This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Message at the Cobatato-Maguindanao People's Rally

    Vice President Leni Robredo Message at the Cobatato-Maguindanao People's Rally
    Cotabato State University Oval, Cotabato City, Maguindanao


    [START 00:00:00]

    VP LENI: Magandang umaga Cotabato. Magandang umaga Bangsamoro. Magandang umaga Maguindanao. Pasensiya na kayo kasi matindi ang sikat ng araw pero, kahit matindi ang sikat ng araw napakainit pa din ng pagtanggap ninyo sa akin. Masayang-masaya po ako na nakabalik ulit ako. Alam niyo, noong ako po nag-Vice President, ang concentration po ng mga proyekto ng Angat Buhay Program namin nandito po sa Bangsamoro. Sa Lanao Del Sur, marami po tayong programa. Ilang lugar sa Lanao Del Norte, marami tayong programa. Dito po sa Maguindanao, ilan po 'yung ating mga livelihood programs sa iba't ibang bahagi ng Maguindanao. Sa Basilan, Sa Sulu, Sa Tawi-Tawi, meron po tayong mga programa, bakit ko po ito sinasabi sa inyo? Dahil ngayon po na eleksyon, marami 'yung pupunta dito sa inyo, manliligaw. Lahat po sila– busted daw sila, busted. [laughs] Lahat po sila magsasabi na mahal nila kayo pero alam niyo po, pag nagsabi silang mahal nila kayo, at aasikasuhin nila kayo, and dapat pong itanong ninyo, “Noong hindi pa kayo kandidato, asan kayo para sa amin?” [crowd cheers]

    Para po – siguro po 'yung mga kabataan dito, hindi na kilala 'yung yumao kong asawa. Pero doon po sa nakakakilala sa yumao kong asawa, noong panahon po na DILG Secretary siya, tinutukan niya po na magkaroon ng lasting peace dito sa inyo. Sobrang dalas niya po dito, inaasikaso niya na magkasundo-sundo 'yung inyong mga lider. Pero sa kasamaang palad po, namatay 'yung asawa ko noong bumagsak 'yung eroplanong sinaksakyan niya. Noong namatay po 'yung asawa ko, hindi niya pa nare-realize 'yung kanyang pangarap para sa inyo. Kaya noong ako po nag-Congresswoman pagkatapos niya pong namatay, sinabi ko po sa sarili ko na kahit hindi ko distrito 'yung Bangsamoro, itutuloy ko 'yung mga hindi natapos na pangarap ng aking asawa para sa inyo. Kaya sa 16th Congress po, co-author po ako ng Bangsamoro Basic Law. Mahabang panahon, mahabang panahon ang ginugol po namin, maraming luha, maraming heartbreak, ang mga hearing po noon hanggang umaga. Ipinaglalaban po natin na maipasa ito para po ito na 'yung mahalagang first step para sa pangarap natin na katahimikan dito sa inyo.

    Hindi po naipasa 'yun noong 16th Congress, pero naipasa po ito noong 17th Congress at ngayon po, nakikita na natin 'yung mga pagbabagong unti-unti, nakakamtan na natin. At ngayon, nasa sa atin po lahat, nasa sa atin lahat– ito po, maraming mga kabataan ngayon. Kailangan pong maging bahagi kayo sa pagbabagong ito. Pero sa akin lang po, napaka-crucial, di ba napaka-crucial nitong eleksyon na ito, dahil 'yung atin pong bobotohan na pangulo, ito po 'yung magde-determine kung patuloy ba 'yung ating pinaglalaban. Kaya po dapat ang tanong ninyo, dito sa mga nag-aambisyon mag-pangulo, nasaan kayo? Nasaan po kayo, nasaan kayo noong pinaglalaban pa namin ito? [crowd cheers “Leni!”]

    Madali lang po kasing sabihin, di ba? Madali lang sabihin na ipaglalaban kayo, madali lang sabihin, mahal kayo. Madali lang pong sabihin na andiyan ako pag kailangan niyo ako, pero ano ang resibo? Ito lang pong nakaraan na pandemya, itong nakaraang pandemya, 'yung opisina po namin, tuloy-tuloy ang pagpadala dito sa Cotabato, sa Maguindanao ng mga PPE sets, ng mga medical supplies, ng mga antigen kits– dapat po 'yan 'yung itanong niyo sa mga nanliligaw sa inyo, noong kinakailangan niyo sila, nasaan sila?

    Kaya po ngayon, marami pong mga importanteng nangyayari dito sa inyo. Marami po tayong pagbabagong inaasam pero 'yung pagbabago po, hindi natin 'yun makakamtan pag nagkamali po tayo ngayong darating na halalan. Noong nakaraan pong 2016 elections, napakalaki ng tulong na ibinigay niyo sa akin. Dito po sa Cotabato City, nakakakuha po ako dito ng lampas 22,000 votes. 'Yung kalaban ko po sa eleksyon, 10,000 votes lang 'yung nakuha. Sa buong Maguindanao, napakalaki din ng pinanalo ko. Ang binigay niyo po sa akin na boto, more than 220,000 votes. [audience shouts “Panalo ni Leni, panalo ng Bangsamoro!”]

    Ayan, 'yung binigay niyo po sa akin na more than 220,000 votes, ang kalaban ko po lampas 80,000 votes lang. Kung ganoon po 'yung panalo ko noon, napakalaki, wala pa kayo noon. Ano pa kaya na nandito na kayo? So kaya pa ba nating dagdagan 'yung ating panalo? [audience shouts: “Oo! Kayang-kaya!”] Ganito po, nakikita ko kayo kusang loob na pumunta dito, nakikipaglaban– [audience shouts: “Hindi kami bayad!”] kahit napakatindi ng sikat ng araw. Gusto pong sabihin, handang-handa magsakripisyo basta para sa kinabukasan ng ating bayan. Dati po, pag pumupunta ako dito, totoong maraming tao pero ako lang 'yung nagsasalita. Ngayon na bumalik ako, pati kayo nagsasalita na din, tignan niyo 'yung mga placard na dala niyo, di ba?

    Ano ito? "Representative ng mga di nakapag-leave for Leni." Pasabi na lang po sa kanila, kahit hindi sila nakapag-leave, damay pa din sila sa ating pinaglalaban. "Mga future educators for Leni." Congratulations po sa ating mga LET passers. "You are the leading queen, young and sweet." Hindi na ako young. "And the 17th President of the Philippines." Ayan, "End tyranny and impunity." "Live, laugh, love you VP Leni."

    "Mga pretty for Leni," "Nagpaalam ako sa nanay kong Isko at sa tatay kong BBM," ayan, ha may assignment ka. "18 hours of work sa OVP gawin nang six years sa Malacanang." Ano ito, "Sa gobyernong tapat, suweldo ng healthcare workers aangat," "Ma'am Leni, pagod ka yata. Umupo ka na for six years." "Slay the Queenbredo." Ano ito– nasaan? "Tawi-tawi kami. Leni at Kiko all the way!" Maraming salamat. "Mapapagod pero hindi susuko para kay Leni-Kiko." "1% to Vice President in 2016. 15% to President in 2022." Ano po 'yan? "Agenda ng Mindanao Network of Organizations for the People's and Nature's Rights and Welfare." "VP Leni, ikaw ang nag-iisang tiyak sa isang libong duda." Ay ano 'yun? "Isang libong fake news" pala! "Mama ko pink."

    Alin? Alin ang ma– I love you too. Ganiyan na ba ang I love you ngayon? [laughs] Bago 'yan ah! "Mga absent for Leni." "Kay Robredo ang mga Cotabateno." O, ito maaga pa ito, "Miss Leni, tara shot!" Maaga pa, maaga pa. Mamaya nang gabi. "Mga hindi pinili for Leni," "Kokota sa Cotabato si Leni," ayan. "Pink sheeps of the family for Leni-Kiko," "Bangsamoro supports Leni for justice and peace," "Non-Moro Indigenous Peoples for Leni," maraming salamat. "Talo sa survey, panalo sa election day," "Mga katutubo para kay Leni," "May panalo nang Presidente, uwian na," malapit na tayong mag-uwian kasi tumitindi na 'yung init. "Future lawyers for Leni," "Leni-Kiko pag-asa para sa NMIPs," "Mga katutubo for Leni," "Our Leynis, we love you!" "Tax lang ang binabayaran hindi kami," "Tagumpay ni Leni, tagumpay ng Bangsamoro." "Bangsamoro youth leaders Cotabato City Chapter," maraming salamat.

    "Mga puyat at babagsak this second sem," huwag naman. Okay 'yung puyat pero 'yung babagsak, extra effort. "Leni, ang dami mong sabi. Puwes, bigyan 'yan ng six years!" "Leni is winning kaya the others are shaking," "Kalma, 16% lang kami." Uy, sino ang gumawa niyan? Ang ganda! "Ang tunay na cancel culture ay ginawang culture ang pag-cancel sa debate." Akin na ito? Akin na? Maraming salamat. Thank you. Palakpakan natin siya. Nasaan 'yung nagbigay? Pakilagay ng pangalan mo saka telephone number para– ayan.

    "Raise your hand if si Leni iboboto mo." O, doon daw sa mga hindi, "Raise your standards." "Dito kami sa may resibo hindi sa may kaso." "Laban ng Bangsamoro, laban ni Leni Robredo." "Panalo ni Leni, panalo ng Bangsamoro." Ito, "Nagtitiis sa init kasi worth it." Ano 'yan, "Agri Partylist," "Tara, Leni, hatid ka na namin sa Malacanang," "Ang Mindanao ay hindi para sa mga magnanakaw." "Ang Bangsamoro ay para kay Leni Robredo," "146 Akbayan, Leni-Kiko-Risa," "Iranon people will support Leni Robredo," maraming salamat. "Iboto si Robredo para sa malinis na gobyerno." "Kaunti man kung bibilangin, titindig pa rin pa rin para sa iyo, para sa bayan, para sa atin." "Mga Manisan for Leni."

    Ano ito, "HUMMS?" o "HUMMS"? "HUMMS students for Leni," "Tao po, hindi sibuyas." "Gawain ng Presidente kaya ng babae."

    HOST: TAMA!

    VP LENI: "Let Leni lead me to you," o, sinong you 'yan? "Mga nagse-settle sa walang label for Leni," may hugot ka. "Welcome to Cotabato City from Pagay Romero Hajisiran," "Okay lang tanghaling tapat basta gobyerno ay tapat," "Sa gobyernong tapat, material girl ang all," "Sa gobyernong tapat, magkaka-jowa ang lahat." "Ikakahiya ako ng Jonaxx boys ko kung sa magnanakaw ako boboto." Ano ito, "[reads placard in local dialect 17:25-17:27]". Ahh, oo gets. "Ma'am Leni, pa-hug gusto kong maramdaman ang hug ng isang Presidenteng malinis ang track record," mamaya dito kayo.

    "VP Leni, pa-picture po kasi gutom na ako. Pero gutom na sa gobyernong tapat." ayan. "Victims of Human Rights Violations Association, Inc." "Ma'am VP Leni Robredo, laban mo sa Mayo 9 ay laban din namin para sa iyo," ayon. "Tanging pag-asa 2022." Ito tama ito, pakinggan ninyo, "Address root cause of armed conflict." "President man namin ay woman at least, di tumatakbo dahil kay Antman." Kayo ha, kayo ha. "Livelihood at education ang nagtiling una kay Inay Leni," ayan. "Cotabato LGBTQ for Leni," "Kay Leni may hustisya at kapayapaan," "Mga banners for Senator Trillanes," "Magdalo Partylist," "Mindanao for Leni-Kiko," "Akbayan," ulit.

    Ano 'yan, "[reads placard in local dialect 19:04-19:06]." Ayun, ayan, "Risa Hontiveros," "We know your sacrifices, Madam Leni," maraming salamat. "Muslima para kay Leni." Ano 'yun? Maraming salamat. Marami– Manisan? Salamat. Ano? Manisan? Ano 'yun? Binibigay mo na 'yan sa akin? Maraming salamat. "Katutubong Kababaihan para kay Leni Robredo at Kiko Pangilinan." "Sa kulay rosas na bukas, mura ang gas at bigas."

    Maraming salamat. Ito po hindi ko na pagkakatagalin kasi bilad na bilad na kayo sa araw. Pero ang akin lang pong pinapangako sa inyo na kapag ako po naging Pangulo kung ano 'yung sinimulan kong pagpapakita ng pagmamahal at pag-aasikaso sa inyo, lalo na kapag binigyan ako mas malaking mandato. Kapag sinabi po nating aasikasuhin kayo, sisiguraduhin po natin na pinapakinggan kayo. Walang naiiwan, lahat natutulungan, lalo na sa kinabuhayan. Ito po alam ko marami 'yung mga pangangailangan dito ngayon. Marami na po tayong na-achieve pero marami pa tayong kailangang gawin. Ang akin pong assurance, kasama niyo ako bawat hakbang. Hindi ko po kayo papabayaan.

    Kaya maraming maraming salamat po sa inyo, mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:20:57]

     

    Posted in Transcripts on Mar 16, 2022