ako nag-asawa. ‘Yung mga anak ko lahat dito pinanganak. ‘Yung mga anak ko dito nag-aral, pumunta ng Maynila ‘yung dalawa for college and si Jillian lumipat noong high school, pero dito talaga kami.
    So, kami kahit ang daming kaguluhan na nangyayari dahil sa politika, laging pag umuuwi kami dito, ito ‘yung kami. Mahal kami ng tao, kilala kami ng tao. Ang nagma-matter sa lahat na ‘yung mga nakakakilala sa’yo, kung sino ka, na-aapreciate ikaw at hindi nadadala sa mga kasinungalingan na binibigay.
    So, sa akin, laging kahit anong kaguluhan na pinagdadaanan ko, ‘pag nandito ako, nakakalimutan ko ‘yun lahat dahil ano ako, among people who love me the most. Kaya ako nagpapasalamat sa kanila. Iniimbitahan ko din sila sa kick-off. Magkakaroon tayo ng motorcade all over Camarines Sur sa February 8.
    Ini-invite po ‘yung lahat na gustong sumama although dini-discourage po namin, dini-discourage namin na sumama pa sa motorcade para hindi na magbuhol-buhol. Ine-encourage na lang namin na stationary na lang, pero lahat ng gustong sumama sa motorcade, welcome. Pero ine-encourage namin na kung kami ang masusunod, better sa amin na maghintay na lang sila kung saan ‘yung mga dadaanan para una, tipid sa gasolina, pangalawa, hindi masyadong traffic. Pero susubukan po naming ma-ikot ‘yung buo.
    Tapos sa second day, sa February 9, tatlong probinsya ‘yung pupuntahan natin: Camarines Norte, Sorsogon, saka Albay. So, sa atin pong mga kababayan doon sa mga lugar na ‘yun, abangan niyo po kami kasi nandiyan din kami sa mga lugar na ‘yun. ‘Yun naman pong mga kababayan natin sa Catanduanes saka sa Masbate, magse-schedule po tayong another day. Kasi alam niyo naman, isla, so mahirap siyang isali dito sa run na ito. Pero galing na din ako doon two months ago– one month ago, pero babalik ako.
    REPORTERS: Thank you po. Salamat.

    [END 13:14]

     

    Posted in Transcripts on Feb 06, 2022