This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at Meeting with Batangas District 4 Leni-Kiko Volunteers Padre Garcia Cultural Center, Brgy. Quilo-Quilo North, Padre Garcia, Batangas

    Vice President Leni Robredo at Meeting with Batangas District 4 Leni-Kiko Volunteers
    Padre Garcia Cultural Center, Brgy. Quilo-Quilo North, Padre Garcia, Batangas


    [START 00:00:09]
    VP LENI: Maraming maraming salamat, maupo po tayong lahat. Ayan, magandang umaga po sa inyong lahat, bago ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay-galang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga sa pangunguna po ni Congresswoman Lianda Bolilia ng District 4, magandang umaga po. Ang akin din pong pagbati sa aking kumare, ang ating mayor, Mayor Celsa Rivera; ang atin pong Vice Mayor, Vice Mayor Noel Cantos, maraming salamat po; ang atin pong mga councilors na kasama ngayong umaga hindi lang po dito sa Padre Garcia pero pati po galing sa iba’t ibang mga bayan ng District 4. Ang akin din pong pagbati sa mga barangay captains na kasama po natin ngayong umaga. ‘Yung mga barangay officials nanggagaling sa anim na bayan ng District 4.
    Siyempre po ‘yung aking partner, Senator Kiko Pangilinan at ang pinakamahalaga po sa lahat, ‘yung ating mga volunteers, na alam ko po since day one, nagpapagod na talaga kayo. At sabi nga ni Vice Mayor, gumagastos. Kaya maraming maraming salamat sa inyo. Hihingi rin po ako ng paumanhin, dahil dapat po ‘yung una kong punta sa Batangas, kausap po namin si Mayor Mike Rivera, dapat po ay dadaan kami dito, pero sobrang nagulo po ‘yung schedule namin, ang napuntahan lang po namin, Batangas City saka Lipa. Kaya sabi ko po, babalik kami, dapat ‘yung pinakaunang puntahan namin, Padre Garcia dahil may utang ako sa inyo. Pero para po doon sa mga hindi taga-Padre Garcia, ang promise ko po sa susunod na balik ko, doon naman tayo sa mga lugar ninyo.
    Pangatlong araw ngayon, pangatlong araw ng official campaign period. Pero alam niyo po, punong-puno ‘yung puso namin ni Senator Kiko dahil sa pinapakitang pagmamahal, tiwala, at pag-asa na nanggagaling sa mga volunteers. Kanina po nakaupo ako sa unahan, ikinukuwento ko po— ikinukuwento ko po kay Congresswoman Lianda na ibang-iba ang eleksyon na ito. Hindi ko alam kung naramdaman ninyo iyon. Matagal-tagal na din po ako nag-eeleksyon. ‘Yung asawa ko po, anim na eleksyon ang pinagdaanan namin, ito naman pangatlo ko nang eleksyon na ako ‘yung kandidato. Pero first time kong naramdaman namin na ito ‘yung pinakamagaan kahit matindi ‘yung laban. Pero magaan siya, magaan po siya dahil wala pa po kaming in-oorganize, ang mga volunteers nag-self organize na. Wala pa kaming, wala pa po kaming mga tarpaulin, ang mga volunteers may tarpaulin na, kami pa ‘yung binibigyan. Baliktad na ‘yung mundo. Pati po ‘yung mga t-shirts, tignan niyo ‘yung mga t-shirts ninyo, iba-iba. Iba-iba dahil kaniya-kaniyang pa-print. At ang kagandahan ng samahan natin nandoon sa pagkakaiba. Iba-iba man ang pinanggalingan natin, ibang-iba man ‘yung political affiliations kung meron man, pero nagkakaisa tayo lahat dito dahil sa isang paniniwala. At ‘yung paniniwalang iyon, nasa kamay natin ang kapangyarihan at nasa kamay natin ang pagdedesisyon sa darating na eleksyon.
    Kanina po sinasabi po ng ating mga naunang speakers na sana hindi natin sayangin ‘yung boto natin sa May 2022. Dahil ito po, klarong-klaro: Ibang-iba ‘yung mga klase ng pamahalaan, ang aming mga paniniwala, klase ng politika na tinutulak ng mga kandidato ngayon. Hindi lang po ito pag-kakampi sa isang kandidato, pero pagpipili. Pagpipili kung anong klaseng daan ang gusto natin na tahakin sa susunod na anim na taon. Ano po ba ‘yung paniniwala natin na pamahalaan na makakabuti para sa ating bansa? Nasabi ko na po itong paulit-ulit, pero ‘yung paniniwala na ‘yung tapat na pamahalaan, ‘yung matino at mahusay na pamumuno, ‘yun ‘yung kinakailangan natin. Bawat eleksyon, bumoboto tayo. Bawat eleksyon maraming nangangako sa atin, di ba? Pero pagkatapos ng eleksyon, parating may pakiramdam tayo na wala namang nagbago. At ang sasabihin ko po sa inyo, talagang walang magbabago kung ang pinalitan lang natin mga mukha saka apelyido ng kandidato. Kailangang itulak natin ‘yung klase ng politika at pamamahala na palagay natin siya ‘yung magsasalamin ng lahat na paniniwala din natin at aspirations natin.
    Marami na pong nagdaan na mga politiko, na mga kandidato, kahit doon sa amin. Pero hindi na talaga puwede ‘yung luma at bulok na klase ng politika. Ang pinapakita niyo ngayon, ang pinapakita niyo ngayon na kahit hindi pa kami gumagalaw, gumagalaw na kayo. Pagpapakita na talagang ang tunay na kapangyarihan ay nasa puso ninyo.
    Aaaminin ko po sa inyo, huling-huli na ako nagdesisyon. Ang una ko po sanang desisyon hindi ako kakandidato. Dahil po huling-huli na akong nag-desisyon, hindi talaga ako nakahanda. Pagdesisyon ko, saka palang ako maghahanda. Ang iba handang-handa na pero ginulat ninyo ako. Dahil kahit ako hindi handa, kayo handa na. At ‘yung nakikita ko pong pagka-desisyunado ninyo ngayon, naniniwala ako na hindi lang ito dahil naniniwala kayo sa akin. Pero naniniwala ako at naniniwala kayo na ang pinaglalaban niyo na dito hindi lang para ako manalo, pero ang pinaglalaban niyo na dito ‘yung kinabukasan ng mga anak at apo natin.
    Nakakagulat po ngayon, gumagastos ang volunteers, nahihiya nga ako. Kasi hindi po ito ‘yung tradisyonal na practice di ba? ‘Yung tradisyonal na practice pag merong pagtitipon, ‘yung mga local officials, ‘yung mga mayor, talagang siya ‘yung mamomroblema kung papaano mag-ipon ng tao. Pero ngayon po lahat ng lugar na puntahan namin, parating sinasabi sa amin ng local officials, “Ito ‘yung pagtitipon na hindi kami nahirapan mag-aya ng tao, in fact ang pinoproblema pa namin kung papaano namin kumbinsihin ‘yung iba na huwag na pumunta dahil sa physical distancing.” Ang gustong sabihin, ramdam na ng bawat Pilipino na kailangan na siyang may gawin para baguhin ‘yung takbo ng ating politika at pamamahala. Pag panahon naman ng eleksyon— alam niyo naman ito— pag panahon ng eleksyon maraming pupunta, maraming manliligaw, sasabihin ‘yung gusto nating marinig.
    Pero ‘yung sa akin lang po, papaano ba natin hindi sasayangin ‘yung pagkakataon na ito? Hindi natin sasayangin pag pinag-aralan natin ‘yung katauhan, paniniwala, track record ng mga nangangako. Kasi ang pinakamadali nating puwede gawin, mangako. Pero papaano natin malalaman kung tutuparin niya ngayon ‘yung kaniyang mga pangako. Pag sinabing, “Mahal ko ‘yung mahihirap,” Papaano niya ito ipinakita sa kaniyang buhay? Dahil pag eleksyon, lahat naman mahal ‘yung mahihirap di ba? Gamit na gamit na nga ‘yung mahihirap. Pero papaano ito ipinakita? Binigyan na ba siya ng papel sa pamahalaan? Kung binigyan na siya, humawak na siya ng puder, paano niya ginamit ‘yung kaniyang kapangyarihan para iahon ‘yung mga nahihirapan. Pag sinabi niyang “Magiging masipag ako sa aking trabaho, hindi ko kayo papabayaan.” Ano ba ‘yung record nito? Nasa loob siya ng politika, nasa labas ng politika, paano niya ipinakita ‘yung kaniyang kasipagan?
    Kaya ‘yun po ‘yung hihilingin ko sa inyo ngayon. Mas mahirap ‘yung hinaharap natin dahil sa social media. ‘Yung social media maraming mga paniniwala ang nabubuo at karamihan noon ay nakabase sa hindi naman totoo. Pero ang kailangan po natin, magdesisyon tayo. Na ‘yung lahat na hindi totoo, kailangan natin basagin. Dahil kung hindi po natin ito mababasag, kawawa naman ‘yung taumbayan. Ang pagsisisi nasa huli na naman. Pero ito po, nagpapasalamat talaga ako sa inyo. Nakikita ko po ‘yung ginagawa ninyo sa Facebook. In fact mga videos, mga pictures, kahit ‘yung pinakahuli niyong caravan, nakita ko po iyon. At everytime makikita ko po ‘yung mga litrato niyo, sobra akong nagpapasalamat. Sobrang nagpapasalamat, hindi lang dahil sinusuportahan niyo kami ni Senator Kiko, pero sobra po akong nagpapasalamat dahil nagdesisyon na kayo, nagdesisyon na may gagawin kayo para sa kinabukasan ng ating bayan.
    Kaya naman po natin sinasabi na pag gobyerno tapat, aangat ang buhay ng lahat, dahil ito po naipakita na namin. Noong ako po naging Vice President, ang una kong hinarap na kahirapan, kulang na kulang ang aming pondo; kulang ang aming mandato. Halos wala naman kaming magagawa dahil wala kaming resources. Pero ang ginawa po namin, inayos muna namin ‘yung aming opisina, nag-ISO kami, nag-COA audit rating na maayos, pati po ‘yung human resource management ng office namin, awarded dahil maayos. Pinakita namin na malinis at mahusay ang aming opisina. Noong naipakita po namin na malinis at mahusay ang aming opisina, ‘yung tiwala nakuha namin. Marami po kami ngayong nagagawa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil marami pong tumitiwala sa amin na mga private citizens saka organizations. At itong mga tulong na ito galing sa pribado, ‘yun ‘yung nagbubunsod para makatulong kami sa iba. Pareho din po iyan sa ibang larangan ng pamamahala. Pag may tiwala sa’yo ‘yung tao, ano ‘yung aasahan mo sa tao? Magko-cooperate sila. Halimbawa ngayon, bakit kayo gumagastos para sa kampanya? Karamihan sa inyo baka hindi ko pa nga na-meet in person, di ba? So, bakit kayo naggugugol ng panahon para mag-kampanya sa isang tao na hindi naman kayo magkakilala ng personal.
    Gumugugol kayo ng resources saka ng panahon dahil sa paniniwala. Di ba dahil sa paniniwala na ito ‘yung makakabuti para sa bayan. Kaya sana ano nalang po, ang natitira nalang na araw sa atin 88 days. Sana ‘yung 88 days na ito, huwag sana tayong mapagod. Huwag po sana tayong mawalan ng pag-asa. Kanina po ikinukuwento ni Vice Mayor na napakataas ng botong nakuha ko dito sa Batangas. Malaki po ‘yung pasasalamat ko pero hindi po ako ganoon nagsimula.
    Noong nagsimula po ako noong 2016 na kampanya, two percent lang ‘yung aking rating. Anim po kaming mga kandidato, nasa pinakababa ako ng survey. Pero dahil sa pag-desisyon na magpapagod, ipapakilala ang sarili, ipaparating ang programa, unti-unti umakyat ‘yung ating ratings. Hanggang sa panahon ng eleksyon, nanalo tayo at ‘yung Batangas isa sa malaking dahilan kung bakit tayo nanalo.
    Kanina po nakaupo ako, nakaupo po ako katabi ko si Cong. Lianda saka si Mayor Celsa. Tinatanong ko po si Cong. Lianda kung naalala niya noong 2016, dito po ako sa Pedro Garcia nag-birthday noon. Ay Padre— iba yata ‘yung inisip ko. Dito po ako sa Padre Garcia nag-birthday noon. Kung naalala mo kumare, sa labas ng bahay niyo meron— naglagay kayo, naglagay tayo ng stage doon at doon po ako nag-birthday. Malayo na ‘yung nilakbay natin since then. Kasama ko na noon si Cong. Lianda— I think board member si Cong. Lianda at that time? Ay ang board member si husband mo, kandidato na si Cong. Lianda at that time. So, noong panahon na iyon, wala pang nag-aakala na mananalo ako. Pero dahil sa pagdesisyon din ng mga kasama, nagawa ‘yung akala nating imposible. Hindi din imposible na magagawa ulit natin iyon ngayon na 2022. Kaya po nagpapasalamat ako sa inyong lahat. ‘Yung mga kasama po natin sa stage na mga team leads ng mga volunteers natin, marami pong salamat kasi alam po namin na mahirap ‘yung ginagawa niyo. Nagpapasalamat din po tayo sa lahat ng mga barangay officials, local officials na very very supportive.
    Pero ito po, ayusin natin ‘yung next 88 days at pag naayos po natin ito, mapapanalo natin ito. So, maraming salamat po sa inyo. Hindi lang po ako, si Senator Kiko, pero ‘yung lahat na Senatorial condidates po natin. Represented ngayong umaga ni Senator Leila De Lima ni Commissioner [inaudible 00:17:33]. Ang paghingi po namin ng tulong hindi lang kami pero ‘yung buong slate. Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 17:44]

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 10, 2022