Vice President Leni Robredo’s Message
Meet And Greet with Carmona Volunteers And Supporters
Carmona Municipal Hall Covered Court, Carmona, Cavite
[START 00:08]
VP LENI: Magandang umaga. Magandang umaga po sa inyong lahat. Nagugulat naman ako, ang aga-aga naka-ipon kaagad kayo. Pero ito po, pagpapasalamat lang. Ito 'yung– alam natin na napaka haba ng araw natin na ito, pero ito 'yung magbibigay sa amin ng energy kaya maraming, maraming salamat.
Ito po, mamayang gabi, iniimbitahan namin kayo to join us sa grand rally natin sa Gen. Tri. Pero siniguro po namin na makadaan kami dito sa inyo sa Carmona, kahit sandali lang dahil po alam namin na mamayang gabi baka hindi na tayo magka-usap usap up close. Pero gusto lang namin ipaabot aming pasasalamat sa lahat ng ginagawa ninyo. Alam ko po– alam ko po na hindi madali. Di ba hindi madali? Pero tinignan natin, pag tiningnan po natin sa paligid natin dito, karamihan sa inyo mga bata. Mga bata na nag-dedesisyon na hindi na hahayaan na 'yung mga matatanda 'yung mag-desisyon para sa–
[crowd cheers]
Salamat. Alam po natin, hindi ko alam kung nababasa natin ito all over the world, karamihan sa mga matitinding pagbabago ang nagsisimula mga bata. Kaya 'yung nakikita po natin ngayon, kami po marami na kaming eleksyon na pinagdaanan. First time po namin nakikita ngayon na eleksyon na ito, na ganito ka-invested 'yung mga kabataan katulad ninyo. At ito po, magandang senyales ito, magandang senyales ito kasi ang mensahe nito, hindi niyo na hahayaan na iba 'yung magdesisyon para sa inyo, pero ipapakipaglaban niyo na kung ano 'yung palagay niyo na makakabuti para sa kinabukasan niyo.
Pero ito po, from today, meron pa tayong 67 days. 67 days na lang, meron tayong mga assignment, di ba? Ang assignment po natin, sa 67 days, kukumbinsihin natin-- kukumbinsihin natin 'yung ating mga circles, kukumbinsihin natin 'yung ating mga networks, kukumbinsihin natin 'yung ating mga pamilya, na sumama sa laban natin na ito dahil ito 'yung mag-sisiguro na magbibigay sa atin ng kinabukasan na kinakailangan niyo.
Kaya ito po lagi natin sinasabi– memorize niyo na ito, gobyernong tapat, angat buhay lahat. Ano ang gustong sabihin? Simple lang. Hindi tayo makakapangako na i-aangat natin 'yung buhay ng mga kababayan natin pag hindi natin sinisiguro na ang gobyerno natin maayos. Magiging maayos lang ang gobyerno natin pag every step of the way inilalaban niyo na maging maayos ito.
Ngayon pong umaga– si Dean Chel yata galing na dito kanina, si Attorney Sonny Matula palakpakan po natin, Attorney Dino De Leon, representing Senator Leila De Lima, at kayo pong lahat– ayun si Ria– kayo lahat na mga volunteers dito sa Carmona, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
Hindi po tayo makakatagal dahil ang dami pa nating pupuntahan. From here pupunta po tayo ng Silang, mahaba pa 'yung araw natin. Pero magkikita po tayong lahat mamaya sa Gen. Tri. para ipakita po natin na dito sa Cavite, 'yung mga bata lumalaban. Ewan ko lang po kung meron akong mga ka-edad dito, meron ba? Mas matanda ako– Pero 'yung mga ka-edad ko po dito, kasali tayo sa laban. Alam ko pong triggered lang iba sa inyo, triggered lang iba sa inyo kasi sinasabi na mahihirapan tayong manalo pero ipa–
[crowd cheers]
Mamaya po– mamaya po, ipapakita natin. Ngayon, 'yung mga kabataan sa Carmona lumalaban. Ayan, meron na kaming breakfast [inaudible 6:23]. Kaya as of now po magpapaalam kami, kasi lilipat na kami sa iba. Pero mamaya, magkikita-kita po tayo lahat. Maraming salamat sa mga nag-prepare ng mga–
[crowd cheers]
Ayan. Hindi ko na– siguro hindi ko na babasahin lahat, pero maraming salamat. Maraming salamat po. Ayan. Hindi ko iyan babasahin kasi baka hindi ako makalabas sa Cavite. Ayan, "Bitin daw ang 18 hours, bigyan ng six years." Ano ito? "Kulang kay VP Leni ang 90 seconds, kaya bigyan din siya ng six years." "Huwag mahiya, magpa-picture ka na sa amin." Ano ito, "800 thousand– 800,000 plus, Leni kabogera–" hindi ko na babasahin 'yung nasa baba. Delikado tayo doon. "[inaudible 7:53] for Leni." Ano ito? "Bar– Barbielat for Leni," "Mama ko pink," "We need Leni as a leader," "Papasok pa po ako, puwede po magpa-picture?" Nako oo, baka– wag ka mag-absent ha? Pero pag labas mo mamaya, punta ka sa Gen. Tri. Malapit na mamaya. Pero magpapaalam po ako, pero promise magkikita tayo mamaya sa Gen. Tri. Maraming salamat.
[END 00:08:31]