This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VICE PRESIDENT LENI ROBREDO MEDIA INTERVIEW LEON Q. MERCADO HIGH SCHOOL

    VICE PRESIDENT LENI ROBREDO MEDIA INTERVIEW
    LEON Q. MERCADO HIGH SCHOOL

    [START - 00:00]

    MODERATOR: Una pong magtatanong, Ma’am, si [Xave 0:01] ng Philstar.

    PHILSTAR REPORTER: Ask ko lang po, kamusta na po kayo ngayong eve ng campaign period, tapos kamusta po ‘yung preparations? Ilang votes po ‘yung ine-expect po natin from Bicol Region?
    VP LENI: Hindi naman namin kinukwenta ‘yung ilang votes. Pero, sa atin kasi, hindi naman ako huminto. Hindi ako huminto mula sa– mula noong ako na-elect na Congresswoman, hanggang nag VP ako, ‘yung ginagawa ko dire-diretso lang. Tingin ko ‘yun naman ang mahalaga, ‘yung consistency sa ginagawa. Hindi mo lang ginagawa dahil may eleksyon.

    Pero dito alam naman nila. Alam nila even before I became a member of Congress. Kahit in my private capacity, tuloy-tuloy lang ‘yung mga serbisyong ginagawa. Siguro, if at all, ang bago lang kasi kapag binibigyan ka ng isang platform to do more, isang malaking opportunity ‘yun. Pero sanay ‘yung tao na nandito ako. Very regular naman akong umuuwi. So sa akin, ‘yung botong inaasahan natin is not just because Bicolano ako, pero because ‘yung tao dito, naipakita namin kung anong klase ng politika ang kinakailangan para magbigay ng isang klaseng progreso na hindi siya— hindi pera saka kapangyarihan ‘yung pinagmumulan, pero isang klaseng pamamahala saka politika na ang kapangyarihan ibinabahagi sa ordinaryong mamamayan.

    MODERATOR: Sunod pong magtanong, Ma’am, si Jacob po ng One [inaudible 01:37] po.

    JACOB: Madam, ask ko lang po kung kamusta na po ‘yung request niyo sa COMELEC for your Angat Buhay projects during the campaign period?

    VP LENI: Naghihintay kami. Naghihintay kami. Actually, hindi naman lahat ng Angat Buhay projects ‘yung— hindi lahat ‘yung nire-request namin. Pero lahat na konektado lang sa COVID response. So, kabahagi doon ‘yung Medical Assistance Program, yung Bayanihan E-Konsulta, ‘yung Vaccine Express, saka ‘yung Swab Cab.

    So, ngayon, hininto muna namin pending ‘yung exemption kung ibibigay. Noong kami naman ay nag-appear before COMELEC during the hearing saka sa memorandum namin, nangako kami na kung ibibigay sa amin ‘yung exemption na ‘yun, sisiguraduhin namin na we will exert all effort para ‘yung attribution ay hindi mabigay sa akin as a candidate. So, kung dati personal na nandoon ako sa mga activities na ‘yun, hindi na ako puwedeng pumunta kasi kandidato na ako. Kung dati may isang itsura ‘yung lahat na ginagamit namin na, ano to, mga paraphernalia for those project, iibahin namin para ‘yung attribution wala ako.

    Kami, naiintindihan namin na kinakailangan ito para hindi nagagamit ‘yung— hindi nagagamit ‘yung puwesto saka ‘yung funds ng pamahalaan para— para makatulong sa aking candidacy. So, we perfectly understand, pero at the same time, wini-wish din namin na mabigay ‘yung exemptions kasi kung hindi ito mabigay, marami talagang— marami ‘yung mga umaasa sa services ng opisina namin na hindi makaka-avail.

    JACOB: Second question po. Ano lang, ano po ‘yung co— the campaign period will start na tomorrow. And then the rules and regulations of COMELEC will finally set in. Ano na po ‘yung magiging Do’s and Don’ts ng campaign po natin?

    VP LENI: Actually ngayon, hindi– pinag-aaralan pa kasi malaking adjustment. Malaking adjustment ‘yung gagawin, lalong-lalo na kasi iba talaga ngayon because of the pandemic. So, maraming mga ginagawa before during campaign period na hindi magagawa ngayon. Halimbawa ‘yung— halimbawa ‘yung mga ano—halimbawa ‘yung mga malakihan na gatherings ay hindi na ‘yun puwede. Kung meron mang malakihang gatherings, mahalaga na ‘yung protocols ay masusunod. Mahirap ‘yun kasi kasi paminsan hindi mo kontrolado ‘yung lahat ng factors.

    Pero kami naman nag-aadjust and nakikita namin kung bakit naman kailangan ito i-impose. Hindi naman sa amin problem ‘yung— hindi sa amin problema ‘yung– hindi sa amin problema na parang madodoble ‘yung effort kasi instead na isang malakihang gathering, kailangan mong umikot talaga. Kailangan mong umikot to reach as many people as possible para– nagco-comply ka pa din sa protocols. Pero sa amin— ako ma na-eenjoy ko ‘yun. Mas na-eenjoy ko na as many— as many, ano to, opportunities for interaction on the ground as possible.

    JACOB: Thank you po.

    VP LENI: Salamat, Okay na?

    JESSIE: Yes, Ma’am Jessie po from GMA Bicol, Ma’am. This is with regards po with your activities po dito sa Bicol. Nabanggit mo, Ma’am, kanina sa speech mo po sa Summit Hotel na magiging malaking katulungan sa kandidatura mo kung magkakaroon ng pagkakaisa ang mga Bicolano dito sa Bicol Region. Ma’am, nafi-feel mo na magkakaroon ng solid Bicol for VP Leni?

    VP LENI: Oo naman. Actually, sitwasyon ngayon sobrang kakaiba na noong 2016. Kasi noong kumandidato ako noong 2016, ‘yung mga political parties may kanya-kanya talagang mga linyang tinutlak. Pero ngayon, kahit iba-ibang mga partido ay nakuha natin ‘yung suporta. And I think ‘yung pinakamahalaga dito, hindi lang na nagsusuporta sa— sila sa akin as a candidate pero naniniwala sila na pag ako binigyan ng pagkakataon, isang malaking opportunity din ito for the Bicol Region. For many, many years, marami kaming mga pangangailangan na hindi, hindi nami-meet. Marami ding— marami ding pagkakataon na sobrang huhusay din ng mga public servants dito pero ‘yung unification ay hindi ‘yung klaseng unification na dine-desire natin.

    Ngayon nakikita natin na even– even ‘yung mga kandidato from many different parties all agree na to set aside their affiliations and differences para makatulong sa ating candidacy. Tingin ko mahalaga na tignan kung ano ‘yung nangyari noong 2016 na despite the fact na iba-iba ‘yung tinutulak na mga kandidato ng iba’t-ibang political parties, we were still able to get almost 70% of the votes in Bicol and that was despite the fact na lima kaming nagke-claim na mga Bicolano kami. Lima of six candidates, ngayon ako lang.

    So, ang inaasahan natin na mas maganda ‘yung makukuha natin na boto ngayon. ‘Yung pinapakita din na— ‘yung pinapakita din na vigor noong mga— ‘yung mga kababayan natin ibang klase. Bago pa man magkick-off tomorrow, ang dami na talaga nilang ginagawa. Ang dami na nilang ginagawa na makatulong. Hindi lang ito ginagawa to push for my candidacy, pero ‘yung mga advocacies na matagal na nating— matagal na nating itinutulak ay nangyayari ngayon: ‘yung community service, ‘yung pagbabahagi ng sarili saka kaalaman para makatulong sa iba, since October ginagawa na ’yun ng many different groups.

    JESSIE: Yes, Ma’am, follow-up na lang po. Ano po ang nakikita niyo Ma’am na biggest threat in your candidacy this election?

    VP LENI: Ano talaga, disinformation. Disinformation saka fake news. Kasi lahat naman na— lahat na ‘yun mga negative na binabato sa akin, lahat ang basihan disinformation eh. Maraming mga pagkakataon na tine— either tine-twist ang mga facts or ‘yung mga facts ay— ang tinutulak na mga news ay totally baseless. So, because of the power of social media, and ‘yun nga ‘yung lagi kong sinasabi na ‘yung social media kasi works on algorithms, ‘yun talaga ‘yung mahirap dahil alam natin na ang daming fake accounts ngayon. Ang dami natin na ‘yung fake accounts na ginagamit siya para isulong ‘yung kasinungalingan, and alam natin na nasa-saturate nito ‘yung lahat ng distribution channels.

    ‘Yung pinakamahirap kasi sa social media, hindi siya gaya– gaya ninyo sa media na merong accountabilities na hindi nyo-- hindi kayo maglalabas ng anything na hindi na-validate. Sa social media kahit ano puwede ilabas na walang accountability kasi puwede mo nga ilabas kahit fake account ‘yung ginagamit mo. Ito ‘yung mahirap ngayon, na while nire-recognize natin ‘yung power ng social media, nagamit talaga siya sa pag-aabuso. Kaya para sa akin, hindi lang ito pagtulong sa akin pero dapat tayong lahat magtulong-tulong para i-fight ‘yung fake news. Kasi kung ang eleksyon maipapanalo base sa kasinungalingan, kawawa tayo. Okay? Okay na? [chatter 08:57 – 09:02] Ay sige, meron pa pala.

    REPORTER: Ma’am, kasi trending ngayon ‘yung kulay rosas ang bukas. I understand this will be the theme of your campaign. Can you explain the meaning behind this?

    VP LENI: ‘Yung kulay rosas kasi ang bukas, ito ‘yung aspiration natin kung ano ‘yung magiging tayo pag ang gobyerno naging tapat . Pinakita natin ‘yan in many instances already na despite the limitations of our office, and I’m not just referring to ‘yung the Office of the Vice President, pero pag ang gobyerno kasi naging matapat sa kanyang tungkulin, ‘yung resources ng pamahalaan nagagamit sa tama. Nasi-stretch ito na makakarating siya sa mga pinakanangangailangan. Kung ang gobyerno matapat, ‘yung buy-in ng ordinaryong mamamayan ay nandiyan dahil sa kaniyang paniniwala na hindi masasayang ‘yung kaniyang contributions sa pamamahala.

    Ako kasi naniniwala ako na hindi naman nakasalalay sa isang lider lang eh ‘yung future natin, ‘yung kinabukasan natin. Pero ‘yung lider na magi-iinspire sa lahat ng mga Pilipino na mag-ambag, maki-ambag, sa akin ‘yun lang. Kahit gaano kahusay noong lider, kung hindi niya ma-inspire ’yung tao na maging bahagi ng solusyon, pare-pareho lang naman ‘yung problemang haharapin natin sa pang-araw-araw. So, sa akin talaga ‘yung kulay rosas ang bukas, ito ang aspiration natin. Ito ang aspiration natin na kung gawin natin ng tama, kung magiging matapat tayo, makaka-asa tayo ng pagbabago.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am.

    [END – 10:36]

     

    Posted in Transcripts on Feb 07, 2022