This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at Usapang Halalan: The CBCP Election Forum 2022 Part 8

    Vice President Leni Robredo at Usapang Halalan: The CBCP Election Forum 2022
    Part 8

    [START]


    MANNY PACQUIAO: Kailangan ang ating gobyerno may say palagi pagdating sa strict implementation dito sa operation ng pagmimina, eh hindi basta pinapabayaan na lang dahil naglagay, ganoon ganoon na lang, di ba? Dapat pag hindi sumunod doon sa patakaran ng ating gobyerno, ipasarado, ipahinto o lahat mag-penalty sila. Dapat ganoon, ang gobyerno natin makikialam. Hindi lang bibigyan sila ng, kumbaga, pabor. At higit sa lahat, dapat ang makinabang ang ating gobyerno. Kasi dito sa natural resources natin, ang mga private nakinabang talaga. Ang gobyerno, katulad noong sinabi ni Ka Leody, 150 [laughs]. Eh talagang hindi nakikinabang ang ating gobyerno sa ating natural resources, kundi ang mga private company na minsan hindi pa taga-rito sa atin, mga foreigners pa ang may-ari. So ‘yun ‘yung masakit doon eh, kasi pag nakuha ‘yung kayamanan dito eh siyempre automatic dadalhin doon sa kanilang bansa. Ingatan din natin, titingnan nating mabuti ‘yan, kasi delikado pag naubos ‘yung natural resources natin tapos hindi tayo ang nakinabang.

    BERNADETTE SEMBRANO: Parang sinasabi niyo decisiveness ng gobyerno talaga–

    MANNY PACQUIAO: Yes.

    BERNADETTE SEMBRANO: –at community. Marami tayong natutunan, ano, mga kapamilya? Oh huwag po kayong bibitiw dahil sa ating pagbabalik, mas mainit na tanong ang maririnig po natin mula sa ating mga parokyano. This is Usapang Halalan: The CBCP Election Forum.

    [break]

    BERNADETTE SEMBRANO: Welcome back sa Usapang Halalan. Nagtanong po kami sa iilang parokyano kung ano ang nais nilang malaman ukol po sa kasipagan at pagmamahal ng kandidato sa kanilang trabaho, or service. At napag-alaman namin na gusto pala malaman ng mga parokyano kung paano yumayaman ang mga taong nakaupo sa puwesto. At may apat na tanong ang ating mga parokyano ukol sa SALN, o Statement of Assets, Liabilities, or Net Worth. Pakinggan po natin ang kanilang mga tanong.

    WARREN CULLA: Papaano niyo po mapapanagutan ang bawat public official na magsubmit nito? Sino ang aatasan ninyo na mag-check nito? Kapag kaduda-duda ang kanilang SALN, anong gagawin ninyo? Paano malalaman kung kumita ang opisyal mula sa kanyang posisyon?

    RICO HIZON: The issue of transparency and personal wealth is really a concern among our electorate. VP Leni, ang tanong para sa inyo, your SALN is already a public record and it’s easy to ask for it from your office, but how would you make others comply and how do we put more teeth to the law requiring this from all public officials?

    VP LENI: Alam mo, Rico, hindi naman dapat problema ‘yung pag-ask ng compliance kasi nasa batas na kailangan talaga kaming mag-comply. Ngayon na lang naman na mayroong opinion ang Ombudsman na puwedeng hindi ‘yun i-release to the public – parang pinapahirapan pa ‘yung publiko na kailangan mo pang hingiin ‘yung nag-issue ng SALN bago puwedeng i-release ng Office of the Ombudsman.

    Sa akin, kalokohan ‘yun kasi ang dahilan kung bakit hinihiling ‘yung SALN namin para maging public record, na merong karapatan ‘yung taumbayan na makita kung mayroon bang unexplained na pagdagdag sa aming kayamanan o pag-aari. And may dahilan kung bakit ganoon. Ang dahilan kung bakit ganoon, isa ‘yun na mga paraan para natutukan ng taumbayan kung papaano ba gumagalaw ‘yung aming kayamanan. While ang paniniwala ko, Rico, hindi siya sapat, hindi siya sapat na ebidensya kasi marami pang ibang puwedeng gawin gaya ng lifestyle check, pero the mere fact na ‘yung batas na ‘yung nagsasabi na required ‘yung SALN, kailangan isapubliko ‘yun without question dahil noong sumumpa kami bilang mga lingkod-bayan, kabahagi ‘yun ng aming sinusumpaan.

    So, ‘yun sa kin, may ngipin naman dapat ‘yung batas eh. Doon pumapasok ‘yung importance na ‘yung i-aappoint na maghe-head ng offices na hindi siya nagagamit for political ends ng iba. Na hindi niya– wala siyang pinoproteksyunan. Dapat kung ano ‘yung hinihingi ng batas ay kailangan lang ipatupad. Dahil ‘yun ‘yung sandata ng taumbayan para we are made to account.

    RICO HIZON: So the law is the law, andiyan na ‘yan–

    VP LENI: Yes.

    RICO HIZON: –batas ang batas. So kailangan malaman lahat at ibigay sa publiko ang mga SALN ng mga public officials. Secretary Gonzales, how will you ensure transparency in all branches of government?

    [other candidates answer]

    RICO HIZON: Maraming maraming salamat sa ating mga kandidato and when we come back sa usapang halalan, we pose a question about the sanctity of life. Stay tuned. Usapang Halalan the CBCP Election Forum will be right back.

    [break]

    BERNEDETTE SAMBRANO: Nagbabalik po ang Usapang Halalan. Kahit na magkahiwalay ang pamumuno ng simbahan at pamahalaan, hindi maipagkakailang nasa kamay ng pangulo ang pangangalaga ng ating buhay at buhay ng lahat ng nilikha ng maykapal. Sa round pong ito, tatalakayin natin ang isa sa panukala na laging tinatangkang isulong sa bawat administrasyon at ito ang tanong mula sa ating parokyano.

    [END OF PART 8]

     

    Posted in Transcripts on Mar 25, 2022