This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at Christ the King Parish Park Christ the King Parish, Municipality of Gubat, Sorsogon

    Vice President Leni Robredo’s Message at Christ the King Parish Park
    Christ the King Parish, Municipality of Gubat, Sorsogon

    [START: 0:07:59]
    *Entire speech was delivered in Bicolano

    [Bicol 0:07:59 – 0:09:03] Magandang umaga! Magandang umaga po sa inyong lahat. Bago po ako magpatuloy sa aking pagbibigay-galang sa mga opisyal pong kasama natin ngayon, sa pangunguna po ng aking kasama sa Congress, isa po sa aking mga guardian angels. Palakpakan po natin former Congressman T’yo Ding Ramos. Kasama ang napakagaling na mayor ng Gubat, Mayor Sharon Rose Escoto at ang buong Sangguniang Bayan ng Gubat. Narito rin po si Mayor Benito Doma ng Prieto Diaz at ang kaniyang Sangguniang Bayan. Nasaan po ang mga taga-Prieto Diaz? Ayun, naroon sa likod. Narito rin po si Mayor Michael Guysayco ng Bulusan at ang kaniyang Sangguniang Bayan.

    [Bicol 09:08 – 11:39] Hindi ko po alam kung narito si Mayor Cielo ng Irosin. Ay, narito, narito, at ang Sangguniang Bayan. Nasaan po ang mga taga-Irosin? Hindi ko po alam kung meron ditong representative ang Bulan. Pero ang akin pong ama ay galing sa Bulan. Ang akin pong ama, si Antonio Gerona, galing po sa Bulan. Kaya po ako noong lumalaki pa lang, kung fiesta sa Bulan tuwing Mayo ay palagi po kaming narito. Siyempre po, ang aking pagbibigay ng aking pagbati kay Dr. Eddie Dorotan, former mayor ng Irosin at former Galing Pook chairman, kasama po si Mrs. Oyen Dorotan. Ang akin pong pagbibigay-galang kay Engineer [inaudible 0:10:10] and Board of Directors ng Gubat Street– Gubat St. Anthony Credit Cooperative. Nasaan po kayo? Ayan, narito po. Maraming salamat.

    At ang Solid Leni Bicol – Gubat. Nasaan ang Solid Leni Bicol – Prieto Diaz? Nasaan po ang Solid Leni Bicol ng Bulusan? Parang pare-pareho ang sumisigaw. Nasaan ang Solid Leni Bicol ng Barcelona? Sa inyo pong lahat– si Mayor Cynthia Cortez ng Barcelona, narito po ba siya? At ang buong Sangguniang Bayan? Marami pong salamat. Ah, Vice Mayor, narito? Maraming salamat po for being here. Si Honorable Arce Glico, Board Member. Pasensya na po at hindi ko kayo nahahanap pero kung narito po kayo, maraming salamat sa pagpunta ngayong umaga. Magandang umaga po ulit! Magandang umaga sa Gubat. Magandang umaga sa Barcelona. Magandang umaga sa Prieto Diaz. Magandang umaga sa Bulusan.

    [Bicol 11:41 – 12:58] Nakakatuwa po tuwing pumupunta ako sa Sorsogon dahil ang ama ko nga ay taga rito. Naaalala ko ang hitsura ng Bulan nang ako ay bata pa. Ibang-iba na ngayon. Kanina po, naglilibot kami ni Congressman Ding sa Gubat. Sabi ko, “Napakaganda ng Gubat.” Napakasuwerte niyo pong lahat na ang probinsya ninyo ay naalagaan nang mabuti. Naalagaan nang mabuti.

    Si Governor Chiz Escudero po, isa sa aking mga kandidato sa ating Senate slate. Hindi na po siya pumunta ngayon dahil siya ay naghihintay sa atin sa Sorsogon City. Pero ito po, kada may kaganapan dito sa Sorsogon ay pumupunta naman ako. Pero ito ang unang pagkakataong pumunta ako na masayang-masaya ang mga tao at excited. Simula po noong pagdating ko kaninang umaga, paglibot ko, maraming excited. Sabi ko, “Bakit kaya?” Siguro, dahil mayroon tayo ngayong pambihirang pagkakataon na puwedeng ang susunod na Presidente ay isang Bikolana. [Audience shouts “Leni”]

    [Bicol 13:13 – 14:32] Pero mangyayari lang po iyan kapag tayo ay nagtutulungan. Mangyayari lang iyan kapag tayo ay nagtrabahong maipakilala ang kandidatong Bikolana sa mga hindi nakakakilala sa atin. Kapag nabigyan po tayo ng pagkakataong manilbihan bilang Presidente, ang unang manginginabang ay ang Bicol Region. Pambihirang pagkakataon na Bicol Region naman ang asikasuhin.

    Marami po tayong mga pangarap para sa ating rehiyon. Marami sa ating mga pangarap ay hindi pa natutugunan. Pero kapag binigyan tayo ng pagkakataon, ito din po ang pagkakataon natin upang masagot ang ating mga hinahangad. Pero ang akin lang pong pangarap din, na narito po kayo at sumusuporta sa akin hindi lang dahil sa Bikolana ako, ngunit dahil naniniwala kayong ang klase ng politika at pamumuno na pinaniniwalaan natin ay pinaniniwalaan niyo rin.

    [Bicol 14:34 – 15:06] Ito po ang klase ng gobyernong malinis, matuwid, dahil ang paniniwala natin, kung malinis at matuwid, mas makakapagsilbi nang sapat at maayos sa ating mga kababayan. Kaya po ang battle cry po ng kampanya namin ni Senator Kiko: Gobyernong Tapat, Angat Buhay Ang Lahat. [Audience shouts “Leni”]

    [Bicol 15:14 – 20:02] Marami pong salamat. Simula po ngayong araw, 89 days na lamang bago mag-eleksyon. Ang akin pong hinihingi ay magsama-sama po tayo sa labang ito. Pakiusap ko po, maisip po nating ang labang ito ay hindi lang simpleng pagpili ng gusto mong kandidato. Pero ang labang ito, ang pinipili mo ay ang klase ng politikang gusto nating mangibabaw dito sa ating bansa. Ito po ang politikang malinis at matuwid, na ang pinakanasa puso ng mga namununo ay ang ikabubuti ng mga nasa pinakalaylayan. Kung tutulungan niyo po ako, ipapakiusap ko ring tulungan niyo si Senator Kiko Pangilinan bilang aking Vice President. Mas gagaan po ang aking trabaho kung si Senator Kiko ang ating kasama dahil pareho ang aming mga paniniwala na itinutulak.
    Nakikiusap din akong hindi lang kami ni Senator Kiko, pero ang lahat ng ating Senatorial candidates, na tulungan po natin. Pinapangunahan po iyan ni Governor Chiz Escudero na tulungan nating makabalik sa Senado. Kapag nakabalik sa Senado, para lang siyang naging governor at senator dahil alam nating hindi niya papabayaan ang ating lugar. Mayroon din pong mga Bikolanong tumatakbo galling sa ating Senatorial slate tulad po ni Senator Leila de Lima na taga-Iriga at si Senator Sonny Trillanes na taga-Albay. Ang poster na nariyan, Congressman Teddy Baguilat. Kasama rin po natin si Senator Risa Hontiveros. Kasama po natin si Atty. Sonny Matula. Kasama po natin si Atty. Alex Lacson at kasama po natin si Dean Chel Diokno. May Cheldren pala dito. Sasabihan ko po si Dean Chel dahil nasa Albay na siya at di na siya makakahabol dito. Sasabihan ko po. Sasabihan ko pong narito.

    Kasama din po natin si Senator Richard Gordon. Kasama po natin si Senator Migz Zubiri. Kasama po natin si former Vice President Jojo Binay. At kasama po natin si Senator Joel Villanueva. Kaya ang hinihingi ko po sa inyong tulong, kung tayo ay inyong tutulungan, tulungan ninyo rin si Senator Kiko, tulungan si Governor Chiz, at tulungan po ang buong lineup para sa tuloy-tuloy ang ating pag-asenso. Maraming salamat po. Gusto ko lang pong i-special greeting ang mga DC Sisters. Alam ninyo pong nag-aral ako sa Sta. Isabel kaya po lumaki po akong DC Sisters ang aking kasama. Maraming salamat po, sister.

    Sa inyo pong lahat, hindi na po kami magtatagal at pupunta po kami ngayon sa Sorsogon City. Hinihintay po kami ni Governor Chiz. Pero salamat sa pagpaparamdam sa amin ng inyong pagmamahal. Salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa amin ngayon. Gusto ko rin pong pasalamatan si Ms. Carol Ubalde. Nasaan si Carol? Nasa likod. Siguro ay busy. Ayan, nasa likod pala si ma’am Carol. Si ma’am Carol Ubalde po ang ating provincial coordinator ng Solid Leni Bicol – Sorsogon. Maraming salamat po, ma’am Carol. Sa inyo pong lahat, Mayor Sharon, salamat ulit. T’yo Ding, salamat ulit. Atty. Eddie Dorotan saka ma’am Oyen, salamat.

    Mabuhay po kayong lahat!

    [END 0:20:02]

     

     

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 09, 2022