This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at Iriga City Grandstand City of Iriga, Camarines Sur

    Vice President Leni Robredo’s
    Message at Iriga City Grandstand
    City of Iriga, Camarines Sur


    [START 00:53]
    *parts highlighted in yellow are translated from Bikol

    [Bicol 00:53 – 03:15] Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon. Bago po ako magpatuloy, ako ay nagbibigay-galang kay Mayor Madel Alfelor, ang susunod nating Congresswoman. Nagpapasalamat ako sa imbitasyon na ibinigay sa amin ngayong hapon. Nagpapasalamat po ako kay Governor Nonoy Andaya at kaniyang mga kasamahan. Nagpapasalamat ako kay Congressman Arnie Fuentebella ng 4th district of Camarines Sur. Kanina pa po kaming umaga magkakasama dahil galing kami sa 1st district. Si Vice Governor JJ Pilapil at kaniyang mga kasama. Ang ating board member candidate si Dante Oliva, Marie Quadrante, Doc Ruperto Alfelor. Narito din po si Mayor Junjun Sorilla ng Bato, VM Nonoy Batacan ng Bato, Mayor Leonardo Narito Jr. ng Balatan, VM Maria Cecilia Cuario ng Balatan, Mayor Butch Figuracion ng Nabua, Mayor Margie Aguinillo ng Buhi, Mayor Lyn Malazarte ng Baao, Vice Mayor JDB Bisenio ng Baao. And siyempre, ang susunod na mayor ng Iriga, Mayor Nonokoy Alfelor. Narito rin ang susunod na vice mayor ng Iriga, Vice Mayor Sonny Magistrado. Ang susunod din na mayor ng Bula, mayor Rey Decena. Ang susunod na vice mayor Glen Genio ng Bula. Sa inyo pong lahat, mga taga Iriga, mga taga Rinconada, magandang hapon po sa inyong lahat!

    [Bicol 03:24 – 06:05] Uusog ako dito at baka di niyo ako makita. Ako, palagi akong pumupunta ng Iriga. Kada punta ko dito sa Iriga, sinasabi ko kay Mayor Madel na kapag may okasyon siya, palaging maraming tao pero walang tatalo sa dami ng tao ngayong hapon. Kaya maraming salamat Mayor Madel. Maraming salamat po sa lahat ng kasamahan sa LGU Iriga City. Kami po ay nakikiisa sa inyo.

    Nagdesisyon po tayong ang Kick Off ng first day ng campaign ngayon, nagdesisyon po tayong sa Bicol natin isasagawa. Siyempre, sa Bicol kasi taga-rito ako. Hindi lang taga-rito. Dito ako ipinanganak. Dito ako lumaki. Dito ako nag-aral. Dito ako nagtrabaho. Dito ko nakatagpo ang aking asawa. Dito ko rin ipinangangak ang aking tatlong dalaga na katabi ko. Kaya siyempre, kapag napapalaban ako, laging ang una kong pagpapaalaman ay mga Bikolano. Nagsimula po kami sa 1st District. Sunod naman sa 2nd District. Sunod sa 4th District. Ngayon, sa 5th District. Pagkatapos nito ay pupunta pa kami sa 3rd District. Pero pareho ang sinasabi ng aming mga nakakausap. Ang sinasabi, “Baka pagkakataon na nating magkaroon ng Bikolanong presidente.” Mangyayari lang ito kung tayo ay nagdesisyong magtrabaho, tayo ay nagdesisyong lakarin talaga natin, para maipakilala natin sa labas ng Bicol kung ano ang pagkakakilala niyo sa akin. Pero ito po– Ay, nagrerequest ang iba na sa kanila naman ako tumingin. Pasensya na po. At, dahil ang Bicol ko Naga, kahit nakakaunawa ako ng Bicol-Rinconada, hindi ako nakakapagsalita ng Bicol-Rinconada. Pahintulutan niyo po akong magsalita muna ng Tagalog. Pwede?

    Alam po ninyo gaya ng sinabi ko kanina, napakahalga para sa akin na dito ‘yung unang araw ng kampanya nitong pinakamahirap na laban na sasabakin ko. Pero ito po hindi ako natatakot dahil alam kong kasama ko kayo. [cheers] ‘Yan naman ‘yung paniniwala natin, ang paniniwala po natin sa mabuting pamamahala. ‘Yung pamamahala na hindi nanggagaling sa luma at bulok na klase ng politika. Ang pinaniniwalaan po natin na pamamahala saka mabuting politika, ‘yung pinanggagalingan, kabutihan ng loob. Ang pinanggagalingan kabutihan ng pamamahala. Ang pinanggalingan ang pagkakasundo sa pag– [Bicol 07:17 – 07: 20] nalimutan ko ang Tagalog. Bicol-Naga ang naaalala ko. Ang naisip ko [Bicol 07:23] “pagtubod” (trans. paniniwala) –pagkasundo sa paniniwala. Kaya naman po ako nandito ngayong hapon humaharap sa inyo. Hindi lang po ako hihingi ng tulong ninyo na iboto ninyo ako, hinihingi ko din ‘yung tulong ninyo na sana kung iboboto ninyo ako, iboto ninyo din ‘yung lahat ng kasama sa aming ticket, [cheers] magmumula kay Sen Kiko Pangilinan bilang Vice President. Bakit po mahalaga na makalabas din si Sen. Kiko kung ako ‘yung magpapangulo? Para po magaan-gaanan ‘yung aking dala-dalahin. [cheers]

    Pero ang pangalawa ko sa inyong pakiusap, sana hindi ninyo ako tutulungan dahil lang ako Bicolano. Meron pang mas malalim at mas mahalagang dahilan maliban sa pagka-Bicolano. At ‘yung mas malalim na dahilan, ito ‘yung pagkakataon natin na baguhin ‘yung takbo ng politika dito sa ating bansa. [cheers] Ito po ‘yung klase ng politika na ang paniniwala natin ito din ‘yung dahilan kung bakit hanggang ngayon kahit laging nagpapalit ‘yung ating pinagbobotohan, pareho pa rin ‘yung kalagayan ng ating buhay. Kasi kahit magpalit ng pangalan, kahit magpalit ng apelyido, kung pareho pa din na bulok na klase ng sistema ng politika, walang pagbabagong mangyayari. Pero ang pagbabago hindi ‘yan magmumula sa iisang tao; ang pagbabago magmumula ‘yan sa ating lahat.

    Ang amin pong opisina maliit lang naman ‘yung pondo pero dahil marami sa aming tumitiwala na mga private citizens, marami kaming programang nagagawa, marami kaming lugar na natutulungan dahil sa kagandahang-loob ng aming partners. Pero pagtinanong ninyo po sila kung bakit sa amin tumutulong ang laging sinasabi, ‘May tiwala ako sa katapatan ninyo’. [cheers] Ang akin pong paniniwala: kung ang mga pinuno mabuti, malinis, mahusay, ang tiwala ng tao ay dadating. At pag tinitiwalaan siya ng tao, magiging kaagapay niya ‘yung tao sa pagharap ng mga suliranin ng ating bansa. Malakas po ‘yung aking loob at may tiwala ako sa inyo. May tiwala po ako sa inyo na pag ako binigyan niyo ng pagkakataon, magiging katuwang ko kayo. [cheers] At ‘yung tiwala, hindi po ‘yan nadadaan sa politika, hindi po ‘yan nadadaan sa pagka-Bicolano ko din pareho ninyo, pero ang tiwala ay pinagtatrabahuhan. Titiwala lang sa akin ‘yung tao pagpinakita ko sa inyo na ako ay isang matino at mahusay na pinuno. At ‘yan po ‘yung aking commitment sa inyong lahat. Ang commitment ko sa inyong lahat, kung ano po ‘yung klase ng pamamahala na inumpisahan ng aking asawa, na sinundan ko noong ako nag-Congresswoman tapos ngayon Vice President. Pag ako po naging Pangulo, ganoon pa din kalinis, kahusay, katino na pamamahala ang ating susundin. [cheers]

    Marami po tayong problema ngayon, maraming pagkukulang. Parating ang papangarap natin para sa ating sarili at para sa ating bansa: sana umangat na ang buhay ng lahat. Pero sasabihin ko po sa inyo, ang pinakakailangan para mag— umangat ang buhay ng lahat: ang gobyernong tapat. [cheers] Kaya hinihingi ko po ‘yung tulong ninyong lahat na sana dito sa laban nating ito, magkakasama tayo. Magkakasama nating susugpuin ‘yung mga kasamaan na matagal nang dumidiin sa ating mga kababayan. Nagpapasalamat po ako sa inyo sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa amin ngayong araw. Hindi ko po inaasahan na ganito kayo kadami dito, lalo na kasi nag-motorcade lang kami. Pero ‘yung pagpunta ninyo, pagpapakita na handa kayong tumulong basta ipakita lang namin sa inyo na karapat-dapat kami ng inyong tulong. [cheers] Kaya maraming-maraming salamat po sa inyo. [Bicol 13:04-13:06] Maraming salamat po sa inyong lahat.

    Kay Mayor— ay sorry, [chant overlapping] may bago nang chant. Si Mayor Mads, ‘yung buong [officialdom 13:24] ng LGU Iriga, nagpapasalamat po kami. May isa na lang akong ihahabol na PS. Alam niyo po, gumagawa kami ng Vaccine Express. Isa sa mga pinuntahan namin dito sa Iriga, alam ‘yun ni Mayor. DIto po kami pinaka nadalian dahil po sa efficiency ng ating LGU. [cheers] Kaya ‘yung pasalamat ko po, hindi lang kay Mayor Mads, pero ‘yung lahat ng mga opisyales ng LGU Iriga na naging katuwang po natin noong ginawa natin ‘yung ating Vaccine Express dito.

    Kami po naglu-look forward kami na marami pang mga partnerships ang gagawin kaya dapat po pag tinulungan ninyo ako, tutulungan din si Mayor Mads para sunod-sunod po ‘yung mga proyektong gagawin natin dito. Hindi na po ako magtatagal, maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Mag-iingat po kayo! Pagkatapos po nito, marami pa pala dito. [laughter] Maraming salamat!

    [Bicol 14:44-15:05] Magbibikol na ulit ako at magpapaalam na ako. Magpapaalam na po kami pero bitbit namin ang mainit na pagtanggap niyo sa amin ngayong hapon. At bitbit po namin ang pagmamahal na ipinakita niyo sa amin. Maraming salamat po. Mabuhay kayong lahat!

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 08, 2022