Vice President Leni Robredo at the Second Presidential Pilipinas Debates 2022 Part 3
Sofitel Philippine Plaza, Atang dela Rama, Pasay City
[START]
CES OREÑA-DRILON: Ngayon ay tutungo na tayo sa kaugnayang panlabas ng ating bansa o foreign policy. Ang mauunang sasagot ay si Senador Pacquiao, susunod ay si Dr. Montemayor at pangatlo ay si VP Leni.
Kabilang ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Ang pagsali sa regional community na ito ay maaaring maging mekanismo upang matugunan ang pangkaraniwang mga problema ng mga bansa sa rehiyon tulad ng seguridad, labor migration, at proteksyon ng karapatang pantao. Isa sa haligi ng ating kauganayang panlabas o foreign policy ang pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Maraming mga kababayan natin ang nagtatrabaho sa iba't ibang bansa sa ASEAN bilang mga hindi dokumentadong manggagawa.
Ano ang inyong gagawin upang masiguro ang kapakanan ng mga kababayan natin lalo pa't meron nang kasunduan na nilagdaan ng mga namumuno sa mga bansa ng ASEAN noong 2017, sa pagpupulong na ginanap dito mismo sa ating sariling bansa?
[other candidates answer]
CES OREÑA-DRILON: Vice President Leni Robredo?
VP LENI: Ako, agree ako sa sinabi ni Attorney Montemayor na ang pinakaproblema talaga natin, na despite the fact na meron tayong mga conventions na pinirmahan o treatise na pinirmahan patungkol sa proteksyon ng ating mga OFWs, marami talaga 'yung undocumented na hindi sila nasasaklaw ng proteksyon na binibigay doon sa mga documented. So, kailangan talaga, magkaroon tayo ng masusing programa para ma-incentivize 'yung mga undocumented na mag-appear sa ating mga embassies o sa ating mga consulates na ipaalam na nandoon sila para kung magkaroon sila ng problema ay natutulungan natin sila.
And despite the fact na marami na tayong treatise na pinasukan, bilateral agreements, marami pa din 'yung pagkukulang. Halimbawa, 'yung mga nagre-retire natin na mga OFWs na gusto nang umuwi dito, ayaw umuwi dahil hindi nila na-eenjoy 'yung mga benefits na ma-eenjoy nila doon sa pinagtatrabahuhan nila. So, dapat pagtrabahuhan natin na magkaroon ng agreement on portability. 'Yung portability na 'yung mga– kasi hinulugan naman nila 'yun eh. 'Yung mga benefits, social welfare benefits, 'yung mga health benefits dapat kahit umuwi na sila dito, they would still be entitled to it. Paguusap na lang ng dalawang gobyerno.
Pero sa mas long run, ang pinaka-target talaga natin dapat, na 'yung mga kababayan natin, lumalabas na lang ng bansa para magtrabaho by choice and not out of necessity. Magagawa natin ‘yan pag inayos natin ‘yung ating ekonomiya para meron silang trabaho dito na magbibigay sa kanila ng buhay na may dignidad, na ‘yung kanilang health care ay magiging maayos para hindi na sila ma-entice lumabas. ‘Yun ‘yung number one.
Pero number two, sa mga kababayan natin na nasa labas, dapat sinisiguro natin na protected sila. Palakasin natin ‘yung mga embassy saka consulates– na capable sila na saluhin ‘yung mga problema ng mga kababayan natin. Matagal ko na ‘tong pino-propose na magkaroon ng Migrant Workers’ Office every province para hindi lang natin natutulungan ‘yung mga workers mismo pero sa mga pamilyang left behind.
[other candidates answer]
[END OF PART 3]