This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Pinamalayan People's Rally, Pinamalayan Park, Pinamalayan, Oriental Mindoro

    Vice President Leni Robredo’s
    Message at the Pinamalayan People's Rally, Pinamalayan Park, Pinamalayan, Oriental Mindoro

    [START 00:00:00]

    VP LENI: –Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, Senator Sonny Trillanes, Senator Chiz Escudero, Congressman Teddy Baguilat. Ang dami kong nakikita na mga– ayon. [crowd cheers]

    [VP LENI STARTS READING PLACARDS 00:00:39]

    "Kay Leni-Kiko or Tayo na lang." "Isang picture lang po para nakangiti akong mag-eexam mamaya," Nako baka bumagsak ka dahil sa amin. Good luck po. Good luck. "Arsyanos For Leni," "Mahal ko jowa ko pero mas mahal ko si Maam Leni," kawawa naman 'yung jowa. "Si Leni nga ni mandin sa 2022". Ay grabe ito, "3.3 Sale add to cart Leni-Kiko." "Wise voter norem kami dito madami." "STEM students for Leni," "Socorro For Leni-Kiko," "Abante Babae," Happy Women's Month sa inyong lahat. "Na kay Leni ang lahat." Ito, "Kung sa ex ko nabigay ko 'yung tiwala ko, dapat kay Leni rin." Ayos ito, "Yes to lutang, No to Magnanakaw." "Leni Sunbaenim, Saranghae, K-pop Stans For Leni," "Kay Leni-Kiko nga ni." Ano ito? "Vebs, ipasok si Dick sa–" Kayo talaga, magkakaproblema ako sa inyo. "Procrastinator Kay Leni," Wag, wag, bawal iyan. Dapat masipag lagi.

    "Iskolar ng Bayan For Leni," maraming salamat. Maraming salamat. "Let Leni Lead," "Leni-Kiko volunteers, Roxas Oriental Mindoro," "Mahal ka namin Leni," "Ekonomista, abogada, maka-masa, swiftie pa, Leni-Kiko," "Let Leni Lead," "Marurupok For Leni," bakit? "Sigaw ng mga Mangyan, dapat may Leni sa Malacañang." Ayan. Ah ito, "Buti pa 'yung cylinder, graduated." Okay iyan ah. "Walang Tallano gold sa Mina de Oro." Ah ito, "Ang boto ko, only for Leni," napaka-creative naman, maraming salamat. "Pink ang boto ng Mangyan," "Bulalakaw For Leni," maraming salamat. "Weaves For Leni," Ayan "Anak ng Fuchsia, the future is Female." Ay grabe ito, "Buti pa ang lugaw may itlog," grabe naman kayo. [crowd cheers]

    Ayan, "Leni lugaw, hindi ka maliligaw," "Okay lang maging bottom, basta si Leni top sa election." [crowd cheers] Ano ito, "Malakas mamulutan for Leni-Kiko," "C2 gin master for Leni-Kiko," "Magdalo Partylist." Ano ito? "Hendolico, for Leni-Kiko" Oh my God, may be-breakan ito mamaya. "Jowa ng BBM supporter for Leni." Ano ito, "Kahawig lang ni mama si Sara, pero kay Leni-Kiko ang boto naming pamilya." Ayan "Isa ngani ako sa 50 % na youth voters ang maboto kay Leni at Kiko," maraming salamat. "Kay Leni lang ako magiging marupok," oh my God.

    "Sa kulay rosas na bukas, pati jowa mo nagiging tapat," "President Leni Robredo cutie," maraming salamat. "Mag-jowa for Leni," "Katutubong Mangyan for Leni," "Mas radikal ang magmahal ng fellow kakampink," "Sapat na ang walang jowa basta nasa tamang pamamahala," "Katutubong Mangyan for Leni." Ayan, "Fisherfolks ng Pinamalayan," "VP Leni– ah Kiko," maraming salamat po. "Bayots For Leni," ano ito? "Lugawist?" ah "Lugawist is better than Loyalist." [crowd cheers] Ano ito? "Ay digay si Leni-Kiko nga ni," maraming salamat. "Mga hot na panganay para kay Leni," [crowd cheers] "Sa gobyernong tapat, magkaka-jowa lahat," hindi ko iyon pinapangako ha, baka singilin ninyo ako pagkatapos ng eleksyon. Ayan, "Gobyernong tapat, angat buhay lahat." "Dapat si Leni at Kiko, Calima Pola," maraming salamat po, maraming salamat. Ayan, "Pink ang boto ni crush," sana mapansin ka ni crush. "Ang Mindoro ay hindi para sa mga magnanakaw na politiko," "Mga Mag-aaral Sikolohiyang Pilipino for Leni." Ayan, alam niyo po– ay ito "Bansudenios for Leni-Kiko," Mayor mga kasama mo, mayor.

    [END OF READING OF PLACARDS 00:06:53]

    Ayan, sa Bansod po nandoon ako noong 2016 sa inyo. Alam niyo po, hindi bago sa akin 'yung Oriental Mindoro dahil po madalas po kaming bumisita dito dahil po meron kaming mga Angat Buhay projects dito. Ayan, sa Pola kay Mayor Dodjie, lagi po kaming pumupunta. Sa Calapan po, meron tayong mga projects doon. Sa Mansalay meron, sa Bulalakaw meron po tayong Community Learning Hubs. Meron bang mga taga Bulalakaw dito? Meron. Ayon kaya, lagi po kaming pumupunta dito over the course of the six years.

    Ano ito, "Mataas standards namin sa lalaki, sa Presidente dapat si Leni," ayon, maraming salamat. "No to–" ano ito? "No to alamano, Yes to pagbabago." Ito po first time voter, "Ang unang boto ko ay para kay Leni." Hindi lang po Leni, dapat Leni-Kiko, lahat ng senador saka po 'yung mga kakampi po natin na mga local officials.

    Pero ito po, pag sinabi nating, “Gobyernong Tapat, Aangat ang Buhay ng Lahat,” ano ang gustong sabihin? Ang gusto pong sabihin, pag napapangalagaan ng mga nakaupong opisyal ang pera ng taumbayan, marami 'yung natutulungan. Ngayon po, pag tiningnan natin halo-halo 'yung mga kasama natin ngayon. Mga kalalakihan, mga kababaihan, marami din kabataan. Sino 'yung mga estudyante dito? Ayun, 'yung tanong ko, ang tanong ko po, nako may finals magagalit sa akin 'yung mga teacher niyo. Ang tanong ko, bakit ba ngayong eleksyon involved na involved ang mga estudyante, bakit? Para sa future, ayun. Bakit, ano ba 'yung pinapangarap natin na future para sa atin? Bakit tayo nakikipaglaban?

    Mahusay sa recitation itong nasa harap. Sabi niya, para daw sigurado ang kinabukasan. Kahit naman po, kahit kami na medyo may edad na, nangangarap pa din kami na maging maganda 'yung kinabukasan ng mga anak namin, di ba? 'Yung mga nanay at tatay na nandito, di ba wala naman tayong ibang pangarap kundi ang buhay ng mga anak natin, mas maging mabuti kaysa sa buhay natin, di ba? Mangyayari lang po 'yung pagbabago pag hindi tayo nagkamali sa eleksyon dahil pag nagkamali po tayo sa eleksyon, kung masilaw na naman tayo ng mga pambobola ng iba, wala naman po tayong pagbabagong aasahan.

    Ngayon pong kampanya, maraming pupunta dito. Ngayong kampanya, maraming manliligaw sa atin. Pero, okay naman na pakinggan natin sila pero huwag basta-basta magpapabola, puwede ba 'yun? Pag nangako po sa atin, ano ang dapat nating sabihin? “Asan ang resibo?” Pag sinabi nila na mahal ko ang Oriental Mindoro, mahal ko ang Pinamalayan, tanungin ninyo sila. Noong wala bang eleksyon, naisip man lang ba nilang silipin kayo dito? Dahil pagdating po ng kampanya, maraming nagsasabing “Mahal ko kayo, aasikasuhin ko kayo.” Pero ang resibong kailangan natin, asan kayo noong hindi pa kampanya?

    Kaya sa akin po ngayon, kahit ang aga-aga, nandito kayo lahat, ang taas ng energy level. 'Yung saya pong pinapakita niyo sa amin, 'yun 'yung nagbibigay sa amin ng lakas at inspirasyon. Ang mensahe po noon sa amin ni Senator Kiko, tama 'yung pinaglalaban natin ngayon. Alam po namin na mahirap ang election na ito dahil 'yung mga kalaban, matagal nang naghahanda. Pero pag ganito po 'yung pinapakita niyong pagmamahal sa amin, pag magkakapit-bisig tayo hanggang sa dulo, wala pong imposible.

    Pinakita na natin po 'yun sa maraming eleksyon na nagdaan. Noong 2016 po, baguhan ako. Pumunta din ako dito sa inyo, hindi niyo pa ako kilala. Nangangako lang akong hindi ko kayo papabayaan pero kahit po baguhan ako, napakalaki ng panalo ko dito sa inyo. Kaya ngayon po, nagpapasalamat ako hindi lang po sa botong nakuha ko noong 2016 pero nagpapasalamat po ako dahil hanggang ngayon, pinapakita niyo po sa amin 'yung pagmamahal na pinakita niyo sa amin noong 2016. Kaya maraming maraming salamat sa inyo, 'yung mga kabataan dito, sino ba 'yung first time voters? Marami 'yung first time voters. Di ba pag first time, ayaw mong sayangin? Kaya sa atin po ang hinihingi natin sa mga first time voters, ang kapangyarihan nasa kamay ninyo. Wag po natin itong sasayangin sa pagboto nang hindi tama.

    Pero ito po 'yung pinapangako ko sa inyo, pag kami po 'yung binigyan niyo ng pagkakataon manilbihan, kabahagi po kayo ng aming magiging pamahalaan. Dahil ang gobyerno po, hindi lang kami 'yun. Ang gobyerno, tayo 'yun lahat at 'yung pinapakita niyo po ngayon sa amin, nandito kayo. Hindi lang kayo nakikinig pero kabahagi kayo ng ating pinaglalaban. Kahit po anong pera, kahit anong makinarya, wala 'yung sinabi sa pagkakapit-bisig ng taumbayan.

    Kaya ngayon po, malakas 'yung loob namin. Malakas po 'yung loob namin dahil nararamdaman namin na mahal niyo kami, totoo ba 'yun? [crowd cheers] Mula po ngayong araw, 68 days na lang, kampanya na. Marami po tayong tatrabahuhin bago magkampanya. Alam ko po na kayo nakakabasa ba kayo ng mga fake news sa social media? Napakadami di ba? Ngayon po, may 68 days tayo para basagin 'yung lahat na kasinungalingan dahil ayaw po natin na ang eleksyon na ito, ang babasehan, kasinungalingan. Kung handa po tayong makipaglaban for the next 68 days para sa katotohanan, handa ba tayo? Mananalo po tayo.

    Kaya sa inyo po, maraming maraming salamat sa pagsama po sa amin ngayong umaga. Mahal ko po kayo mga taga-Oriental Mindoro. Babalik at babalik po kami dito gaya ng ginawa natin sa loob ng anim na taon.

    Isang picture lang, sige para makapag-exam na ito, halika na. Isang picture, halika, halika, lapit ka dito, lapit. Pagbigyan natin siya kasi amy exam siya mamaya. Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat.

    [END 0:16:09]

     

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2022