Vice President Leni Robredo Media Interview
Swab Cab, Antipolo
[START 00:11]
REPORTER: Ma’am, kumusta po ‘yung naging pag-ikot niyo ng Swab Cab. May initial data na po ba tayo?
VP LENI: Ngayon, pagpasok ko kanina, so far, 27 percent ‘yung positivity. So, mabuti-buti siya compared to most kasi ‘yung first, I think first three o first four natin, lahat more than 40 percent. ‘Yung ma– medyo mababa lang nang kaunti ‘yung Payatas kasi ‘yung Payatas, if I am not mistaken, 16 percent to 18 percent. Ta’s ngayon, so far, 27 percent. So, while mataas pa siya, better doon sa mga nauna.
REPORTER: Tapos after, bukas, Ma’am, nasa Makati, Ma’am, ‘no?
VP LENI: Bukas Makati tayo, pero ‘yung gagawin natin sa Makati house-to-house, kasi hina-harmonize natin with the– with the regulations ng LGU. Sa kanila, ‘yung regulation nila ‘pag pos– ‘pag– ‘pag ano ‘to, ‘pag may symptoms ka na, bawal ka nang lumabas ng bahay. So, ‘yung may mga symptoms na hindi pa nate-test, pupuntahan natin sa bahay bukas. So, bukas, mas marami ‘yung teams natin dahil iikot sila. I think eight barangays in Makati ‘yung mga barangays na identified ng LGU na mataas ‘yung transmission.
REPORTER: Ma’am, ‘yung tungkol sa Marcos petitions, marami pong nag-aabang ngayon. Wala pa rin pong ina-announce ang COMELEC. Kayo ba, Ma’am, inaabangan niyo o ano po ‘yung inaasahan ninyo?
VP LENI: Hindi, hindi namin inaabangan kasi whatever naman nung– nung desisyon ng COMELEC, hindi naman apektado ‘yung laban. Lagi naman namin sinasabi na ‘yung– ‘yung laban ng aking kandidatura ay hindi naman nakadepende saka nakabase sa– sa galaw ng ibang mga kandidato. Para– tayo, whatever the decision will be, sige lang tayo.
REPORTER: Tuloy pa rin, Ma’am. Parang wala kayong mga physical na meet and greet lately, pero meron ‘yung RizaLeni mamaya at ‘yung [inaudible 02:08].
VP LENI: Lahat ‘yun Zoom. Actually, since Typhoon Odette, since Typhoon Odette, kinansel natin ‘yung most of the, ano ‘to, ‘yung personal na– na pagkikita kasi gusto nating– una, ‘yung Typhoon Odette, gusto natin ‘yung lahat ng efforts nako-concentrate on relief operations. Ngayon, ‘yung teams namin, tuluy-tuloy. ‘Yung teams namin on the ground pa kasi nagshi-shift na tayo to rehab. Tapos, noong nagka-surge naman, talagang manipis ‘yung opisina namin. Manipis ‘yung opisina namin dahil una, maraming na-infect. Pangalawa, ang daming sabay-sabay na efforts na ginagawa. ‘Yung Bayanihan E-Konsulta namin sobrang loaded kami, ta’s itong Swab Cab, tapos Vaccine Express, magkaka– magkasabay.
So, ‘yung sa campaign, in-advise natin lahat na as much as possible, wala munang mga face-to-face, wala munang masyadong mga biyahe. So, lahat ngayon, Zoom. ‘Yung mga townhall meeting, Zoom. Meron ding kaunti na ‘pag small groups na kailangan mag-meet face-to-face, lalo na ‘pag mga briefings, ginagawa pa din natin. Pero ‘yung mga big na town– town hall types, talagang nag-shift tayo virtual.
REPORTER: Later, Ma’am, ‘yung Rizaleni, may message kayo sa inyong mga supporter. May mga, patuloy ba ‘to, Ma’am, ‘yung mga mag-eexpress ng support sa’yo?
VP LENI: Tuluy-tuloy. In fact, ngayon nga, 1:00 merong RizaLeni. Ito ‘yung mga volunteer groups na iba’t-iba dito sa Rizal. In fact, ‘yung iba sa kanila nandito kasi nag-volunteer sila na sumali sa manpower na nagtutulong. Pero ganito kasi ‘yung– dahil ganito ‘yung nangyayari ngayon, gusto nating magpasalamat sa kanila kasi kahit hindi ako personal na nakakababa, ‘yung– ‘yung iba’t-ibang groups kaniya-kaniya talagang initiative sa kaniya-kaniyang mga communities nila.
REPORTER: Ma’am, recently you were– you were endorsed by the Cabinet of former President Ramos. How important is that for you? Pero nagka-meeting muna kayo, Ma’am, before? You met them?
VP LENI: Actually, hindi. ‘Yung– ‘yung first meeting ko sa kanila, in-endorse na nila ako, so talagang pleasant surprise. Kasi ‘yung sinabi lang sa ’kin na may nag-arrange na if I can meet them. Ako naman, halos lahat naman ng mga requests, pinapagbigyan, ino-honor. Ang pinakaproblema lang talaga namin ‘yung mga conflict sa schedule, pero akala ko simpleng meeting. In fact, nagsasabi ako sa kanila during the opening message, sinasabi ko hihingi din ako ng tulong nila for policy kasi alam ko na sobrang huhusay talaga nung– nung kara– ‘yung lahat na Cabinet Secretaries ni President Ramos. Tapos, during the meeting sinabi nila na meron silang prinepare na statement of support kaya overwhelmed tayo kasi very well-respected naman ang– ang mga taong naka-meet natin. I think 23, 23 of them, and sabi nila nagriri– magri-reach out pa daw sila sa iba. Parang initial pa lang daw ‘yun.
REPORTERS: Thank you.
[END 05:14]