This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message and Q&A at Samahan ng Kalapenyong Mangingisda (SAKAG) Community, Calapan City, Mindoro

    Vice President Leni Robredo’s Message and Q&A at Samahan ng Kalapenyong Mangingisda (SAKAG) Community, Calapan City, Mindoro

    Note: This transcript covers the message of Vice President Leni Robredo, her response to the covenant with SAKAG, and the Q&A after


    [Message of VP Leni]

    VP LENI: Ayan, magandang hapon. Magandang hapon. Isang mainit na hapon sa inyong lahat. [Laughs] Ang akin lang pong pagbati kay Kap. Darwin, kay Kap. Lemuel, kay Osmando, nasaan si Osmando? Ayan. 'Yung presidente ng ating Samahan ng Calapeñong Mangingisda. Nandito din po si Dennis, nasaan si Dennis? Si Dennis ay ang ating– o "Mangingisda for Leni", maraming salamat sa iyo. Tapos si Daniel, si Daniel ang ating [inaudible] coordinator, ayon. Sa inyo pong lahat, magandang-magandang hapon. Masaya po akong nabisita ko 'yung project natin.

    Siguro po konting background lang. Ito pong Sustainable Livelihood and Training Program ng aming Angat Buhay Program sa opisina, sinimulan po namin ito 2016 pa. Talagang 'yung hinahanap po namin na mga communities na tutulungan, 'yung mga communities na hirap na pagtinulungan mo, hindi naman napakalaki 'yung aming pondo, pero pag tinulungan mo ay makakatulong talaga sa pang araw-araw na pagbuhay.

    So, noong natanggap po namin 'yung request ninyo, alam niyo naman 'yung kuwento, ‘di ba? Bumaba dito 'yung ating team. Bumaba po 'yung team ng– noong nakaraang taon, ‘di ba? Last year pa, hindi pa ako kandidato. Bumaba po dito 'yung team, in-assess, tiningnan kung talagang mapapabuti kayo dahil sa proyekto at ano naman po, nirekomenda siya. At masaya ako na sa inyo mismo naririnig ko na malaking tulong ito para sa mga mangingisda dito dahil 'yun naman 'yung pinakasadya natin.

    Sa totoo lang po, bago ako pumunta hindi ko alam kung anong nagagawa noong– 'yung fish aggregator, ‘di ba? Fish aggregator device. Ngayon ko lang naintindihan kung ano 'yung kaniyang natutulong kaya natutuwa ako na alam natin na 'yung mga mangingisda, ito 'yung mga hirap 'yung pagbuhay araw-araw. Pero natutuwa ako na kahit tapos na, kahit hindi na ako Vice President, andito pa din 'yung proyekto.

    VP LENI: Pero, ito pong pagbisita ko, pakikiisa lang sa inyo dahil po nandito ako para magkampanya pero noong nalaman po namin na pupunta kaming Calapan, ni-request po natin na mabisita itong community niyo para masilip naman namin 'yung project natin. [Crowd cheers]

    Iba-iba po 'yung projects na dala natin dito sa Oriental Mindoro. Meron din po tayong parang community irrigation system sa Pola. Sa Naujan po meron po tayong mga tinutulungan na mga calamansi farmers. Sa Mansalay naman po nagbigay tayo ng parang mobile na health van, parang ambulansya pero kumpleto po siyang parang clinic na iniikot sa mga iba't-ibang mga munisipyo– ay iba-ibang mga barangay lalo 'yung mga nasa taas. Ilang beses na din po akong pumunta dito kasi naglagay po tayo ng mga solar kits doon po sa mga Mangyan community. So, hindi naman po sa amin bago 'yung pagpunta pero dito sa Calapan, ngayon lang ako pumunta na may communityng nabista kasi medyo bago pa 'yung proyekto natin kumpara doon sa iba.

    Pero ito naman po 'yung paniniwala natin sa pamamahala na dapat 'yung lider bumababa sa community para nararamdaman niya kung ano 'yung kailangan saka nararamdaman niya na kailangan na kailangan na. Minsan kasi ‘pag papel lang 'yung sina-submit sa amin, hindi mo naiintindihan kung gaano ba talaga kailangan. Pero ngayong nandito kami, natutuwa po kami na nakatulong kami o makakatulong kami sa inyong lahat.

    So, hindi naman po kami magtatagal. Nahihiya din kami sa inyo kasi kainitan 'yung pagpunta namin. Pero kahit po kainitan 'yung pagpunta namin, napakainit pa din 'yung pagtanggap niyo kaya maraming salamat po. [Applause]

    [Response of VP Leni]

    VP LENI: … Pinag-aralan na ito sa opisina namin. Sang-ayon kami sa lahat ng puntos. 'Yung amin ngang posisyon pagdating doon sa sariling department para sa fisheries, ang sinasabi natin kasi kakailanganin pa ito ng Congressional Approval. Pero bago siya magkaroon ng Congressional Approval, magkakaroon na tayo ng parang Presidential Assistance for Fisheries para matutukan na kaagad siya under sa Office of the Vice Pres– ay Office of the President pala. Office of the President.

    Pero ano naman, kami ni Atty. [Ayson 00:37], matagal kami sa SALIGAN. 'Yung mga mangingisda talagang isang sektor na tinutulungan. Pagdating ko nga dito parang naalala ko 'yung mga communities namin dati. 'Yung mga communities namin dati, pati ito, kubo, ganito din 'yung kubo na mga tinutulugan namin pag nagko-community kami. Paunahan na hanap ng isang gilid, kunwari 'yung gilid nandoon ka tutulog. Ito 'yung buhay namin– buhay ko for more than ten years. Talagang babad sa community organizing, so 'yung fisherfolk isa sa mga tinutulungan natin na grupo.

    Pero 'yung commitment namin, aasikasuhin 'yung sektor sa paniniwala na magiging makabuluhan lang 'yung pagbabago pag walang naiiwan sa laylayan. Kasi kahit gaano mag-improve 'yung ating ekonomiya, kung maraming naiiwan sa laylayan, hindi 'yun 'yung klaseng pagbabago na gusto namin.

    Masaya lang ako na aktibo dito 'yung iba't-ibang grupo. 'Yun naman 'yung first step sa lahat. Ang first step sa lahat, ‘pag empowered 'yung grupo, marami tayong magagawa. Gusto ko lang na iparamdam sa inyo na ‘pag ako 'yung nabigyan ng pagkakataon, magiging bahagi kayo ng pamahalaan. Gusto ko sabihin, 'yung paggawa natin ng mga proyekto, hindi manggagaling sa taas. Ang paggawa natin ng proyekto, manggagaling sa baba. Ang national government tutulong lamang, [applause] tutulong lamang pagsiguro na magagawa natin 'yung mga plano ninyo. Pero 'yung pagpaplano, sa lahat ng sektor ang paniniwala ko dapat hinahayaan 'yung sektor na siya 'yung mag-implement ng mga programa, maggawa ng mga polisiya dahil ang paniniwala natin, kung sino 'yung nagdadaan sa kahirapan siya 'yung mas nakakaangat pagdating sa kaalaman.

    Ang maaasahan niyo lang sa amin na maglalagay tayo ng isang parang environment na meron kayong papel sa pamamahala, pag-asikaso ng lahat na [applause] pag-asikaso ng lahat ng mga kasamahan niyo na mga mangingisda, pagsiguro na 'yung lahat ng klaseng tulong ay naibibigay sa kanila.

    Maraming problema ngayon 'yung mga nangingisda. Kanina nga binabasa ko 'yung ibang mga nakasulat. Hindi binasa ni Dennis, pero meron doong isang bahagi na pagpapalakas ng bantay dagat. Isa po 'yun sa mga tinutukan namin dati sa SALIGAN. At sa pagpapalakas ng bantay dagat paminsan 'yung mga bantay dagat pang mangingisda 'yung mga sinasampahan ng kaso na mga tinutulungan natin.

    So, ako po pamilyar ako sa mga problema dahil ito 'yung inaasikaso namin noong nasa SALIGAN pa ako. So, sisiguraduhin natin na mawawala 'yung mga ganito. Mawawala 'yung mga ganito ‘pag pinalakas natin lalo 'yung grupo ninyo.

    So, maraming salamat ulit. Ito po hindi lang ito pirmahan dahil may kampanya, pero commitment ito. Commitment na ‘pag tayo 'yung binigyan ng pagkakataon, sisiguraduhin natin na lahat ng puntos magagawa agad-agad para naman 'yung anim na taon na ibibigay sa atin sapat para kahit papano maiahon 'yung pagbuhay ng bawat isa sa inyo. So, maraming salamat po ulit. Mabuhay po kayo lahat. [Applause, cheers]

    [Q&A]

    KAP: Ang amin pong simbahan ay napakaliit at luma na. Ngayon po, may programa po ang aming barangay para mai-remodel po ang simbahan namin at mailagay po sa maganda at– ibig kong sabihin po ay para– ibig kong sabihin ay 'yung medyo gumanda naman po siya nang konti, di naman kasi gasinong kagandahan, 'yung medyo presentable naman po ang aming simbahan. Kami po ay dumudulog sa inyong tanggapan para ganoon po, mabigyan ng konting panahon ang aming tanggapan.

    VP LENI: Ang problema natin, Kap, mahirap ang simbahan kasi may bawal. Bawal gumastos 'yung pamahalaan para sa simbahan. Pero siguro 'yung pinakamatutulong natin, pondohan natin 'yung mga programa para sa mga mangingisda para 'yung programa ninyo, 'yun 'yung nakakatulong sa simbahan. Pero kung pamahalaan po mismo, hindi kami puwedeng magpagawa ng simbahan. Hindi kami puwede magpaayos ng simbahan. Hindi kami puwede gumastos para– kahit anong relihiyon, bawal.

    Ang ginagawa po namin usually, Kap, kasi halimbawa ‘pag bumagyong grabe maraming simbahan ang nasisira. Ang ginagawa namin, 'yung mga partners namin 'yung dinadala namin doon kasi ‘pag private kasi walang bawal eh. Bawal lang naman pag pamahalaan dahil sa separation ng church and state. Pero hindi naman po 'yun mahirap. May bawal, pero 'yun nga, gusto kong sabihin, ‘pag inasikaso kasi natin 'yung kabuhayan ninyo mas magiging madali magpagawa ng simbahan, ‘di ba? So, una 'yung kabuhayan, tapos pagtutulung-tulungan natin lahat. [Cheers, applause]

    HOST: So, meron pa pong gustong magpahayag ng suporta o tanong sa ating VP? Meron pa po ba? Buhat po sa sektor ng mga kababaihan o mga estudyante?

    VP LENI: May ikukuwento lang ako.

    HOST: O sige po.

    VP LENI: Kung may sektor dito ng– kayo ba 'yun, mga kababaihan? Kasi doon po kina Ka Dodoy sa Zamboanga Sibugay, may ginawa tayong project para sa mga kababaihan na mga mangingisda. Ang ginawa po nila– alam niyo naman 'yung ginawa ni Ka Dodoy, ‘di ba? Nag-ano sila, mangrove reforestation.

    Noong nag-mangrove reforestation sila grabe 'yung supply na ng isda na meron sa kanila. Pero 'yung marami kasing mga umuwi doon na mga– 'yung bagong– lumipat sa ibang lugar tapos umuwi na ulit doon, mga kababaihan na mga biyuda o ang iba walang hanapbuhay. 'Yung project po namin, parang gumawa sila ng talaba farming pero sa gitna ng ano, sa gitna ng dagat naglagay sila ng– hindi ko alam kung anong tawag doon. Parang mga fish cages, oo.

    Ang kuwento nina Ka Dodoy, mga bawat araw nakaka-200 din o 300 hanggang 500 'yung mga kababaihan, pero hindi mahirap para sa kanila kasi hindi na sila pumupunta sa– hindi na sila mamamalaot eh, nandoon na lang sa may bukana noong lugar. Baka gusto niyong pag-isipan 'yun. Hindi naman siya kailangan talaba pero kung ano 'yung mabubuhay dito na para sa mga kababaihan, baka puwedeng pag-isipan niyo 'yun. [Applause]

    HOST: Meron pa po ba?

    HOST: So, hindi na rin po siguro magtatagal ang ating Presidente dahil– ang Presidente talaga, ano? So, marami pa pong pupuntahan, meron pa po tayong pormal na programa sa [inaudible 04:05] kaya kayo po iniimbitahan pa rin. Maraming, maraming salamat po sa inyong pagdalo. Sige po.

    VP LENI: Salamat. Salamat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2022