This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Studio Interview with 105.3 Radyo Natin Pinamalayan, Oriental Mindoro

    Vice President Leni Robredo
    Studio Interview with 105.3 Radyo Natin Pinamalayan, Oriental Mindoro


    [START 00:00]

    VP LENI: Magandang umaga Glady. Magandang umaga, Don and Donna.

    DON SORATORIO: Good morning po.

    VP LENI: Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga dito po sa Radyo Natin. Hindi lang sa Pinamalayan pero sa iba't-ibang bahagi ng Oriental Mindoro.

    GLADY MABINI: Yes po. Maraming salamat at napaunlakan po ninyo. Alam naming busying-busy kayo pero pinaunlakan ho ninyo ang aming imbitasyon na kayo ay makapanayam at makarating sa atin pong himpilan. Simulan na ho natin, Madam VP. Ang dami niyo na pong naikot na mga lugar para sa inyong kampanya pagka-Pangulo. Ang taas po ng energy ninyo! Kumusta naman po ang pagsalubong sa inyo ng mga supporters ninyo mula dito sa Oriental Mindoro?

    VP LENI: Alam mo Glady kaya mataas 'yung energy namin– energy level namin kasi 'yung mga tao sobrang taas ng energy. Dito lang sa Pinamalayan, nagulat kami kasi ang aga-aga pero 'yung mga tao grabe talaga. Wild sila kanina kaya nakakahawa. Talagang kahit puyat ka, kahit pagod pag nakita mo na sila na ganoon kasaya na nakita ka talaga namang gaganahan ka.

    GLADY MABINI: Wow! Nako, nakaka-proud naman ang ating mga kababayan dito. Anu-ano po ang mga naging proyekto ng Angat Buhay/OVP dito po sa ating lalawigan po?

    VP LENI: Marami tayong mga nadala ditong proyekto. Tinitignan ko nga 'yung listahan, halos mga thirty na projects.

    GLADY MABINI: Wow.

    VP LENI: Parang nagto-total siya na more than ten million pesos. Marami tayong mga proyekto sa Pola kasi naglalagay tayo doon ng parang mga solar lights– solar kits para sa Mangyan Community, 'yung lugar sa Pola na wala pang kuryente.

    Maliban doon naglagay din tayo ng parang small irrigation system sa isang farming community doon. Pero sa ibang lugar halimbawa, sa Mansalay, naglagay tayo ng parang Mobile Health Clinic na partner natin isang youth organization doon. Tinurn-over natin ito sa LGU. Pumunta ako sa Mansalay, I think two years ago, para ma-turn over 'yung project.

    'Yung pinaka-idea niya isang kumpleto– parang van siya na kumpleto na parang siya na 'yung clinic. Iniikot siya lalo doon sa mga mountainous– [crosstalk 02:20-02:21]

    GLADY MABINI: – Areas natin.

    VP LENI: –portions ng Mansalay. Tapos may mga tinutulungan din tayo sa Calapan. Merong isang grupo ng mga mangingisda, bibisitahin ko sila mamaya.

    GLADY MABINI: Wow.

    VP LENI: 'Yung tinutulungan natin. Tapos isang grupo din ng mga calamansi farmers, sa Calapan din 'yun. Tapos sa Bulalacao, meron tayong– naglagay tayo ng dalawang Community Learning Hubs. May trained tutors doon, naglagay tayo ng mga gadgets para 'yung mga bata na hindi pumapasok sa eskuwelahan na kailangan ng tulong ng teachers o tutors, meron silang paraan.

    Sa Naujan, meron din tayo ng programa na– hindi, 'yung calamansi farmers pala sa Naujan 'yun hindi sa Calapan.

    GLADY MABINI: Okay.

    VP LENI: 'Yung Calapan pala 'yun fisherfolk. So, 'yung calamansi farmers sa Naujan. Tapos sa San Juan, nagbigay din tayo ng parang livelihood para sa mga kababaihan doon. Gumagawa sila ng– nagtatanim sila ng mga luya saka turmeric at pinoproseso nila ito na tsaa.

    Tapos maliban doon sa irrigation saka sa solar kits para sa mga Mangyan sa Pola, marami din tayong binigay na mga livelihood assistance doon din sa lugar. In fact, parang dalawa-tatlong beses na akong bumalik sa Pola kasi binibisita natin 'yung mga communities na tinutulungan natin.

    Tapos itong panahon ng COVID, 'yung panahon ng pandemic, maliban doon sa Community Learning Hub na nilagay natin, regularly nagpapadala din tayo ng PPE's saka mga medical supplies sa 15 na institutions, hospital, saka LGUs. Ano to sa Bansud, sa Bongabong, sa Calapan, sa Mansalay, Pinamalayan, Pola, San Teodoro, Socorro, saka Victoria. So, on a very regular basis, tumutulong tayo for the medical supplies.

    Tapos nagkaroon din tayo ng dalawang relief operations dito: pagkatapos noong Typhoon Nina noong 2016, saka pagkatapos din ng Typhoon Odette noong Christmas. So, ano naman medyo regular 'yung pagbisita natin dito. Although, as Pinamalayan first time.

    GLADY MABINI: Wow. So, ayan po talagang welcome to Pinamalayan!

    VP LENI: Salamat. Salamat.

    GLADY MABINI: At dito sa ating Radyo Natin Pinamalayan. Ito po, medyo malapit ito sa puso ng mga Mindoreño, itong susunod kong tanong, ano, Madam Vice President. Patuloy po kasi na apektado ang buhay ng mga magsasaka lalo na dito sa ating probinsya, ng kasalakuyang Rice Tariffication law. Hindi po kagandahan ang epekto nito sa mga Mindoro farmers lalo na doon sa talagang magbubukid. Sa inyo pong palagay, kung kayo po ang papalarin na maging susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ano po ang inyong gagawin upang maibigay ang nararapat para po sa ating mga magsasaka?

    VP LENI: Ito kailangan talagang balikan, 'Yung Rice Tariffication law, kasi pinasa lang naman ito kung naalala ninyo noong 2019, na grabe 'yung inflation. Talagang nag-shoot-up 'yung presyo ng bigas so ang– kaya pinasa 'yung Rice Tariffication law para bumaba 'yung presyo. Ang pinaka-ideya nito na pag binuksan for imports, pag ni-liberalize natin 'yung imports, marami 'yung mga murang papasok. Mumura 'yung benta ng bigas. Okay sana 'yun.

    Pero ang hindi ina-anticipate, na ikakalugi ito ng ating mga farmers kasi 'yung cost of production dito sa atin, mataas. So, kung ang cost of production natin mataas, hindi nila kaya ibagsak 'yung presyo para makipagkumpitensya sila doon sa mga pumapasok na mga imported.

    Pero unfair ito sa mga farmers natin kasi kailangan– kaya lang naman mura 'yung mag imported kasi grabe 'yung subsidies ng pamahalaan nila para sa kanila. So tayo, hindi tayo ganoon kalakas sa pagbigay ng subsidies so, 'yung cost of production natin ang mahal, na lugi talaga 'yung mga farmers.

    Ang pinaka-ideya sana nito 'yung mga pumapasok na imports na mura 'yung bilihin, 'yung tariff na nakukuha natin doon, 'yun 'yung ia-ayuda natin sa mga farmers na apektado. Pero hindi ito nangyayari ngayon.

    Merong nakakatanggap ng ayuda pero marami– mas marami 'yung hindi. So, kailangan talaga siyang repasuhin kasi unang-una, ang ini-import natin dapat 'yung kulang lang. Pero noong tiningnan natin 'yung volume ng ini-import, sobrang dami siya kumpara sa pangangailangan natin.

    Ang problema nito pag sinukat mo 'yung farmers lugi pero 'yung mga kartel na mga malalaki, dahil sinosolo nila 'yung importation, grabe 'yung kita nila kumpara sa farmers. Hindi ito [inaudible 07:02]. Dapat ang gawin ng pamahalaan, tulungan– buhusan ng tulong 'yung mga farmers para bumaba 'yung presyo ng production nila. Pag bumaba 'yung presyo ng production nila, makakapagkumpetensya sila.

    GLADY MABINI: Ayun. Okay, Madam VP, may katanugan din ang aking mga kasamahan. Pero bago ko po ibigay sa kanila ang pagkakataon, pahirit po ako ng isa pang tanong.

    VP LENI: Sige lang.

    GLADY MABINI: Opo, marami ho kayong mga ngayon ay tumatakbo sa pagka-Pangulo. Ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang inilalahad na mga programa at [inaudible 07:36] sa ikabubuti ng ating bansa. Sa inyo po, ano po sa palagay ninyo ang pinakarason bakit sa mga nakikinig sa atin ngayon, kayo ang dapat na bigyan ng pagkakataon na maging susunod na Pangulo ng ating bansa?

    VP LENI: Actually, Glady, lahat ng nakakakilala sa akin alam na wala sana akong balak tumakbo. 'Yung akin sanang pangarap, ako na lang 'yung makapag-unify sa iba't-ibang mga kandidato na hindi aligned, di ba, 'yung [inaudible 08:08]. Pero dalawang buwan 'yung ginugol ko na binalik-balikan ko 'yung mga kandidato, kinukumbinsi silang magkaisa. Hindi ako naging matagumpay.

    Noong hindi ako naging matagumpay, tinitingnan natin 'yung mga inilalahad ng mga kandidato at tingin natin walang nakaka-capture noong dapat na– 'yung paniniwala natin na dapat na pagbabago sa pamamahala. Kasi ang paniniwala natin, kahit anong ganda ng mga programa natin, pag hindi natin naayos mismo 'yung klase ng politika at pamamahala, walang mangyayari.

    So, 'yung sa akin, 'yun 'yun eh. Na kung meron sana nag-champion noong mabuting pamamahala sa [inaudible 08:50-08:52] hindi na tayo mag-iinteres. Pero dahil wala at tingin natin ito 'yung pinaka- [inaudible 08:56], ipapakipaglaban natin. Pero nagulat kami kasi akala namin magiging malungkot 'yung kampanyang ito dahil sa karanasan namin in the past five and a half years. Maling-mali kami kasi mula noong nag-start 'yung official campaign season, everywhere we go sobrang grabeng ka-involved ang tao. So, para siyang affirmation na tama naman 'yung pagdesisyon and excited kami in the next 68 days.

    GLADY MABINI: Wow.

    Para 'yung mga pagod ng volunteers talaga [inaudible 09:29-09:30] kasi, parang ito kasi ang laking symbolism niya na ang trabaho hindi inaasa sa politiko pero taumbayan na mismo 'yung gumagalaw. Tingin ko napakagandang model na– 'Yung susunod na administrasyon pag tayo 'yung binigyan ng pagkakataon, ito 'yung gagawin natin. 'Yung involvement ng ordinaryong mamamayan, bibigyan talaga natin ng parang– i-institutionalize natin.

    GLADY MABINI: Maraming Salamat po Madam VP. Mga kaibigan kayo po ay patuloy na nakikinig sa programang Good Morning Mahalta. At the same time po tayo ay sabayang napapakinggan sa 96.9 Radyo Natin Calapan, 102.9 Radyo Natin Victoria, 105.3 Radyo Natin Pinamalayan, at 103.7 Radyo Natin Bongabong. Madam VP Leni Robredo, si Donnabel Morez may katanungan ho para sa inyo, Donnabel please come in.

    DONNABEL MOREZ: Ayan magandang umaga po VP Leni. Ayan isang karangalan na kayo po ay makadaupang palad at makasama ngayong umaga sa ating programang Good Morning Mahalta. Ayan, alam ko pong bugbog na bugbog na po kayo sa napakaraming katanungan mula sa mga debates, sa mga tanong ng ating mga kasamahang media, kaya naman alam ko namang nabigyan niyo naman ng isang makatarungang kasagutan lahat ng tanong na 'yan. Kaya naman hindi naman ganoon kalalim po 'yung tanong ni Donnabel ngayong umaga.

    Punta po tayo sa lighter question lang po VP Leni, ang tanong lang po ay, bilang isang ina ng tatlong naggagandahang babae, paano niyo po nababalanse 'yung pagiging Ina ng tatlong anak, ganoon din ang pagiging ina ng Republika ng Pilipinas?

    VP LENI: Ngayong kampanya, mahirap. Ngayong kampanya mahirap dahil everyday kung saan saan akong probinsya, may mga araw na hindi ako umuuwi. Pero bago naman mag kampanya, sobrang ordinaryo ko lang na nanay. Pagpasok sa bahay, nanay na ako, hindi na ako VP. Hindi naman ako mahilig lumabas, so ang trabaho ko lang talaga bahay-opisina. Lahat na free time ko nasa bahay ako. So, ang family life namin napaka-ordinaryo, wala sa aming– walang [inaudible 11:40], walang kino-consider na politiko sa bahay. Pagdating namin sa bahay, lahat kami gumagawa ng trabahong pambahay, lahat kami nagluluto, naglilinis.

    Tingin ko kasi mahalaga ito sa public officials. TIngin ko mahalaga sa public officials na nare-retain niya 'yung pagka ordinaryo niya kasi 'yung pagka ordinaryo niya, 'yun 'yung humuhubog sa kanyang karakter. At ito 'yung nakakatulong sa klase ng pamamahala na na-ooffer niya sa taumbayan.

    DONNABEL MOREZ: Follow up question ma'am, usapang ina lang din naman ma'am, puwede po bang malaman ma'am kung paano hinaharap ng inyong tatlong anak 'yung mga intriga at mga paninira na hinaharap niyo rin po?

    VP LENI: Actually, hindi sila apektado kasi alam naman nila na hindi totoo, ‘yung mga kung anu-anong sinasabi: bobo, lutang, kung anu-ano. Hindi totoo. Hindi kami apektado. Sabi ko nga luging-lugi sa amin 'yung mga trolls kasi hindi naman namin sila pinapansin. Minsan pag parang gusto mong pasayahin sila, papatulan mo. Pero, ako pinakamaganda kasi talagang, pinaka-effective talaga kasing panlaban, katotohanan eh. Pag ang katotohanan kakampi mo, wala kang dapat ikabahala. So, mga anak ko minsan naba-bother ako like maraming nambabastos dahil mga babae 'yung mga anak ko, naba-bother ako noon, pero 'yung pagka-bother ko mas nagi-guilty ako na dahil sa akin nalalagay sila sa ganoong posisyon. Pero sila mismo, hindi nila pinapansin, sayang ng oras.

    DONNABEL MOREZ: Ayan. Maraming salamat po Madam VP Leni.

    GLADY MABINI: Ayan si Don naman.

    DON SORATORIO: Hi. Good morning.

    VP LENI: Good morning po. Kabayan ko po ito si Don.

    DON SORATORIO: [speaks in Bicol 13:34 - 13:36]. Siyempre bilang isang Bicolano, ano 'yung pwede mong i-share na katangian ng isang Bicolano para sa ating mga kababayang Pilipino?

    VP LENI: I think Don mag-aagree ka sa akin. 'Yung pinaka-symbol kasi ng Bicol, sili. 'Di ba 'yung sila, pag hindi ka familiar sa kanya, hindi mo siya papansinin kasi maliit, parang hindi naman siya kapansin-pansin pero pag kinain mo sobrang anghang. Tingin ko ang mga Bicolano ganoon. Ang mga Bicolano hindi naman mga pala away 'yang mga Bicolano eh. Kadalasan parang lahat ng panahon tahimik naman. Pero pag napapalaban, all-out.

    Naramdaman ko 'yun halimbawa noong kumandidato ako noong 2016. Noong kumandidato ako noong 2016, sobrang laki ng panalo ko sa Bicol, kahit at that time wala akong masyadong kakampi na mga local officials. Pero 'yung mga tao ipapakipaglaban ka.

    Parang sa amin, sa atin Don, hindi ako masyadong namomroblema na halimbawa, fake news, ang mga tao hindi naniniwala. Kahit 'yung choices sa eleksyon ay pag tiningnan natin historically, kahit 'yung mga hindi sikat na maayos na tao, nananalo sa atin eh. Dahil 'yung tao mas discerning. Ang role ng simbahan sa buhay ng tao sa atin, napakalaki. Siguro dahil Pilgrim City kami eh, meron kaming devotion doon 'yung Our Lady of Peñafrancia, na tingin ko na-iinfluence din 'yung mga mindsets. So sa atin, sobrang involved ng simbahan. Ang daming models sa atin na puwedeng gayahin ng ibang lugar.

    DON SORATORIO: 'Yun lang po and maraming maraming salamat.

    VP LENI: Maraming salamat.

    GLADY MABINI: Ayan so I hope Don meron ka din ganoon noong sinasabi ni Madam VP Leni, 'yung anghang na 'yan ng [inaudible 15:26]. Sa mga nakikinig sa atin ngayon, pagbati pa rin ng isang magandang magandang umaga. Opo tama po ang inyong napapanood diyan sa ating apat na official FB pages. Ang dami-dami parang for once ngayon ang dami no? Parang binabaha ang ating live.

    VP LENI: Ano lang Glady, merong nakikinig sa atin ngayon na gusto nating batiin si Herbert Mabini, magandang umaga sayo. Si [inaudible 15:57] saka si Doc Kitty Pacis Magno. Nabalitaan ko po na mga kakampinks kayo kaya maraming maraming salamat.

    GLADY MABINI: Ayan so magandang morning at doon pa sa iba pang mga kakampinks na talagang hindi lamang magkaroon ng pagkakataon na makapasyal dito or kaya makapagmensahe sa atin, magandang umaga mula dito sa Radyo Natin Pinamalayan at siyempre mula kay Madam VP Leni Robredo.

    Madam VP ano po ang inyong mensahe sa lahat po ng mga nakikinig sa atin ngayon, buong Oriental Mindoro. Naka-live din tayo sa apat na himpilan ng Radyo Natin dito po, please go ahead po.

    VP LENI: Ako po unang-una nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako dahil sa maraming bagay. 'Yung pinakauna po napakainit ng pagtanggap sa amin ngayong umaga. Gaya po ng sabi ko ito 'yung nagbibigay sa amin ng energy sa mga susunod na mga lakad. Pangalawa, malaki 'yung pinanalo ko dito noong 2016. Kahit po baguhan ako noong 2016 tiniwalaan niyo ako ng inyong mga boto. Malayo po 'yung agwat dito ng botong nakuha ko kumpara sa aking mga– sa ibang mga kandidato. So, maraming salamat.

    And gaya ng sabi ko, hindi naman bago sa akin 'yung Oriental Mindoro dahil in the last six years, pabalik-balik ako dito because of our Angat Buhay Projects. And nagpapasalamat po ako sa lahat ng partners kasi maraming mga projects namin, meron tayong mga local partners na sila 'yung nag-facilitate ng pagbaba ng project, pag-monitor, pag-evaluate. So, malaking bagay po na nandiyan kayo.

    Sa atin pong mga tutors sa Bulalacao, hindi ko kayo na meet in person pero sana nakikinig kayo, gusto kong ipaalam na sobrang maraming salamat sa inyo. And ito po nandito kami ngayon para humingi ng tulong, kasama ko si Senator Kiko, saka 'yung aming Senatorial Slate. Ang atin pong pinaglalaban dito na maging matapat 'yung pamahalaan, mahuhusay, matitino na mga public servants. Kasi ito 'yung daan para 'yung pagbabago tunay na makamtan natin.

    GLADY MABINI: Nako, maraming salamat VP Leni. Alam namin– gusto pa namin– kung kami lang po ay, gusto ho namin kayong makausap buong araw kaya lang alam namin na marami kayong activities at ang daming tao na naghihintay sa inyo ngayon, kung saan ho kayo–

    VP LENI: Saka lilipat kami sa Calapan.

    GLADY MABINI: Oo papunta rin kayo ng Calapan, at the same time may nag-aabang din ho sa inyo for a phone patch interview. Sa mga kaibigan natin diyan sa Occidental Mindoro, inaabangan din nila ang panayam nila sa inyo through Radyo Natin San Jose. So, maraming salamat pong muli na kami po ay inyong napagbigyan ng panahon na makapanayam kayo dito po sa aming himpilan and mula po sa buong pwersa ng Radyo Natin dito po sa Oriental Mindoro, pagbati ng isang magandang morning po sa inyo, have a great day ahead and God bless you more po Madam VP Leni Robredo.

    VP LENI: Thank you Glady. Thank you po sa Radyo Natin for accommodating us this morning.

    [END 00:18:57]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2022