This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Campaign Kickoff in Libmanan Libmanan, Camarines Sur

    Vice President Leni Robredo’s
    Message at the Campaign Kickoff in Libmanan
    Libmanan, Camarines Sur

    [Bicol 01:10 – 01:12] Magandang umaga, Libmanan!
    [Bicol 01:14 – 03:46] Bago po ako magpatuloy, ako ay nagbibigay-galang sa susunod na gobernador, Gov. Nonoy Andaya, ang atin pong Vice Governor, Vice Governor JJ Pilapil, ang atin pong mga board members, hindi ko po alam kung sila ay nasa aking harapan, board member Arnel Oriño, at board member Jaime Cacatian. Ang atin pong minamahal na Mayor, palakpakan po natin, Mayor Bernard Brioso. Ang ating Vice Mayor, Vice Mayor Dondon Atienza. Nasaan si Vice? Ang atin pong mga councillors na kasama natin dito ngayong umaga, Brgy. Captain Maura Floresca, nasaan po ba si Kapitana? Ang iba pa pong mga barangay officials na narito. Nasaan po ba ang mga Dawani Artists? Naroon. Nasaan po ba ang Bangon Kababaihan? Naroon. Nasaan po ba ang Libmanan Zumba Club? Ayun. Balita ko, si Gov. Nonoy ang leader niyo. Nasaan po ang Kabalikat 256 at 241? Nasaan kayo? Nasaan ang One Ganap Guardians? Salamat. Nasaan ang BRIMO? Salamat din sa PNP Libmanan, sa NDRRMO, sa BSP Libmanan, Libmanan Bikers, nasaan ang Libmanan Bikers, saka Prime. Sa inyong lahat, magandang umaga ulit sa inyong lahat. Ang mga farmers, nasaan ang mga farmers? Pa-check na ng attendance, nasaan sina Robert? Parang hindi ko nakikita. Ok na father, farmers? LGBTQIA+, sino pa? Ang mga kabataan? Nasaan kayo? Sa inyo pong lahat, magandang umaga muli.
    [Bicol 03:48 – 04:47] Salamat sa pagsama sa amin ngayong umaga. May dahilan po kung bakit dito tayo nagsimula ng kick off rally sa Bicol. Alam po niyong dito ako ipinanganak. Dito po ako lumaki. Dito ako nag-aral. Dito ako nagtrabaho. Dito po ako nakapag-asawa. Dito ko iniluwal ang tatlo kong anak na kasama ko ngayon. At proud po akong sabihin na ako ay isang Bikolano. Kaya napapanahon lang at tama lang na dito ako sa ating lugar magsisimula ng aking paglulunsad ng pinakamahirap na laban ng aking buhay. Salamat po sa pagsama sa amin. Salamat po sa lahat ng sakripisyo. Alam kong ang iba sa inyo ay matagal nang tumutulong.
    [Bicol 04:48 – 05:08] Pero ang pinakamensahe ko lang sa inyo ngayong umaga. Ang ipinapangako ko, hindi lamang isang pangako, pero ipinakita ko na sa inyo. Magtatagalog po ako upang mantindihan ng mga kasama nating hindi Bikolano.

    [05:10]

    Ang atin pong ipinaglalaban dito, ang klase ng pamahalaan at pamumuno na matagal na nating ipinapakita sa ating mga kababayan dito sa Bicol. At ‘yun ‘yung klaseng pamamahala na tapat, matino, at mahusay na pamamahala, walang korapsyon, walang awayan, walang paglilinlang, dahil pinakita po natin dito mismo sa Libmanan, pinakita natin na ‘pag tayo ay namahala nang tapat, ‘yung kakaunti nating pondo ay nakakarating sa pinaka nangangailangan. Dito po sa Libmanan, alam ‘yun ni Mayor Bernard, Mayor Bernard nasaan ka na? Ayun alam ni Mayor Bernard, alam ni Vice Mayor Dondon, dahil matagal na natin silang partners. May dalawang grupo ng mga magsasakang tinutulungan natin dito sa inyo. Nasaan ‘yung mga grupo ng mga magsasaka? Nasaan ulit?

    [speaks in Bicol 06:22 - 06:23] ‘Yung mga magsasaka, nasaan po? Meron dito, meron doon.

    Meron po tayong programa dito sa Libmanan na kung saan ‘yung ating mga maliliit na magsasaka tinutulungan natin para sila ay mailapit sa ating mga institutional buyers. Nagsimula po tayo sa walang wala, pero pagkatapos ng tatlong taon ng ating programa, ‘yung atin pong mga farmers dito ay nagsu-supply na sa malalaking mga institusyon dito sa atin. Nagsu-supply sa BIGGS, nagsu-supply sa LCC, nagsu-supply sa mga hotel, nagsu-supply sa mga restaurant. Hindi na kailangan na magkaroon ng middlemen dahil sa tulong, hindi lang po namin pero ng LGU Libmanan, dahil sa tulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan na napailalim sa ating Omasenso sa Kabuhayan Program. Pagpapakita lang po ito na pag tayo ay nagka-sundo sundo, pag tayo ay nagkaisa sa pagtulong, pag tayo ay bumababa sa mga komunidad, ang programang ibinababa natin, ito ‘yung programang talagang ramdam ng mga nasa pinakalaylayan. Madalas naman po ako dito sa inyo sa Libmanan. Ang katunayan, dalawang linggo lang nakaraan andito ako saka sa Cabusao dahil may tinutulungan din po tayong mga mangingisda sa Cabusao. Pero ito po ‘yung sinasabi ko sa inyong klase ng pamahalaan na ipinapakilala natin. Kami mismo nakikiisa, kami mismo pinapakiramdaman kung ano ang paghihirap ninyo, dahil ito lang ‘yung klaseng pamamahala na makakapagsilbi kami nang tunay dahil ramdam namin ‘yung inyong kahirapan.

    [speaks in Bicol 08:35 - 10:37] Kaya po para sa ating mga kababayan dito sa Libmanan, ang pagmamahal namin sa inyo hindi lang namin ipinaparamdam sa panahon ng eleksyon. Pero may eleksyon o wala, kandidato man kami o hindi, kasama niyo po kami sa paghanap ng mga solusyon sa inyong problema. Ito po ang ating hinihingi na klase ng pamamahala kung saan may eleksyon o wala, kasama kayo. May eleksyon o wala, naaalala kayo. Kaya po ako nagpapasalamat sa ating mga kasamahan, sa pakikiramay sa ating laban ngayon. Hindi lang ito aking laban, pero laban ito para sa ating lahat. Unang pagkakataon na malaki ang ating pagkakataong mabigayan ng pwesto sa taas. Kung tayo po ay sinuwerte, hindi lang naman ako ang manginginabang, kung hindi tayong lahat sa Bicolandia, lalo na sa Camarines Sur. Alam ko kasing marami po tayong pangangailangan, hindi po ba? Marami tayong pangangailangan, marami po tayong mga pangangailangan, ngunit hindi tayo nasasagot. Pero kung may kasama tayong nasa Malacañang, hindi lang kakilala niyo ang naroon, kung hindi ang kakilala niyo ang pupunta sa inyo nang paulit-ulit para masigurong masasagot ang inyong mga pangangailangan. Kaya po ako, ipinapakiusap ko hindi lang ang aking sarili, pero ipinapakiusap ko ang aking mga kasamahan, si Vice President Kiko Pangilinan, hinihingi ko po ang inyong tulong. Sa atin pong mga kasamahan sa senado, narito na sila dito kanina. Nakita niyo na po. Ihihingi ko po sa inyo ng tulong dahil kahit tulungan niyo po ako pero hindi niyo tutulungan ang ating mga kasamahan, mahihirapan din lang po ako.

    Gusto ko din pong magpasalamat, malayo ang aking tingin pero tingin ko si Rita Avila ito, Hi, Ana. Magkalayo tayo pero maraming salamat sa pagpunta sa Naga.

    [speaks in Bicol 10:56 - 11:05] Si Rita po, pumunta sa Naga, pumunta sa Camarines Sur dahil gusto pong sumuporta sa ating paglulunsad. Palakpakan po natin siya. Maraming Salamat, Rita. Maraming Salamat.

    [speaks in Bicol 11:10 - end] Sino pong gumawa niyan? Maraming salamat. Salamat, salamat. Maraming salamat. Salamat. Sa akin po, hindi na ako masyadong magtatagal pero mayroon pa po tayong tatlong buwan. Pagtulung-tulungan po natin na ang lahat ng ating mga kababayan ay makisama sa ating laban. Salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayong lahat.

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 08, 2022