This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo, pormal na sisimulan sa Camarines Sur ang kampanya sa pagka-Pangulo

    Vice President Leni Robredo, pormal na sisimulan sa Camarines Sur ang kampanya sa pagka-Pangulo


    Pormal na sisimulan ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang kampanya sa pagka-Pangulo sa Martes, ika-8 ng Pebrero, sa isang buong araw na pagbisita sa iba’t-ibang lugar sa Camarines Sur at magtatapos sa isang grand rally sa Naga City, na kaniyang bayan.

    “’Yung kick-off, dito ‘yun sa Cam Sur. Ganoon naman, parang pampabuwenas saka pagpasalamat,” sabi ni Robredo.

    Inilarawan din niya ang kaniyang hometown campaign bilang isang send-off at pagbibigay pugay sa mga kapwa niya Bikolano. Sa kaniyang hangaring makapagsilbi at maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa, nananatiling espesyal sa kaniya ang kaniyang pinanggalingan.

    “Laging kahit anong kaguluhan na pinagdadaanan ko, ‘pag nandito ako, nakakalimutan ko ‘yun lahat dahil [I am] among people who love me the most,” aniya. “Ang nagma-matter sa lahat na ‘yung mga nakakakilala sa’yo, kung sino ka, na-aapreciate ikaw at hindi nadadala sa mga kasinungalingan na binibigay… Kaya ako nagpapasalamat sa kanila.”

    Kapag nahalal, si Robredo ang magiging kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na mula sa Bicol region, at ikatlo naman sa mga babaeng Pangulo ng bansa.

    Nananatiling mainit ang suporta ng mga Bikolano kay Robredo mula pa noong biglaang pagpasok niya sa pulitika noong 2012, bunsod ng pagpanaw ng kaniyang mister na si dating Naga City Mayor at Interior Secretary Jesse Robredo.

    Hindi naging madali ang panunungkulan ng Pangalawang Pangulo bilang lider ng oposisyon. Pero sa kabila ng mga pagsubok, tiniyak ni Robredo na hindi lamang siya magiging reserba, na karaniwang mandato ng isang Bise Presidente.

    Sinimulan niya ang programang Angat Buhay para tugunan ang kahirapan. Hindi siya nagpatinag sa napakaliit na budget ng Office of the Vice President (OVP), at nakipag-partner sa pribadong sektor para sa mga proyektong nakapagbibigay ng ginhawa sa buhay ng mga benepisyaryo.

    Sa Pebrero 8 at 9, sasamahan si Robredo ng kaniyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan at ng kaniyang senatorial ticket sa paglibot sa Bicol region, na kaniyang balwarte, para ipahayag ang kaniyang plataporma at hinahangad na “Gobyernong tapat, angat buhay lahat”. Nakapaloob sa plano niya ang pagpapabuti sa kabuhayan, nutrisyon, seguridad, kalusugan, edukasyon, pabahay, kalikasan, imprastruktura, at teknolohiya.

    “Iikutin namin yung buong probinsya, meron lang mga pupuntahan na mga pockets… kasi kung big rally, sobrang inconvenient pa sa mga tao na pupunta sila. So ito, kami yung pupunta,” paliwanag ni Robredo.

    Samantala, nakahanda na rin ang tinaguriang “people’s campaign” sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. May kani-kanilang mga programa ang mga sangay ng Robredo People’s Council (RPC), na siyang umbrella organization ng mga volunteer na nangangampanya para kay Robredo at sa kaniyang buong lineup.

    Mayroong nakatakdang mga Zumba session, noise barrage, mini-caravan, house-to-house na pangangampanya, misa, pagpo-post sa social media, at iba pang mga paraan ng pagpapakita ng suporta. Magkakaroon din ng watch party ang mga lokal na RPC para sa pag-livestream ng grand rally sa Naga City.

    Hinahangaan ni Robredo ang dedikasyon at pagsisikap na ipinapakita ng mga mamamayang nagnanais na siya ang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

    Sa isang online meet and greet kasama ang kaniyang mga taga-suporta, sinabi ni Robredo: “This is the heart of the campaign: People coming out, making a decision that no matter how difficult the road is, talagang ipaglalaban ‘yung bayan.” [End]

    Posted in Press Releases on Feb 06, 2022