This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, di sang-ayon sa pagpapaliban ng barangay elections, nangakong tututukan ang pagpapalakas ng sektor ng kabataan

    VP Leni, di sang-ayon sa pagpapaliban ng barangay elections, nangakong tututukan ang pagpapalakas ng sektor ng kabataan


    Nagpahayag ng suporta para sa sektor ng kabataan si presidential aspirant Vice President Leni Robredo noong Lunes, January 17. Sinabi niyang hindi rin siya sang-ayon sa pagpapaliban ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan dahil para sa kanya, ang eleksyon ay isang demokratikong proseso kung saan naipapahayag ang boses ng taumbayan.

    “Ang eleksyon kasi hindi lang itong simpleng pagluklok di ba, hindi lang siya simpleng pagluklok ng mga opisyal sa posisyon pero isa itong democratic process na pinapakinggan 'yung boses ng lahat. Para ma-postpone ulit ito, kailangan magpasa ng panibagong batas," pahayag ni Robredo.

    Ang posibilidad ng pagpapaliban ng barangay at SK elections ay natanong sa online RizaLeni meet and greet event.

    Noong Nobyembre ng nakaraang taon, naghain ang isang mambabatas ng House Bill na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK elections hanggang Mayo 2024, at ang sinabing dahilan ay para maipagpatuloy ang serbisyo ng gobyerno ngayong pandemya.

    Si Robredo ay isa sa mga pangunahing may akda ng Sangguniang Kabataan Reform Law, at binigyang diin niya ang importansya nito. Bilang congresswoman, tinulak ni Robredo na magkaroon ng anti-political dynasty provision ang batas.

    Ayon kay Robredo, ang Sangguniang Kabataan ay isang paraan upang makapagpanday ng mga lider ng bansa.

    Ang pag-abolisa nito ay paulit-ulit na pinag-uusapan dahil sa mga kritisismo laban dito. Ayon kay Robredo, gusto niyang pagtuunan ng pansin ang sektor ng kabataan at turuan sila ng mabuting pamumuno sa halip na buwagin ang SK.

    “Babalik tayo sa in the first place, bakit nagkaroon ng SK Law? Nagkaroon ng SK Law kasi gusto natin na training ground siya for future leaders. Di ba, 'yun naman 'yung pinakasadya? So, kung ang reklamo natin hindi marunong gumastos ng pera 'yung ibang SK, eh di, tulungan natin," diin ni Robredo.

    Ang online RizaLeni meet and greet event ay inorganisa ng Robredo People’s Council (RPC) kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga taga-suporta ni Robredo na mismong siya ang makausap at mapakinggan tungkol sa mga isyung kanilang kinahaharap sa probinsya ng Rizal.

    Ang online meet and greet ay nagbigay din ng daan upang maibahagi ng iba’t ibang grupo kung paano sila natulungan ng mga programa ni Robredo.

    Ang Lakas ng Kababaihan ng Bagong Pagasa, sa pangunguna ni Libby Gomez, ay nabigyan ng tulong pinansyal at mga makinang panahi. Dahil dito, naitayo nila ang kanilang negosyo at mayroon na ngayong sapat na ipon para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

    Ayon kay Robredo, maraming komunidad na ang naging kabahagi nila sa Rizal ngunit tahimik lamang ang opisina nila tungkol sa kanilang mga inisyatiba. Para kay Robredo, bilang isang lingkod-bayan, mas nakatutok siya sa mga resulta ng kanyang mga proyekto at kung paano makikinabang ang mga komunidad, hindi sa atensyong madadala sa kanya bilang isang opisyal ng gobyerno.

    “Dapat ‘yung public service, hindi ‘yung atensyon ‘yung nagmo-motivate sayong gumalaw, pero dapat ‘yung nagmo-motivate sa atin gumalaw, ‘yung outcomes na nararamdaman nung mga partners sa buhay nila,” ayon kay Robredo.

    Bukod sa sektor ng kabataan at kababaihan, nangako rin si Robredo na palalakasin pa ang suporta sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na isa nang prayoridad sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng kanilang Sustainable Livelihood and Training Program.

    Nasa 372 na ang mga organisasyong naging partner ng Angat Buhay Program, ang punong programa ng OVP para matulungan ang mga nasa laylayan ng lipunan. Nakalikom na rin ito ng P520 milyong halaga ng mapagkukunan ng para sa 320,000 na pamilya at 305,000 indibidwal sa 223 na komunidad sa buong bansa.

    Nangako si Robredo na ipagpapatuloy ang mga programang ito kapag siya ay nahalal bilang pangulo.

    "Ang aasahan niyo sa akin bilang, bilang public servant, na 'yung aking magiging pamahalaan ay nakatuon talaga sa pagsiguro na 'yung matagal nang napapag-iwanan ay sila 'yung binibigyan ng mas malaking tulong," sabi ni Robredo.

    Ang RizaLeni meet and greet ay dinaluhan ng libu-libong manonood sa Facebook.

    Dumalo rin sina Rizal Vice Governor Reynaldo “Junrey” San Juan Jr., at Provincial Board Member Dino Tanjuatco na naghatid ng mensahe ng pagsuporta para kay Robredo.

    Pinangunahan ang meet and greet ng entrepreneur at celebrity na si Pia Magalona at TV5 sports journalist na si Justin Sulit. [End]

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 18, 2022