This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Labo Campaign Stop Labo, Camarines Norte

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Labo Campaign Stop
    Labo, Camarines Norte


    [START: 00:03]


    VP LENI: Ayan, ang aking pong pagbati sa ating minamahal na mayor, Mayor Joseph Ascutia. Nandito din po sa likod ko si Mayor Morales ng Mercedes. Nandito po si Mayor Moreno? Pasensya na po wala akong salamin kaya hindi ko na rin nakikita, Mayor Romy Moreno. Nandito din po si Mayor Ariel Non. Nandito po si Vice Mayor Adet. Nandito din po si Vice Mayor John Enero. Nandito po si Vice Mayor [inaudible 00:54]. Nandito po si Board Member Walter Jalgalado. Good morning din po kay Councilor Kenneth Oning saka Councilor Darwin Argarin. Kasama din po natin kanina, nakasama din natin si Mayor Dondon Mancenido ng Talisay, [inaudible 01:24] at saka si Attorney Laine Valencia.

    Nasaan po 'yung Lawyers for Leni? Salamat po sa Lawyers for Leni na tumulong sa pag-organize. Nandito si Barangay Captain Raymond Samonte. Nandito din po si Mayor Nory Ferrer-Segundo. Nagpapasalamat din tayo sa Solid Leni Bicol Labo at siyempre talagang pinahuli ko, 'yung atin pong Gubernatorial Candidate Mayor Dong Padilla, at siyempre 'yung Vice Gov na, 'yung kaibigan natin na si Mayor Joseph Ascutia.

    Ang atin din pong Mayoral candidate dito sa Labo, Mayor Jojo Francisco. Ang ating Vice Mayoral candidate, Alvin Baldon. Nandito din po si Mayor Garcia ng Sta. Elena. Ang ganda pa naman ng t-shirt ni Mayor. Naungusan tayo ni Mayor, maganda ang t-shirt niya. Sa inyo pong lahat, magandang magandang umaga muli.

    Alam niyo po nakakadami na si Mayor Joseph sa akin. Bawat punta ko ng CamNorte, dumidiretso ako dito sa Labo. Parang kailan lang ba 'yun Mayor? Last month lang nandito ako. Isa rin po si Mayor Morales, lagi din akong pumupunta sa Mercedes. Nandito din po si former Congressman Jojo Unico. Kanina po sinalubong din ako sa airport ni Congresswoman Toots Panotes.

    Gaya po ng sabi ko kanina, nakakadami na po si Mayor Joseph saka po si Mayor Boy dahil lagi akong pumupunta ng Labo saka ng Mercedes. Pero kahit lagi na akong pumupunta, laging masaya bawat punta ko dito sa inyo. Maraming Salamat.

    Para namang lalo kaming ginaganahan ni Senator Kiko sa inyo, dahil po noong 2016, malaking-malaki 'yung panalo ko dito sa Camarines Norte. Pero kahit malaki 'yung panalo ko sa Camarines Norte, ewan ko lang kung naaala ito ni Mayor Joseph, hindi ganito ka-excited ang mga tao dati, di ba Mayor Joseph. Ngayon po, mula noong dumating kami sa airport kanina andaming taong nag-aabang sa daan. Kanina po nagkaroon din kami ng mini rally sa Daet, nagulat ako ang daming tao, lahat naka-pink. Siguro po isang pagpapatunay na excited tayo sa 2022 kasi may pagkakataong na maging Bikolano ang susunod na Pangulo.

    Ayan, masuwerte po tayo kasama po natin ngayon si Senator Dick Gordon. Ayun, sabi ko nga kanina, siguro excited tayo lahat kasi bihirang magkaroon ng pagkakataon di ba. Bihirang magkaroon ng pagkakataon na puwedeng maging Bikolano ang susunod na Pangulo, at pag nangyari po 'yan, alam natin na malaki ang pakinabang ng Camarines Norte. [Audience shouts Leni-Kiko]

    Ngayon po, ang akin lang pakiusap, dahil tinulungan niyo ako na malaki noong [2022], ang akin lang pong pangarap pala, sana hindi niyo lang ako tinutulungan dahil Bikolano ako, dapat may mas malalim pang dahilan kung bakit tinutulungan niyo ako. Dahil klaro naman po ngayon, klaro ngayon na 'yung ating itinutulak na klase ng pamamahala saka 'yung itinutulak natin na klase ng politika, ibang-iba sa tinutulak ng ibang kandidato. Kaya 'yung amin pong pangarap, na sana sumasama kayo sa amin dahil naniniwala kayo sa isang matino at mahusay na pamamahala. Alam po natin at nasubukan na natin na 'yung bulok na klase ng politika kayang-kayang talunin ng matino at mahusay na pamamahala basta magkaisa tayong lahat.

    'Yung mga kasama ko po ngayong umaga, si Senator Kiko, matagal ko na pong katrabaho, nakita ko kung gaano katino, kahusay, kasimple na public servant. At siguro naman, sumusubaybay kayo noong Pharmally hearings, at alam po natin na siguro kung hindi dahil kay Senator Dick Gordon, marami sanang ebidensya ang hindi natin nakita at nalaman. Ang gusto pong sabihin nito, kailangan lang may maglakas na loob para 'yung katiwalian ay nagiging publiko dahil pag hindi po nagiging publiko ang katiwalian, wala tayong kaalam-alam, nalulustay na pala 'yung kaban ng bayan. Kaya 'yung sinusulong po natin ngayon, malinis, matapat na pamamahala. Kaya po sinasabi natin, kung matapat 'yung pamamahala, aangat ang buhay ng lahat.

    Isa pa pong pakiusap, pag panahon ng eleksyon, maraming magbibisita sa atin dito, lahat mangangako. Ang akin lang pong dasal ay sana huwag nating sayangin 'yung kapangyarihan natin pumili sa 2022. Para po 'yang dalaga na nililigawan, kung magpapabudol po tayo, tayo din 'yung lugi sa kahuli-hulihan. Kaya po 'yung mahalaga, 'yung lahat na nanliligaw sa atin, alamin natin 'yung pagkatao, lahat na nanliligaw sa atin tingnan natin 'yung track record. Pag sinabi pong, “Mahal ko 'yung mahihirap,” papaano niya 'yun pinakita? Pag sinabing, “Hindi ako magiging korap,” tingnan niyo na lang po 'yung mga nakapaligid sa kanila. Dahil po sa kahuli-hulihan, tayo din 'yung luging-lugi, diba. Pag nakaupo na, dahil nagpabudol tayo, 'yung pagbabagong ipanangako sa atin, wala ding mangyayari.

    Kaya po ngayong umaga, humihingi po kami ng inyong tulong. 'Yung last month na nandito ako, 'yung aking pangako babalik ako pag panahon na ng kampanya. Kahapon po, nagsimula 'yung official campaign period. Kahapon, meron na lang tayong natitirang 90 days, ngayong umaga meron na lang tayong natitirang 89 days. Ang gustong sabihin noon, magtatrabaho tayo nang maayos, pareho noong pagtrabaho natin noong 2016. 'Yung 2016 nag-umpisa ako pang-anim sa anim na kandidato, pero dahil sa pagtutulungan at pagtatrabaho ninyo, naging number one tayo sa panahon ng eleksyon.

    Pero uulitin ko lang po, bilang pangwakas kong mensahe, kung tutulungan niyo po ako, kailangan tulungan niyo din ang mga kasama ko. Mas marami po tayong magagawa pag 'yung mga kasama natin sa pamamahala ay pareho 'yung mga paniniwala sa atin: Paniniwala sa isang malinis, matapat at mahusay na pamamahala. Kaya po, sa May 9, hindi lang po ako ang tutulungan pati si Senator Kiko Pangilinan as Vice President, Senator Dick Gordon as Senator, saka po 'yung lahat nating mga kasama. Makikita niyo po 'yun sa mga tarpaulin natin, isulat na po natin para hindi natin makalimutan.

    Maraming maraming salamat po ulit, Mabuhay po kayong lahat.


    [END 00:11:58]

    Posted in Transcripts on Feb 09, 2022