This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Covenant Signing with Persons with Disabilities

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Covenant Signing with Persons with Disabilities


    VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat, Gina. Maraming salamat sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama kayo, at sa isang pagtitipon kung saan, parang eto 'yung pinaka produkto ng ilan din na mahabang panahon din na inilaan natin para i-discuss 'yung agenda– 'yung agenda para sa PWD sector.

    Alam niyo naman, marami sa inyo nakatrabaho ko na before, kahit wala pa ako sa pulitika, very active na ako saka 'yung pamilya namin sa pagsulong ng adbokasiyang ito. Alam niyo din na disability runs in the family. Kaya personal ito sa amin. Hindi lang siya– hindi lang siya parang advocacy na in-adopt, pero personal na pakikipaglaban dahil sa pamilya ay maraming– maraming mga members of the family ang may kapansanan, kaya 'yung aking– 'yung aking brother-in-law, 'yung aking mga sister-in-law, very, very active in the advocacy. Pati 'yung– pati 'yung asawa ko noong nabubuhay pa siya, very active in the advocacy. Pero 'yung– 'yung realization din para sa akin na kahit very active sila sa advocacy, maraming limitasyon kung ang buy-in ng National Government ay hindi 100%. Marami pang puwedeng gawin pero pag hindi kasi siya– hindi kasi siya isinapuso ng Gobyernong National, maraming mga opportunities for PWD's na hindi nabibigyan ng– hindi nama-maximize.

    So, ito hindi– ako naman wala akong pag-aalinlangan, nabasa ko 'yung produkto ng mahabang panahon na pag-uusap. Wala ako ni isang katiting na pag-aalinlangan sa pagpirma at pagsulong ng disability agenda na nilatag kanina, na diniscuss kanina at pipirmahan natin ngayong araw. Gagamitin natin itong gabay at gagamitin nang gabay ito ng administrasyon ko kung sakali ako 'yung mabigyan ng pagkakataon na masisiguro na ma-angat talaga 'yung status ng mga persons with disabilities na hindi siya kino-consider– na hindi siy nama-marginalize. Hindi siya kino-consider na parang special sector na pag naiisipan mo lang, tutulungan mo pero sa pang araw-araw hindi siya kabahagi noong mainstream. So– so, ang maaasahan ninyo sa administrasyon ko na tututukan natin 'yung lahat na inilahad ngayon. At ito ay hindi naman static. Pag sinabi kong hindi static 'yung pipirmahan natin ngayon, hindi siya limitado sa pipirmahan natin today, pero pag magkaroon pa ng maraming issues, maraming opportunities ay masisiguro ko sa inyo na kasama niyo ako. Kasama niyo ako lagi sa paghahanap ng mga solusyon. Siguro i– daanan lang ulit natin 'yung mga– 'yung mga diniscuss kanina.

    Sisiguraduhin natin na kasama kayo hindi lang sa mga konsultasyon. Kasama kayong makikilahok sa pagbuo ng mga polisiya at mga programang isusulong natin. Lagi ko itong sinsasabi na parang medyo allergic ako sa term na "consultation" kasi parang naaabuso siya noog mga public officials, na paminsan imi-meeting nila once kahit may oposisyon 'yung mga miniting nila basta na-meeting nila, parang 'yun na 'yung cover nila na nagkaroon ng konsultasyon. Ang maaasahan niyo sa akin na klaseng konsultasyon, hindi ganoon. ‘Yung maaasahan niyo sa akin, every step of the way, kalahok kayo. Walang polisiyang patungkol sa sektor niyo ang ilalabas na hindi kayo nabigyan ng pagkakataong makilahok, hindi lang na tinanong pero makilahok. 'Yung pakikilahok ay mas malalim na engagement.

    So 'yung pangalawa, 'yung sinasabi niyo 100% agree ako na kailangan na tayong magbuo ng mas maayos na database ng mga persons with disabilities at mga pangangailangan nila para maging maayos din ang paghatid ng mga serbisyo.Ito 'yung laging problema natin dito sa bansa natin. Hindi maayos 'yung datos kaya hindi nakakaabot sa marami 'yung tulong ng pamahalaan. 'Yung polisiya dapat lagi itong nakabase sa datos. So, mahirap na merong polisiya na hindi kumpleto 'yung datos kasi malamang maraming mga pangangailangan ay hindi matutugunan.

    Pangatlo, papalakasin natin 'yung implementation ng Accessibility Law. Alam natin na matagal na itong naisulong pero hanggang ngayon 'yung implementation nito very dismal. Para sa– 'yun 'yung– ang pinaka intent naman nito maging inclusive 'yung mga engagement infrastructure natin at iba pang mga serbisyo para sa inyo pero tila nasa papel lang siya. Merong sumusunod, merong hindi sumusunod, mas maraming hindi sumusunod pero walang penalties na binibigay doon sa mga hindi sumusunod. So, sisiguraduhin natin na 100% 'yung– 'yung pagpapatupad. 'Yung pagpapatupad ng implementation ng Accessibility Law.

    'Yung pang-apat, 'yung isusulong natin 'yung pag-implement ng Mandatory PhilHealth Membership para sa mga persons with disabilities, para masiguro ang benepisyo at serbisyo sa ilalim ng PhilHealth at ito ay makaabot sa inyo. Actually, noong binabasa ko 'yung– noong binabasa ko 'yung produkto, noong diskusyon, nagulat ako na hindi pa pala maayos 'yung implementation ng Mandatory PhilHealth Membership na dapat sana ito automatic. Pero ito nakakabit kasi ito doon sa maayos na database. So, ito hindi ito puwedeng paghiwalayin, kailangan talaga parati siyang– parati siyang magkasama. Pag maayos 'yung database, sisiguraduhin natin na mandatory 'yung PhilHealth Membership ng lahat ng PWD's.

    And 'yung– 'yung pinakahuli, 'yung isusulong natin na maibalik ang National Council on Disability Affairs sa Office of the President mula sa DSWD para mas matutukan at matugunan ang mga pangangailangan niyo. Ito– ito gaya ng sabi ko hindi naman ito isinulat lang, pero ito ay produkto ng mahabang diskusyon. Pero hindi din ito limitado dito. Hindi siya limitado in the sense na marami pang mga issues ang kakaharapin ng sektor ninyo in the years to come, at sisiguraduhin ko sa inyo na 'yung– 'yung pagkilala ng participation niyo every step of the way ay 'yun ang ie-ensure natin.

    Ang mga planong ito, tulad ng lahat ng mga plano at programa na nailatag na natin, sasalamin ito sa pangunahing prinsipyo ng pamamahala natin: na ‘yung gobyernong tapat, aangat ang buhay ng lahat. At pagsinabi nating katapatan, tinutukoy din nito ang pagiging tapat ng gobyerno sa mismong dahilan kung bakit nilikha ang pamahalaan, at ito ay para sa tao. Kaya ang gobyerno natin makikinig sa mga hinaing at karanasan ninyo. Ang gobyerno natin aalagaan lagi ang kaban– ang kaban ng bayan at gagamitin lang ito sa ikabubuti ng tao. Ang gobyerno na pinapangako natin sa inyo, magmamadali laging sumaklolo pag dumaing ka. Makikipagpuyatan para mapaginhawa ka. Lulusong sa baha para i-ahon ka.

    Sinabi ko ito during the– sinabi ko ito during the first day of the campaign na 'yung magiging mukha ng gobyerno ay naka-tsinelas siya. Papalakarin ang mga public officials sa mga eskinita, sa mga pilapil tungo sa iyo– sa inyo. At 'yung mga– 'yung pamahalaan natin, sa pamamahala natin, 'yung laylayan na ‘yng magiging sentro. Ito ang pinaka-center ng pangako namin sa inyo na kung sino 'yung mas nangangailangan ng tulong, 'yun 'yung mas bibitbitin. Hindi tayo makukuntento na totoong gumaganda 'yung ekonomiya pero 'yung nakikinabang lang 'yung mga dati nang– dati nang nakakaahon sa buhay. Hindi natin ikokonsidera na humuhusay tayo kung 'yung mga numbers lang 'yung tinitignan natin pero marami namang naiiwan sa laylayan.

    So, hindi man madali 'yung laban natin, hindi tayo dapat matakot. Hindi tayo dapat kabahan. Kasi, gaya noong– gaya din noong sinabi ko noong first day of the campaign, ibang-iba 'yung nakikita kong reception ng tao ngayon noong sinabi ko na gisingin natin 'yung natutulog na lakas, ang dami nag-respond even– even sa sector ninyo. Ang dami nag-respond sa mga pinupuntahan namin na mga lugar, parating represented ang PWD sector. Gustong sabihin, hindi nagiging sagabal 'yung kapansanan para maka-ambag, para makatulong sa kampanya.

    Kaya ko sinasabing mahirap 'yung kampanya kasi 'yung disinformation ngayon grabe. 'Yung kasinungalingan na pinaniniwalaan ng mga tao, grabe. Pero 'yung pinapakiusap ko lang lagi sa mga nakikiusap sa atin na mga pulitiko, hanapan natin ng resibo. Pagsinabi nilang aalagaan nila 'yung sektor niyo, at lahat ng kandidato sasabihin aalagaan ang sektor niyo, tignan natin ano ba 'yung resibo niya? Noong nakaraan, papano niya ba pinakita? Papano niya pinakita na mahal niya 'yung sektor– 'yung PWD sector? So, 'yung sa akin, pagtulung-tulungan natin ito. Hindi natin makakamtan 'yung ating hangarin na isang pamamahala na mas responsive sa sektor niyo kung hindi tayo parang– hindi tayo naka-volt in lahat. Meaning to say, ang laban na ito hindi lang naman to laban ng mga kandidato. Laban ito nating lahat. 'Yung magiging resulta ng eleksyon hindi lang naman para sa mga kandidato pero para sa– sa lahat ng taumbayan.

    Ako ang pagtingin ko sa eleksyon na ito, ibang-iba sa nakaraan. Hindi lang ito contest ng mga kandidato pero ito ang pinaglalabanan 'yung mga paniniwala saka klase ng pamamahala at politika na ino-offer naming lahat kasi kami magkakaiba. Magkakaiba 'yung klase ng pamamahala at politikang ino-offer namin. So, 'yung– 'yung choice talaga sino ba sa palagay– sino ba sa palagay natin 'yung maka– hindi lang makakaintindi sa atin pero makakadala ng tunay na pagbabago sa lipunan?

    So, ako nagpapasalamat ako sa suporta ninyo. Nagpapasalamat ako na kahit maraming kahirapan, nagsasakripisyo kayo, sinasamahan kami sa laban na ito. 'Yung assurance lang namin na kasama nyo kami every step of the way. So, maraming maraming salamat at mabuhay kayong lahat!

    [END]

     

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Feb 16, 2022