This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo at Usapang Halalan: The CBCP Election Forum 2022 Part 9

    Vice President Leni Robredo at Usapang Halalan: The CBCP Election Forum 2022
    Part 9 (Closing Statement)

    [START]

    BERNADETTE SEMBRANO: Sa round pong ito, tatalakayin natin ang isa sa panukala na laging tinatangkang isulong sa bawat administrasyon. At ito ang tanong mula sa ating parokyano.

    PAROKYANO: Matunog po ang isyu ng death penalty at ito nga po ang dahilan kung bakit nanalo si Pangulong Duterte dahil masyado na pong marami ang nabiktima ng rape, hold-up at nakawan. Isusulong niyo po ba ito? Kung hindi, paano po natin masosolusyunan ang krimen sa lipunan? Gusto po naming makatamasa ng katahimikan sa pang-araw araw.

    RICO HIZON: Candidates, ang discussion natin ngayon is the sanctity of life ano. Ang turo sa atin ng simbahan, dapat pahalagahan at protektahan ang buhay ng lahat. Kaya naman mainit na isyu sa ating bansa ang death penalty. Secretary Gonzales, you're first up in this round. What is your stand on the death penalty.

    [other candidates answer]

    RICO HIZON: No to the death penalty for Secretary Gonzales. Ka Leody, pareho po kayo ng posisyon ni VP Leni, sabi ninyo sa isang interview, hindi naman napipigilan ng death penalty ang krimen. Pero ang hinahanap ng mga Pilipino ay katahimikan sa kanilang lugar. Paano ito makakamit, Ka Leody?

    [other candidates answer]

    RICO HIZON: Thank you so much, Ka Leody. Senator Manny, may nabasa ako na pabor kayo sa death penalty.

    [other candidates answer]

    RICO HIZON: At napag usapan natin ano, with our more than one million cases na backlog, kailangan talaga himayin ang ebidensya at himayin ang mga kaso na ngayon ay nasa korte. VP Leni, may nagsasabi na tila pinoprotektahan ninyo ang mga kriminal dahil sa hindi niyo pagsangayon sa death penalty. Pinaalala niyo nga sa kongreso noong 2016 na signatory ang Pilipinas sa second optional protocol to the International Covenant of Civil and Political Rights, at ayon dito, ipinagbabawal nang ibalik ang death penalty sa bansa. Pero ang tanong namin, paano niyo masosolusyunan ang kriminalidad sa lipunan. Paano ninyo palalakasin ang law enforcement?

    VP LENI: Ano ba 'yung datos? Noong binalik natin yung death penalty many years ago, bumaba ba? Bumaba ba 'yung mga nagko-commit ng krimen? Hindi. Tumaas pa nga. Tignan natin 'yung datos, hindi na lang dito sa Pilipinas, pero sa buong mundo. 'Yung mga bansa na nag-iimpose ng death penalty, considerably mas mababa ba 'yung incidence of crime nila doon sa mga walang death penalty? Hindi din. Marami 'yung pag-aaral na nagsasabi na hindi 'yung gravity ng penalty 'yung deterrent ng crime, kundi 'yung certainty. 'Yung certainty na mapaparusahan ka.

    So having said that, kailangan ayusin natin 'yung ating judicial system. Tama si Senator Manny. Dapat ayusin natin 'yung judicial system dahil kinakailangan na ang maging deterrent para 'yung tao natatakot siyang mag-commit ng crime ay 'yung kasiguraduhan na mapaparusahan siya dahil nag-commit siya noong crime. 'Yun 'yung number one.

    Number two, ano ba 'yung realities natin ngayon? Ang realities natin ngayon, marami talaga nang corruption, marami 'yung flaws, marami 'yung pagkukulang 'yung judicial system. Gaya ng sabi ko, matagal na panahon, noong nag-abogado ako para sa mga mahihirap, and 'yung pakiramdam talaga na napakalayo ng katarungan sa mga mahihirap ay naramdaman ko 'yun. Pag may death penalty, ang chances na mas maraming mahihirap 'yung mapaparusahan ng death penalty talagang napakalaki dahil 'yung access niya nga sa katarungan napakakaunti.

    RICO HIZON: Maraming salamat Vice President Leni Robredo. And that is our last question for tonight. Pilipinas, over the past two hours we gained insight on our candidates' competence and character, and most of all, their level of compassion and care. And at this point, we will give each candidate one minute and thirty seconds for their final message.

    [other candidates answer]

    RICO HIZON: Your final word, VP Leni.

    VP LENI: Sinabi ko po noong huling debate na ang mga leaders natin kailangan mag show up saka mag-man up. Ang ibig sabihin po noon, nagpapakita, nakikiisa, pinagdadaanan 'yung kahirapan na pinagdadaanan ng ating mga kababayan hindi lang tuwing eleksyon pero lalong-lalo na kung walang eleksyon. Dahil 'yung paniniwala natin, 'yung pinakamahalagang solusyon sa mga problema ng ating mga kababayan ay 'yung mga solusyon na nahango sa pakikiisa at pakikiramdam sa kanilang pinagdadadaanan.

    Ngayon pong eleksyon, marami 'yung manliligaw. Ang akin pong ipriniprisinta sa inyo, hindi lamang pangako, hindi lamang plano, pero ito po 'yung produkto ng aking mga prinsipyong isinasabuhay ko sa habangbuhay na nagtatrabaho at naglilingkod ako sa inyo. Nahango ko po sa aking pakikiisa sa ating mga kababayan, na 'yung mga pangarap nila, hindi naman ginto, pero nangangarap sila na makuha nila 'yung ginhawa na pinagpaguran nila. Hindi naman mga palasyo 'yung kanilang mga pangarap, pero nangangarap sila ng espasyo na sapat para sa mga pangarap nila. At ito pong pangarap na nararamdaman nila, 'yung makahanap sila ng kaginhawahan hango sa kanilang paghihirap.

    Ito pong mga pangarap na ito, ito 'yung nagdudulot ng pag-asa. Nagsimula po ako noong filing na hindi ako nakapaghanda. Pero unti-unti, sinasamahan tayo ng ating mga kababayan, tumitindig sa tabi natin, at ang pag-tindig pong ito sa tabi natin, hango sa pag-asang ibinibigay natin. Ang paniniwala ko po, 'yung panalo natin sa eleksyon ay magmumula din sa pag-asa na nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino.


    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 25, 2022