This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Daet Campaign Stop Daet, Camarines Norte

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Daet Campaign Stop
    Daet, Camarines Norte


    [START 00:03]
    VP LENI: Magandang Umaga, Daet! Magandang Umaga, Camarines Norte! Ayun bago po ako magpatuloy, gusto ko lang pagbigyan ng galang si Mayor Boy Morales ng Mercedes, ay ayun pala! Hanap ako ng hanap sa unahan. Vice Mayor Yapyuco, nandito din po si Tito saka si Connie Sarion ng Daet. Sa inyo pong lahat, magandang magandang umaga muli.
    Parati pong masaya pag nakakabalik ako dito sa Camarines Norte. Noong nakaraang buwan ay nandito pa lang ako pero hindi pa ako noon– hindi pa official campaign period. At sinabi ko po sa inyo na pag official campaign period na, babalik ako para humingi ng tulong sa inyo. Kaya po andito na ako kasama po si– ating Vice Presidential partner, si Sen. Kiko Pangilinan. Kasama din po natin si Sen. Dick Gordon. Alam niyo po maraming probinsya po ‘yung pupuntahan namin ngayon, pupunta pa po kami sa Sorsogon atsaka Albay kaya ‘yung atin pong Senatorial candidates ay nag hati-hati kami. Pero kami po nandito ngayon sa Camarines Norte para kumustahin kayo at humingi ng tulong.
    Ayun. Salamat. Salamat. Thank you. Grabe! Grabe, pink na pink ‘yung nakikita ko. Pero ito po napakahalaga ng eleksyon ngayon. ‘Yung May 2022 elections po, napakahalaga dahil sa maraming bagay. ‘Yung pinakauna, pagkakataon po ito sa Bicol Region na magkaroon ng pangulo na Bicolana. Alam po natin na pag tayo ay binigyan ng pagkakataon, malaki ‘yung pakinabang ng buong Bicol lalong lalo na ang Camarines Norte. Kaya ang hinihiling ko po sa inyo, magkaisa tayo. Sana po, sana po hindi maging dahilan ang politika para magkawatak-watak dahil ang isinusulong naman po natin ang klase ng pamamahala, isang klase ng pamamahala na matino at mahusay. Ang paniniwala po natin, kapag ang gobyerno tapat, aangat ang buhay ng lahat.
    Ayun. Pero ‘yung pangalawa nito, palitan na po natin ‘yung bulok na klase ng politika natin dahil bawat eleksyon, alam niyo naman, bawat eleksyon nililigawan tayo di ba? At bawat eleksyon, pagkakataon sana magdala ng pagbabago. Pag nakaupo na ‘yung mga nahalal tayo ay nawawalan ng gana kasi naiisip natin wala din palang pagbabago. Pero nasa kamay natin lahat ang kapangyarihan. Pag sinabi ko pong nasa kamay natin, pagkakataon ‘yung 2022 elections para piliin natin ‘yung mga lingkod bayan na ang inaasikaso ‘yung tao hindi ang sarili. Kaya dapat po matuto na tayo. Bawat eleksyon nagsasabi tayo, wala naman palang pagbabagong mangyayari, ano po ‘yung aral doon? Huwag na nating iluklok sa kapangyarihan ‘yung mga hindi naman nagdadala ng pagbabago sa atin. Marami po ‘yung mangangako pero sino ‘yung papaniwalaan natin sa mga nangangako. Siyempre [Audience shouts Leni].
    Dalawa po ‘yung mahalagang titingnan natin para tingnan natin kung ‘yung pangako ay tutuparin. ‘Yung pinakauna, ano ba ‘yung pagkatao noong nangangako. Pag sinabi noong nangangako na mahal ko ‘yungmga mahihirap, papaano niya ito ipinapakita may eleksyon man o wala. Dahil po pag eleksyon lahat mahal ‘yung mahihirap pero pag nakaupo na, nakalimutan na ‘yung mahihirap. Pag sinabi pong hindi kami magpapayaman sa puwesto, dapat hindi ‘yun pangako. Dapat tiningnan natin, noong binigyan natin sila ng kapangyarihan ano ‘yung ginawa nila? ‘Yung pangalawa, tingnan po natin ‘yung track record. Dahil napakdaling mangako di ba? Sino dito ‘yung mga nanliligaw na mahilig mangako? Ayun, ‘yung mga dalaga po dito, pag may mga manliligaw kayo na nangangako ng nangangako, huwag kaagad magpapabudol. Titingnan po natin papaano kaya nito papanindigan ‘yung kanyang mga ipinapangako.
    Ako po, pinakita namin ngayong Vice President ako. Napakaliit ng budget ng opisina namin pero hindi siya naging dahilan, at hindi siya naging hadlang, para magawa namin ’yung mga gusto naming gawin. Bakit po ganoon? Number one, dahil tapat kami sa aming puwesto ‘yung kaunti na binigay sa amin na galing sa kaban ng bayan, ginagamit namin nang maayos. Pangalawa, dahil matapat kami, marami nang mga private citizens ‘yung tumutulong sa amin dahil alam nila na mapapapunta sa tama ’yung kanilang tulong. Kaya po sinasabi ko na pag ang gobyerno tapat, aangat ang buhay ng lahat kasi po naipakita po namin ‘yan sa Office of the Vice President. Kung naalala niyo ngayong pandemic, halos wala kaming budget para sa COVID pero kami ang pinakauna, kami ang pinakamaraming nabigay na mga PPEs, meron kaming bakuna, meron kaming Swab Cab.
    Papaano namin ‘yun nagagawa? Dahil po matapat kami sa paggastos ng pera ng bayan. Kaya ito lang po ‘yung aking pakiusap sa inyong lahat, hindi ito dahil kandidato ako. Kahit po hindi ako kandidato pareho ‘yung aking ipapakiusap sa inyo. Ngayong 2022 elections pagkakataon na napakalaki para sa atin na baguhin ang mukha ng politika at pamamahala dito sa atin. Dahil kung pare-pareho lang po, hindi lang pangalan, hindi lang tao, pero pare-pareho lang ‘yung pamamahala at politika na namamayani sa atin, wala po tayong aasahan na pagbabago. Kaya po ang pakiusap ko, sana hindi tayo mag desisyon nang padalos-dalos. Sana po ay seryosohin natin ang pagpili. At sana pagkaisahan po natin, dahil malaking pagkakataon ito. Bihirang-bihira po magkaroon ng Bicolano na kumakandidato bilang Pangulo.
    Ngayon po lagi sa ating sinasabi, “Pero malayo ka pa kasi sa survey,” “Pero mababa pa ‘yung numero mo.” Ipapaalala ko po sa inyo ‘yung nangyari noong 2016. Noong 2016 po na ako ay kandidato, nag-umpisa po akong pang-anim sa anim na kandidato. Napakalayo. Alam ni sir, 2% ako noong nagsimula. Pero dahil po sinipagan natin, dahil ‘yung mensahe natin napaabot natin sa ating mga kababayan, ‘yung 2% po naging 34% noong eleksyon. At tayo ay nagtagumpay. Kaya ngayon po maaga pa para sabihin na mababa tayo sa survey.
    ‘Yung pangalawa, dito po sa Camarines Norte napakaraming boto ‘yung aking nakuha. At nagpapasalamat po ako dahil sa anim na kandidato, lima kaming Bicolano. Pero kahit lima kaming Bicolano, pinili niyo pa ding tulungan ako nang lubos. Kaya po kung wala ‘yung tulong niyong ‘yun hindi po sana ako nagwagi bilang Pangalawang Pangulo. Kaya parehong pagsuporta po ‘yung hihingiin ko sa inyo ngayong darating na eleksyon pero may dagdag po ‘yung aking pakiusap, na kung ako po tutulungan niyo, sana po tulungan niyo din si Senator Kiko Pangilinan bilang Vice President dahil mas marami po akong magagawa kung siya ‘yung ka-partner na ibibigay niyo sa akin.
    Hinihingi ko din po ng tulong ‘yung amin pong Senatorial lineup. Napakahalaga po ng mga senador. Siguro napapanood niyo naman di ba, na mahalaga na ang Senador na pipiliin natin matitino at mahuhusay. Dahil ‘yung pag Senador po ito ‘yung gumagawa ng mga batas para sa atin kaya dapat ‘yung ilalagay natin diyan, una, may kaalaman. Pangalawa, ‘yung pagmamahal sa bayan ay hindi makukwestyon.
    Kaya sa akin po ang paghingi ko sa inyo ng tulong, hindi lang para sa sarili ko pero pati na din po kay Senator Kiko atsaka sa mga kasamahan po namin sa Senado. Sana po kasabay ko kayo sa laban na ‘to. Ang laban pong ito hindi lang po amin. Alam niyo po hindi lang ito contest. Hindi lang po ito contest ng mga kandidato. Pero ‘yung 2022 elections magdedesisyon, anong klaseng politika saka pamamahala ang gusto nating mamayani dito. Dahil ang aking pong ino-offer sa inyo, ibang iba naman sa ino-offer sa iba. Ang akin pong klase ng politika pinakita ko kung paano ako as a public servant. Hindi pinagsisilbihan pero siya ‘yung naninilbihan. Kaya maraming maraming salamat po sa patuloy na pagmamahal, suporta. Kahit napakaaga ng umaga gumising kayo nang maaga para po salubungin kami dito. So, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
    Bago po ako magpaalam, gusto ko din pong pasalamatan si Mayor Benito Ochoa ng Daet. Nandito daw po siya kanina. Nandito din po si Mayor Non. Nasa likod siya. Nasa likod– hello Mayor. Gusto ko din pong pasalamatan sa pagsalubong sa atin. Gaya po ng sabi ko, hindi natin hahayaan ‘yung politika na siya ‘yung maglalagay ng hidwaan sa ating lahat. ‘Yung lahat na pwedeng magtulong-tulong, bayan ‘yung makikinabang pag tayo ay nagkaisa.
    Kaya maraming maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat. Mag-iingat kayo lagi.
    [END 13:47]

    Posted in Transcripts on Feb 09, 2022