This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Sorsogon Provincial Gymnasium Sorsogon Provincial Gymnasium, Sorsogon City, Sorsogon

    Vice President Leni Robredo’s Message at the Sorsogon Provincial Gymnasium
    Sorsogon Provincial Gymnasium, Sorsogon City, Sorsogon

     

    [START 00:11]
    *note: the entire message was delivered in Bicol and translated to Tagalog.

    [Bicol 00:11 – 02:44] Maraming salamat po! Magandang tanghali po sa inyong lahat. Ang akin pong paggalang sa ating iniidolo at magaling na gobernador ng Sorsogon, Governor Chiz Escudero, Vice Governor [Coco Fortes 00:00:28], magandang umaga po. Sa mga members po ng Sangguniang Panlalawigang kasama natin ngayon, ang atin pong mga mayors na kasama natin ngayon na pinapangunahan po ni Mayor [Jo). Nasaan si Mayor [Jo]? Si Mayor [Jo] po, magkaklase kami noong high school kaya matagal na kaming magkakilala. Bata pa po kami, magkakilala na kami ni Mayor [Jo]. Susunod si Mayor Sweet, Narito na ba si Mayor Sweet? Magandang umaga po. Mayor Bong? Si Mayor Bong po ng Castilla. Ang susunod nating gobernador, ngayon ay mayor ng Casiguran, Mayor Buboy. Nasaan po? Naroon. Ang atin pong mayor sa Magallanes, Mayor Tito. Magandang tanghali sainyo. Ang mayor ko po sa Bulan, Mayor Mio, Narito na ba si Mayor Mio? Magandang tanghali po. Magkasama na po kami nang naglibot ako sa Bulan kanina. Narito din po ang Santa Magdalena OIC, Mayor [Ruben] Espela, magandang tanghali. Matnog Mayor Claudette, magandang tanghali po. Bulusan Mayor Mike Guysayco, hello po. Prieto Diaz Mayor [Boy T.] Doma, magandang tanghali. Siyempre po, last, but not the least, Mayor Ester ng Sorsogon City. Sa atin pong mga vice mayors, mga members ng kani-kaniyang Sangguniang Panglunsod at Sangguniang Bayan ng iba’t ibang munisipyo, at sa iba pa pong kasamahan natin galing sa iba’t ibang organisasyon, sa mga members po ng Solid Leni Bicol – Sorsogon, salamat sa inyo. Siyempre ang aking partner, Senator Kiko Pangilinan, ang akin pong campaign manager, Senator Bam Aquino, sa inyo pong lahat, magandang tanghali pong muli.

    [Bicol 02:44 – 05:47] Tulad po ng sabi kanina ni Gov. Chiz, galing po ako sa Sorsogon. Hindi po ako dito ipinanganak. Ang ama ko po ang taga-Bulan, Sorsogon. Pero nung kabataan ko, bata pa pala. Nung ako ay bata pa, nooong nabubuhay pa ang aking lolo, dahil ako ang panganay sa mga apo, bawat fiesta sa Bulan ay kasama niya ako taon-taon. Kaya Mayor Mio (?), taon-taon akong kasama sa Bulan. Pero ang memory ko ng Sorsogon noong bata pa ako, kada bisita ko dito ngayon ay ibang iba na ang Sorsogon. Kanina po ay sinasabi ko kay Governor Chiz, galing sa taas ay napakaganda na, napakaganda na ng Sorsogon. Dahil po ito sa nagdesisyon kayong magkaisa. Kapag malinis, matuwid, at maayos ang pamamalakad ay maraming nagagawa. Ito po ang ating ipinaglalaban ngayon. Na itulak ang kultura ng malinis, matapat, at maayos na pamamahala para angat buhay lahat. Nakita po natin ito sa Sorsogon.

    Actually, kapag nag-uusap po kaming mga taga-labas ng Sorsogon, ang palagi naming aspiration na sana ang mga daanan sa amin ay kasingganda rin ng sa Sorsogon. Sana ang mga facilities namin ay kasing ganda rin ng sa Sorsogon. Ngunit bakit siya nagawa? Dahil matino ang pamamahala. Pero sa akin po, napakalaki ng aking utang-na-loob kay Gov. Chiz. Hindi niya po ito ikinukwento, ngunit noong ako ay naging Vice President, siya po noon ang Chairman ng Committee on Finance sa Senate. Siya po ang tumutulong sa aming makakuha ng pondo para sa aming mga proyekto. Alam niyo naman pong konti lamang ang pera ng Office of Vice President. Pero si Sen. Chiz, tinutulungan po kami para makapunta, makapagserbisyo sa mga malalayong komunidad.

    Simula po ng pagdating ko sa Gubat, pumunta po ako sa Gubat. May mga representatives doong hindi lang galing sa Gubat. Merong mga taga-Prieto Diaz, may taga-Barcelona, may taga-Bulusan. Excited ang mga tao. Nung tinanong ko po, “Bakit ibang-iba kayo ngayon kompara noong mga una kong pagbisita?” Ang sagot po nila, “Excited kaming mayroon tayong pagkakataong ang maging presidente ay isang Bikolano.”

    [Bicol 05:52 – 08:05] Tunay nga naman. Kapag nabigyan po ng pagkakataong ang maging presidente ay isang Bikolano, napakalaking tulong po ito sa buong rehiyon. Ibig sabihin, ang napakarami nating mga pangarap para sa ating rehiyon, mas malaki ang pagkakataong maisakatotohanan natin ang mga pangarap. Pero ang sabi ko po sa kanila kanina, “Sana tinutulungan ninyo ako ngayong eleksyon hindi lang dahil sa Bikolano ako. Pero sana tinutulungan ninyo po ako ngayong eleksyon dahil naniniwala po kayo sa aking mga pinaninindigan.

    At ang paniniwala pong ito ay ang palagi nating sinasabing matino at mahusay na pamumuno. Ito po ang sinasabi nating kapag matino at mahusay ang pamumuno, mas walang maiiwan sa laylayan. Ito po ang ipinapakita natin sa napakaraming mga lugar dito sa ating bansa, na kapag maayos ang pamamahala, palaging naaabot ang mga nasa pinakalaylayan. Ito po ang pinaniniwalaan natin ngayon, sana ito rin po ang inyong pinaniniwalaan. Mahalaga po sa aking pareho tayo ng pinaniniwalaan dahil importanteng nagkakaisa tayo dahil sa paniniwalang ito.

    Sa matagal nang panahon, ang politka sa ibang lugar ay laging nangyayari lamang sa mga “transaksyon.” Pero nakita ninyo dito sa Sorsogon, nakita ninyo sa ibang bahagi, hindi lamang ng Bicol Region, pero ng buong bansa, na kapag ang pamumuno ay nakaangkla sa paniniwala, sa pamamahalang matino at matuwid, ang manginginabang lang naman ay ang mga nasa laylayan. Kaya iyan po ang ating pinaniniwalaan: Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat.

    [Bicol 08:09 – 10:11] Simula po ngayong araw, 89 days na lang. 89 days na lang bago ang eleksyon. Ito pong 89 days, gagawin na natin ang lahat. Gagawin na natin ang lahat para matulungan, siyempre po, hindi lang kami ni Senator Kiko, pero may babalik tayong senador. Kailangan pong makabalik si Sen. Chiz. Dapat po ay napakalaking boto ang makuha niya dito sa Bicol Region para ang mag-top notcher ay isang Bikolano. Pagtatrabahuhan natin iyan. Pagtatrabahuhan po natin ang ating mga ipinaglalaban. Sanay naman po ako sa isang mahirap na laban. Sanay naman po ako sa isang mahirap na laban. Gagawin natin ang lahat sa 89 days upang tayo ay magtagumpay sa huli.

    Babalik pa po ako, nagpromise po ako kay Mayor Ester na bago mag-eleksyon ay babalik pa ako sa Sorsogon dahil taga-rito tayo. Ito ay ikalawang araw ng official campaign period. Sinadya ko po talagang ang first two days ay dito sa Bikol dahil dito ako ipinanganak, dito ako lumaki, dito ako nag-aral, dito ako nakapag-asawa, dito ako bumuo ng pamilya. Tama lang namang dito ako magpapaalam para kayo pong lahat ang kasama ko sa labang ito.

    Kaya maraming salamat. Hindi lang po ako ang inyong tutulungan natin, siyempre ang aking partner na si Senator Kiko, ang ating senatorial lineup. Hindi ko na po iisa-isahin, pero sa pangunguna siyempre ng minamahal nating governor, Gov. Chiz. Magsama-sama po tayo. Napakahalaga po ng labang ito para sa Bicolandia. Mabuhay po kayong lahat. Maraming salamat po.

     

     

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 09, 2022