Vice President Leni Robredo at the Second Presidential Pilipinas Debates 2022 Part 8
Sofitel Philippine Plaza, Atang dela Rama, Pasay City
[START]
CES OREÑA-DRILON: Okay susunod po ang patungkol naman sa tubig, water supply. Ang mauunang sasagot ay Si Ginoong Isko Moreno, pangalawa si Mr. Gonzales, at pangatlo ay si Senador Lacson.
Isa sa mga kinikilalang problema dala ng climate change ay ang supply ng tubig, lalo na ng malinis at ligtas na inuming tubig. Ano ang inyong plano upang masiguro ang sapat at ligtas na water supply para sa bansa hindi lamang para sa inuming tubig kundi pati na rin sa pangangailangan ng agricultural at fisheries sectors?
[other candidates answer]
CES OREÑA DRILON: VP Leni.
VP LENI: Ako agree po ako sa sinabi nila pero ito gusto ko lang i-emphasize na malaki na 'yung problema natin ngayon sa tubig, lalong lalaki pa. At kaya po noong nilatag namin 'yung aming programa, isa sa mga priority infrastructure projects natin talagang water resource management saka paghanap talaga ng new sources of water. Meron na po ngayong mga existing na mga studies. Halimbawa, merong isang existing study na ina-identify niya na 'yung mga malalaking mga rivers natin na puwedeng doon mag source ng tubig, kailangan na lang talagang pondohan. Kaya ito po magiging priority natin ito.
[END OF PART 8]