This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Message at Dinggoy Roxas Civic Center, Roxas City, Capiz

    Vice President Leni Robredo
    Message at Dinggoy Roxas Civic Center, Roxas City, Capiz


    [START 00:00:00]
    VP LENI: Maraming salamat po. Magandang umaga sa inyong lahat. Maraming salamat. Maraming salamat po. Ayan, maupo po tayong lahat. Unang-una po sa lahat, ang aking pagbati at malaking pasasalamat sa atin pong minamahal na napaka husay na Mayor, palakpakan po natin, Mayor Ronnie Dadivas saka po ang buong Sangguniang Panlungsod ng Roxas na kasama po natin ngayong umaga. Magandang umaga din po sa aking kaibigan, napakabait, napakahusay na public servant, palakpakan po natin, Cong. Tawi Billones. Magkasama po kami ni Cong. Tawi sa Kongreso sa 16th Congress. Palakpakan din po natin ‘yung iba pang provincial officials na kasama po natin ngayong umaga, palakpakan po natin si Mr. Jojo Ang ng USWAG Ilonggo Partylist, pasensya na Jojo. Maraming salamat din po kay Ms. Judith Azarcon, siya po ‘yung ating Robredo People’s Council co-convenor saka po si Mr. Tony Morente, nasan na si Tony? Nandito sila? Ang ating RPC coordinator, nandito po si Board Member Tambol Apolinario, maraming salamat po.
    Tawagin ko lang po ‘yung mga grupong nandito ngayong umaga, baka po kapag tinawag ko kayo kahit itaas niyo lang ‘yung mga kamay niyo para alam ko po kung saan po kayo nakaupo. Nasaan po ‘yung ating One Capiz Volunteers? Nasaan po ‘yung ating Capiz Municipal Coordinators? Hiwa-hiwalay ‘yata sila. Nasaan po ‘yung ating mga Barangay Health Workers? Maraming salamat. Nasaan po ‘yung ating mga fisherfolk? Ayan, nandoon sila. Nasaan po ‘yung ating dried fish vendors and processors? Nabisita ko na sila dati, magandang umaga sa inyo. Nasaan ‘yung ating mga farmers? Ang ating mga [inaudible 00:02:44], maraming salamat. Baka meron tayo ditong kasamang mga TODA drivers? Mga small business owners? ‘Yung mga indigenous peoples? Kanina umakyat na sila dito sa stage. Nasaan po ‘yung mga members ng Robredo People’s Council? ‘Yung Capiz Halalan Chamber of Commerce? Magandang umaga sa inyo. Lawyers For Leni? Maraming salamat. Doctors For Leni? Architects For Leni? Frontliners For Leni? Parang pare-pareho ‘yung sumisigaw, binibiro niyo na ako ah. One Capiz— natawag ko na ito pero tawagin ko ulit— One Capiz For Leni? ‘Yung Daughters of Charity na kasama ko na po sila sa loob kanina pati na ‘yung St. Anthony College hospital staff, maraming salamat sa inyo.
    Tawagin ko din po ‘yung iba’t ibang mga lugar. Alam ko karamihan ito from Roxas pero marami din ‘yung galing sa ibang mga munisipyo. Nasaan po ‘yung mga taga-Roxas City? Nasaan ‘yung mga taga-Panay? Nasaan po ‘yung mga taga-Panitan? Ayun nasa likod pala kayo, nabisita ko na po sila. Nasaan ‘yung mga taga-Pontevedra? Maraming salamat. Meron po ba ditong taga-President Roxas? Maraming salamat po. Mayroon po ba ditong taga-Pilar? Meron bang mga taga-Sapian. Meron po ba dito taga-Ivisan? Ayun, nandoon sila. Meron ba ditong taga-Dao? Maraming salamat. Merong taga-Sigma? Meron bang taga-Cuartero? Nako, nandito pala sa unahan. Meron po bang dito taga-Jamindan? Ay grabe, talo kayo ng Jamindan, may sarili silang banda. Nasaan po ‘yung mga taga-Tapaz? Meron ba ditong mga taga-Dumalag? Nako, represented lahat. Meron bang taga-Dumarao? Maraming salamat po. Meron bang taga-Maayon? Maraming salamat. And last but not the least, meron bang mga taga-Mambusao? Maraming salamat. Ayun.
    Kasama ko din po dito sa harap, siyempre ang aking partner, palakpakan po natin– ang susunod na magiging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, Senator Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga miyembro ng ating Senatorial slate, nandito po si former Congressman Gary Alejano, representing Senator Sonny Trillanes. Kasama din po natin, Atty. Alex Lacson; Palakpakan din po natin representative po ni Senator Leila De Lima, Atty. Dino De Leon. Siyempre po, Senator Dick Gordon. And malaking-malaki po ‘yung pasasalamat ko, Mayor Ronie Dadivas at saka po ‘yung buong Roxas City LGU. Maraming maraming salamat.
    Parati pong masayang-masaya ako pag nakakabalik ako dito sa Roxas City saka sa Capiz. Maraming magagandang alaala. ‘Yung pinakauna ko pong bisita po dito noong kumakandidato ako bilang Pangalawang Pangulo. ‘Yun po ay pagpunta ko ay hindi niyo pa ako kilala. Nagpapakilala pa lang ako pero napakalaki ng tulong na ibinigay niyo sa akin sa eleksyon. ‘Yun po ‘yung dahilan kung bakit po kahit napakahirap noong laban ko noong 2016, mag-isa po akong babae sa anim na kandidatong lalaki. Kahit po ako ‘yung pinakahindi kilala dahil sa tulong niyo ay naging Pangalawang Pangulo tayo. Kaya maraming maraming salamat.
    Pero ako po, noong ako ay umupo bilang Pangalawang Pangulo, sinubukan po namin ayusin ‘yung mukha ng opisina ng Office of the Vice President. Bagong upo palang po ako, sinabi po namin sa sarili namin na hindi namin hahayaan ‘yung kakulangan namin sa mandato, saka sa pondo para hindi kami makatulong sa mga komunidad na gusto naming tulungan. Totoo pong kaunti ‘yung pondo saka mandato ng Office of the Vice President. Kaya ang dami po naming gustong gawin na hindi namin kayang gawin dahil wala kaming paraan para gawin ‘yun. Pero ipinakita po namin na pag desidido kaming tumulong, may magagawa kami palagi.
    Ang pinakauna po naming ginawa sa opisina namin, siniguro po naming maging linis ‘yung lahat na proseso sa Office of the Vice President. Unang taon pa lang po, pag-upo namin, ang pinagtrabahuhan po namin maging ISO certified kami para po ma-professionalize namin ‘yung buong operasyon ng opisina namin. Pangalawa, siniguro po naming malinis ‘yung paghawak namin ng pondo para pagkatiwalaan kami ng taumbayan. Kaya sa sunod-sunod na taon po, sunod na sunod na taon nakuha po namin ‘yung pinakamataas na COA audit rating. Pagpapakita na kung talagang istrikto kami sa paghawak ng pondo ng pamahalaan, puwede naman at pag maayos ang paghawak ng pondo, magagamit ito sa tama. Dahil po sa aming mga ginawa, pag-ayos ng opisina, paglinis ng records, paglinis ng paggamit ng pera, maraming taong nagtiwala sa amin kaya nagawa po namin ‘yung aming Angat Buhay Program kahit kaunti lang ‘yung aming pondo.
    Noong ginagawa na po namin ‘yung aming Angat Buhay Program, pabalik-balik po kami dito sa Capiz kasi may iba’t ibang mga sektor na tinutulungan dito. Dito po sa Roxas City noong 2018— 19 ba ‘yun Mayor or 2018? Noong 2018, nagdala po kami dito ng medical and surgical mission. Dinala po namin ‘yung mga doktor, mga espesyalista, mga nag-oopera para ‘yung mga pasyente dito sa inyo na walang pambayad ng espesyalista, hindi makakapag-opera dahil walang pera ay maasikaso natin kahit— na hindi nagiging hadlang ‘yung kanilang kahirapan para hindi po nila makuha ‘yung medical assistance na kailangan nila. ‘Yung mga magsasaka po sa Panitan, nabisita ko po sila. Ewan ko kung nandito sila ngayon, nabisita ko sila at nagbigay tayo ng milyon-milyon na farm equipment sa kanila at natutuwa po ako dahil mino-monitor ko po ‘yung kanilang progress ay dahil sa equipment na binigay natin, naging maayos na ‘yung kanilang kita. Noong kasama ko din po si Mayor— kasama ko din po si Mayor Ronnie, binisita po natin ‘yung mga mangingisda dito po sa Roxas City saka ‘yung mga ang negosyo ay ‘yung dried fish at tinulungan din po natin sila ng livelihood assistance, Noong nagbagyong Ursula, meron po kaming isang team na pumunta dito para gumawa ng relief operations.
    Ito pong pandemic ay sunod-sunod ‘yung tulong na binibigay dito maliban po sa mga PPE sets, mga gamot, mga medical supplies na pinapadala po natin sa mga ospital saka sa mga medical institutions. ‘Yung team po natin nandito din para tulungan sila, ngayon po nagtayo tayo ng dalawang community learning hubs para po doon sa mga lugar na dahil walang pasok 'yung mga estudyante ay walang mapuntahan dahil hindi sila matutulungan ng kanilang magulang sa bahay, 'yung community learning hubs po 'yung pinupuntahan. Kanina po, na-meet ko 'yung ating ibang volunteer tutors, nandito ba kayo? Kanina na-meet ko sila doon sa Archdiocese, 'yung mga volunteer tutors po natin dito na nagtuturo sa mga bata, nandito din.
    Bakit ko ito kinukuwento sa inyo? Kinukuwento ko po ito sa inyo kasi tuwing eleksyon, marami 'yung mga pupunta dito sa inyong mga kandidato na magsasabi na ito 'yung pangako namin, ito 'yung gagawin namin. Okay naman pong pakinggan 'yun pero ako po, parati kong sinasabi, dapat madala na tayo doon sa mga kandidato na naaalala lang tayo tuwing eleksyon.

    Marami po 'yung pupunta dito tuwing may kailangan pero pag nabigyan na ng pagkakataon, hindi naman natin mahanap. Ang klase po ng pamumuno na aming pinapangako sa inyo, hindi lang po pangako kundi meron kaming resibo. Ano 'yung resibo namin? Noong tinulungan namin kayo, noong tinulungan niyo ako noong 2016, hindi po ako nakalimot sa inyo. Babalik-balik ako dito para makapagbigay ng serbisyo at hindi po hinayaan 'yung kakulangan ng aming pondo para makatulong.

    Pangalawa, marami pang eleksyon pupunta sa inyo magsasabing “Mahal ko 'yung mga mahihirap, aasikasuhin ko sila.” Parati pong anong klaseng resibo 'yung ating hahanapin? Pag nagsabing “Mahal ko 'yung mahihirap,” parati po dapat nating itanong, papano ba natin– papano niyo ba pinakita 'yung pagmamahal niyo sa mahihirap? Dahil madali lang po itong ipangako pero mahirap gawin. Kaya sa akin po, ngayong eleksyon, kahit po napakahirap ng pinagdadaanan po namin ni Senator Kiko saka sa buong slate, wala po kaming makinarya, kulang ang aming pera, pero pag nakikita namin 'yung sigasig ng tulong ninyo, ginaganahan po kaming lalong lumaban.

    Noong nag-uumpisa pa lang po kami ni Senator Kiko, sabi ko kay Senator Kiko, “Senator Kiko 'yung nakalipas na halos anim na taon naging mahirap para sa atin pero kinaya natin.” Ngayong may laban, ang nilalaban natin dito katotohanan at kabutihan sa pamumuno. Malinis, matapat, mahusay na pamumuno. Bakit po 'yun 'yung ipinaglalaban natin? Kasi aangat lang po 'yung buhay ng lahat kung maayos 'yung pamumuno, malinis 'yung pamumuno.

    Napakita na po namin 'yan sa Office of the Vice President na kahit kaunti 'yung pera namin, dahil inayos namin, tinipid namin 'yung sarili namin, pati po 'yung gastos sa opisina ay tipid na tipid kami para madala sa mas maraming mga tao 'yung serbisyo ng pamahalaan, ganoon din po 'yung klase ng pamahalaan na pinapangako namin sa inyo.

    Taun-taon, bilyon-bilyon 'yung nawawala sa korapsyon, alam niyo 'yan. 'Yung bilyon na nawawala sa korapsyon, serbisyo na sana 'yan sa taumbayan. Noong naghi-hearing po si Senator Dick Gordon sa Pharmally, nakakalula, nakakalula 'yung amount ng pera na pinag-uusapan na nawala lang sa korapsyon. Ang parati ko po noong iniisip, 'yung mga dialysis patients na hindi nakakapag-dialysis dahil walang pera, 'yung sana nawala sa korapasyon, sana nakapagpa-dialysis na sila.

    'Yung mga BHW natin dito, alam na alam niyo ‘yun di ba? Ang mga BHW po natin overworked, underpaid. Noong ako po ay nasa Kongreso, nagpasa po ako ng isang panukalang batas na ang nilalayon ko po sana, kayo 'yung mga BHW Workers pati ang ibang mga Barangay Volunteer Workers na nagbibigay ng mga essential services, i-professionalize na dahil luging-lugi po 'yung iba lalo na pag kaunti 'yung pera ng barangay kahit sobra 'yung trabaho niyo, kakaunti din 'yung nakukuha niyo pero sa amin pong pamahalaan, magkakaroon kayo ng napakaimportanteng papel lalo na po pagdating sa kalusugan.

    Ang amin pong pangarap para sa sektor ng kalusugan, 'yung community-based health services ay 'yun 'yung aayusin natin. Gustong sabihin, 'yung mga barangay health centers ay sisiguraduhin natin na tama 'yung kagamitan, 'yung mga BHW ay tama 'yung training saka tama 'yung compensation, may nurse bawat barangay, 'yung nangangailangan ng doktor ay makaka-kausap sa doktor, makakakonsulta sa doktor nang libre.

    Kayang-kaya po natin itong gawin pag inayos natin 'yung paggastos ng pera ng taumbayan. Isa pa pong malaking problema ngayon, edukasyon. Sisiguraduhin po natin na hindi magiging sagabal ang kawalan ng pera para 'yung mga estudyante natin, mga anak natin hindi nakakapag-aral. Problema din po, siyempre sa mga teachers, sa mga teachers kailangan asikasuhin natin dahil pareho ng BHW, grabe din 'yung sakripisyo na binibigay ng ating mga guro na kailangan binibigyan sila hindi lang sapat na compensation, pero hindi sila masosobrahan ng trabaho para nakakaturo sila nang maayos. Mabigyan ng sapat na mga leave benefits, mabigyan ng mga sapat na compensation saka benefit package para maayos 'yung pagturo sa ating mga anak at mga estudyante.

    Marami pong kailangan gawin, hindi nagagawa ngayon dahil hindi natututukan. Pero pinakita po natin sa Office of the Vice President na pag ang gobyerno nagtatrabaho more than 18 hours a day, talagang maraming serbisyong naibibigay. Kulang nga po 'yung 18 hours a day dahil pag nagtatrabaho ka sa pamahalaan, hindi ka naman nakakapahinga. Alam niyo din ito. Pero 'yung sa akin lang po, ito lang 'yung aking pakiusap, ibang-iba po ang eleksyon na ito, ewan ko kung nararamdaman niyo 'yun. Nararamdaman niyo ba 'yun?

    Ano ang kaibahan ng eleksyon na ito? Ang isa pong napansin namin, ang mga volunteers ngayon sobrang sigasig. At pag nakakausap po namin 'yung volunteers, marami 'yung nagsasabi na first time namin itong ma-involve sa kampanya. Ang tanong, bakit kayo ganyan ka-passionate saka bakit ganyan kayo ka-energized ngayong eleksyon na ito?

    Meron po akong paniniwala, dahil alam niyo na 'yung eleksyon na ito hindi siya pareho noong nakaraan na contest lang ng mga kandidato. Pero ang eleksyon na ito, ang dedesisyunan natin, anong klaseng pamahalaan ang gusto natin para sa bansa natin sa susunod na anim na taon? Ayaw na natin na sobrang politika. Ang gusto natin, pagkatapos ng eleksyon, tapos na 'yung politika, magtrabaho na at manilbihan na, hindi na titingin sa ibang kulay o partido.

    'Yung 2016 po, ilang beses din ako pumunta dito, kanina nasa caravan kami ni Senator Kiko. Sabi po namin, nag-caravan din tayo noon, marami din tao, pero tila kakaiba 'yung energy ngayon. Ang gusto lang po niyang sabihin, tinitingnan niyo ito na hindi na lang laban namin pero laban niyo na din. Laban para sa mas maayos na pamamahala, laban para sa matino at mahusay na lider, laban sa malinis na pamamahala, at laban para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

    Kaya po kahit mahirap ang dinadaanan naming laban, malakas po ang loob namin dahil ganyan kayo nagpapakita ng pagdesisyon. Hindi po ito huli na pagbisita namin dito sa inyo, meron pa po tayong 84 days bago mag-eleksyon. Pero po kung gusto natin magtagumpay, kung gusto po nating makamtam 'yung mga pangarap natin para sa susunod na pamahalaan, kailangan din po tayong magtrabaho. Bakit po tayo kailangang magtrabaho? Gaya po ng sabi ko, hindi ito pareho noong mga nakaraang eleksyon dahil ngayon po, napakaraming kasinungalingan ang pinaniniwalaan ng maraming tao.

    Ang pakiusap ko lang po sa inyo, pagtulong-tulungan po natin na katotohanan 'yung mangingibabaw laban sa kasamaan dahil ang pinakaayaw po nating mangyari na ang eleksyon madedesisyunan dahil sa paniniwala sa kasinungalingan. Meron pa pong oras, pero hindi po namin ito kakayanin kung hindi po kayo makikipaglaban sa katabi namin.

    Kaya ang tanong ko po sa inyo ngayon, handa ba kayong samahan kami sa laban na ito? Pag ganyan po tayo, pag ganito po tayo kahandang lumaban hanggang sa Mayo 9, mananalo po tayo.

    Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:23:48]

     

    Posted in Transcripts on Feb 15, 2022