Vice President Leni Robredo on Plans for COVID-19 Response
KAISA Convention Hall, Rizal Street, Tarlac City, Tarlac
REPORTER 1: Okay, so, Ma’am, kanina po iyong Vaccine Express pinuntahan po natin dito sa Capas. It’s part of the many projects of the OVP. Under a Robredo presidency, gaano po ka-importante ang COVID-19 response and how immediate po natin ito ipapatupad?
VP LENI: Siya iyong pinaka-primary natin na kailangang tutukan. Kasi hindi natin maso-solve iyong marami nating problema—kawalan ng trabaho, iyong gutom, iyong health system na kailangan nating iahon muli. Lahat iyon nakasalalay how effective we are in controlling the pandemic.
So sa amin, iyon talaga iyong aasahan nilang pangunahin na gagawin kapag binigyan tayo ng pagkakataon na ma-mitigate iyong mga effects ng pandemic. Number two, ma-control iyong pandemic. Gusto nating i-turn around iyong sinasabi nilang tayo iyong pinaka-huling makakabangon. Gusto nating i-prove na kapag nagtulong-tulong tayo, hindi siya magiging ganiyan kasama.
REPORTERS: All right, Ma’am. Thank you, Ma’am!
VP LENI: Salamat, salamat!
- 30 -