This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the National Campaign Kickoff Angat Buhay Village, Lupi, Camarines Sur

    Vice President Leni Robredo’s
    Message at the National Campaign Kickoff
    Angat Buhay Village, Lupi, Camarines Sur


    [START 0:44:52]

    Magandang umaga sa inyong lahat. Ayan, buhay na? Buhay na? [Laughter]

    Bago po ako magpatuloy, una sa lahat, gusto kong magbigay-galang sa aking partner na tutulungan niyo rin, si Senator Kiko Pangilinan, ang ating campaign manager, Sen. Bam Aquino, ang atin pong katulong sa pagpanday ng kabutihan dito sa ating probinsya, Governor Nonoy Andaya. Nandito rin ang ating mga congressmen. Narito ang congressman na si Arnie Fuentebella ng fourth district. Nasaan na si Cong. Arnie? Nariyan lang siya kanina. Narito rin si Congressman Gabby Bordado ng third district. At ang susunod na congresswoman dito sa first district, Congresswoman Maribel Andaya. Ang atin pong minamahal na mayor, Mayor Lilian Matamorosa. Ang ating vice mayor, Vice Mayor Acero. Nasaan na si Vice? Ang atin pong mga councilors, palakpakan natin sila. Parang hindi pa kayo nag-aalmusal, ah. Sa inyo pong lahat, magandang umaga muli sa inyo.

    Ako po ay natutuwa dahil ako ay nakabalik dito sa Angat Buhay Village ng Lupi. Dito po ang pinakaunang kick-off rally natin para sa 90-day election period at may dahilan po kung bakit dito natin sa Bicol ito ginagawa. Sa Bicol ako ipinanganak. Dito ako lumaki. Dito ako nag-aral. Dito ako nakapag-asawa. Dito kami bumuo ng pamilya. Dito ako nagtrabaho. Kaya natutuwa ako dahil sa pagsabak ko sa pinakamahirap na laban ng aking buhay, dito ako sa inyo magpapaalam.
    Para po sa mga kasama natin na hindi Bicolano. Dito po sa kinatatayuan natin ngayon, ito ‘yung Angat Buhay Village sa Lupi, Camarines Sur. Noong nakaraang December 2020, wala pa po ito. Noong nakaraang December 20, pagkatapos ng typhoon Quinta, Rolly, at Ulysses, pumunta po kami dito sa Lupi para magbigay ng relief goods. Pero pag punta po namin dito, pinakita sa amin ni Mayor Matamorosa ‘yung isang grupo ng mga kabahayan na hindi na puwedeng balikan dahil na-landslide sila.
    Pag punta po namin, ang iba sa kanila nasa evacuation center, ang iba nasa daan lang, namomroblema kasi wala nang uuwian na bahay. Dahil po sa partnership ng opisina namin saka ng opisina ni Mayor Lilian, ‘yung LGU Lupi, nagsabi po kami na meron po kaming kaunting pera galing sa donations— private donations. Kung makakapagbigay sila ng permanent relocation site, willing tayong gumawa ng mga kabahayan. Hindi pa po isang linggo, nagsabi na po sa atin si Mayor Lilian, “Meron akong relocation site,” ito na po ‘yun.
    Kaya ko po ito ikinu-kuwento sa inyo dahil kung ang pamamahala at ang gobyerno ay tapat, talagang aangat ang buhay ng lahat. Wala naman pong masyadong pera ‘yung aming opisina, alam niyo iyan. Pero noong typhoon Rolly saka Ulysses, marami pong mga private individuals ang tumulong sa atin. At ang tulong pong ito nanggagaling sa tiwala. Tiwala na kung ano ang ibibigay niya sa atin, siguradong makakarating ito sa mga pinakanangangailangan. Noong binigyan po tayo ni Mayor Lilian ng relocation site na ito, nakipag-partner din po tayo sa University of Nueva Caceres. ‘Yung University of Nueva Caceres pumunta dito— naalala niyo ‘yun di ba? Naalala niyo ‘yun pumunta po sila dito kausap ‘yung mga residents. Tinanong ‘yung mga residents, “Anong klaseng pabahay ang gusto niyo?”, ito na ‘yung kanilang design.
    Kung makita niyo po, medyo nakalubog ‘yung mga bubong nila at ganyan po dito ang design dahil lagi kaming binabagyo. Kaya po ‘yung design na ito, pangbagyo pero ‘yung pinaka napa-proud po kaming lahat, dahil ‘yung mga bahay na nakikita niyo, materyales lang po ang binigay ng opisina namin. Materyales saka kaalaman galing sa aming partner na University of Nueva Caceres. Ang lupa galing sa LGU pero ang nagbuwis ng pawis at pagod, ‘yung mga nakatira sa bahay na iyan.
    Kaya ‘yung nakikita niyo pong mga bahay, ilang dosenang beses na po kaming pumunta dito. Bawat punta namin dito, na-iinspire kami kasi ang mga— ang mga mason, ang mga karpintero, ang mga pintor, ang mga electrician, sila mismo— at karamihan sa kanila mga babae dahil ang mga lalaki nagtatrabaho sa bukid. Kung makikita niyo po ito— mga nanay, mga tatay ang gumagawa. Trinaining lang po sila ng aming partner University of Nueva Caceres. Sila po ‘yung nag-training para matuto sila kung papaano gumawa ng sarili nilang bahay. Ito na po ‘yung produktong iyon.
    Kanina po, medyo natagalan ako sa pagpasok kasi kina-kumusta ko— kina-kumusta ko po ‘yung mga residente at sila, tatanggapin niyo na sobrang proud din kayo sa mga ginawa niyo. Bakit ko po ito sa inyo ikinu-kuwento at bakit nandito tayo ngayon? Dahil ito ang pinaka halimbawa na pag ang gobyerno tapat sa kanyang panunungkulan, pag ang gobyerno bumababa at pinapakiramdaman ‘yung pangangailangan ng taumbayan, napapapunta sa tama ang pera na nasa kaban ng bayan.
    Marami po tayong mga pagkukulang, parating kulang ang pondo, maraming pangangailangan pero kulang ang panggastos. Pero pag ang pinuno tapat sa kaniyang sinumpaang obligasyon, ‘yung kaunti napapalaki, ‘yung kaunti mas maraming lugar ang nadadatnan, hindi lang dahil maayos ang paggastos niya ng pera ng pamahalaan pero dahil nagbibigay siya ng inspirasyon at pag-asa kahit sa ordinaryong mga Pilipinong gustong tumulong sa kaniyang kapwa.
    Kaya ito po, nakikita natin ngayon, ito ‘yung produkto ng collaboration. Kung hindi natin ito ginawa, baka nasa evacuation centers pa din sila hanggang ngayon dahil ‘yung kinatitirikan ng kanilang mga bahay ay hindi na nila puwedeng balikan. Hindi po namin ito magagawa kung walang tulong ang LGU Lupi, magpasalamat po tayo kay Mayor Lilian na tutok na tutok sa pagtrabaho dito at napakabilis, mayroon na tayong covered court. First time kong dumating na mayroon nang covered court, dati tent lang ito kaya maraming salamat sa LGU Lupi. Maraming salamat sa LGU Lupi sa pagbigay sa atin ng lupa pero maraming maraming salamat din sa mga residenteng nandito dahil ipinakita ninyo, na bigyan lang kayo ng kaunting kaalaman, kayang kaya niyong maging mahusay.
    Kanina po sinisilip ko ‘yung ibang mga kabahayan, nag-uumapaw sa tuwa at sigla ‘yung aking puso. ‘Yung isang kausap ko, mayroon nang tiles ‘yung loob ng bahay niya, sabi ko, “Okay na.” Sabi niya, “Paunti-unti lang po.” ‘Yung isa naman tinuturo sa akin, meron na siyang kaunting extension. Ayun, nakikita ko niyo extension na ‘yan, gawa na ‘yan nila. Pero ito po ‘yung sinasabi natin na pag ang gobyerno tapat, talagang aangat ang buhay ng lahat.
    Marami po sa atin ang nawawalan ng pag-asa, sasabihin— sinasabi po natin, “Kahit naman sino ang hinalal natin, hindi din nagbabago ang buhay natin.” Hanggang hindi po natin pinapalitan ang luma at bulok na klase ng politika, hanggang hindi po natin nabibigyan ng inspirasyon at pag-asa ang ating mga kababayan, talagang walang magbabago. Kaya ngayong umaga po, sa pag-umpisa ng ating kampanya, niyayaya ko po kayong lahat na samahan kami– sumama po kayo sa laban nating ito dahil ito ay para sa ating lahat. Kaya po ito, malakas ang loob ko dahil kasama ko kayo. Malakas po ang loob ko dahil alam ko na kahit anong hirap ang pagdaanan natin, kakayanin natin dahil magkakasama tayo.

    Kaya ang pakiusap ko po sa inyo, kasama niyo ako dito sa kahirapan at kaunlaran, kung tutulungan niyo po ako na makaupo bilang Presidente, mas magiging magaan ang aking pasanin kung susuportahan niyo rin ang aking mga kasamahan. Kaya po para sa Vice President, tulungan po natin si Sen. Kiko Pangilinan, ang atin pong mga Senador: Teddy Baguilat, Leila de Lima, Chel Diokno, Risa Hontiveros, Alex Lacson, Sonny Matula, Sonny Trillanes. Ang atin pong mga guest candidates: Jojo Binay, Chiz Escudero, Dick Gordon, Joel Villanueva, saka Migs Zubiri.

    Walang pong saysay kung tutulungan niyo ako pero hindi niyo sila tutulungan. Ito na po ang pinakahuli kong pakiusap sa inyo. Ay, dumating na si Senator Dick Gordon.
    Hindi na ako magtatagal pero maaasahanan ko po ba ang inyong boto?

    Maraming salamat, at mabuhay kayong lahat!

    [END 57:37]

     

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 08, 2022